Crissa Harris' POV
"T-tyron, puntahan natin si Christian.."
"No need." bulong nya.
Napabitaw ako sa pagkakayakap nya nang makita ko na si Alex at Elvis na tumatakbo kasunod si Christian.
"Dali, dali. Sumakay na kayo. Na-divert na yung attention ng mga undead kaya hindi nila tayo mapapansin." sabi ni Christian habang tinutulak ako papasok sa pick-up. Sila Elvis, Alex at Tyron, pumasok na din.
Napako ang atensyon ko dun sa may gate at kahit mababagal ang mga undead, halata pa rin na nagmamadali silang puntahan yung apoy na ngayon ay tumutupok na sa mansyon. Hindi nila napansin na nakalabas na kami ng gate dahil mukhang curious na curious sila doon.
Habang hinahabol ko ng tingin yung mansyon, naramdaman ko yung pagtulo ng mainit na luha sa pisngi ko. Naiintidihan ko na yun na yung pinakamainam na solusyon na naisip ni Christian para makalabas kaming lahat nang buhay. Pero hindi ko pa rin maiwasan na manghinayang at malungkot dahil importante para samin yung bahay na yon. Ang dami naming memories doon dahil doon kaming lahat lumaki ng mga kapatid ko. Doon kami nagkaisip lahat. Oo, marami pa kaming ibang bahay at properties na pag-aari, pero iyan ang pinaka special samin.
Ipinikit ko nang madiin yung mata ko para pigilan yung mga luha ko. Isinandal ko rin yung ulo ko kay Lennon. Hindi na dapat ako umiiyak e. Dahil di hamak naman na mas mahalaga ang buhay namin kesa sa mansyon na yon. Kailangan ko na ring maging kontento at masaya dahil buhay pa rin naman kaming lahat ngayon.
At yun ang pinakamahalaga sa lahat.
***
Nakatulog pala ako. Bahagya akong gumalaw pero nung maramdaman ko na wala ako sa kama, at natulog lang ako nang nakaupo, marahas kong dinilat yung mata ko. At pagkatingin ko dun sa nasasadalan ko, marahas din akong napabalikwas.
"O-oy.. Bakit ikaw ang nandyan?.. Si Lennon ang katabi ko kanina ah?.."
"Nag-aalmusal na sila doon." sabi ni Tyron sabay turo sa labas.
Nasa isang open field kami ngayon na may mga damo na mababa. At base sa itsura nito, ito yung ginagawang subdivision na malapit lang dun sa village namin. Nakahinto yung sasakyan namin tapos yung iba, nagsisikainan na nga. May mangilan-ngilan ding mga undead na nakahandusay sa sahig. Siguro clinear muna nila bago sila nagpasyang kumain.
Tumingin ako sa orasan ng sasakyan. Past 9 am palang.
"K-kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa."
"E-e bakit hindi pa?"
"Tulog ka pa nga kasi."
Biglang nagdrum roll yung puso kahit wala namang dapat ika-drum roll. Bahagya akong umatras kasi baka marinig nya. Ang lakas lakas kaya ng tibok.
"A-ano namang kinalaman ko sayo? Di ko naman hawak bibig mo ah?.." nakayukong sabi ko.
"Di pwede. Wala kang kasama dito."
"Edi sana, kumuha ka ng pagkain tapos dito ka nalang kumain sa loob."
"Ayokong maunang kumain. Wala kang kasabay."
Bigla nanamang nagdrum roll yung puso ko. Kung gaano kalakas yung tibok kanina, triple pa yung lakas ngayon. Nakakabingi. Bakit ganito?
"B-bakit mo ko gustong makasabay?.." nakayuko pa rin na tanong ko.
"Kasi mukha kang kawawa kung mag-isa ka lang."
Aba!? Ano daw!?
"E-eh bakit----" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil mabilis na nyang tinakpan yung bibig ko gamit ang kamay nya.
"Wag ka na ngang magsalita! Bakit ka ba puro tanong at reklamo!? Magpasalamat ka nalang at nandito ako!" sigaw nya.
Aba, aba talaga!! Nakakainit ng ulo ang isang to! At saan ako magpapasalamat? Sa panunumbat nya!?
Marahas kong tinanggal yung kamay nya sa bibig ko.
"Eh bakit ka ba nagagalit!?" sigaw ko rin sa kanya.
"Hindi ako galit!" sigaw nya pabalik.
"Eh bakit ka sumisigaw!?"
"Hindi ako sumisigaw!"
"Anong hinde!? E bakit may exclamation point yung hulihan ng mga sentences mo!? Nako! Wag mo na uli akong gagawan ng pabor kung sa huli, reresbakan mo naman ako ng sumbat! Hindi ko naman sinabi na samahan mo ako dito ha!? Si Lennon ang dapat na katabi at kasama ko ngayon dito! HINDI IKAW!! UMEPAL KA LANG!! DAKILANG EPAL!!" halos maubos ang lahat ng hangin na nagsi-circulate sa buong katawan ko dahil sa mahabang litanya ko na iyon.
Ni-ready ko na rin yung sarili ko sa comeback na gagawin ko sa kung ano mang followback na ibabato nya sa sinabi ko. Pero mukhang nasayang lang ang effort ko dahil nakakabinging katahimikan nalang ang binigay nya sakin. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Deretso syang nakatingin sa labas. Hindi ko rin mabasa yung expression nang mukha nya. Parang halo-halo yung emosyon.
At bago pa ako makapag-isip nang ire-react ko, narinig ko nalang ang malakas na pagkalabog ng pintuan sa tabi ko. Bigla akong binalot ng matinding hindi maipaliwanag na pakiramdam habang pinagmamasdan ko syang maglakad palayo sa amin. Pakiramdam na parang puno ng guilt..
At lungkot..
Bakit ganito? Parang wala namang mali sa sinabi ko sa kanya ah? E bakit parang pakiramdam ko rin ngayon, ako na ang pinaka impakta at pinaka demonyitang nabubuhay sa mundo? Bakit parang ang sama-sama ko sa mga pinagpuputak ko?
Mabilis akong bumaba ng pick-up at hinabol sya. Napansin ko na nakatingin silang lahat sa amin pero hindi ko nalang sila pinansin. Mas binilisan ko nalang ang paghabol ko kay Tyron.
"U-uy Tyron, san ka p-pupunta?" hinablot ko sya sa braso nya kaya napaharap sya sakin.
"Iihi ako. Bakit, sasama ka?" sabi nya ng seryoso sakin. Mabilis naman akong napabitaw at napatalikod sa kanya.
"B-baliw ka!" inihakbang ko na yung paa ko para umalis. Ewan ko pero parang may narinig pa akong sinabi nya nung medyo nakalayo na ako.
"Dun ka na sa Lennon mo. Dakilang epal lang naman ako sayo, diba?.."
Napailing ako. Guni-guni ko lang yon.
Pumunta ako sa pwesto nila Christian. At nang makita ko yung mga reaction nilang lahat na para bang nakikiusyoso at nakikitsismis, isa-isa ko silang inirapan. Excluding Sedrick and Lennon.
"Wag nyo kong tignan ng ganyan! Dudukutin ko mata nyo!" lumapit ako kay Christian at hinablot ko yung corned tuna na kinakain nya.
"Relax, Crissa. Wala naman kaming sinasabi na may LQ kayo ni Tyron-- Aray!!" sabat ni Alexander na pinaulanan naman agad ng sapak ni Alessandra.
LQ!? KAMI NI TYRON!? IMPOSIBLE!! Hindi pa nga kami e-- I mean, HINDI NAMAN KAMI E. At walang pag-asa na papatol ako sa kanya dahil hindi ko tipo ang bastos at pakialemerong tulad nya!
And speaking of, maya-maya lang dumating na rin sya. Tumabi sya agad kila Renzo at kumain na rin. Hindi man lang sya nagtapon ng tingin sa gawi namin kahit saglit. Para bang iniiwasan nya talaga.
Galit ba to sakin dahil sa sinabi ko sa kanya? Masyado nyang dinamdam? Aysshh!! Malamang Crissa. Ikaw ba naman sabihan na DAKILANG EPAL, hindi ka maiinis? Oo. Kahit nga estranghero ang magsabi sakin nang ganyan, baka mahataw ko pa ng alpombrang tsinelas sa mukha dahil sa inis ko.
Hmp. Magso-sorry ba ako?.. O magso-sorry?..
"Lalim ng iniisip. Kwento mo naman." medyo nagulantang pa ako nang bumulong si Christian sa tenga ko.
"A-ah, iniisip ko lang kung bakit kaya may malaking mob ng undead na napadpad sa mansyon." pagsegway ko. Ayaw ko munang sabihin sa kanya ang tungkol dun.
"Isa lang ang naiisip ko na dahilan. Nagtraining kami sa paggamit ng assault rifle, sniper rifle at shotgun diba? At kayo rin. I'm pretty sure na narinig nila yung mga gunshots at nakuha ang atensyon nila mula sa malayo. That's why nahanap nila tayo." sabi nya.
Nakakabilib naman pala tong mga undead kung ganon. Ilang days ang interval bago nila kami natunton. Ang tibay naman ng memory nila. At magaling din pala sila sa directions. Sa dinami-rami ng pwedeng daanan at pwedeng puntahan, dun pa talaga sa mansyon? Hmm. Ang galing. Parang hindi tuloy makapaniwala.
Siguro, may iba pang dahilan.. At dyan ako naniniwala..
"Dalian mo nang kumain. Aalis na tayo." tumayo si Christian sa may gitna namin habang tumitingin sa orasan nya.
"9:45 am. Masyado pang maaga. For sure, hindi tayo aabutin ng lunch time papunta sa subdivision nila Renzo kung magmamadali tayo. Let's go. Mahirap abutin ng dilim sa daan."
Isa-isa na nga kaming pumasok sa mga sasakyan namin at doon ko nalang din tinapos yung kinakain ko. Habang bumabyahe, hindi ko alam pero parang napaka awkward nung katahimikan na nagingibabaw saming apat. Walang nagsasalita ni isa man samin.
"Huy Lennon. Hehehe. Marunong ka bang kumanta? Kanta ka naman." pinagkakalabit ko sya sa braso. Humarap sya sakin at as usual, nagkamot na naman ng batok.
"A-ah, oo. Pero konti lang.."
"Wow talaga? Sige na dali. Kanta ka na. Please?.. Please.." hindi naman nasayang ang pagpapacute ko sa kanya dahil tumango at ngumiti naman sya sakin immediately.
Going out tonight
Changes into something red
Her mother doesn't like that kind of dress
Everything she never had she's showing off
Hmm.. Kaya nga talagang kumanta nito ni Lennon. Gwapo na nga, maganda pa boses? Heartrob din siguro to sa school na pinasukan nya. At siguro, ka-level nya din sila Christian pagdating sa kasikatan. Yung tipong nagsasabutan na yung mga babae para lang mapansin nya.
Driving too fast
Moon is breaking through her hair
She's heading for something that she won't forget
Having no regrets is all that she really wants
Si Sedrick kaya, kumakanta rin? Maganda rin ang boses? Hmm.. Siguro parehas sila ng pinsan nya. Parehas din silang gwapo e. Sana naman, marinig ko rin syang kumanta.
We're only getting older, baby
And I've been thinking about it lately
Does it ever drive you crazy
Just how fast the night changes?
Everything that you've ever dreamed of
Disappearing when you wake up
But there's nothing to be afraid of
Even when the night changes
It will never change me and you
Napapikit ako. Ganito talaga ang epekto sakin ng malamig at magandang boses especially ng lalaki. Narerelax at kumakalma ako. Parang gusto kong matulog sa sobrang peace na nararamdaman ko. Nasanay kasi ako kay Marion na ganto dati e. Lagi nya akong kinakantahan. Ang lamig lamig ng boses nya.
Chasing it tonight,
Doubts are running 'round her head
He's waiting, hides behind a cigarette
Heart is beating loud, and she doesn't want it to stop
"Tss. Mas maganda pa boses ko e.."
Medyo lumalalim na yung tulog ko pero hindi yun naging dahilan para hindi ko marinig yung ibinulong ni Tyron.