Linggo ng madaling araw. Katatapos lang ng isang bagyo at nagkataong nagkaroon ng black out sa parteng ito ng Cubao area dahil sa isang sasakyang bumangga sa isang poste na naging dahilan para mawala ang kuryente. Naglalakad sa gitna ng dilim at ulan ang mag-asawang Erwin at Jody Viernes papuntang P. Tuazon galing 9th Ave dahil pupunta sila sa isang hotel para mag-check in. Iniwan nila ang sasakyan sa may gasolinahan sa kanto ng P. Tuazon dahil nasiraan ito.
Hindi napansin ng dalawa ang isang lalaki na nakasunod sa kanila. "Sir!" Tawag nito.
Hindi ito narinig ng mag-asawa. Muling tumawag ang lalaki, mas malakas na ngayon at mas diretso. "Mr. Erwin Viernes!" Tawag nito.
Lumingon ang dalawa sa likuran. Nakita nila ang lalaking naka-jacket sa gitna ng kalsada. Umikot ang dalawa. Nagtataka kung sino ang taong tumawag sa kanila.
"Gusto ko lang na ibigay nyo ang pera nyo sakin" Sabi ng lalaki na may malalim na boses. Unti-unting lumalapit ang anino sa may liwanag ng ilaw, may dala itong mga patalim.
"Hon, ibigay mo na lang ang pera." Sabi ni Jody Viernes, may-ari ng Viernes Flower Shop sa may Malate. Matangkad na babae si Jody, dating Miss Philippines ng Bicol region. Maputi at balingkinitan ang katawan. Late 30's na si Jody pero kita pa rin ang ganda at wala pa silang anak ni Erwin.
"Hindi Hon, bakit ko ibibigay sa kanya?" Sagot naman ni Erwin Viernes, may-ari ng ilang farm sa may Davao, Cebu at Cavite. Dating basketball player si Erwin. Early 50's na sya pero dahil alaga ang katawan, mulhang nasa 40's lang sya. Parehong successful sa kanilang mga business ang mag-asawa.
"Sir, kailangan lang namin ang pera nyo. Walang masasaktan." Sabi ng lalaki.
"Kaya mo ba ang sarili mo? Wag kang magyayabang dahil I can take you on my own!" Paninindak ni Mr. Viernes. Totoo naman kasi ang sinabi nya. Mukha lang syang mahina pero laking Tonso si Erwin. Basag-ulero sya nung bata pa sya.
"HAHAHAHA!" Natatawang sagot ng lalaki. Napalingon si Mrs. Viernes sa likod nito, napansin nyang may tatlong lalaking nakatayo sa likuran nya. Natakot sya lalo, "Just give them the money."
Lumingon si Mr. Viernes, nakita nya ang isang grupo ng mga lalaking may mga hawak na armas. Napansin din nilang tila pare-pareho ang mukha ng mga ito.
"Mga nakamaskara pala to." Bulong nya sa sarili. Narinig na lang ng mag-asawang Viernes ang tunog ng mga patalim na parang hinahasa sa isa pang patalim, paglingon nila sa lalaking nasa harapan nila, dalawa na sila, at may mga itak at patalim ang mga ito.
"Sabi nang ibigay nyo ang mga pera nyo eh!" Pananakot na nito.
Nilabas ni Mr. Viernes ang wallet nya, hinagis sa mga lalaking nasa harapan nila.
"Uy, tanga ka ba?! Alam naming hindi lang ito ang dala nyong pera noh! ILABAS NYO NA!" "HAHAHAHA!" Tawanan ng mga taong nakapaligid na sa kanila.
Natakot si Mrs. Viernes, kaya hinagis na nya ang bag nya sa mga lalaking nasa harapan. Matangkad si Jody Viernes. 5'4" ang height, balingkinitan, maputi, pang-artist ang itsura. Mahaba ang buhok pero laging maayos ito dahil alaga sa parlor. Araw-araw ding tumatakbo si Jody sa loob ng subdivision nila.
"Yan! Susunod din pala kayo eh! Mga LETSE!" Sabi ng lalaking may dalang dalawang itak.
"Pare, mukhang masarap si Misis ah!" Sabi ng isa sa mga lalaking ngayo'y nakapalibot sa kanila.
"Oo nga no!" Sagot naman nung isa.
"Pwede bang tikman yang asawa mo sir?" Tanong ng lalaking tila namumuno sa grupo.
Natakot ang mag-asawa, lalong napakapit si Jody kay Erwin sabay subsob ng mukha nya sa asawa. Nanginginig si Jody sa takot. Umiiyak ito habang nagmamakaawa at nagdadasal na sana ay iwan na silang dalawa. Yumapos din si Erwin sa kanya na nakapikit. Naghihintay.
"HAHAHAHA!" malakas na tawanan at sabay ng pagkidlat ang mabilisang pagsialisan ng mga lalaki.
Sa takot ng mag-asawa sa nangyari, tumuloy na sila sa hotel sa Fernandina 88 Suites at doon na magpaumaga.
Kinaumagahan ng Lunes, nag-report ang mag-asawa sa mga pulis. Nakausap nila dito si P. Insp. Kate Moscarde. Ang babaeng hepe ng Station 13.
"Police Inspector Moscarde," sabi ni Erwin na may kataasan ang boses na nakatayo sa harapang mesa ni Captain Moscarde. "I want those thugs apprehended ASAP!" Utos ni Mr. Viernes.
"Mr. Viernes, I know where you're coming from, but we need to have their description sir." Sagot ng Kapitan. Si Kapitan Kate Moscarde. Tatlong taon pa lang sa Station 13, masaklap ang pagbabagong pinagdaanan nila sa istasyong ito. Nasa 5'3 si Kate, balingkinitan at morena. Kamamatay lang ng lalaking pakakasalan sana nya nung nag-undercover ito. Kahit hindi gustong tumulong nito sa lalaking nasa harapan nya, nahihirapan sya.
"EH WALA NGA EH! May mga maskara silang suot, yung kulay puti" sigaw ni Mr. Viernes habang idinidikit ang kanang kamay sa mukha. Tumalikod ito sa opisyal na nangngigigil dahil parang walang naiintindihan ang kausap nya.
"Hon, ako na lang ang makikipag-usap kay Inspector." sabi ni Mrs. Viernes.
Lumabas padabog si Mr. Viernes, pumunta sa harapan ng Police Station at nagsindi ng sigarilyong mamahalin. Nakabihis si Mr. Viernes ng araw na yun na halatang may lakad pa pagkatapos. Dahil pagkatapos ng araw na ito, pupunta sya sa club ng MWD. Makikipagkita sya kay Regina. Isang sikat na dancer sa MWD Club. Unang beses nyang nakita si Regina, tinamaan na sya dito, lalo na pag gumigiling sya sa entablado. Tumutulo ang laway nya sa tuwing nakikita nya to, kaya lagi nyang niyaya sa VIP ang babae. Ilang beses na rin nyang nailabas si Regina, at sa tuwing lalabas sila, diretso lagi sa Victoria's Court ang punta para makipag-sex dito.
At nang umabot na ng 2 buwan ang relasyon nila, ibinahay na nya ang babae sa isang condo sa Eastwood City. Lagi naman nyang binibigyan ang babae ng extrang pera, at laging umaga na rin ang uwi nila. At ang laging nyang rason sa asawa "Business meetings that are really hard to refuse." Matagal pang naghintay si Mr. Viernes sa labas ng presinto. Mga kalahating oras na'ng nakakaraan wala pa rin ang asawa nya.
Sa loob ng presinto, "Kapitan, hindi po talaga namin nakita ang mga taong gumawa samin nun. May mga suot silang maskarang puti, yun lang ang masasabi namin".
"Hmm…" Sagot ni Kapitan Moscarde habang nakikinig sa babae. "Sige po, Mrs. Viernes, paiimbestigahan ko ang report nyo. In the meantime, umuwi na po muna kayo at nang makapagpahinga kayo." Suhestiyon nya.
"As if naman may mangyayari sa gagawin inyo" Bulong ng ginang sa sarili.
"You are saying something, Mrs. Viernes?" tanong ng Inspector.
"Ah wala. I said thank you for the assurance, Inspector. Aalis na kami." Sabay abot ng kamay sa P. Insp. Moscarde.
Paglabas ng presinto, pinuntahan nito agad ang asawang nakatayo sa may kotse ng may dumaang isang black SUV na lulan ang mga 3 o 4 na mga lalaki. Isang bumaba sa SUV at lumapit kay Erwin, kunwari magtatanong ito ng direksyon. Nakita ni Jody na bumunot ng mahabang patalim ang lalaki at lumapit ito kay Erwin Viernes, ngumiti, sabay taga at saksak kay Erwin.
Napasigaw na lang bigla si Jody sa takot dahil kitang-kita nya ang pagsaksak sa asawa. Narinig ni Kapitan Moscarde na naglalakad palabas ng opisina nya ang sigaw ni Jody. Nag-iwan ng calling card ang taong sumaksak kay Erwin bago tuluyang umalis.
Dali-daling tumakbo palabas si P. Insp. Moscarde, inabutan nyang nakatingin lang ang mga tauhan nya. "Bakit nakatayo lang kayo dyan!?" Sigaw nito, "Tumawag kayo ng ambulansya!!!" Utos nito sa isa na agad ding tumawag ng ambulansya sa malapit na ospital.
Naghihingalo pa si Erwin Viernes dahil sa mga saksak nya sa katawan, iba't-ba na ang tumatakbo sa isip nya, at nahihirapan na sya. Tumutulo ang dugo sa tagiliran nya, kaliwa't kanan ang takbo ng mga mata nya. Malalim ang mga paghinga nito at may tunog na katulad ng sa may hika.
Samantalang si Mrs. Viernes naman ay umiiyak dahil sa pagkagulat. Hindi na nya maintindihan kung anong gagawin. Nanginginig sa takot dahil sa halos katabi nya lang ang asawa nang pagsasaksakin ito at hindi nya alam kung bakit hindi sya sinaktan man lang ng lalaki. Tumutulo ang luha nito sa takot. Nanghihina ang tuhod nito. Umaatras ito nang bumangga sya sa isang police car. Pagsandal nya dito, dahan-dahan syang napaluhod sa lupa. Tumitingin sa kaliwa't kanan nya. Humawak sa lupa, pinipilit na ibaon ang mga daliri sa lupa.
Hinahanap naman ni Capt. Moscarde si Jody. "Asan si Mrs. Viernes?" Tanong nito kay Alvin.
"Andito lang po sya kanina Capt." Sagot nito.
"Pakihanap mo nga sya." Utos nito kay Alvin na agad namang sumunod. Patuloy din naghanap si Kate. Naglakad ito ng konti at narinig nya ang paghagulgol ng isang babae sa likod ng sasakyan ng mga Viernes. Dito nya nakita ang taong hinahanap nya.
Nilapitan ni Kate ang babae, "Misis..." sabay tapik kay Jody.
Tumingin si Jody kay Kate, hinila nito si Kate papalapit sa kanya at yumakap. Pagkayakap nito, umiyak ng malakas si Jody. Narinig ito ni Alvin na naghahanap sa kanya.
Maya-maya pa, dumating ang ambulansya, mahina na si Erwin ng kunin at isakay sa ambulansya. Nilapatan agad ito ng paunang lunas. Sumakay sa police car si Jody kasunod ng ambulansya. Mabilis ang naging takbo ng ambulansya.
Pagdating sa ospital, pinasok agad sa emergency ang lalaki. Tiningnan ng doctor, sinubukan nilang i-revive ang matandang mayaman pero huli na ang lahat. Labing-pitong saksak at taga ang dumapo sa lalaki, lahat ito, kritikal. Ginamitan uli ito ng defibrillator para subukang buhayin pero, hindi na kinaya. Nag-flat line na ito. Isang mahabang katahimikan.
Lumabas ang doctor na nakayuko, nahulaan agad ni Jody ang sasabihin ng doctor, umiyak uli ito sa sama ng loob. Mabuti na lang at nandun si Inspector Moscarde na syang umalalay sa kanya.
Labing-pitong saksak at isang card na iniwan kay Erwin, nagulat pa nga ang doctor dahil umabot pa ito sa hospital. "Siguro'y sinadya ng killer ang mahirapan si Erwin bago mamatay." Sabi ng doctor. "May nakasulat nga pala sa metal card na iniwan nya. Customized ito. Hindi ito ang first time kong makakita ng ganitong card." Sabay abot sa card na nakuha kay Erwin. Nakalagay ito sa isang bag ng plastik para din sa imbestigasyon. Pinakita ng doctor ang inscription sa metal card, "Mensajero". "Lahat ng high profile killings na nakita ko, merong card na ganito." Patuloy ng doktor.
Inilayo ni Kate sa doktor ang asawa ni Erwin. Habang sa Alvin ay nakikipag-usap sa doktor.
"Ibig sabihin nito Doc, may serial killer tayo na hindi pa nahuhuli at hindi pa natutukoy?" Tanong ni Alvin kasama si Mikai.
Maraming dumating sa libing ni Erwin Viernes.May mga politiko, mga sundalo at pulis na nangakong hahanapin ang pumatay sa lalaki. Andito rin si Attorney Steve Canion, isang mayamang negosyante at abogado. Naging business partner ni Erwin Viernes si Steve pero ilang taon na ang nakakalipas ng pinaalis sa company si Erwin dahil nabili na ito ni Steve. Balitang ginamit ni Steve ang koneksyon nito sa isang mafia na naghahari-harian sa NCR. Kilala sa lipunan si Atty. Steve Canion dahil sa yaman at mga kasong hinawakan nito para sa isang pamilya na nagkaroon daw ng ugnay sa mafia. Kasama sa mga kumalat na balita ang kaugnayan ni Atty. Canion sa ilang bar, casino at clubs na sinasabing protektado ng iisang mafia at pamilya.
"Hahahaha!" Natatawang sagot lagi ni Steve pag tinatanong sya tungkol dito. "I do own several companies, Kleng", Nung minsang na-interview ni Kleng si Steve. "Sure I have a resto, but clubs and casinos are not part of them… yet. Conflict of interest with my law firm." Sagot nya.
Pero sa pagkakataong ito, hindi sya ang sentro. "Atty. Canion," Tawag ni Kleng, "Any thoughts on the death of your former partner and friend?" Matapang na tanong nito.
Tumingin si Steve kay Kleng, biglang nakaramdam si Kleng ng kaba. "Do I have anything to say about his murder? We have already parted ways years ago. It's sad. Pero that's life." Wika ni Steve habang masamang nakatingin kay Kleng. Agad tumalikod si Steve kay Kleng at dumiretso na ito papunta sa sasakyan nya.
Hindi mainitindihan ni Kleng kung takot ba o ano ang naramdaman nya kanina. "Something's not right with this guy", Bulong ni Kleng.
"Anong something's not right Kleng?" Tanong ng partner ni Kleng na si Jerome Reyes.
"Hindi ko pa maipaliwanag, pero basta!" Sagot na lang nito.
Isang linggo matapos mapatay si Erwin, inilibing si Erwin Viernes sa isang exclusive cemetery. Umiiyak ang asawang nabiyuda sa mga pangyayari. Hindi alam kung pano magsisimula. Nakapaligid sa kanya ang mga kamag-anak at ang ninong nyang si Dr. Adrian Pantoja. Gaya ng nakaugalian, kasama ng doctor si Simon. Isang lalaki na natagpuan ng doctor mga tatlong taon na.
Tahimik lang si Simon, pinapanood ang mga taong nakapaligid sa doktor na umampon sa kanya. Simon ang naging pangalan nya dahil nang matagpuan ito ng doctor may suot itong damit na nakalagay ang pangalan. Sa halos katabi ng puntod ni Erwin Viernes ay makikita ang puntod ng isang pamilyang biktima din ng isang grupo. Sina Maria Isabela Clara at Juan Crisostomo Guevarra. Nilapitan ito ni Inspector Moscarde, isa ito sa mga kasong "minana" nya sa previous station head ng Station 13.
Ayon sa reports, "Elisa was raped by several men during her 2nd month of pregnancy. Her body was already on the early stages of decomposition when it was found with her husband's clothings. There has been months of searching for her husband's body to no avail." Wika ni Captain Moscarde. "Walang nang nakaalam pa." Bulong nito ng daanan muna nya ang puntod ng mag-asawa. Nagtataka naman si Inspector Moscarde kung bakit nilagyan ng salitang Espanyol ang card para kay Erwin. "Mensajero."
"'Mensajero' parang salitang Espanyol lang ah! Ibig sabihin ay Messenger?" Tanong ni Claire 'Kleng' Manglapus kay Inspector Moscarde.
Isa syang reporter para sa Batingaw ng Bayan, newspaper na pinatatakbo ng Chief Editor na si O-Anne David.
"Mensajero..." Naisip ni Kate, palayaw ni Inspector Moscarde, habang naglalakad hawak ang ebidensya.
"Ibig sabihin ba nito, mga Espanyol o may dugong Espanyol ang pumatay kay Mr. Erwin Viernes?" Tanong nya kay Kleng.
"Hindi ko alam Inspector, pero, magtitingin ako tungkol dyan." Sabi nito. "PERO," Hirit ni Kleng,
"Alam ko na Kleng," Sabat ni Kate. "You want the exclusive story, right?" Hula nya. "You will have it."
"YEHEY!" Sigaw ni Kleng.
"Pero Kleng, mag-iingat ka sa research mo." Paalala ni Kate.
"Ako pa?!" Pagyayabang ni Kleng.
Sabay nang umuwi ang dalawa ng hapon ding yun.
Alas-singko ng Sabado ng hapon ng mag-ring ang phone ni Kate. "Inspector, sorry po kung naistorbo ko kayo..." Sagot ng lalaki sa kabilang linya.
"Bakit ano ba problema?" Tanong nito habang nagpupunas ng mukha. Alam nyang hindi tatawag ang tao nya ng ganitong oras kung hindi importante.
"Inspector may holdapan pong naganap. Pinatay ng mga robbers ang 3 security guards ng NorthSouth Bank dito sa may P. Tuazon sa Cubao. Lahat kasi po headshot."
Napailing na lang si P. Insp. Moscarde. "Sige, pupunta na ko dyan. Tingnan nyo kung may surveillance camera ang banko, check nyo kung magkano ang nakuha at wag nyo palalapitin ang media. Itawag nyo na din sa SOCO" Utos nya. Pagdating nya sa crime scene, nakita nya ang mga guards na nakahandusay na. Puro headshots at sinigurong patay talaga. Halatang walang planong buhayin ng mga bank robbers.
"Inspector! Eto na po ang surveillance tape." Sabi ni SPO3 Alvin Delanya.
"Sige, salamat." Tatalikod na sana ito ng,
"Inspector, lahat sila humarap sa camera, pero may mga maskara silang blanko na kulay puti." Report nito. Dun nagulat si P. Insp. Moscarde.
"Sige, titingnan ko muna. Salamat." Sabay talikod nito papunta sa loob ng bangko. Malapit na sya sa may pinto ng biglang,
"BOOM!!!!"
Isang malakas na pagsabog tapos nakita na lang nila ang isang sasakyan na nagliliyab habang andun pa ang driver sa loob. Nagulat ang lahat sa nangyari, patakbong nagpuntahan dito ang mga pulis.
"WAG NYO PALALAPITIN ANG MGA TAO!" Utos nya.
Isang taxi ang sumabog at nagliliyab na. Patay na ang driver nito. Wala na silang napansin na tao sa paligid.
"Inspector pano na to? Tatawagan ko na ba yung ibang nasa opisina pa?" Tanong ni SPO3 Delanya.
"Sige, tawagan mo. Sabihin mo papuntahin dito sina De Guzman at Sinco. Kailangan natin ng tulong." Utos ni P. Insp. Moscarde.
Dumating na ang mga bumbero at wala na ang apoy sa taxi. Nakita rin ni Kapitan Moscarde si Claire, kasama ang cameraman nitong si Jerome.
"Kleng, ang bilis mo namang nakarating dito!" Bati ni Kat kay Kleng.
"Mahirap nang maunahan mo ako dito, eh di napagbawalan mo pa ako kung nagkataon. Besides, I want to be the first to report this sa newspaper. Interview mamaya", Sagot naman ni Kleng.
Samantalang si Jerome naman ay panay ang kuha ng video sa crime scenes.
"Inspector Moscarde," Tanong ni Kleng para sa interview nya, "Do you have any leads now as to who the perpetrators of these crimes are?"
Inaasahan na ito ni Kapitan dahil nga reporter si Kleng. "We don't have suspects as of now and we still need to look deeper into that" Sagot naman ng P. Insp. Moscarde. "These cases are really not new, Claire, but the public needs to report to us anybody na sa tingin nyo ay kahina-hinala." Paalala ng Inspector.
"Pero Inspector, this is the 3rd taxi that got bombed and the driver's the 3rd one burned alive habang namamasada. May suspek na ba kayo?" Pagtatanong uli ni Kleng.
"Wala pa. That's why we are continuously asking the people to report if they know anything at all. Sige, salamat po." Sabay alis ng P. Insp. Moscarde.
Medyo nahihirapan nga sila sa imbestigasyon dahil sa loob ng dalawang linggo, tatlong taxi na ang pinasabog ng kung sino. At wala pa rin silang motibo dahil halatang hindi ito pagnanakaw.
"Kapitan, hindi kaya isa itong paghihiganti?" Sagot ni SPO2 Mikai Tisani. "Pansin ko lang Kapitan, walang pagnanakaw, tumatakbo ang taxi, walang laman kundi driver lang. Tingin mo?" Tanong nya sa Inspector.
"Pwede yan Sarhento, naisip ko na din yan. That's why nasa report na yan", Sagot ni Inspector Moscarde.
Habang isa sa mga nakatingin sa krimen, isang lalaking nakatayo sa may madilim na bahagi, "Dapat lang yan sa inyo. Mga bastos kayo. Hangga't hindi ko naigaganti pamilya ko. MGA HAYOP KAYO!" Isang mapait na mukha ang hindi nya kayang ipakita. Lumayo na ito papunta sa ibang direksyon. Pauwi.
Samantala, sa isang condo sa Eastwood City. "HAHAHAHA!!!! Ang laking pera nito!" bulalas ng isa sa 5 lalaki.
"Oo nga, pero dapat, ingat muna tayo. First official job natin to na malaki ang kita." Sagot ng pangalawa.
"Basta, wala munang maggagala at bibili ng kung ano-ano ha. Mahirap na. baka hindi na tayo makadalawa nan", Paalala ng pangatlo.
"Wag kang matakot, alam naman natin yun eh. Walang gastador. Next week, ibang bangko naman." Sagot ng pang-apat.
"Sige boys, bibili lang ako ng beer at pulutan. Pakasaya muna tayo kahit ngayon lang." Sabay labas ang pang-lima para bumili ng beer.
Pagbaba nya sa condo, nakasalubong nya si Regina, ang kalaguyo ng namayapang si Erwin Viernes. Nakaporma pa rin gaya ng dati ang babae. Naglalakad mag-isa, walang pakialam sa mga matang nagmamatyag sa kanya. Pumara ng taxi, "Cubao manong." Utos nya sa taxi driver.
Maski ang taxi driver ay napapatingin sa kanya, 5'6" ang height ni Reg, balingkinitan, mahaba ang buhok, kayumanggi ang kulay. Maraming lalaki na ang nahumaling sa babaeng ito. Pero sa kabila ng ganda at alindog, may madilim na bahagi ng buhay nya ang walang nakakaalam. Habang nasa taxi, patingin-tingin ang matandang taxi driver sa pasahero nyang babae, panay ang lunok, panay ang sulyap. Napansin ito ni Reg. lihim syang napangiti. Tutuksuhin nya ang driver. Unti-unti nyang ibinuka ang mga hita, hindi malaman ng driver kung ano ang gagawin nya. Hahawak sa pantalon tapos sa manibela. Pero isang eksena ang umagaw ng atensyon nya. Nakita nya ang isang taong hila-hila ng isang tao din. Nung nakita sya nito, sabay takbo ang aninong humihila sa taong nakahandusay na ngayon sa isang sulok.
Napatigil ang driver, "Manong, bakit tayo tumigil? Hindi naman ako dito nagpapahatid ah!" Inis na sabi ni Regina.
"Teka lang miss, di ba tao yang nakahandusay na yan?" Sabay turo sa bangkay ng isang bading. Nagulat ang dalawa sa nakita nila. Lumabas ang taxi driver, dala-dala ang flashlight nya, tiningnan nya kung buhay pa ba o hindi na ang katawang iniwan ng lalaking dali-daling tumakbo.
Si Reg naman ay agad tumawag sa mga pulis. "Station 13, SPO2 Tisani, ano pong maipaglilingkod namin?" Sabi ng pulis sa kabilang linya.
"May patay po dito sa may makalampas ng Libis sa may E. Rod. Magpadala po kayo ng mga tao…"
"Ha?! May nakita pa ba kayong iba bukod sa patay na yan?" Pagtatanong ni SPO2 Tisani.
"Wala na po. Pakibilisan na lang. male-late na ko sa work." Iniwan ni Reg ang driver pati ang bangkay. "Wala naman akong mapapala dyan," Bulong nya sa sarili. Naglakad si Reg papalayo, hindi na nya nilingon ang driver na halatang medyo gulat pa sa nangyari.
Pagkatapos ng mga 18 minutos, dumating na ang mga pulis. "Manong, paisud lang po ng konti." Pakiusap ni SPO2 Tisani sa driver na nakatayo pa rin sa may bangkay. Umatras ang driver at nang lumingon sa likuran nya, wala na ang sexy nyang pasahero. "Pakshet." Bulong nito. "Sayang naman at umalis na ang babaeng yun". Panghihinayang ng driver.
Pumunta na ito sa taxi nya at umalis. Dito nya nakita ang P50 na iniwan ni Reg bilang bayad sa pasahe. "Okay na rin yung nag-iwan si chick ng P50 kahit hindi ko na nakuha information nya. Hehehehe" Salbaheng ngiti ng lalaki. Umandar na ito, umalis na sa crimescene.
Huli na nang mapuna ni SPO2 Tisani na wala na ang dalawang nakakita sa taong nag-iwan sa bangkay. "Pambihira." Asar na sambit nya. "Wala man lang bang pumigil sa mga witness natin na umalis?!"
"Sorry na. Kasi kumuha pa ko ng gamit para sa bangkay eh." Sagot ni SPO3 Delanya.
"Eh nagkaroon na po kasi ng gulo kaya hindi na rin naasikaso." Sagot ni SPO2 Lancho.
"Yari tayo kay Inspector Moscarde." Sabi ni SPO2 Tisani.
Habang nasa daan na ang taxi na nakakita sa biktima ng salvage, may lalaking pumara. "San ka pre?" tanong ng driver.
"Eh di ba taxi driver ka? Bakit ka nagtatanong kung san ako pupunta eh magbabayad naman ako!" sagot ng lalaki.
Sinara na lang ng driver ang bintana at nagsimula nang umandar paalis.
Hindi na nya napansin na may idinikit ang lalaki nung paalis na sya. "TARANTADO KANG DRIVER KA!" bulong ng lalaki.
Tumawa lang ang matandang driver sa reaksyon ng lalaking iniwan nya sa daan, "HAHAHAHAHA! Gago!" malakas na tawa nito, pero hindi nya alam na may nakadikit na sa taxi nya.
"Magbabayad ka sakin." Sabay alis ng lalaki.
Ilang segundo pa at
BOOMM!!!!!
Isang malakas na pagsabog uli ang narinig ng mga pulis sa di kalayuan.
"ANO YUN!?!?!?" Gulat na tanong ni SPO2 Tisani.
"Pupuntahan ko na muna." Sabay sabi ni SPO2 Paolo Lancho.
"Sige, samahan kita" Sabi ni SPO3 Alvin Delanya.
Tumakbo ang dalawang pulis papunta sa may pinagsabugan.
"Naku naman… parang sunod-sunod ata ang mga pangyayari sa ating lugar ah." Bulalas ni SPO2 Lancho.
Pagdating ng dalawa sa taxi, malaki na ang apoy nito. Agad-agad namang nag-radyo ng tulong sa mga bumbero si SPO2 Lancho.
Pagdating ng mga bumbero, dun na nila nakumpirma na may tao pa sa loob ng taxi. Isa na namang kaso na hindi maintindihan pano sisimulan. Natapos ang linggo ng gabi na walang sagot.
Madilim na ng makauwi sina Simon galing sa isang lakad nila ni Doktor Pantoja. Naghiwalay sila sa may kahabaan ng P. Tuazon kahabaan at pinili nyang maglakad-lakad muna. Pagdaan nya sa isang iskinita, may napansin syang babae na hila-hila ng apat na lalaki papunta sa isang sulok. May hawak na mga patalim ang mga ito at hindi sila nangingiming gamitin kung kailangan. Nabalitaan na ni Simon na may mga biktima ng pagnanakaw sa may malapit sa kanila.Tatawag sana ito ng pulis pero nasa kotse ng doktor ang bag nya kasama ang phone. Hindi nya alam ang gagawin dahil may mga hawak din na baril ang mga to.
Pero napasigaw na ang babae, "WAG PO! Maawa na po kayo sakin!" Pagmamakaawa nito.
Sumunod na rin si Simon sa sulok, hindi alam ang gagawin. Pero dahil na rin sa bugso ng damdamin nya, napasugod sya sa mga ito habang sabing "Itigil nyo ang kalokohang to!"
Nagulat ang lahat sa kanya.
Napatigil sya bigla at napaisip, "Putik, ano nga bang ginawa ko?! Yari ako nito!" Patakbo syang sumugod pero tumigil at sa pagkakadulas nya, tumakip sa ulo nya ang hood ng jacket nyang suot. Naging dahilan ito upang hindi sya makilala ng mga lalaking nakaabang.
Umatake na ang isa sa apat at may 29 itong isasaksak kay Simon. Nagulat si Simon pero nailagan nya ang atakeng ito at nakalapit sya sa isa pang suspek na nagulat din dahil nasa harap na nya ang lalaking hindi nya mamukhaan. Naging mabilis ang pangyayari at bigla nyang sinuntok sa may panga ang pangalawang lalaking nakahawak sa kamay ng babae. Sinipa nya rin ito kaya tumalsik ito ng mga ilang pulgada.
Sumunod na sinipa nyang magkasunod ang dalawa pang lalaki at hindi nya maintindihan pero marunong syang lumaban at marunong sya ng martial arts pero hindi nya alam kung bakit o kung ano yung gamit nya. Ang alam lang nya, kaya nyang lumaban at alam nyang kaya nya ang mga to. Lumapit sya sa pangatlong lalaki na nakatayo lang, sumuntok ito pero yumuko si Simon at binigyan nya ito ng isang malakas na suntok sa sikmura. Natumba ang lalaki na hindi makahinga. Isa pang suntok sa may panga at tulog na ito. Sinunod nya ang pang-apat, isang sipa sa panga ang binigay nya dito at isang uppercut ang binigay nya.
Patakas na sana ang pinaka-unang lalaki pero nagawa ni Simon ng ibato dito ang lansetang dala ng mga ito. Tinamaan ang lalaki sa may hita nito. Bumagsak ito na nagsisisigaw sa sakit.
Napatigil si Simon pagkatapos ng lahat. Umiiyak pa rin ang babaeng nagulat sa pangyayari. Kanina lang muntik na syang magahasa at mapatay, tapos ngayon, isang anino sa dilim ang biglang nagtanggol sa kanya.
Napansin ni Simon na medyo nanginginig ang babae sa takot, hindi na sya lumapit dito. "Miss, tatawag na lang ako ng ambulansya para sayo." Sambit ni Simon.
Hindi alam ng babe kung tatango o iiling, sa halip, umiyak na lang ito.
Papalayo na si Simon nung marinig nya ang isa sa apat na may kausap sa fone at nagsabing "Boss, ayuda ka namon... Taque kami ta..."
Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin dahil sa sipa ni Simon sa mukha nito. Tinapon din nya ang celfone sa isang kanal.
Tumawag naman sya sa isang hospital at ini-report ang babae gamit ang celfone ng babae. Mabilis din syang umalis para umuwi na.
Kinabukasan, nabalita na sa dyaryo ang pangyayari at ayon sa report, "Isang babae ang na-rescue ng ambulansya ng East Avenue Medical Center sa isang eskinita. Ayon kay Lean, (hindi tunay na pangalan, may apat na lalaking nagtangkang gahasain at patayin sya pero napigil ng isang anino. Hindi nya masabi kung babae ba o lalaki ang aninong nagtanggol sa kanya dahil sa shock na naganap dito. Pero dumating dun ang mga pulis at inabutan ang apat na bangkay na may mga saksak.
Hindi masabi ng babae kung ang sumaksak ba dito ay ang aninong ito o kung sino man. Pero ang malinaw, iniwan sya nig anino na nagsabing tatawag ng ambulansya para sa babae."
"SALAMAT ANINO!!!" Sigaw ng babae sa background.
"Anino?" Naisip ni Simon habang binabasa ang balita sa dyaryo. "Anino? Baduy. Teka, hindi ko naman sila sinaksak ah!" Bulong ni Simon sa sarili. Naisip na lang nya na baka ginantihan ng babae ang mga lalaki. Binalewala na lang nito ang pangyayari at dumiretso na uli sa pagtakbo.
Makalipas ang halos isang linggo.
Lunes ng gabi na naglalakad si Simon galing sa isang business meeting para sa itatayo nyang coffee shop sa may Cubao, may isang lalaking bumangga sa kanya na nakasaklay. Nagkatinginan pa sila.
"Pasensya na po..." Sabi ni Simon sa lalaki na mukhang nagmamadali.
"Pasensya na po..." Sabi ni Simon sa lalaki na mukhang nagmamadali. Hindi na rin ito binigyang pansin pa ni Simon. Pumara ng taxi si Simon pero nang papalapit na sya biglang, BOOMM!!! Isang pagsabog na naman! Medyo nahagip ng pagsabog si Simon kaya medyo tumalsik ito sa may pader at nauntog ang ulo, nahilo si Simon sa nangyari.
Dahan-dahang tumayo si Simon habang nakahawak sa pader, umiikot ang paningin nito at tila umaalingawngaw pa ang pandinig nya. Tumingin-tingin sa paligid si Simon pero dahil sa usok at pagkahilo, nanlalabo pa ang paningin nito. Pinilit nyang lumakad pero hindi nya kaya. Napaupo si Simon dahil sa pangyayari at unti-unti itong nawalan ng malay hanggang sa bumagsak ito pahiga sa kalsada.
— Bald kommt ein neues Kapitel — Schreiben Sie eine Rezension