Crissa Harris' POV
Day 51 of Zombie Apocalypse
"Sige na kasi. Kambal naman e.. Ano ba? Pumayag ka na, please!" for the nth time ngayong umaga na to, lumuhod na naman ako sa harapan ng kakambal ko para magmakaawa sa kanya.
"I said no." sobrang stern na pagkakasabi niya. Hindi naman ako nagpatinag at kumapit na ako na parang koala sa legs niya. Hindi na niya tuloy nagawa pang makapaglakad.
Papunta sana silang dalawa ni Elvis ngayon sa labas para sa ewan. Hindi ko talaga alam kung bakit sila lalabas ngayong dalawa, dahil bukod sa wala siyang sinabing dahilan, sobrang seryoso niya rin ngayong araw na ito.
Hmmm. Hindi kaya magdedate silang dalawa ngayon ni Elvis? Dahil may LQ sila at gusto nilang maayos yun para hindi na humantong sa hiwalayan?
Haaay.. Mukhang mabigat ang pinagdadaanan ng kakambal ko ha? Malaking dagok to sa pagkatao niya, na nagkakasiraan silang dalawa ng mahal niya.
PERO JOKE LANG YUN! HINDI BAKLA ANG KAKAMBAL KO!!
AT MAS LALO NANG HINDI AKO PAPAYAG NA HINDI SIYA PAPAYAG SA HINIHILING KO SA KANYA!!
"Ehhh.. Please na kasi? Promise, this will turn out well. I assure you." mas lalo pang pagmamakaawa ko. May matching puppy eyes pa. At talagang mukha at amoy tuta rin ako.
Pokerface naman siyang yumuko sakin at hinaltak ako patayo.
"Okay, stop it. Pumapayag na--"
Nagtatalon ako bigla dahil sa magic word na narinig ko.
WAAAA!!! Pumayag na ang kakambal ko! Ang kakambal kong masungit at abnormal!! At pangit! At mabaho! At makati! At malaswa! At mahalay! At rapist! At tirador ng kaning lamig at panis na noodles! At-- ANG OA KO NA!!! Huhu. Hindi ko lang talaga mapigilan ang saya ko. Na pumayag na siya finally at hindi ko na kinailangang idaan pa siya sa panggigipit, pangongotong, at dahas.
Hindi pa sana ako magtitigil sa pagtalon talon kung hindi ko pa nauntugan ng ulo ko ang baba niya. Nakangiwi kong tinignan ang reaksyon siya dahil paniguradong nasaktan siya.
Pero ayun, buti nakayanan niya pang magtimpi dahil pinikit niya lang nang madiin ang mga mata niya. Buti hindi niya ako pinukpok ng baril sa ulo kahit ngayon, nakita kong may dugo yung labi niya. Huhuhu nakagat niya siguro nung mauntugan ko ng ulo ko yung baba niya.
"Hindi mo pa kasi ako pinapatapos. Oo, pumapayag na ako. Pero sa dalawang kondisyon."
Agad naman akong umalma. "Ehhhh!! Dapat isa lang!"
Tumigil naman agad ako at napapout nung bigya niya na akong sobrang matalim ng tingin. Pero kumalma naman din siya agad at pinagtatapik ang ulo ko.
"Alam ko ang gusto mong mangyari. At alam ko rin kung bakit gusto mo yung mangyari. Agree rin naman ako sa gusto mong mangyari kaso, sayo mismo ako hindi agree. Alam mo na, natural na sayo ang pagiging clumsy. Kaya kahit yung mga simpleng gawain lang, nagiging extra complicated, risky, at dangerous."
Gulat akong napatingin sa kanya at mabilis kong tinadyakan ang paa niya. Pero dahil sa hindi siya nagreact na nasaktan siya, alam kong seryoso siya sa sinabi niya at kailangan kong isampal sa mukha ko yun.
Napayuko ako.
Totoo naman kasi. Ilang beses ko na bang nailagay sa kapahamakan ang sarili ko? Hindi na mabilang. Hindi ko na matandaan lahat sa sobrang dami. Tapos, pati yung iba pang kasama namin, minsan ko na ring nailagay sa peligro. Lalo na si Harriette. Kamuntikan na siyang mamatay dahil doon sa nangyari several weeks ago.
But although hindi nga siya namatay, may naiwan namang malaking marka sa kanya ng masalimuot na pangyayaring iyon. Isang literal na marka na dadalhin na niya hanggat nabubuahy pa siya.
"Wag ka nang malungkot. Instead, gawin mo nalang kung ano yung natutunan mo sa mga pagkakamali at kapabayaan mo dati. Gawin mo kung ano yung tama. Ngayon at sa mga araw pa na dadating." hinaplos niya ulit ako sa ulo. "Nakakasampal ang katotohanan diba? At least, hindi ka pa manhid. Now, I just want you to be cautious enough sa mga balak mong gawin. Mag-ingat kang mabuti. Aalis na kami." bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at sumunod kay Elvis na nauuna nang lumabas ng gate.
Pero bago pa siya tuluyang makalabas, humarap ulit siya sakin. "Yung conditions ko? Una, bukas na kayo tumuloy. Pangalawa, isali mo kung sino lang ba yung capable talaga sa pinaplano mo."
And with that, umalis na nga silang dalawa ng kalaguyo niyang si Elvis.
Pero napaisip naman ako sa sinabi niya. At marahil, kayo rin ay napapaisip kung ano ba tong bullshit na pinaguusapan namin. Well, hindi talaga ito bullshit dahil isa tong maganda at effective na plano dahil advance akong mag isip. Sobrang advance.
Gusto ko lang naman kasing pati yung mga batang babae, maturuan na ring gumamit ng baril at iba pang armas. Kasi ano bang kaibahan nila sa mga batang lalaki na tinuturuan na nila? Ano ito, gender inequality? Kahit babae kami, kaya rin naming ipagtanggol ang mga sarili namin no. May angking lakas din kami na kailangan lang ilabas at iimprove pa.
Kaya ayun, nakiusap nga ako sa kakambal ko na payagan ang plano ko. Buti nalang talaga naintindihan niya yung punto ko, at naintidihan niya rin yung magiging malaki at magandang effect nito kapag nagawa na namin.
Mas lalakas pa kami at magkakaron ng mga future na malalakas at matatalinong grupo ng mga tao. Kasi hindi rin naman tayo sure kung hanggang kelan ba tong outbreak na nangyayari na to. Pwedeng magawan pa ng remedy, pero pwede ring pang matagalan na to. Or worst, pang habambuhay na hanggang sa mawala na talagang matirang normal na tao.
Oo, ang sakit isiping ganon na hindi na talaga babalik sa normal ang lahat. Pero kaya nga ito, gusto naming gumawa ng paraan. Na hindi kami basta susuko nalang at lalabanan namin ito. Mahirap man at delikado, at least darating din yung time na kapag namatay na kami pare-parehas, masasabi naman namin na natamay talaga kami nang lumalaban.
Kaya ngayon, may naisip na ako. Hindi ko isasama yung kambal na batang babae sa gagawin namin. Hahayaan ko munang ienjoy nila ang pagkabata nila. But as for Lily, Rose, and Rosette, I know, may capability na sila para mga ganong bagay na seryoso at medyo delikado.
Pero ang problema ko nalang, paano ko sila makukumbinsi para dito? I mean, babae sila. At mga bata pa. Paano ko makukuha ang atensyon nila regarding dito kung hindi naman nila interes to?
*** Later that night
Tahimik akong pumasok doon sa kwartong tinutulugan nung mga bata at saka sila tinutukan ng baril para makumbinsi na sila sa mga maiitim na balak ko. Pero dahil nakuha pang pumalag ni Rosette, pinaputukan ko na siya sa noo niya.
At oo, JOKE LANG YUN.
Ang totoo talaga niyan, katatapos lang naming mag dinner at masaya kaming nakatambay ngayon. Ako, lahat nung mga batang babae, at si ate Romina. Yung iba kasi, ewan ko. Nagkkwentuhan din siguro. Pero kami nga nila ate Romina at nung mga batang babae, nasa playground. Buti hindi malamok, kaya naeenjoy pa namin dito yung paminsan minsang pag ihip ng hangin.
But btw, nabanggit ko na bang itong city na to, may part na parang pataas, yung bundok ba? Tapos magubat din. Maraming puno? Ang weird no? City tapos ganito. Parang probinsya. Well, malapit na nga ito sa katabing probinsya.
Pero anong maganda doon? Wag nalang nating pakialaman ang bullshit na iyon dahil ang goal ko ngayon ay kausapin itong mga bata tungkol sa plano ko para bukas. Kasi naunahan na namin kaninang sabihan yung mga matatanda lalo na si tatay Jack and nanay Nellie about dito, lalo pa at involved yung apo nilang si Lily and Rose. Pumayag naman sila at ni walang halong pagtutol.
And ito naman si ate Romina? Nako. Asa pang umalma yan dito dahil---
"Crissa? Sige na? Pwede bang turuan mo rin akong gumamit ng baril?" pagbulong niya sa akin. Pinagkakalabit niya rin ang braso ko na para bang goal niyang butasin ito.
Pinandilatan ko siya ng mata. "Not until you deliver that kid!" Nabago bigla ang aura ko nang mapatingin ako sa tiyan niyang lobong-lobo na talaga at malapit na ring pumutok. "Diba, baby? Wag makulit si mommy, ano? Kasi baka masaktan ka."
Hinaplos haplos ko yung tiyan ni ate Romina at nang makita kong sumisipa yung bata sa loob nun, hindi ko na napigilan at may kaunting luha na ng kasiyahan ang bugla nalangkumawala mula sa mata ko.
"Huy, para kang gago. Bat naiiyak ka diyan?" natatawa-tawang sabi ni ate Romina sa akin.
Pero hindi ko nalang siyan pinansin. Basta inenjoy ko nalang yung pagpaparamdam sakin nung anak niya.
Sobrang sarap damhin. Ganito pala yung feeling ng ganito no? Palibhasa kasi nung ipangbubuntis ni mommy si Scott, wala sila sa bansa noon. Bumalik lang sila nung mag iisang taong gulang na si Scott, at yun. Doon na namin siya nakasama kasi iniwan na siya samin nila mommy. Kasi bumalik na sila sa ibang bansa.
"Baby? Nag aagree ka sa sinasabi ni tita Crissa, diba? Pasaway din ang mommy mo kaya wag kang magmamana diyan. Sakin ka magmana." narinig ko ang pagtawa ni ate Romina kaya siya ang hinarap ko.
Nakangiti siya at nakikita ko ang ningning sa mga mata niya.
"Wala pa siyang pangalan diba? Ikaw nalang ang magbigay, Crissa."
Namalikmata ako sa sinabi niya. "A-ano? Bakit ako?"
Imbes na sagutin ang tanong ko, niyakap niya lang ako at muling inihawak sa tiyan niya ang kamay ko.
"Kasi sa lahat ng kasama natin, ikaw ang pinaka excited at pinaka nag-aalala para sakin at sa baby ko. Ganon din naman yung iba. Pero ikaw talaga yung maya't-mayang humahawak dito sa bata na to." muli niya akong hinarap at nagulat ako nang hawakan ng parehas niyang kamay ang mukha ko.
Akala ko hahalikan niya ako e.
Pero pinandilatan niya ako ng mata at ngumiti na parang killer crown. Di ko maexplain. Pero kamuha niya yung babae sa meme na overly attached girlfriend. Ganon yung level ng creepiness.
"At ikaw, ang pangalawang mommy niya." pagpapatuloy niya. "Sige, alis na ako at humihilab ang tiyan ko. Nasobrahan ata ako sa kain ng sunflower seeds. Natatae ako." yun nalang ang sinabi niya at naglakad na paalis. Yung lakad niya pa ay yung may patalon-talon.
Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Hindi ba nabibigatan ito si ate Romina sa tiyan at nakukuha niya pang tumalon talon? Hindi ba siya hinihingal? Or natatakot na baka madapa.
Haay.. Wag lang sana talaga sa kanya magmana ang anak niya.
Pinuntahan ko nalang yung tatlong batang babae na nasa swing. Tatluhan kasi to kaya tig-iisa sila ng sinasakyan. At dahil gusto ko ring maki swing, hinawakan ko sa leeg si Rosette at saka ko siyahinagis sa damuhan. Ayun, edi ako na nasa pwesto niya kanina.
Hehehe. Oo, joke lang yun. Nasa lap ko si Rosette ngayon habang nagsswing ako. Kinandong ko nalang siya para pati ako nakiki swing din. Buti nga, magaan lang siya kahit 8yo na e. Palibhasa kasi, mana sa nanay niyang sobrang slim. Na kapag nakatalikod, hindi mo aakalaing buntis.
"Ate Crissa?" pagkuha ni Lily sa atensyon ko. Masyado na kasi akong nalibang sa pagsswing namin ni Rosette na halos tumilapon na kami sa labas ng gate sa sobrang lakas. Nasa kanan namin si Lily at nasa kaliwa si Rose.
"Bakit?" nakangiting sabi ko.
Pero parang nahihiya siya dahil natigilan siya sa pagsswing.
"Nahihiya ako. Dali, Rose, ikaw na magsabi kay ate Crissa." sabi niya. Tinignan ko naman si Rose sa kaliwa ko pero umiwas lang din siya.
Nagulat naman ako nang biglang tumalon si Rosette mula sa swing namin habang umaandar yun. Juskong bata. May pinagmanahan talaga sa pagiging barubal kumilos. Buti nalang, medyo mahina na yung pagswing namin.
Pero mukhang wala namang kung anong nangyari sa pagtalon niya dahil nakangiti pa siya.
"Ang hihina naman ng loob niyo. Ako na magsasabi." lumapit siya sa may likuran ko at siya ang nagtulak sakin nang mahina.
"Teka, naguguluhan na ako, ha. Ano ba kasi yun?" tanong ko. Bumaba na ako sa swing tapos si Rosette na ulit ang pinaupo ko doon tapos ako na ang nagtulak.
At habang wiling-wili si Rosette sa pagtutulak ko sa kanya na halos tumilapon na rin siya, bigla na lang siyang sumigaw.
At yun ang pinaka gusto kong narinig ngayong araw na ito.
"Ate Crissa, please, turuan mo kami nila Ate Lily at Rose na gumamit ng baril!"