App herunterladen

Kapitel 2: CHAPTER TWO

MABIBILIS ANG bawat lakad ni Clara sa hallway ng school. Nakataas ang noo niya habang naglalakad. Who would be confident if you are one of the most beautiful girls in the campus? Isa siya sa mga kasali kapag may kompetisyon sa school nila pagdating sa ganda at talino. Sabi nga ng iba, mukha siyang manika. Agaw pansin din siya kapag naglalakad. Lahat halos ng mga lalaki sa campus nila ay napapatingin sa kanya ngunit hindi niya magawang tapunan ng kahit isang sulyap ang mga ito dahil sa pangako niya sa kaibigan. At saka wala naman talaga kasing dating ang mga ito para sa kanya.

"Hello, bestfriend." Biglang may umakbay sa kanya na ikinahinto niya sa paglalakad.

Lumingon siya at doon niya nakita ang taong laging dahilan ng mga ngiti sa labi niya. Tinanggal niya ang braso nitong nakalagay sa kanyang balikat. Seryuso ang mukha na tinitigan niya ito sa mga mata.

"Where did you go?" inis niyang taong.

Ngumiti si Lincoln sa kanya ng ubod tamis. Biglang tumibok ng mabilis ang puso niya. Lincoln makes her heart beat wild. Ganoon lagi ang puso niya kapag kasama ang kaibigan. They have been friends for five years now. Elementary palang sila ay malapit na sila sa isa't isa. First year high school siya ng magsimulang tumibok ng kakaiba ang puso niya sa kaibigan. Nangyari iyon ng pinagtanggol siya nito sa isang grupo ng mga babae. Nasanay na lang siya na ganoon ang tibok ng puso niya para rito. At para sa kanya ay normal na ganoon ang puso niya para sa kaibigan. Wala naman kasi talagang especial sa kanilang dalawa kung hindi ang kanilang pagkakaibigan.

"I'm sorry, Clara. Pinatawag kasi ako ni Ma'am, may pinapagawa na naman siya para sa newspaper ng school." Inayos ni Lincoln ang suot na salamin sa mata.

Dalawang buwan na lang at matatapos na ang school year. At nitong nakaraang linggo ay ilang beses niya lang nakasama ang kaibigan. Hindi na rin siya nito sinusundo sa bahay dahil dapat itong maging maaga lagi sa pagpasok. Ganoon din kapag uwian. Late na ito nakakaalis ng school dahil maraming dapat tapusin. Bilang student council President ay marami itong ginagawa para sa kanilang paaralan. At iyon ang kinaiinisan niya ng mga sandaling iyon. Namimiss niya na kasi ang kaibigan.

"Okay." Sagot niya at tinalikuran ito.

"Clara, hey!!!" sigaw ni Lincoln at sinundan siya.

"Clara, wag ka nang magtampo. Please!" paki-usap ni Lincoln.

Patuloy lang siya sa paglalakad. Hindi niya pinansin ang paki-usap ng kaibigan. Bahala ito sa buhay nito. Halos isang linggo siya nitong hindi pinansin dahil sa mga school project and activities nito. Kahit text o tawag ay hindi nito ginagawa. Iyong weekend bonding nila ay wala na din. Kaya sobra ang pagtatampo niya dito. Sanay siyang kasama ito sa lahat ng bagay. Tanging ito lang ang kaibigan niya tapos hindi pa niya ito maka-usap o makasama man lang. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng kaibigan na masasandalan.

Umupo siya sa isang mesa ng makarating sila sa canteen. Ngumiti sa kanya si Lincoln at iniwan siya. Ito ang bibili ng pagkain na para sa kanya. Ganoon naman silang dalawa lagi kapag kumakain. Nakasanayan na rin naman niya kaya hinahayaan nalang niya ang kaibigan. Hindi nagtagal ay bumalik si Lincoln na may hawak na isang tray ng pagkain. Inilapag nito sa harap niya ang isang plato na may lamang spaghetti at isang sandwich. Bigla siya natakam sa pagkain na nasa harap niya.

"I know you will love it." Sabi ni Lincoln.

Tumungo siya at nagsimula ng kumain. Magana ang bawat subo niya. Walang paki-alam kung magkalat ang sauce ng spaghetti sa mukha. Natigilan lang siya ng mapansin ang kakaibang ngiti ng kaibigan. Tuwang-tuwa ito habang nakatingin sa kanya. Nang mapansin nito na nakatingin siya ay kinuha nito ang isang tissue at pinunasan ang nagkalat na sauce sa gilid ng labi niya.

"You still act like a child, Clara." Natatawang sabi nito.

"And I don't have a plan to change." Sagot niya at muling kumain.

Narinig niyang tumawa si Lincoln sa sinabi niya. Bahagya nitong ginulo ang buhok ng dalaga bago nagsimulang kumain ulit. Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan dahil sa ginawa nito ngunit hindi iyon pinansin ni Lincoln, bugkos ay ngumiti lang ito at pinagpatuloy ang pagkain nang binili nitong sandwich.

"Sabay ba tayong uuwi mamaya, Cole?" tanong niya sa kaibigan.

Tumigil sa pagkain si Lincoln at tumingin sa kanya. "Hindi eh. May tatapusin kaming mga school officer. Malapit na ang Junior and senior prom kaya kailangan na naming magplano para sa araw na iyon."

Hindi niya ma iwasang hindi malungkot dahil sa narinig. Kung ganoon ay hindi pala niya makakasama sa pag-uwi ang kaibigan. Akala pa naman niya ay babalik na ito sa tabi niya. Nawalan siya nang gana sa kinakain. Malungkot siyang tumayo at pinunasan ang mga labi. Napatingin sa kanya si Lincoln na puno ng pagtataka ang mukha.

"Saan ka pupunta, Clara?"

"Nawalan na ako nang gana. May gagawin pa pala ako sa library. Mauna na ako." Sabi niya at iniwan ito. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kanya. Naiinis siya sa kaibigan. Ayaw niyang magalit dito ngunit talagang nakakatampo na ang ginagawa nito.

Tumuloy siya sa library pagkagaling niya ng canteen. Doon na lang siya muna at magpapalamig ng ulo. Naiinis pa rin siya sa kaibigan. Magkaibang section silang dalawa. Matalino kasi si Lincoln. Lagi itong nasa top one. Matalino din naman siya ngunit talagang magkahiwalay lang ang section nila ng kaibigan. Lincoln is a bookworm guy. Lagi itong may dalang libro kaya makapal ang salamin nito sa mga mata pero kahit ganoon ay hindi pa rin maitago ang gwapo nitong mukha. Maraming nagpaparamdam sa kaibigan niya ngunit hindi nito pinapansin. Lincoln has a beautiful pair of brown eyes, brown skin, pointed noise and kissable lips. Aaminin niya, isa din siya sa mga humahanga rito ngunit hindi niya pwedeng ipakita sa kaibigan dahil baka magbago ang pakikitungo nito sa kanya. Nakita niya kung paano nito nireject ang mga babaeng nagsasabi dito nang nararamdaman. Ayaw niyang matulad sa mga babaeng iyon. Mahalaga pa rin sa kanya ang pagkakaibigan nila.

Kumuha siya ng libro na nakaagaw ng kanyang pansin at umupo sa dulong bahagi ng library. Kinuha niya ang headset sa bulsa at inilagay sa kanyang tainga. She started to read while listening to some music. Hindi nagtagal ay nag-eenjoy na siya sa binabasa. Wala na siyang paki-alam sa paligid niya. Natigil siya sa binabasa ng may biglang tumapik sa kanyang balikat. Galit na nilingon niya ang pangahas at balak sanang singhalan ng makita ang isang gwapong lalaki na nakatingin sa kanya.

Ngumiti ito na naging dahilan para makita niya ang pantay na pantay st maputi nitong mga ngipin. Hindi din makakailang ang ganda ng ngiting iginawad nito sa kanya. Para itong model ng tooth paste. Ang gwapo ng lalaki sa harap niya. Maganda ang mahahaba nitong pilik mata at makapal naman ang mga kilay nito na bumagay sa binata. ang dark brown ang nitong mga mata ay nagsasabing masaya itong makita siya. Maputi din ito at matangos ang ilong. Ngunit ang mas nakakaagaw pansin dito ay ang mapupulang labi. Nakakaakit ang labi nito na parang kay sarap halikan.

"Miss, are you alone?" tanong nito na pumukaw sa lumalakbay niyang utak.

Ngayon lang siya natulala sa isang lalaki. Kahit kay Cole ay hindi nangyari ang reaksyon niyang iyon. Hindi niya akalain na magiging ganoon ang reaksyon niya sa isang lalaki na alam niya kung ano ang likaw ng bituka. Kilala niya ang lalaking nasa harap niya ng mga sandaling iyon.

Sino ba ang hindi nakakakilala kay Kurt Adams Lopez?

The great Kurt Adams Lopez, iyan ang bansag dito ni Karyll na kaibigan niya kaso dalawang buwan palang nagsisimula ang school year ay lumipat na ng ibang school. Isang dakilang playboy ng campus si Kurt. Kagaya niya ay third year high school na rin ito at isang soccer player. Sikat ito sa campus nila dahil gwapo at magaling na soccer player. Balita nga sa campus na ito ang magiging team captain next year. Hindi lang ito magaling na soccer player, magaling din ito sa photography. Sa katunayan ay may mga nakasabit itong photograph sa school nila. Mayaman din ang pamilya nito na may-ari ng kilalang cruise ship na nakabase sa U.S.

Umiwas siya ng tingin dito. Kurt is dangerous. Kailangan niya itong iwasan ngunit bago pa niya ito mataboy ay umupo ito sa silyang nasa tabi niya. Inilapag din nito ang hawak na libro.

"What are you doing?" mataray niyang tanong.

Tumingin si Kurt sa kanya. Salubong ang mga kilay nitong sumagot sa tanong niya. "Reading."

"I know. Pero wag ka dito sa table ko. Marami pa naman bakante."

Siguradong pag-uusapan siya ng kampus kinabukasan. Hindi sa hindi siya sanay sa ganoong atensyon mula sa ibang babae pero ibang usapan kasi kapag si Kurt ang naging dahilan. Hindi siya pinansin ni Kurt. Ngumiti lang ito at muling nagbasa. Biglang may nabuhay na inis sa loob niya. Hindi ba siya narinig ng lalaki? Ilang saglit niya pang tinitigan ng masama ang lalaki ngunit hindi siya nito pinansin. Nanatili itong nagbabasa ng librong hawak. Napupuyos ang kalooban na kinuha ang librong binabasa. Kung ayaw nitong umalis ay siya ang aalis. Aalis na sana siya ng hawakan ni Kurt ang kamay niya. Napapasong binawi niya ang kamay na hawak nito. Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya rito.

"Where are you going?" tanong nito.

"Away from you. Inaabala mo ako sa pag-"

"You look sad earlier that's why I seat here. Gusto lang naman kitang samahan pero hindi naman kita pakikialam sa pagbabasa mo." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinabi nito o may iba itong nais sa kanya.

"Don't worry. It doesn't mean anything. Kung gusto mo iwan na kita para makapag emote ka." Inayos nito ang mga gamit.

Tinitigan lang niya ito. Ngumiti ito at pinisil ang kanyang baba. "You should smile often, Marie. Maganda ka kapag nakangiti." Sabi nito bago siya iniwan.

Gulat na sinundan niya ng tingin si Kurt. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa mukha. Tama ba ang narinig niya. Sinabi nitong maganda siya at tinawag siya nito sa kanyang pangalan. Alam ng isang Kurt Lopez ang pangalan ng isang tulad niya. Napakurap siya pagkalipas ng ilang minuto. Hinawakan niya ang dalawang pisngi. Nararamdaman niya ang init na namumula doon. And for the first time in her life, she feels the sensation that every girl feels when their crush compliments them. Nararamdaman niya ang kilig na namumula sa loob ng puso niya. At tama ang naririnig niya sa mga tao sa campus, Kurt is dangerous. Alam nito kung paano pakikiligin ang isang babae sa simpleng compliment lang.

PALABAS ng campus si Marie ng may humintong kotse sa harap niya. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil kilala niya ang kotseng iyon. Bumaba ang salamin sa likurang bahagi ng kotse at sumilip si Kurt na may ngiti sa labi.

"Hi Marie. Going home?"

Napakurap siya. Tinatanong siya ni Kurt. Kanina lang sila nag usap sa library at hantaran niya itong tinarayan. Dapat ay hindi na ito makikipag usap sa kanya pagkatapos nang ginawa niya pero heto ito at kinakausap na naman siya.

"Hey! Galit ka pa rin ba sa akin?" bumaba ito ng kotse at lumapit sa kanya.

Nakita niyang tumingin sa kanila ang mga estudyante na palabas din ng campus. Napayuko siya para itago ang mukha. Ayaw niyang pag-usapan sa buong campus ng dahil sa lalaking nasa harap niya ngayon.

"What do you want?"

Ngumiti si Kurt dahil sa sagot niya. "Kung uuwi ka na, hatid na kita."

"No! Thanks." Lalampasan na sana niya ito ng hawakan siya nito sa kanyang braso.

Agad niyang binawi dito ang braso na hawak. Umatras din siya para magbigay ng espasyo sa pagitan nila dahil masyado na itong malapit sa kanya.

"Come on, Marie. Ihahatid lang naman kita. Wala akong gagawing masama sa'yo."

"I said NO!" matigas niyang sabi.

"Ano bang masama sa paanyaya ko para tanggihan mo?"

Huminga siya ng malalim. "Kailangan mo ba talagang itanong sa akin iyan? First, hindi kita kilala. Second, I don't trust stranger. And last, lalaki ka at wala akong tiwala sa isang kagaya mo."

Hindi umimik si Kurt bugkos ay ngumiti ito ng malapad. Waring aliw na aliw ito sa sinabi niya.

"Okay din." Inilahad niya ang kaliwang kamay. "Hi Ms. Marie Clara Alonzo. I'm Kurt Adam Lopez, only son of Mr. and Mrs. Lopez, who happen to be the owner of this school. Also, I'm a soccer player and one of the top ten of our batch. I love listening to rock music but the most beautiful music for me is..." unti-unting lumapit si Kurt sa kanya. "...is your laugh. Napakasarap sa pandinig na marinig ang mga tawa mo, Marie. At kung nagtataka ka kung bakit ako lumalapit sa iyo ngayon ay dahil nais kitang makilala. I like you, Marie. And I want to court you."

Napasinghap siya dahil sa sinabi ni Kurt. Ganoon din ang mga taong nakarinig sa sinabi nito. Para naman siyang bato na ipinako sa kinatatayuan. What Kurt confesses to her makes her world stop? Ngayon lang may lalaking nagsabi nang nararamdamn nito sa kanya sa harap ng maraming tao. At hindi niya alam kung paano mag-react. What should she do? Should she say that she doesn't like him? Or she run and left him there.

And she did the best thing she can do..... Run.... She runs away from that scene. Bahala na kung ano isipin ng mga taong naruruon. Nais niya lang makalayo kay Kurt dahil naguguluhan siya. Nararamdaman niya sa loob ng kanyang puso ang kakaibang damdamin. She is in danger. The campus playboy confesses to her in front of everyone. Siguradong pag-iinitan siya ng mga babaeng naghahabol dito. Mukhang kailangan niyang paghandaan ang mangyayari bukas.

KABALIKTARAN ng inaasahan ni Marie ang nangyari pagdating niya ng campus, walang mga babaeng humarang sa dinaraanan niya kinabukasan. Oo at nakatingin sa kanya ang lahat. May ilan pa nga na tinaasan siya ng kilay tapos magbubulungan. Hindi maaring hindi kumalat ang ginawa ni Kurt sa buong campus pero ang nakapagtataka na walang babaeng humatak ng kanyang mga buhok.

"Hi babe!"

Muntik na siyang mapatili ng may lalaking nagsalita sa likuran niya. At hindi siya maaring magkamali, kilalang kilala niya ang boses ng lalaki. Lumingon siya na nakasimangot. Isang magandang ngiti ang sumalubong sa kanya.

"Good morning, Marie. Flower for the beautiful lady." Inilahad ni Kurt ang hawak na tatlong pulang rosas.

Tinitigan niya lang iyon. Tumaas ang isang kilay niya bago mataray na inikutan ng mga mata. Alam niyang pinaglalaruan lang siya ng lalaki at wala siyang oras para makipaglaro rito. Mataray niya itong inirapan at tinalikuran. Nagsimula siyang maglakad papunta sa una niyang klase.

"Hey!"agad na sumunod si Kurt sa kanya. "Ayaw mo bang tanggapin itong bulaklak na bigay ko?"

Hindi niya sinagot ang lalaki. Patuloy lang siya sa paglalakad.

"Marie, pansinin mo naman ako. Bakit ba ayaw mo akong pansinin? Dahil ba ito sa ginawa ko kahapon. Pasensya na kung masyado akong mabilis. Ganoon lang talaga ako kapag gusto ko ang isang babae. I like you kaya pansinin mo na ako."

Huminto siya ng nasa pinto na sila ng classroom niya. Huminga siya ng malalim. Kilala niya si Kurt, hindi ito ang klase ng lalaki na susuko agad.

"Tigilan mo nga ako. Hindi kita type. Okay?" Tahasan niyang sabi rito.

Narinig niya ang pagsinghap ng mga kaklase niya. May ilan din siyang narinig na nagbubulungan. Heto na naman, pag-uusapan na naman siya ng kampus dahil lang sa lalaking ito. Imbes na magalit at umalis sa harap niya si Kurt ay ngumiti ito. Lalo siyang nainis sa lalaki dahil sa ngiti nito. May gana pa itong ngumiti gayong naiinis na siya rito.

"Sorry babe but you can stop me. Liligawan pa rin kita hanggang sa matanggap mo ang nararamdaman ko sa'yo. You will be my girlfriend, mark that." Sabi nito at kinuha ang kamay niya. Inilagay nito ang tatlong pulang rosas sa kanyang kamay bago siya iniwan doon na nakasimangot.

Mukhang wala siyang kawala sa isang kagaya ni Kurt. Simula na yata ito ng miserableng buhay niya. Kailangan niyang gumawa ng paraan para tigilan siya ni Kurt. Pero paano nga ba?

NASA BAHAY lang buong si Clara ng araw na iyon. Wala naman siyang gagawin ngayong weekend kung hindi magbasa at magbake ng cake. Nasa kusina siya ng tawagin siya ng katulong at sabihin na may bisita siya. Agad siyang lumabas ng kusina. Napangiti siya ng makita ang isang lalaking nakatayo sa gitna ng sala. Pinigilan niya ang saya na umusbong sa puso niya. Dapat ay galit pa rin siya sa lalaking ito.

Nakasimangot na lumapit siya sa binata. "Anong ginagawa mo dito?" mataray niyang tanong.

Lumingon si Cole sa kanya. May hawak itong isang tangkay ng pulang rosas at isang paper bag. "I'm sorry." Anito sabay bigay sa kanya ng hawak.

"Ano ito? Peace offering?"

"Yes." Pag-amin ni Cole. Lumapit pa ito sa kanya. Kinuha nito ang kamay niya at inilagay doon ang hawak.

Sinundan niya na lang ang ginagawa nito. Hindi niya ibinalik dito ang ibinigay bugkos ay ibinalik na lang niya ang tingin sa mukha nito. Pinatili niya ang mataray na mukha. "Ito lang ba ang ipinunta mo. Makaka-alis ka na." Tinalikuran at aalis na sana siya sa harap ng kaibigan ng mabilis siya nitong hinawakan sa braso para pigilan.

"Bestfriend, bati na tayo," may bahid ng lambing ang boses ni Cole.

Buti na lang talaga at nakatalikod siya, hindi nito nakita ang pagsilay ng isang ngiti sa labi. Minsan lang maging malambing si Cole. Once in a blue moon kung baga. Ginawa lang nito iyon kapag malaki na ang kasalanan sa kanya. Tumikhim siya at ikinalma ang sarili bago hinarap ang kaibigan.

"Fine but do something to make me forgive you."

Isang ngiti ang isinukli ni Cole at bigla na lang siyang hinawakan sa braso. Hinila siya ng kaibigan palabas ng bahay. Nabitawan niya ang ibingay nito. Buti na lang at sa loob ng bahay niya iyon nabitawan.

"Cole, what do you think your doing? Saan mo ako dadalhin?" sigaw niyang tanong sa kaibigan.

Hindi sumagot si Cole. Hinila lang siya nito hanggang sa makalabas sila ng bahay. Nakita niya agad ang nakaparadang kotse ni Cole. Binuksan ni Mang Kardo ang pinto ng kotse para sa kanila ni Cole.

Huminto siya sa harap ng kotse at hinarap ang kaibigan. "Saan ba tayo pupunta? May ginagawa ako. I'm baking cake, right now."

"You will like it. Come on." Hinawakan siya ni Cole sa siko at pinasakay sa kotse.

Tutol pa sana siya ng mabilis na isinara ni Mang Kardo ang kotse. Umikot si Cole sa kabilang bahagi ng kotse para pumasok din. Agad niyang sinamaan ng tingin si Cole ng mkasakay ito ngunit tinawanan lang siya ng kaibigan. Pero sa totoo lang ay masayang-masaya ang puso niya. Kasama na naman niya kasi ang kaibigan.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C2
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen