Sa tamang panahon,
may isang taong magpapatunay sa'yo
kung bakit ka para sa kanya...
at kung bakit hindi ka para sa iba...
Ang taong hindi nakakasawang sabihan
ng MAHAL KITA ay yung taong marunong
magparamdam na mas MAHAL KA niya.
Kapag natagpuan mo na ang taong
hindi mo alam kung bakit mo minahal,
huwag mo ng pakawalan.
Sabihin man nilang ang "cheesy" ko
pero para sa akin totoo lahat iyon,
kasi sa buhay ko ngayon ikaw na lang
yung tangi kong pinanghahawakan kaya
hinding-hindi na kita pakakawalan.
Huwag kang maghanap ng taong makakaintindi sa'yo.
Ang hanapin mo yung taong kahit hindi ka naiintindihan,
hindi ka pa din iniiwan.
Maaaring hindi ikaw ang unang minahal ko,
pero masisiguro ko na ikaw na ang huling
hahawak ng puso ko.
"Dashiell Alvarez - Quinn Arroyo Nuptial"
Kahit parehong kilalang tao ang ikakasal sa araw na ito ay mas pinili ng dalawa na maging simple at private ang kanilang kasal. Kasama ang kanilang mga magulang, iilang kamag-anak, malalapit na kaibigan, at siyempre, ang pinakaimportante sa lahat, ang mga bodyguards.
"Hindi ba masyadong OA naman ang boyfriend mo? Mas madami pa ang bodyguards kesa sa mga bisita ah." Sabi ni Ashley na nakatingin sa labas ng cathedral na pagdadausan ng kasal nila Dashiell at Quinn. "Oo nga, parang ikaw pa nga ang ikakasal kasi nasa labas na halos ang entourage samantalang tayo nandito pa." Sabi ni Lily. Nangiti naman sila Levi at Holden na kasama nila sa loob ng kotse. "First and foremost, hindi ko boyfriend si Nico." Simula ni Hayley. "And about those men in black? Ask this two men." Sabi ni Hayley na itinuro ang dalawang lalaki na nasa harap.
"Well, sumusunod lang kami sa utos ng boyfriend mo." Umikot ang mata ni Hayley sa sinabi ni Levi. "How many times do I have to tell you that he's not my boyfriend." Inis na sabi ni Hayley. "Hindi pa sa ngayon pero soon, Hayley, soon. Madami lang inaasikaso si Nico but he will surely ask you to be his girlfriend. Just bear with him." Sabi ni Holden na nakangiti kay Hayley. "I don't think so. He's always annoying me. He's always making fun of me. He's really a pain in the ass." Natawa ang apat na kasama ni Hayley sa kotse. "That is his way of showing how he loves you." Sabi ni Levi. "Magkaibigan talaga kayo, Lev." Sabi ni Hayley na ikinatawa ulit ng apat.
"Speaking of the handsome devil, the devil is coming to get his angel." Sabi ni Holden at napuno ng tuksuhan ang loob ng kotse.
Magmula ng magsama sila sa iisang bubong ay lalo niyang nakilala si Nico. Mahigpit man ito sa kanya na ikinaiinis niya pero dahil sa malambing ito at laging nakaagapay sa kanya ay nababawasan ang pagkainis niya dito. Hindi sila magboyfriend-girlfriend pero mas higit pa sa magkaibigan ang turingan nila. Sa unang linggo lang siya sinamahan ni Nico sa kanyang kwarto. Noong una ay ayaw pumayag ng binata na hayaan na siyang mag-isa sa sariling kwarto pero nang lumaon ay pumayag na din ito dahil sa pagmamatigas na din niya.
Halos three weeks na sila sa bahay ng binata at sa loob ng mga linggong iyon ay hindi siya talaga pinayagan ni Nico na lumabas ng bahay. Hindi naman siya nainip dahil hinayaan siya nitong magtrabaho pa din. Ibinili siya nito ng mga bagong gamit para sa kanyang pagguhit ng mga bagong designs. Ipinaayos nito ang isang kwarto para maging opisina niya. Sa tabi ng kanyang opisina ay ang opisina naman nito. Sila Landon at Dashiell muna ang namahala sa Kleid pati na din sa Dine and Drink pati na din sa iba pa nilang mga joined businesses nila. Kapag importate lang ang mga meeting na kailangan ang presence ni Nico ay saka lang siya lumalabas ng bahay pero sinisigurado nito na may kasama siya sa bahay. Kung hindi si Levi ay si Holden dahil si Grey at Jacob ay kasama naman ni Nico. Hindi din muna bumalik sila Leo at Rose sa States pero after ng kasal ay kailangan nilang bumalik talaga dahil sa monthly check-up ni Leo. Isinasama sana nila si Hayley pero hindi pumayag ang dalaga dahil sa kasal naman nila Fin at Amanda na pilit niyang ipinatuloy habang maliit pa ang tiyan ng pinsan. Pero nangako siya sa mag-asawa na pagkatapos ng kasal ng pinsan ay baka pumayag na siyang pumunta sa States.
Puro video call lang ang nagagawa nilang magkakaibigan kaya ng makita-kita sila kanina lang ay kala mo sampung taon silang hindi nagkasama-sama. Halos hindi makahinga si Hayley sa mga yakap nila Ashley, Lily, Leandra, Virgie, at lalo na si Tatay Mario.
"Ashley, Lily, mauna na kayo." Sabi ni Nico na binuksan ang pinto para makalabas ang mga dalaga. Pumasok si Nico sa loob ng kotse pagkaalis ng dalawang babae na may mga escort na bodyguard.
"Bakit naiwan pa tayo dito?" Takang tanong ni Hayley. "Wala pa naman si Quinn. We still have 30 minutes before the wedding." Sabi ni Nico. "Ano ko, pang-grand entrance?" Natawa sila Levi at Holden sa sinabi ng dalaga. "We can do that if that's what you want. Besides, you're the most beautiful made of honor I've ever seen," Nagpapacute na sabi ni Nico. "Boom panis kayo kay Nico!" Inumangan ng batok ni Nico si Levi pero nakailag ito. "Thanks, Lev." Nakangising sabi ni Hayley. "Alam n'yo kayong dalawa, nakakadami na kayo ha?" Sabi ni Nico. "Aral lang ako sa'yo." Sabi ni Hayley na ikinaikot ng mata ni Nico.
Magmula ng manatili si Hayley sa bahay ng binata ay nawala din ang mga death threats sa kanya pero hindi nagpapabaya sila Nico. Kahit wala pa din silang lead sa kung sino ang gustong manakit kay Hayley, patuloy pa din ang surveillance nila kila Toby at Brittany.
Habang nag-iintay sa pagdating ni Quinn ay tumunog ang phone ni Hayley. Kumunot ang noo ng dalaga ng makita niya sa screen ang pangalan ni Thomas Ayala, ama ng kanyang ex. Hindi man sila naging maayos ni Toby ay naging maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng matandang Ayala noong sila pa ni Toby.
"Hello, Tito Thomas." Nagsalubong ang kilay ng tatlong lalaki ng madinig ang pangalan ng matanda. "Hayley, thank you. I thought you won't answer my call and I'm happy you still have my number." Ramdam ni Hayley ang saya sa boses ng matanda. "Tito, you're not him. You're a lot better than him." Sabi ni Hayley. "Thank you, iha. Anyway, I won't prolong this call because I know you're a busy woman. "It's my birthday next week and I'm inviting you and please say yes. I know you don't want to see Toby but I already warned him not to approach you or else I will really disown him." Nangiti si Hayley sa sinabi ng matandang Ayala. "Okay Tito, I'll come but can I bring someone?" Sabi ni Hayley sabay tingin kay Nico na seryoso ang mukha. "Is that you're someone special?" Tukso ni Thomas. "No, not yet." Namumulang sagot ni Hayley na ikinatawa ng nasa kabilang linya. "Okay, bring him so I can see if he's right for you." Sabi ni Thomas. "Okay Tito, see you on your birthday." At natapos na ang pag-uusap ng dalawa kasabay ng pagtunog ng cellphone ng tatlong lalaking kasama niya. "I can't really keep a secret from you, huh?" Naiinis na sabi ni Hayley. "Sorry Ley, you know why we're doing this, right?" Sabi ni Holden. "Yeah." Maikling sagot ni Hayley.
Naka-wiretap ang phone ni Hayley sa office ni Rod kaya lahat ng incoming at outgoing calls mula sa phone niya ay nalalaman nila Nico.
"You're not going." Seryosong sabi ni Nico. "What!?" Gulat na sabi ni Hayley. "You're not going and that's final." Muling sabi ni Nico. "I'm going and you can't stop me!" Sabi ni Hayley. "Then, try me!" Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Nagbuntong hininga naman sila Levi at Holden. "There they go again." Sabi ni Levi at sabay silang lumabas ni Holden para bigyan ng privacy ang dalawang magkakaroon ng hindi na nila mabilang na lover's quarrel.