App herunterladen
61.53% Gino, My Genie (KathNiel Tagalog Fanfic) / Chapter 8: Chapter 6 (The Pact)

Kapitel 8: Chapter 6 (The Pact)

Mikay's POV

"Mikay, mikay?! Gising na! Malelate ka na, Lunes ngayon!! May klase ka pa kay Ms. Katapangtapangan 'diba!? Nako, malilintikan ka doon! Isisingko ka!!"

Gigil akong bumangon at binato ko ng unan 'yung genie na palutang-lutang sa ibabaw ko. Nasapol tuloy s'ya sa mukha. Ang ingay e. Kung makahiyaw parang akala mo may sunog.

"Gising na ako kaya hindi mo na kailangang sumigaw!!" sigaw ko pabalik. Nang mapansin kong madilim pa sa labas ng bintana, sumulyap ako sa orasan. "5:30 palang! Ang aga mong mangbulahaw!!"

Lumanding s'ya sa kama ko at nakitabi sa akin.

"Excited lang akong pumili ng susuotin ko. 'Diba, pumayag ka nang sasama ako sa school n'yo?" parang tuta s'yang ngumiti.

But, yep. You guys read it right. Maghapon n'ya akong kinulit kahapon na sasama na raw s'ya sakin pumasok although hindi naman talaga s'ya papasok para mag-aral. Sasama lang talaga s'ya sakin. Pumayag na rin ako dahil wala naman akong nakikitang masama sa gusto n'ya, 'yun nga lang, marami akong conditions. Actually sinulat ko na 'yun kagabi bago ako matulog e. Magpipirmahan na lang kami mamaya.

Yes, pirmahan talaga! Para naman assured akong susunod talaga s'ya at mananagot s'ya kapag may nilabag s'ya doon.

"Pili ng susuotin your face. Bakit nga ba lagi ka na lang papalit-palit ng damit? Tapos award ka pa kung makaporma? Feeling artista ka rin no?"

"Hmm, pwede na rin. Mukha rin naman akong artista e. Pero bakit ba nangingialam ka ng porma ko? Genie ako, kaya I can wear whatever I want. Gusto mo mag-swimming trunks ako dito sa harapan mo?"

Hinampas ko s'ya nung isa ko pang unan at tumayo na ako. "Subukan mo. Nang lunurin kita sa inidoro."

Iniwan ko na lang s'ya na tatawa-tawa doon at ako, nagpunta na ng banyo para maligo. Hiyaw pa ako nang hiyaw dahil sobrang lamig ng tubig. Pesteng genie kasi 'to e! Gisingin ba naman ako nang ganito kaaga? Napakapabibo! Kala mo namang mag-aaral talaga. If I know, sasama lang 'to para magpacute sa mga babae, bakla, pusit, tahong, talaba, at hipon sa school!

"Mikay.. Naririnig kita.." parang serial killer na sabi n'ya sa likod ng pinto ng banyo.

"Tse!"

Tinapos ko na nga lang ang pagligo ko at paglabas ko ng banyo, nilagay ko agad sa laundry basket 'yung mga hinubad kong salawal. Nakakahiya naman kasi sa genie na 'to dahil baka s'ya na naman mag-ayos.

Naabutan ko 'yung genie na lumulutang sa ibabaw ng study table ko at sakto namang nakita ko 'yung ginawa kong listahan ng conditions kagabi. Inabot ko 'yun sa kanya at s'ya na mismo ang nagbasa.

"Bawal magtransform sa pagiging usok-like, bawal itago ang paa, bawal lumutang, bawal magteleport kung saan-saan, bawal magsummon ng bagay basta-basta, bawal pumorma na parang artista. Simpleng damit lang. Bawal magpacute sa babae man o bakla. Kahit sa lalaki rin. Hmm." binaliktad n'ya 'yung papel at binasa n'ya 'yung nasa likod. "Anomang nakasulat ang labagin ni Gino ay magiging ground para magquit si Mikay sa pagiging master n'ya. Signed by Gino. Signed by Mikay." tinignan ako ng masama ni Gino. "Ang daya mo naman, Mikay! Bakit puro ako lang ang pinagbabawalan dito? Dapat ikaw rin!"

Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Bakit ka rin! Sino bang banyaga dito sa mundo ng mga tao? 'Diba ikaw? Kaya ikaw ang mag-aadjust dito." masungit na sabi ko tapos humarap na ako sa salamin na nasa labas ng aparador ko. Para na rin makapagsuklay at makapag-ayos ng mukha.

"What about teleporting and summoning? Fixed na ba 'to? Bawal ko talagang gawin 'to within the premises of your campus?"

Sinukbit ko 'yung bag ko at humarap sa kanya.

"Hmm, tentative pa 'yan. Baka magkagipitan pa rin tayo e, mahirap na. Saka lahat ng nakasulat d'yan ha? Applicable sa lahat ng lugar, lalo sa matao. Ay teka, hindi pa pala tayo nagkakapirmahan." dinukot ko sa bulsa ng bag ko 'yung bagong bili kong sign pen kahapon.

Korni naman kasi ng quill pen na bigay ng genie na 'to e. Ano 'yun? Hanggang sa school magdadala ako ng ink para lang magamit 'yun?

"Choosy ka pa. Ayaw mo nun, para kang 'yung national hero n'yo. Si Juan Rizal."

Napatawa ako bigla sa sinabi n'ya.

"Teh, Jose Rizal. 'Wag kang mag-imbento d'yan ng sarili mong bayani." inabot ko sa kanya 'yung ballpen at papel. "Two copies 'yan. Tig-isa tayo. Pirmahan mo parehas."

"Oh, yan. Tapos na." inis na inabot n'ya sakin 'yung papel. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko 'yung pirma n'ya.

"Kung tao ka lang, sinamantala ka na ng iba. Lalo mga documents mo. Ang daling iforge ng pirma mo e." nagpigil ako ng tawa. Anong klaseng pirma ba naman kasi 'to? Wala bang mga legal documents sa mundo nila na kinakailangan ng pirma?

Tinago ko 'yung mga papel sa drawer ko.

"We have. Wala lang talagang mga manloloko at mapagsamantala samin. 'Di tulad n'yo. Powerless na nga, naglolokohan pa."

"You saying something, Gino?" inambaan ko s'ya ng kurot pero nagpeace sign lang s'ya sakin.

"Wala. Ang sabi ko, anong oras tayo papasok?"

"Good question." tinulak ko s'ya palabas ng kwarto ko.

Nagpupumiglas pa nga e. Pero 'di na s'ya nanlaban nang makita n'yang lumabas na rin ako sukbit ang backpack ko.

"Although halos kaka-6am palang, tara na pumasok na tayo." bumaba na ako ng hagdan at iniwan ko s'ya. Ayaw pang sumunod e.

"Teka, hindi man lang ba muna tayo mag-aalmusal?"

"Almusal ka d'yan. Hindi ka naman talaga kumakain e." sabi ko. Sumunod na rin s'ya sakin pero panay pa rin ang salita n'ya.

"E pa'no ikaw? Hindi ka rin kakain?"

"I will. Pero brunch na ako."

"Wow, brunch. Lakas maka sosyal."

"Sosyal? Hindi 'no. Lakas kamong makatipid. 'Yun lang kaya ng bulsa at wallet ko e. 2 meals per day." tumawa ako pero napansin kong napatigil s'ya unti-unti sa pagbaba ng hagdan . Hinarap ko s'ya at nakita kong parang tuta na s'yang nakapout doon. "Oh, problema mo? Tara na!" hinaltak ko s'ya pababa. Pero nung nakalabas na kami ng building namin, binitiwan ko na s'ya.

"Tandaan mo bilin ko sa'yo ha? Hindi ka sa gate papasok. You will do whatever you have to do para makapagteleport sa loob ng campus nang walang nakakakita sa'yo. Just like what you did last time. Alright? And isa pa.." tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa. "Dapat pagka teleport mo sa loob, iba na damit mo. Mas simple na lang. Remember 'yung pact natin, okay?"

Tumango-tango s'ya doon habang nakangiti nang matipid.

"Imemeet kita sa park na malapit sa building namin ha? Bago ako pumasok." yun na lang ang sinabi ko at nauna na akong naglakad papuntang school.

'Di ko alam kung saan s'ya magteteleport. Pero may tiwala naman ako sa kanya na 'di n'ya ipapahamak ang sarili n'ya.

Hindi ko na s'ya nilingon pa at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Hindi ko na rin kinailangang tumakbo pa dahil wala akong hinahabol na oras. Masyado pang maaga. At parang kailan lang since huli akong nakapasok nang ganto kaaga. Ang sarap sa pakiramdam kasi tahimik, tapos walang pang maraming estudyante.

I admit, nakakamiss din ang ganito.

Nakangiti akong pumasok sa gate 5. Agad naman akong dinala ng paa ko papunta sa park na pagkikitaan namin ni Gino at agad ko rin s'yang nakitang nakaupo sa isang bench doon. Nakatalikod s'ya sakin kaya umiral na naman ang pagiging balahura ko.

"WAAAAA!!!"

"Ay, kawawang Mikay!" napatalon s'ya mula sa pagkakaupo. Pero hindi ko na s'ya napagtawanan pa. Basta pinitik ko na lang nang malakas ang noo n'ya.

"Ako, kawawa? Bakit ako kawawa?" matapang na sabi ko sa kanya. Inambaan ko rin s'ya ng suntok para mas maging effective. Kaso, waley. Pinagtawanan pa ako ng loko.

"Di ka nakakatakot. Bleh!" binelatan n'ya ko. Tinulak ko naman s'ya para magkaroon ako ng mauupuan sa tabi n'ya kahit saglit lang.

"Dito ka lang ah, 'wag kang aalis. 'Pag ikaw hindi ko naabutan dito pagtapos ng klase ko, yari ka sakin!" tumayo na rin ako at nagbye sa kanya dahil natanawan ko si Ms. Katapangtapangan. Naglalakad at may hawak na bag ng laptop. May bitbit ding projector sa kaliwang kamay.

"Good morning, maam! Tulungan na po kita!" nakangiting bati ko. Kahit naman lagi akong pinapagalitan nito ni maam, hindi naman ako naghohold ng grudge sa kanya.

Nakangiti n'yang inabot sakin 'yung bag ng laptop. "Salamat, Mikay. Ang aga mo naman ata ngayon. Nakakapanibago."

"Si maam naman. 'Wag n'yo na pong batiin dahil baka malate na naman ako next week." sumimangot ako at nagkunwaring nahuhurt.

"Biro lang, anak." tumawa s'ya at kinuha ulit sakin 'yung laptop n'ya pagkarating namin sa room. "You must be inspired."

"Po?" 'di ko kasi nagets e.

"Kaya ka maaga ngayon."

Napakamot ako ng ulo ko. "Ah, nako maam. Matino lang po 'yung bagong alarm clock ko ngayon. Kaya nagising ako agad." 'yun na lang ang sinabi ko at umupo na ako sa upuan ko.

Kayo ba naman kasi magkaroon ng alarm clock na OA, malakas humiyaw, tapos lumulutang-lutang pa sa ere, hindi ba kayo agad magigising? 'Yun na siguro ang pinakamatinong alarm clock sa mundo dahil mapipilitan ka talagang bumangon agad sa sobrang pagkairita.

Pero kumusta na kayo 'yung genie na 'yon? Ano kayang ginagawa n'ya?

***

Pagtapos ng klase ko, agad na akong dumeretso sa park para kitain si Gino. Hindi ko s'ya nakita doon sa mismong bench na pinag-iwanan ko sa kanya pero, hindi na rin naman ako nahirapang hanapin pa s'ya. Dahil na rin sa tulong ng ilang mga babae, bakla, pusit, tahong, talaba, at hipon na nandito sa park. Panay turo at silip sila doon sa isang lalaking prenteng-prenteng nakahiga sa damuhan, sa ilalim ng lilim ng puno. With matching suot pa ng shades.

Mabilis ko s'yang nilapitan at pinitik sa noo n'ya. Nagulat s'ya dahil doon pero kumalma naman s'ya nang makita n'ya ako.

"Model ka ba ng damo? Ng puno? Ng lilim? At kung makahiga ka d'yan para bang akala mo may nagbibigay sa'yo ng talent fee? Lintek Gino, oh. Hindi mo ba natatandaan 'yung huling nakasulat sa pact natin? Bawal magpacute?"gigil na bulong ko. Umupo s'ya nang dahan-dahan at sumandal sa puno.

"Kasalanan ko bang cute ako sa paningin ng lahi n'yo?" sumulyap s'ya dun sa mga nakatingin sa kanya tapos kumaway s'ya. Nagtilian naman ang mga lintek.

Pinalo ko sa braso si Gino. "Kumaway ka pa! Ni hindi mo man lang ba naisip na iwasan sila para 'di sila ganyan? Sana man lang lumipat ka ng matatambayan!"

Mabagal n'yang inalis sa 'yung suot n'yang shades. "Diba sabi mo 'wag akong aalis dito dahil yari ako sayo?"

Napakamot ako bigla ng ulo ko.

"Ay, sinabi ko ba 'yun? tumayo ako at hinaltak ko s'ya. "Tara na lang, samahan mo ko."

Hawak ko s'ya sa braso at hinaltak ko s'ya hanggang cafeteria. Pahiya ako sa sinabi n'ya e. Todo sermon ako sa kanya pero ako naman pala mali.

Pero teka, may mali rin s'ya! Napaka masunurin n'ya naman! Hindi ba s'ya marunong mag-isip?

"Wow, hindi marunong mag-isip ah? Coming from a POWERLESS specie like you."

Mariin ko s'yang kinurot sa tagilirin n'ya. Ipagkadiinan daw ba 'yung word na POWERLESS!? Pinapamukha pa sakin, ganon?

"Ingat-ingatan mo sinasabi mo dahil baka may makarinig sayo." bulong ko nang nakangiti sa kanya pero gigil na gigil na rin.

"Ano bang gagawin natin dito? Mas maraming nagpapacute sakin oh." bulong n'ya pabalik.

"Baka kakain ako dito, Gino. Kasi cafeteria 'to."

"Kakain? 'Yun lang pala. Edi sana nagwish—"

Mabilis kong itinapal ang kamay ko sa bunganga n'yang malaki, na walang habas sa pagputak kahit pinagtitinginan na kami dito.

"Kakasabi ko lang diba? Mag-ingat sa pagsasalita?" bulong ko na nakangiti nang malawak. Nakita ko kasi si Ms. Katapang-tapangan na dumaan. At nakangiti rin sa gawin namin.

Pinagbantaan ko si Gino na 'di ko na s'ya isasama ulit kapag nagsalita pa s'ya. Edi ayun. Hanggang sa makabili ako ng pagkain, nakahawak s'ya sa bibig n'ya. Takot s'ya e. Mabubulok s'ya sa dorm ko kapag nagkataon.

Umupo kami doon sa table na hindi gaanong pansinin ng  mga tao. Para na rin tahimik akong makakain. Ako lang talaga. Kasi 'tong genie na 'to. Hindi naman kumakain. Immortal e. Mayabang.

"Bakit nga ba hindi ka kumakain? Hindi rin ba kayo nakakaramdam ng gutom?" bulong ko at inumpisahan ko nang kumain nung siomai rice na binili ko. 30 pesos lang kasi 'to kaya pinapatos ko na. May ulam na, may kanin pa. Saan ka pa?

Hindi s'ya sumagot kaya natawa na lang ako.

"Pwede ka nang magsalita, basta ingat lang."

Tinanggal n'ya agad 'yung kamay sa bibig n'ya tapos pinunasan n'ya. Nagpawis na kasi. Hahaha!

"Pwe. Akala ko mapapanis na laway ko dun ah?" umayos s'ya ng upo at ngumiti sakin. "Capable pa rin kami sa gutom, Mikay. Pero 'yun nga lang, kaya naming mag-self replenish. I mean kami, 'pag nagutom, iisipin lang namin na busog na kami, mabubusog na nga kami nang hindi kami kumakain."

"Okay, okay. Pero pwede pa rin naman kayong kumain? Let's say for example, itong siomai na pagkain namin?" tinuhog ko 'yung siomai tapos itinapat ko sa mata n'ya.

"Oo naman. Nakatikim na ako n'yan. 'Yun pa talagang gawang China."

Tumango-tango ako. Sinubo ko 'yung siomai, tapos tinuhog ko 'yung isang natitira pa. "Oh, sayo na lang."

Tinignan ni Gino 'yung siomai. Nakita kong napadila s'ya sa labi n'ya pero umiling din s'ya pagtapos.

"No, thanks. Sa'yo na 'yan. Kawawa katawan mo oh. Ang payat-payat."

Inirapan ko s'ya at sinubo ko 'yung siomai. "Nyedi wow." sabi ko habang ngumunguya.

Tumawa s'ya. "Kung gutom ka pa, 'wag kang mahiya. Mag-wish—"

Tinakpan ko bigla 'yung bibig n'ya at ako na ang tumapos ng sasabihin n'ya.

"Hindi, hindi ko na kailangang magwish pa sa shooting star 'pag nagutom ako. Ilibre mo na lang ako." pinandilatan ko si Gino ng mata ko. Salamat naman at sumakay s'ya sa sinasabi ko.

"S-sure, ikaw pa ba?"

Hindi na ako sumagot at hinaltak ko na s'ya palabas ng cafeteria.

Kung iniisip n'yo kung ano 'yung eksena namin ngayon-ngayon lang, bigla lang namang may dumaan na bakla sa gilid namin habang nag-uusap kami. Pero hindi lang s'ya basta dumaan kasi huminto pa s'ya sa tabi namin at pasimpleng pinicturan ang lalaking 'to. Sakto pa mismo nung sabihin nito 'yung word na wish.

Odiba? Muntik na muntik nang mahuli? Putak nang putak e!

"Tandaan mo, ha? May idadagdag ako sa listahang pinirmahan natin kanina." gigil na sabi ko.

Tinakpan na lang n'ya 'yung bibig n'ya at alam ko na kung bakit. Naramdaman n'ya sigurong malapit ko nang tahiin ang bibig n'ya.

**

Apat lang ang subject namin ngayong sem. Dalawang subject 'pag Monday, dalawa rin 'pag Tuesday. Lahat 'yun puro major subjects na. Wednesday to Sunday ang free day namin. Nag give way sila para makapagfocus kami sa thesis namin. Para may malaking time kami na magagamit lalo na sa data gathering. Isa kasi 'yun sa pinakamahirap na part. Doon kasi 'yung part na magreresearch kami, tapos field. Depende sa method na gagamitin namin kung interview, survey, or etc.

But well, since Monday ngayon, may 4 hours akong vacant bago 'yung last subject ko. Nakatambay ako ngayon dito sa library kasi ito talaga takbuhan ko kapag may vacant ako at wala akong magawa.

'Yung genie naman? Ayun pinauwi ko. Nakakainis e. He must learn his lesson para naman sa susunod maging maingat na s'ya. Na 'wag na s'yang basta-basta magbabanggit ng mga bagay tungkol sa kanya at sa mundo nila. Kasi baka may makarinig e. Dami pa man ding umaaligid na babae, bakla, pusit, tahong, talaba at hipon sa kanya. Heartthrob nga kasi ang genie na 'yon. Malakas ang dating. Ang taas. Ang taas lumutang. 'Di ko mareach.

Pero ano naman kayang ginagawa ng genie na 'yon ngayon? Hindi kaya nagtampo or nainis sakin na 'yun kasi pinauwi ko na s'ya agad? Na hindi man lang s'ya nakagala at nakapagliwaliw sa campus?

Haaay.. S'ya naman kasi e, ilang beses ko na s'yang sinabihan pero 'di talaga s'ya nag-iingat. Para rin naman kasi sa kanya 'yung paghihigpit na ginagawa ko e. Ayaw ko lang may makapansin sa tunay n'yang pagkatao, or magkakaron ng hint 'yung iba, tapos magiging rason pa 'yun para mapahamak s'ya. Syempre gusto kong matapos n'ya 'yung mission n'ya dito sa mundo namin peacefully.

"Mikaela? Mikaela Dela Rosa?"

Napabalik ako sa sarili ko nang may tumawag sakin. Tumingala ako mula sa pagkakasubsob sa mga libro ko at bumungad sa akin ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. I mean, hindi s'ya 100% lalaki pero lalaki pa rin s'ya sa paningin ko.

"Yes?" sagot ko.

Ang gulat ko naman nang bigla n'ya akong ismiran. "Will you mind if I ask you something?"

"Hmm, hindi naman. Ano ba 'yun?"

Tumalikod s'ya sakin. "Tara, dun tayo mag-usap sa labas."

Nagwalkout s'ya palabas ng library at ako sumunod na lang sa kanya palabas. Malay ko ba kung magpapatutor 'to at babayaran ako? Pwede ko pang ipang contribute sa thesis 'yung kikitain ko. Diba?

Napangiti ako sa isip-isip ko.

"Isang tanong, isang sagot—"

"YES!!" hiyaw ko agad. Odiba, easy money? Wala pang 1 minute may raket na agad ako?

"Yes? Yes agad? E hindi mo pa alam ang tanong ko?"

"E ano nga ba?" iniripan ko na rin s'ya. Nakakatatlong irap na sakin 'to e. Namumuro na. Saka mukha namang hindi 'to magpapatutor. 'Yung tipo rin kasi ng isang 'to e, parang 'yung mga nagrereview 1hr before exam. Yung umaasa sa ninja moves nila.

Nilapitan n'ya ako at tinwirl twirl ang bangs ko.

"Gusto ko lang itanong, kung ano relasyon mo dun sa lalaking lagi mong kasama?"

Napaisip naman ako. Lalaki na lagi kong kasama? As in sa klase? Kasi nasa school kami ngayon?

Ah, alam ko na!

"Yung maputi, matangkad, sexy, mabango, at mukhang artista ba?"

Kumislap 'yung mata ng bakla at napahawak sa pisngi n'ya. Para ring biglang napuno ng lumulutang na puso ang ibabaw ng ulo n'ya. Yung filter sa snapchat ba. "Oo, yun nga.."

"Classmate ko 'yun." informative na sagot ko.

"May fb ba 'yun? Instagram? Twitter? Viber? Snapchat? WeChat? Whatsapp? Kakaotalk? Telegram? Messenger? Line—"

"Hindi ko sure, pero search mo na lang. Allen Richwell ang name n'ya." sabat ko bago pa n'ya masabi lahat ng messaging apps sa appstore at playstore. Hindi naman 'to parlor games na paramihan ng mababanggit e.

"Nako, Mikay! Thank you ah? Classmate mo lang pala s'ya. Akala ko boyfriend mo na. Though, imposible! Hahahahaha" niyakap n'ya ako na para bang friends na kami since childhood.

Pero ano sabi n'ya? Imposible? As in imposibleng maging boyfriend ko si Allen Richwell? Walangya. Ano gusto n'yang palabasin? Na pangit ako? Mabaho? Puro split ends buhok? And kabaliktaran ako ng apelyido ni Allen na Richwell? Purita Mirasol ako, ganon?

Bago ko pa masakal 'yung talipandas na bakla, nakalayas na s'ya nang 'di ko namamalayan. Natanaw ko na lang na nasa ibaba na s'ya at naglalakad sa park.

"Bilis ah? Baklang 'yon? Niyakap ako matapos akong insultuhin?" 'di makapaniwalang bulong ko habang umiiling.

"Dapat pala idagdag na rin natin sa listahan na bawal magsalita mag-isa para hindi mapagkamalang baliw."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na 'yun at nagulat pa ako nang makita ko 'yung makulit slash maluret na genie na nakasandig sa pinto ng library namin.

"Pinauwi na kita ah? Ba't andito ka pa rin?"

"E kasi hindi ka pa umuuwi. Sabay tayo 'diba?" deretsong sagot n'ya na agad ko namang kinontra.

"Sabay? Hell no. Alas singko pa labas ko."

"Di kaya."

Kumunot bigla ang noo ko. "Anong 'di kaya? So marunong ka pa sa prof ko ganon? Ikaw na nagsschedule ng klase ko? Taga dean's office ka? Secretary?"

Napatigil ako sa pagpuputak ko nang biglang may mareceive akong text. Na galing sa class president namin.

"Next subject is cancelledt. Ma'am is not around." bumelat si Gino matapos basahin 'yung text. "See? I told you. Mas maaga kang uuwi nang ilang oras ngayong araw." dagdag pa n'ya na parang nang-iinis.

Inirapan ko s'ya at naglakad na ako paalis. "Di ka talaga marunong makinig. Pinauwi na kita. Bakit di ka pa nagtetele—"

Napatigil ako kasi bigla n'yang tinakpan ang bibig ko. Hindi ko namalayan na may ibang tao pa palang naglalakad sa likod namin. E medyo malakas pa man din 'yung boses ko.

"Teletubbies? Mikay naman, ang tanda ko na para maglaro pa nun! Saka bading 'yung magkakapatid na 'yun e!" pagsesegway n'ya. Buti hindi nahalata nung lalaking dumaan. Bumaba na lang kami parehas pero inunahan ko s'ya.

Nung makarating kami sa ibaba ng building namin, doon sa parte na walang gaanong tao, mabilis n'yang hinaltak ang braso ko para maharap ako sa kanya.

"You make the rules, but you're breaking them? How stubborn." nakakalokong sabi n'ya. Aalma pa sana ako nang biglang takpan n'ya ang bibig ko gamit ang kamay n'ya.

"Tandaan mo, ha? May idadagdag ako sa listahang pinirmahan natin kanina."

Napatawa ako sa isip-isip ko dahil parang kanina lang, ako pa ang nagsabi ng mga katagang 'yun sa kanya.

Ingatan ang mga sinasabi. Baka may makarinig na iba.

Promise, ililista ko na talaga 'to sa Pact List namin mamaya.

To be continued..

~~~~~~~~~


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen