I Remember
I remember clearly
The day we met
The words that were spoken
The emotions left unsaid
I remember clearly
The excitement that was felt
The way you made me smile
The way my heart would melt
I remember clearly
The wonder, the anticipation
The way I was alive
With joy and pure elation
I remember clearly
All the ways you made me feel
As if it was yesterday
'Cause after all this time
I feel that way still.
"Miss Acosta, I think she can't make it on the show. She needs to rest for her fever to subside. She had an infection in her blood that needs to be treated with an antibiotic for atleast three days." Paliwanag ng Resident on Duty sa hospital na pinagdalhan sa model ng Kleid na hinimatay habang nagpa-practice. "Okay Doc, thank you." Sabi ni Hayley.
Pagbalik ni Hayley sa Twin Lakes Hotel ay sinalubong agad siya ng mga kaibigan. "How is she?" Tanong agad ni Ashley. "She was admitted. May blood infection siya so kailangan niyang lagyan ng dextrose at bigyan ng antibiotics para bumaba ang fever niya." Sagot ni Hayley. "Can she do the show?" Tanong ni Leandra at iling ang isinagot ni Hayley. "Anyway, the show must go on." Sabi ni Hayley. "Pero paano ang mga damit niya? Sino'ng magsusuot? Sayang naman kasi ang gaganda ng designs." Sabi ni Lily. Tumingin si Hayley sa lahat ng models. "Ash, maybe you should try." Sabi ni Hayley. "That can't do. Magkasunod kami sa runway." Sagot ni Ashley. Tumingin si Hayley kay Lily. "Nah-uh, magkakasunod kaming tatlo." Sabi ni Lily na hindi na hinintay makapagsalita ang kaibigan. Bumuntong-hininga si Hayley. Nagtaka siya ng tumahimik ang lahat kaya itinaas niya ang paningin at kumunot ang noo niya ng sa kanya nakatutok ang mga mata ng kasama at may mga ngiti sa labi. "Ah, I forgot, I had to talk...oh, no, nooooooooo!" Hindi na natapos ni Hayley ang sasabihin ng hilahin na siya nila Ashley at Lily sa dressing room.
"I hate you!?" Maktol ni Hayley. "You look gorgeous girl!" Sabi ni Leandra. "Partida, wala pang make-up 'yan." Sabi ni Virgie. "Lalong ma-iinlove sa'yo si President." Tukso ni Mario. "Tay Mario, pati ba naman ikaw?" Sabi ni Hayley na kinatawa ng lahat.
"Alright, alright, line up girls and boys. Let's do this one last time." Sigaw ni Leandra at ang lahat ay umayos na.
"Where is bunso?" Tanong ni Rose sa anak. "Malamang ay nasa rehearsal 'yun at tinitingnan kung okay na ang lahat." Si Leo ang sumagot sa tanong ng asawa. "Let's go and watch it. First time ko na mapanood ang mga designs niya." Aya ni Rose. "Pero general dress rehearsal pa lang yung, Mom." Sabi ni Nico. "Kahit na, gusto ko ako ang unang makakita ng lahat ng gawa ni bunso." Sabi ni Rose kaya walang nagawa ang mag-ama kungdi sundin ang gusto ng kanilang reyna.
"Wheres' Hayley?" Bungad agad ni Leo pagpasok sa event hall. "Good afternoon, Sir, Ma'am, President." Bati nila Leandra, Mario, at Virgie sa mga bagong dating. "Ahm, dinala po sa ospital 'yung isang model kasi po ay hinimatay siya kanina dahil sa taas ng lagnat. Pero 'wag po kayo'ng mag-alala, sinigurado po ni Hayley na ayos po siya bago niya iniwan ito saka tinawagan na din po namin ang parents niya para may may magbantay sa kanya sa hospital." Mahabang sabi ni Mario. "Si Hayley po ang papalit sa kanya." Sabi ni Leandra. Biglang tumawa ng malakas si Leo. "Finally, napilit n'yo din siya." Sabi ni Leo na ikinakunot ng iba. "I've been trying to pursuade her just do the walk kahit isang beses lang pero bigo ako. Sinabi ko pa nga na I'll double her salary basta isuot lang niya ang isa sa mga designs niya pero hindi ko talaga siya napapayag." Iiling-iling na sabi ni Leo. "So, this will be her first. I'm so excited to see her." Sabi ni Rose. Tahimik lang si Nico na nakikinig sa usapan pero excited din siya na makita ang dalaga.
"Your next, Ley!" Sigaw ni Leandra. Bigla nakaramdam ng kaba si Hayley. Oo at napapanood niya kung paano mag-practice ang models nila pero ito ang unang pagkakataon na kasama siya sa mga ito and worst, susuutin niya ang mga designs niya. "Ley, relax, practice lang 'to. Don't worry, itatayo kita agad kapag nadapa ka." Nakangiting sabi ni Lily na nasa likod niya. "Heh!" Sabi ni Hayley. "Ley!" Sigaw ni Leandra. Huminga ng malalim si Hayley bago tuluyang lumabas mula sa backstage.
Natulala si Nico sa babaeng naglalakad sa runway. Kahit hindi pa nakaayos at wala pang make-up ang babae ay lumutang ang ganda nito dahil sa damit na suot. "Son, you're drooling." Bulong ni Leo sa anak sabay tawa. "She's really a beauty, right son?" Tanong ni Rose sa anak na wala sa loob na tumango. Nagkatinginan ang mag-asawa ng may mga ngiti sa labi. KIlig na kilig naman sila Virgie at Leandra ng makita nila na titig na titig si Nico sa dalaga.
"Okay!" That's all for today. Tomorrow's gonna be our pampering and relaxation day." Sigawan ang lahat sa announcement ni Leandra.
"You nailed it, girl!" Salubong ni Ashley sa kaibigan. "Yeah, 'di na kailangan ng practice. Pro n pro ka!" Sabi ni Lily. "This will be the first and last." Sabi ni Hayley sabay labas sa backstage. Nag-apir naman ang dalawang kaibigan bago sumunod sa kanya.
"Bunso!" Sabi ni Leo na sinalubong ang dalaga. "See, I told you, you can be one of Kleid's model." Sabi ni Leo ng makalapit na sa kanila ang dalaga. "Nakita n'yo?" Gulat na tanong ni Hayley. Dahil sa kabog ng dibdib niya kanina ay hindi niya napansin na meron pa lang silang audiences. "Oo bunso at grabe, ang galing mo. Kung hindi kita kilala eh baka akalain ko na model ka talaga." Sabi ni Rose. Hindi sinasadyang madako ang paningin ni Hayley kay Nico at namula siya ng makitang titig na titig ito sa kanya. "Nak, baka naman matunaw na niyan si bunso. Kanina mo siya tinitingnan." Tukso ni Leo na lalong kinapula ni Hayley.
"Don't you think your dresses were too revealing?" Seryosong sabi ni Nico na ikinasamid ng iba. "It's best to wear a shawl or anything that will cover your body." Patuloy ni Nico. "Ah, Mr. President, kasi masisira ang design kapag nilagyan ng cover. I mean, mawawala ang original look." Alinlangan paliwanag ni Virgie na ngayon lang na-intimidate kay Nico. "Just do something about it." Sabi ni Nico. Nainis na si Hayley at hinarap ang binata na nawala sa loob na may kasama silang iba.
"What's your problem with my designs? You've already saw it once nung nasa Kleid tayo and you didn't give a damn remark on them. Bakit ngayon kung kailan one day na lang saka mo ipapabago ang designs? Nung si Sophia ang may suot nung mga damit wala kang negative comments bakit kung kailan ako na ang may suot saka ang dami mong sinasabi?" Inis na sabi ni Hayley na nagpatahimik sa lahat.
"Because I don't want men ogling over you. Damn! Don't you know how sexy and how hot you are in those dresses?" Sabi ni Nico na ikinapula ni Hayley ng sobra. Ang mga tao naman sa paligid nila ay napa-Oh... dahil sa pag-amin ng binata sa totoong nararamdaman kung bakit ayaw ipasuot sa dalaga ang mga damit.