App herunterladen
50% Stranger Babe (COMPLETED) / Chapter 9: Chapter 9: Date

Kapitel 9: Chapter 9: Date

Kinausap pa sya ni papa at ni Carl bago kami umalis patungong sanctuary. I asked kung anong sinabi sa kanya but he just laughed. Wala naman daw silang sinabi na masama sa kanya. Binilin lang daw na aalagaan nya ako hanggang sa pagtanda.

Nasapo ko ang noo ko nang marinig ang sinabi nya. "Are you serious?.." di makapaniwalang tanong ko pa. Natatawa kasi sya kung magkwento. Parang hindi seryoso.

"I am babe.. kailan pa ako nagbiro?.." nguao nya sakin. Kinirot pa ang pisngi dahilan para samaan ko sya ng tingin. Medyo masakit eh.

"Di nga kasi.. anong sinabi nila?.." hanggang di sya nagseseryoso. Di ako maniniwalang wala silang sinabing masama laban sa kanya.

"Wala nga babe.."

"Teka nga. Bat babe ka ng babe?. Di pa kita sinasagot ah?.." pakipot pa Jane!

"Diba sinabi kong babe ang gusto kong itawag sa'yo simula palang?. Why questioning now?.." anya sa pabirong paraan.

Ngumuso na lamang ako at nag-iwas ng tingin. Sa labas ko na bianbad ang sarili. Kapag kasi nilingon ko sya, baka di lang yakap ang gawin ko, kundi halik na.

Katahimikan ang bumalot samin.

"Galit ka ba?.." Maya maya nang mapansin ang di ko pagsulyap sa gawi nya.

"Medyo lang.."

"Wag naman babe.." tunog awa pa anv boses nya. Di ko sya pinansin hanggang noong hawakan nya ang aking kamay. Saka pinisil. "Sorry na. Kung gusto mo, di na kita tatawagin ng babe. Gusto mo ba?.." Doon nya naagaw ang atensyon ko.

Lumanlam na ang kanyang mata. Pasulyap sulyap lang sya sakin dahil nagdadrive pa sya.

May kung anong nagsasabing sabihin kong oo, sa tanong nya. Di kasi ako sanay. At isa pa. Di pa kami. Ganun man. May bahagi rin saking isip na huminde at sabihing tawagan mo lang ako sa ganung paraan. Ang sarap kasing pakinggan kahit hindi pa tayo.

"Babe, tell me what's bothering you.."

"Wala.." sa dami ng tumatakbo sa aking isip. Wala lang ang nasambit ko.

"E pano yung tanong ko kanina?. Okay lang ba sayo?.." tumango nalang ako kahit di pa sigurado.

Sumilay ang ngiting di ko nakita ng ilang minuto. "Thank you.." bulong sabay hipa sa kamay ko at dahan dahang inilapit sa kanyang labi saka hinalikan.

Matapos nun. Nagpatuloy na sya sa pagmamaneho. Inaantok ako pero di ako natulog.

"Tanong ko lang, sosyo ba kayo ni Bryle ng business?.." naisip kong baka nga dahil magkasama sila.

"Hindi.. tinutulungan nya lang ako habang nagrereview sya.." Ang sabi nya, marine transpo raw ang kurso nito at talagang mabigat sa bulsa.

"Wow astig!. Marine?. Diba parang seaman yun?.." wala sa sarili kong sambit.

"Hmm... pangarap nya kasing sumampa ng barko kaya kahit mahirap at mabigat sa bulsa, kinuha nya pa rin.." at nagpatuloy pa rin tungkol sa kaibigan nya ang aming kwento.

"Watch your steps.." bulong nya nang alalayan ako saking pagbaba. Para tuloy akong prinsesa. Nakarating na kami ng Isabela sanctuary. At talagang namangha ako dahil sa lawak at dami ng matarayog na puno.

"Tara na?.." tanong nya.

"Hmm.." sagot ko saka kami naglakad at kumuha ng passes para makapasok.

"Ako na.." kinuha ko ang wallet ko para bayarin ang entrance namin subalit hinigit nya ang kamay ko at tinago iyon sa likod.

"Ako ang nagyaya kaya ako magbabayad, babe.." sinadya nyang ihuli ang salitang. 'babe' para iparinig yata sa mga babaeng impit kung tumili sa likod namin. Nilapit pa sa mismong mukha ko ang ilong nya. "You're blushing baby. " tukso nya sakin bago ako hinalikan sa noo at hinila palayo sa pila.

I'm hoping that this date will last longer.

"Bat tahimik ka?.." ngiti nya. Nasa hanging bridge kami ngayon at nauuna syang maglakad sakin. Hawak ang isang camera na nakasabit sa kanyang leeg ang tali. Kanina pa ako kinukuhanan ng litrato. Nahihiya na naman ako.

Camera shy po kasi ako!

"Wala.." nag-iwas ako ng tingin. Sinasalubong ang hangin na galing sa kanang bahagi ng bundok.

"Talaga?. bat ang pula ng pisngi mo?. May masakit ba sa'yo?.."

"Wala po.."

"Bat ayaw mo akong tignan kung ganun?.."

"Eh kasi po, ang gwapo mo masyado sa isang tulad ko.." the truest of them all.

Simpleng babae lang naman ako. Pero sya, para talagang artista na tumigil sa propesyon na yun.

Nakatagilid ang mukha ko sa gawi nya ngunit dinudungaw nya pa rin ang buo kong mata. Hinahanap maging ang tinitignan ng aking mata.

"Talaga?. gwapo ako sa paningin mo?.." nagtanong pa sya!. Juiceku naman!!

Kinagat ko ang labi sa hiya. "Bat mo naman minamaliit sarili mo?. Gusto kita at hindi nagbabago iyon kahit gaano pa ako kagwapo.." magandang ngiti ang ginawad nya sakin. Kumurap ako. Di makapaniwala sa kanyang sinabi. "Maganda ka sa paningin ko at ano nga ulit yung sinabi mo?. Gwapo ako?. hahaha.. kung ganun.. bagay pala talaga tayo.. hinihintay ko na nga lang sagot mo eh.. hehehe.." halakhak pa nya. Lumabas ang napakaganda nyang ngipin at umarko pa ang manipis nyang labi. Ganyan nga!. Ngumiti ka lang para lalo pa akong mahulog sa'yo.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C9
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen