App herunterladen
67.01% Love Connection [Tagalog] / Chapter 65: CHAPTER 50 - Let's Get To Know Each Other

Kapitel 65: CHAPTER 50 - Let's Get To Know Each Other

CHAPTER 16 - Let's Get to Know Each Other

ARIANNE'S POV

"Isang lalaki ang inaresto matapos siyang ireklamo ng panggagahasa," ayon sa reporter habang nakatutok ang screen sa mukha ng suspek na nasa loob ng selda.

Napalingon ako sa taong nakaupo sa harapan ko. May hawak siyang Bubble, isang teen magazine, pero hindi niya iyon binabasa. Nagsilbi lamang iyong pantakip sa ¾ ng mukha niya habang masamang nakatingin sa akin.

Kasalukuyan kaming nasa sala ni Aldred at nanunuod ng balita. Wala si Tita Cecil at sumama naman si Monique sa kaniya kasama si Cheeky kaya in short kami lang dalawa ang nasa bahay.

Binalik ko ang mga mata ko sa TV.

"Bakit mo 'yon nagawa?" tanong ng reporter.

"Dala lang po sir ng pagmamahal sir. Ayaw niya po kasi ako sagutin sir, kaya dinaan ko po sa ganoon sir," sagot ng suspek habang umiiyak.

What an A-hole.

Nanlisik ang mata ko dahil sa narinig ko. Inalis ko ang paningin ko sa TV at parang magnet ito na lumipat kay Aldred.

Masama pa rin siyang nakatingin sa akin.

Hindi niya naman magagawa 'yon di ba?

"Anong problema mo?" masungit kong tanong. Binaba ni Aldred ang magazine kaya't nakita ko ang pagnguso niya.

"Ikaw," aniya saka nagbaliko ng mukha. Sumulyap pa siya sa akin.

"Baliw," pabulong kong reaksyon. Tumayo ako at aalis na sana pero tumayo rin si Aldred at pinigilan ako.

"Uy, Arianne."

Iritable ko siyang nilingon.

"Dito ka muna o, bakit ba di mo nanaman ako pinapansin? May nagawa na naman ba akong masama?"

I bit my inner cheek. Malungkot ang pagkakatanong ni Aldred at naawa ako sa kaniya. Totoong iniiwasan ko nanaman siya pero hindi dahil sa may nagawa siyang mali.

"Feelingero. Hindi kita iniiwasan busy lang ako," sabi ko na lang saka ako nagpatuloy humakbang. Paakyat na ako ng hagdan pero isang mabigat na pakiramdam ang nakapagpapigil sa akin. Nilingon ko si Aldred at ang bagsak niyang mukha ang nadatnan ko.

"Arianne," nakakaawa niyang sambit. Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko na lamang ang sarili ko na bumalik sa sofa na kanina'y kinauupuan ko.

Umupo rin si Aldred sa kanina niyang pwesto at parang isang masayang aso kung makatingin sa akin.

Wait, ba't ba ako bumalik? Hindi niya naman ako niyayang samahan siya a?!

I darted at him with bore eyes.

"Sabi ko na nga ba Arianne hindi mo matitiis yung charm ko e. No matter how much you try to resist e babalik-balikan mo ako. As I said before, mai-inlove ka rin sa akin. Hindi man ngayon pero in the future kasi I will do my best to prove it to you that I am for you and you are for me."

Pagkatapos niyang magsalita ay napalitan ang kaninang walang kainte-interes kong mata ng isang walang kakwenta-kwentang tingin.

"Tapos ka na? Masaya ka na? Pwede na ako umalis?"

Minata ko siya. Muli ay nagnguso nanaman siya kaya naalibadbaran ako. Ang cute niya, bwiset. Tila ba alam niyang effective yung pagnguso niya kaya ginagamit niya sa akin. Nakakainis, ang sarap hilahin ng nguso niya at sampalin ng pagmumukha niya.

Tumayo ako at akmang aalis na pero katulad kanina ay pinigilan niya nanaman ako. Lumapit siya sa akin at hinarang ang sarili niya.

"Joke lang Arianne. Ikaw naman di ka mabiro e, hehehe—he," Hahawakan sana ako ni Aldred pero agad kong tinampal ang kamay niya.

Umupo ako, humalukipkip saka nag-dekwatro. Tumingala ako kay Aldred.

"Ano bang gusto mo?"

Umupo si Aldred sa tabi ko at tila nag-isip habang nakatitig sa akin. Nailang ako kaya binaba ko ang tingin ko. Mga 3 inches ang pagitan naming dalawa. Bumaba pa ang tingin ko sa binti niya. He is wearing tokong kaya kita ko yung walang balahibo at makinis niyang binti. Inangat ko uli ang mata ko pero inalis ko na ito sa kaniya at idiniretso sa TV. I suddenly feel like a pervert dahil sa pinaggagagawa ng mata ko.

Lumunok ako. Initially dapat ay maiinis ako sa pagdikit niya pero isa ito sa mga panahon na di ko ito alintana. I'm glad I'm wearing a pair of pajamas kung hindi ay maiilang ako.

"I want you..."

Nilingon ko si Aldred at agad siyang tinalasan ng tingin.

"I mean I want you to talk to me," lumunok siya pagkatapos at awkward na ngumiti.

"Talk to you about what?" seryoso kong tanong.

"About anything. Kahit anong gusto mo."

Malapad siyang ngumiti sabay kumamot sa batok. Ramdam ko ang hiya at sincerity ni Aldred. Napamilog nito ang mga mata ko at napainit ang mga pisngi ko.

"I want to know you more... not because I like-love you but because you are already part of my life," diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang sinasabi iyon. He is serious but at the same time light. Pakiramdam ko ay ang puso niya ang kausap ko.

Bumuntong hininga ako bago siya sinagot, "I don't mind at all, let us know each other."

Sumandal ako sa sofa at ganoon din siya. Hindi ko man maiwika sa kaniya ay pareho kami ng nararamdaman. I mean, I also want to know him more, not because I like him. Gusto ko siyang makilala dahil isa siya sa mga kaunting tao na pinapasok ko or should I say nagpumilit pumasok sa buhay ko.

"Hi, I'm Aldred Araun Bartolome Cuzon, 15 years old. Birthdate ko is September 22. My height is 5'8' and my weight is 175 lbs. I'm left-handed. My bloodtype is A+. Hmmm, my favorite color is Red," pagpapakilala ni Aldred habang nakatingala.

Natatawa ako sa kung paano siya nagsimula pero pinigilan ko ito. Halata kasing pinagisipan niya ang lahat ng sinabi niya.

So, September 22 pala birthday niya...

Nakatingin ako kay Aldred nang mula sa chandelier ay inilipat niya ang tingin sa akin. Nag-init ang pisngi ko dahil sa close contact. Nangungusap ang mata niya and I realize that it is my turn to tell something about myself. Ginaya ko ang format niya.

"I'm Arianne Mari Arevalo Fernandez, 18 years old. My birthdate is January 19. My height is 5'8 and my weight..."

Napatigil ako.

"Kailangan ko bang sabihin talaga?"

Tumango si Aldred.

"I don't want to. Let's skip that part," I said. Magpapatuloy na sana ako pero nagparinig siya.

"That's unfair. I've been honest here for the whole time," sabi niya kasabay ang pag-make face niya.

Napatiim-bagang ako.

"My weight is 143 lbs. Masaya ka na?" Inis kong sabi na sinuklian niya ng manghang reaksyon.

"Really? Then I can carry you pala," humahagikgik niyang sabi. Hindi ko alam kung anong nais niyang iparating kaya agad ko na lang itinuloy ang format na kanina'y naputol upang maiba ang usapan.

"I'm ambidextrous but I mostly use my left hand. My blood type is AB positive and my favorite color is orange."

"Woah, nice. Ngayon lang ako naka-meet ng taong ambidextrous. Do you play sports? That will be a great advantage."

Para siyang bata kung makatingin at makapagtanong sa akin. Puno ng pagka-interes ang mga mata niya at ito ako na gustong punan iyon.

"I do sports like karatedo, jiujitsu and judo for my self-defense. I can play badminton, table tennis, tennis, and basketball too," tugon ko. Marahan siyang tumango-tango.

"Ang sporty mo pala. Pero bakit hindi kita nakikita sa varsity meet-ups?" nagtataka niyang tanong na agad kong sinagot.

"It's because I can't. I can't bear to play with lots of people watching..." mahina kong sagot. Susundan niya sana ito ng isa pang tanong pero agad ko itong siningitan ng sasabihin. Ayoko kasi talagang pag-usapan ito.

"Ikaw Aldred, why did you choose archery as your sports?" nakangiti kong tanong. Hindi sa ginawa ko lang itong dahilan para maiba ang usapan. Curious din talaga ako kung bakit.

Nag-blink ang mga mata niya ng ilang ulit bago sumagot, "Ah, ano nagustuhan ko yung archery kasi it is peaceful to play. It's like I'm doing yoga while I'm playing sports. I like how it also enhances not just my physical strength but also my mental ability. More on focus and concentration kasi siya at iyon ang gusto ko," paliwanag ni Aldred na nagpaiwan ng titig ko sa kaniya.

I like it when he talks like this. He shows that he is not just handsome physically but also mentally.

"Aldred, bakit 15 ka pa lang pero grade 12 ka na?" tanong ko uli.

"Accelerated kasi ako for 3 years. Dapat nga sa states ako mag-aaral pero hindi ko kaya na malayo e. Bumalik ako dito sa bansa at nilakad ng NIA na i-continue yung acceleration ko."

Nasurpresa ako sa tugon niya.

"Wow, that's nice pero hindi ba mahirap? Lalo na na hindi mo kaedaran yung mga kaklase mo?"

"Hindi naman, una sa lahat matangkad kasi ako kaya hindi nila halata. Isa pa kaya ko makipagsabayan sa kanila mentally. Kasabay ko rin mag-aral si Carlo kaya naga-guide niya ako."

"Carlo?"

"I mean si Charles. Nickname niya yung Carlo."

Tumango ako nang ilang ulit. Ngayon ko lang na-realize sa sarili ko na gusto ko pang magtanong nang magtanong tungkol sa kaniya. Gusto ko pang malaman ang ilang personal na bagay ukol kay Aldred pero nahihiya ako.

"Arianne, anong favorite food mo? Dessert? Fruit? Book? Movie? Song? Band? Artist?"

Bumalik kami sa mala-slam book na tanungan portion and I'm glad because I also want to ask him about those things.

I answered him enthusiastically, "Favorite food ko ay kare-Kare. Sa dessert naman ube halaya. I don't have a favorite fruit, they are all equal to me. My favorite book is Jane Austen's Emma. Wala akong fave na specific band saka artist e,"

"Pride and Prejudice pa lang ni Jane Austen ang nababasa ko."

"That is good too but I recommend you to read Emma. Parehas na maganda pero mas bet ko lang yung Emma kasi gusto ko yung character ni Emma, isa pa I really like Mr. Knightley there."

"Mr. Knightley?" tanong ni Aldred. Pansin ko ang matalas na pagkakabanggit niya.

I looked at him enthusiastically and explained what he is asking.

"Spoiler alert," humagikgik ako, "He is the heroine's friend. He is potrayed as a gentleman, selfless and humble. Though the heroine and him are 17 years old apart they are good friends… actually, more than that."

Sa tuwing pinaguusapan ang mga ganitong bagay ay napupuno ako ng sigla. Huli na nga nang mapansin ko na tila nasobrahan ako.

"17 years older?" may pagkabigla sa naging tanong niya.

"I'm sorry, na-spoil ata kita."

"No, it's fine. Kung gusto mo magdamag tayo rito at ikuwento mo sa akin at babasahin ko pa rin iyon," he smiled. What Aldred said was flattering and it made me smile too.

"Ayoko, mabo-void yung excitement mo," nakangiti kong sabi.

Pagkatapos kong magsalita ay namagitan ang katahimikan sa pagitan namin. Nagseryoso ang ekspresyon niya at tila biglang may malalim na inisip. Napasimangot ako.

"Hey, it's your turn," matamlay na lumabas sa bibig ko. Napalingon siya sa akin na gulat ang mukha.

"Oh, oo nga ako na. Sorry," nagpaumanhin siya bago nagsimula, "Favorite food ko is bagnet, tapos leche flan sa dessert, tapos fruit naman ay orange. Wala akong favorite na book, okay lang ba?" tanong niya na tinanguan ko.

"Sa banda, madami akong gusto na banda pero locally, of course you know who it is, Stray Catz at sa artist naman, konti lang yung mga artist na nagiging fan ako, hmmm sino nga ba pinakagusto ko?"

Sa kaunti na sabi niya ay napaisip pa siya.

"Ah, si Megan Fox," nakangiti niyang banggit na ikinanganga ko.

"Ba—Bakit siya?"

"Ang hot niya kasi," he nonchalantly replied at dahil doon ay may parte ng pagkatao ko ang bigla na lang nairita.

Ipinatong ni Aldred ang mga paa niya sa mesa. Napansin ko yung malinis at pink niyang mga toe nails. Aside from that ay ang haba ng paa niya. I wonder what size it is pero hindi ko kayang itanong sa kaniya. Natapos na ang balita at primetime series na ang susunod na palabas. Hindi ako nanunuod tuwing gabi at ganoon din daw si Aldred kaya pinatay na namin ang TV.

May sasabihin sana si Aldred sa akin pero tumunog ang cellphone niya kaya't tinignan niya ito. Pansin ko ang kakaibang reaksyon niya habang nakatingin siya sa screen.

"Sino 'yan?" tanong ko na ikinagulat ko rin. Wala naman kasi akong karapatan na alamin kung sino iyon in the first place. Mabuti na lamang ay hindi binigyang pansin ni Aldred ang pagiging intrigera ko. Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya.

Pippy: Freak!

"Pippy?"

"Your friend, Pristine. Babaeng Epal sana yung gagawin kong contact name niya pero ni-consider ko pa rin yung pagiging magkaibigan niyo kaya Pippy na lang."

Impit akong natawa. I then read all the previous messages at pare-parehas lang lahat.

"She really is fond of you," biro ko.

"Fond what? She is bullying me," nakanguso niyang reklamo na tinawanan ko lamang.

"Honestly this is a good thing, minsan pa lang kayo nagkita and you are already one step ahead of the others that knew her. Pristine rarely shows this side of her to anyone."

"Her evil side? Kailangan ba akong matuwa na pinagti-tripan niya ako?"

Natawa ako.

"You should reply to her. She really is a nice person."

Aldred pouted matching with his not earnest expression. I giggled because he is so charming despite that reaction. Then ngumiti siya sa akin. A sincere and caring smile. It went straight to my heart kaya't napatigil ako at napalunok. Agad bumilis ang tibok ng puso ko.

Tinatanong niya kanina kung bakit ko siya nilalayuan. Ito yung sagot. I'm conflicted and confused with my feelings.

Hindi niya na ako tinanong uli pero kung sakaling tanungin niya nanaman ako, kasi for sure ay lalayuan ko nanaman uli siya kinabukasan ay hindi ko ito isasagot.

Lagi siyang honest but here I am unfair the whole time. I am unfair even to myself.

"Arianne, di ba sabi ni mama nagkita na raw tayo noong mga bata pa tayo. Wala kasi talaga akong maalala e, ikaw ba?" he asked with questioning black orbs.

Napayuko ako dahil hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Hindi naman sa magsisinungaling ako. Wala rin naman kasi talaga akong maalala. Madali lang sabihin iyon pero kapag sinabi kong wala akong maalala ay dahil wala talaga akong alaala.

Ni isa ay wala pa akong napagsabihan nito. Not even Pristine or Bianca and even Natalie. One of the reasons why I said that I'm unfair.

I once wanted to reveal it but I convinced myself not to dahil hindi naman na kailangan. I am normal now and some things ay binabaon na lang sa limot. Binabaon na lang dapat pero kapag kasama ko si Aldred, si Aldred na honest, na pure, na innocent (kahit di niya alam na parang may kabastusan ang dila niya), na genius, na understanding ay feeling ko na dapat kahit ito lang bilang pakonswelo ay maging honest rin ako sa kaniya.

"Sorry pero wala akong naaalala. Actually, hindi sa hindi ko maalala. Wala kasi talaga akong alaala. Nagka-amnesia kasi ako."

♦♦♦


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C65
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen