It was hard to believe
That you like me too
The idea was so hard to concieve
Why such a beautiful woman
Would fall for a guy like me
Then I heard from the good man
He said "I had some one for you see"
So I began to thank my God above
Because you are everything I need
He sent me a godly woman to love
To protect, and lead.
You are the one my maker sent
And you are the one I will always love
So to hurt you will never be my intent
Like Boaz and Ruth we fit like a glove.
Nang makalabas sila Thomas at Nico ay katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto.
"You never look at me that way." Simula ni Toby na nagpakunot sa noo ni Hayley. "You looked at him as if you're saying he's your world." Nangiti si Hayley sa sinabi ni Toby. "Yes, he is." Sabi ni Hayley na nagpangiti ng mapait kay Toby. "I've already lost it, right?" Tanong ni Toby na nakatingin kay Hayley. "I have loved you but..." Hindi natapos ni Hayley ang sasabihin dahil nagsalita si Toby. "Pero sinayang ko ang pagmamahal na iyon. At kahit anong gawin ko, alam kong huli na para mabawi pa kita." Ramdam ni Hayley ang lungkot sa boses ni Toby. "I'm sorry." Sabi ni Hayley. "I should be the one saying that...I'm sorry, Ley. I'm sorry if I hurt you. I'm letting you go because I know he will love you more than I can do. Be happy, Ley." Sabi ni Toby. "Be happy too, Toby." Pagkatapos ay lumabas na ang binata.
Ngumiti si Hayley ng makitang pumasok na si Nico. "Ano'ng pinag-usapan n'yo?" Tanong ng binata pagkatapos umupo sa tabi ng dalaga. "Secret." Sagot ng dalaga na nagpasimangot kay Nico. Tatayo sana si Nico pero pinigil siya ni Hayley. "Ang bilis naman magtampo ni Mr. Bermudez." Nakangiting sabi ni Hayley pero hindi pa din umimik ang binata. "A...a...aray..." Biglang sabi ni Hayley na hawak ang sugat. Nataranta naman si Nico at hindi malaman ang gagawin. "Bakit? Saan masakit? Sandali tatawagin ko ang doctor." Natigil lang si Nico ng makitang nakangisi ang dalaga. "Hayley Acosta!?" Inis na sabi ni Nico. "Oh, 'di ba, Hayley Bermudez na ko?" Biro ni Hayley. "Ewan ko sa'yo!" Lalayo na sana ulit si Nico pero nahila siya ni Hayley dahilan para bumagsak siya sa ibabaw ng dalaga. Buti na lang ay napigilan ni Nico ang pagbaksak niya ng tuluyan sa dalaga kung hindi ay baka nagdugo ulit ang sugat nito.
"Ikaw talaga puro ka kalokohan, paano kung nadaganan..." Hindi na naituloy ni Nico ang sasabihin dahil nasa labi na niya ang labi ng dalaga. Noong una ay hindi makapaniwala si Nico na ang dalaga ang nag-initiate ng paghalik pero ng maramdaman na niya na pilit hinahanapan ni Hayley ng tugon ang mga halik nito ay hindi na siya nakapigil pa.
Dahil pareho silang busy sa labi ng bawat isa ay hindi nila namalayan na may pumasok na sa kwarto nila at ang mga mata ng mga bagong dating ay nakatingin sa kanilang dalawa. Nang hindi pa din sila tumitigil sa kanilang passionate kissing ay hindi na nakapagpigil pa si Leo na tumikhim upang ipaalam sa dalawa na may mga tao na silang kasama.
"Tito!" "Dad!" Sabay na sabi nila Nico at Hayley. Nakita din nila ang mga mapanuksong mga mata nila Rose, Levi, at Holden. "Pwede n'yo bang ipaliwanag kung ano ang naabutan namin?" Sabi ni Leo pero nasa sasakyan pa lang sila ay sinabi na ni Levi ang magandang balita na nagpasaya sa dalawang matandang Bermudez. "Ah, Dad, Mom, meet my girlfriend." Sabi ni Nico na inakbayan si Hayley na namumula naman. "We already knew." Sabi ni Rose at nilapitan si Hayley. Si Nico naman ay tiningnan ng masama si Levi pero nginitian lang siya ng nakakaloko ng kaibigan.
"When Levi told us that you're already a couple now, I want to shout for joy, and even jump." Sabi ni Rose na nagpangiti sa dalaga. "You made us very happy, bunso. Finally, may nakatapat na din ang damuhong ito." Natawa si Hayley sa term ni Rose at naalala niya si Nanay Editha. "Just tell me if he hurts you and I will disown him." Sabi ni Leo bago niyakap ang dalaga. "Grabe, ang dami mo ng kakampi Mrs. Bermudez." Nakangising sabi ni Nico. "Kaya magpakabait ka." Sabi naman ni Hayley. "Mabait kaya ako." Sagot ni Nico. "Kapag tulog!" Sabay-sabay na sabi ng lahat dahilan para matawa sila.
Nang dumating ang gabi ay madaming naging dalaw si Hayley. Bumalik sila Ashley, Lily, kasama sila Mario, Virgie, Leandra at ang iba pang mga kasamahan nila sa Kleid. Halos mapuno nila ang kwarto kaya ang iba ay nagstay na sa hallway ng hospital. Dumating din sila Quinn, Dashiell, at Landon pati din sila Fin at Amanda. Halos hatinggabi na din ng magsi-alis ang mga bisita. Ayaw man nilang iwan si Hayley ay alam nilang kailangan nitong magpahinga.
"Oh, paano bunso, uuwi muna kami pero babalik din kami bukas." Sabi ni Leo. "Okay, Tito, ingat kayo." Sabi ni Hayley. "Dad." Sabi ni Leo na nagpakunot sa noo ni Hayley pero nagpangiti kay Nico. "Call me Dad from now on." Sabi ni Leo. "Pero, Tito..." Sumeryeso ang mukha ni Leo kaya napabuntong hininga si Hayley. "Okay, D...dad." Medyo nabulol pa si Hayley kaya nangiti si Leo. "What about me?" Sabat naman ni Rose. Alanganin ngumiti si Hayley. "M...mom?" Natawa ang mag-asawa dahil nabulol na naman si Hayley. "Masasanay ka din." Sabi ni Nico sabay kindat sa dalaga.
Ayaw man umalis nila Levi at Holden ay pinilit sila ni Hayley na umuwi muna para makapagpahinga at pumayag naman si Nico dahil alam din n'yang napapagod din ang mga kaibigan. Alam naman ni Nico na maasahan din ang ibang bodyguards na kinuha nila kaya panatag naman siya. "I-lock n'yo ang pinto bago kayo matulog at baka maistorbo kayo sa kung anuman ang binabalak 'nyong gawin." Pang-aasar ni Levi bago tuluyang umalis.
"Tired?" Malambing na tanong ni Nico sa dalaga. "Yeah, nalowbat ako." Sabi ni Hayley na nagpangiti kay Nico. "Then, let's sleep. Saka mo na lang ituloy ang masama mong balak sa akin kapag malakas ka na." Nakangising sabi ni Nico. "Ako talaga?" Tanong ni Hayley na nakataas ang kilay. "Sige, ako talaga ang may masamang balak. Pwede ba ngayon?" Nakatawang sabi ni Nico. "Sira!" Sabi ni Hayley. "Let's sleep." Sabi ni Nico pagkatapos ay binigyan ng halik sa noo ang dalaga. Yumakap naman si Hayley sa binata na katabi niya sa kama.
Malapit na sana silang makatulog pero may kumatok sa pinto. Binuksan ni Nico ang pinto at nakita niya ang isang babae at lalaking nurse. "May naka-schedule po na laboratory test si Ma,am." Sabi ng lalaking nurse. "At this hour?" Takang tanong ni Nico. "Yes po, ngayon lang po kasi dumating ang reagent na gagamitin para sa test." Sagot ng nurse. Walang nagawa si Nico kungdi alalayan si Hayley para maka-upo sa wheelchair. "Sir, kami na lang po. Ibabalik na lang po namin si Ma'am kapag natapos na ang test." Sabi ng lalaking nurse. "Pero..." Hindi natapos ni Nico ang sasabihin ng hawakan siya ni Hayley sa kamay. "I'll be fine." Sabi ni Hayley. Binigyan ni Nico ng halik sa labi ang dalaga bago tuluyang hinayaan sa dalawang nurse.
Nagtaka si Hayley kung bakit iba yata ang dinadaanan nila, medyo madilim ang hallway kaya hindi niya sigurado kung nasaan silang parte ng hospital. "Excuse me." Sabi ni Hayley. Huminto ang babaeng nurse sa paglalakad, nakita ni Hayley na tinanggal nito ang mask na suot n'ya. Nang humarap ang babaeng nurse ay nanlaki ang mata ni Hayley pero bago pa siya makasigaw, natakpan na ang ilong niya ng panyo ng lalaking nurse na nasa likod niya.
Nakikipag-usap si Nico sa mga bodyguards ng tumunog ang phone niya at si Rod ang caller. "Yes, Rod." Sabi ni Nico. "Brittany Santiago." Kumunot ang noo ni Nico ng madinig ang pangalan ng babae. "What about her?" Takang tanong ni Nico. "She's the culprit." Sagot ni Rod. Biglang kinabahan si Nico. "Wait lang, Rod." Sabi ni Nico habang papunta sa nurse station. "Excuse me." Sabi ni Nico dahil wala siyang nakitang tao sa labas ng nurse station. "Kanina pa po walang tao d'yan. Kanina pa po kami pindot ng pindot ng bell pero wala pong dumadating na nurse." Sabi ng babaeng sa tingin ni Nico ay kasama ng isa sa pasyente ng hospital. "May problema ba, Nico?" Tanong ni Rod na nasa kabilang linya pa din. "Call Levi and the rest now!" Sabi ni Nico sabay end call ng tawag. Inutusan niya ang ibang mga bodyguards na pumunta sa ibang nurse station sa ibang floors para magtanong kung nasaan ang mga nurse sa kanilang floor. Siya naman at ang ibang bodyguards ay nagmamadaling pumunta sa laboratory pero para lang manglumo dahil walang Hayley na nakarating sa kanilang department at wala din test na gagawin para sa dalaga. Gustong gumuho ng mundo ni Nico na malaman na nawawala si Hayley. Napaupo siyang bigla sa sahig na sapo ang ulo. "Hayley, where are you..." Sabi niya na may luha sa mga mata.