Love In Your Eyes
by : Youseline Bazil
When I am looking into your eyes,
I see all the love you have for me.
I see in your eyes you care for me a lot.
I see your love for me is true,
And you will do whatever it takes to have me in your life.
When I am looking into your eyes,
I see your love for me is unconditional.
Your eyes tell me you will never leave me.
You will always stay by my side
To protect and cherish me.
When I am looking into your eyes,
I see with you everything is possible.
I see in your eyes your love for me is everlasting.
Your eyes tell me you really, really love me.
"Bakit mukhang mainit yata ulo ni Mr. Pogi? Kanina lang ang saya-saya tapos ngayon akala mo pasan ang buong Kleid Moda." Takang tanong ni Anais ng makapasok na sila sa loob ng isa sa coffee shop sa second floor. "Don't mind him, nagmemenopause na yata." Sabi ni Hayley na ikinatawa ni Anais. Nang makaupo na sila sa tabi ng iba ay saka naman pumasok si Nico at tumabi na din sa kanila.
"Order anything you want, sagot ko." Sabi ni Nico. "Thank you, Mr. President." Masayang sabi ng apat pero si Hayley ay tahimik lang. Lumapit na sila sa counter para mag-order, nauna si Anais pagkatapos ay sumunod na ang iba. Nasa huli si Hayley at nasa pinakalikod si Nico. Nagulat ang dalaga ng maramdaman ang mainit na hininga ng binata sa may likod ng tenga nga. "I will find everything about that sugar of yours." Sabi ni Nico. Magsasalita pa sana si Hayley pero naunahan siya nito. "Guys, mauuna na ako. Miss, their bill is on me." Sabi ni Nico na ang kinakausap ay ang cashier. "Okay, Mr. President, thank you po ulit." Sabi ng apat at umalis na nga si Nico pero bago ito tuluyang makalabas ng pinto ay tumingin muna kay Hayley at kumindat pa. Inis na inis si Hayley kaya binigyan naman niya ng isang irap ang binata. Ngumisi si Nico sa ginawa ni Hayley.
"Uuuyyy, may kindat pang nalalaman si Mr. Pogi. Ano yun, secret code n'yo?" Tukso ni Everly pero umikot lang ang mata ni Hayley. "Huwag kayong mag-isip ng kung anu-ano. Gustong-gusto lang talaga niya akong inisin kaya wala ibang meaning ang kindat na 'yun." Sabi ni Hayley. "Inisin o lambingin?" Nakangiting sabi ni Bijou. "Sabi nila kapag iniinis ka daw ng isang tao ay nagpapansin ito sa'yo kasi gusto nito ang attention mo so, gusto ni Mr. Pogi na all eyes ka sa kanya." Sabi ni Willow na naging dahilan para tuksuhin muli si Hayley ng apat niyang kasamahan. "Tumigil na nga kayo, tapusin n'yo na 'yang pagkain n'yo ng makauwi na tayo." Sabi ni Hayley at ganoon nga ang ginawa ng apat pero 'di nila tinigilan si Hayley hanggang sa makalabas na sila sa coffee shop.
"Twin Lakes Hotel is one of the most prestigious hotel in Tagaytay. It is owned by a handsome bachelor, just like you, Mr. Fin Figueroa." Simula ni Rod. "He is a Lasalista, a business management major..." Hindi natapos ni Rod ang salita dahil nagsalita si Nico. "I don't need any information about him. Who's Sugar?" Tanong ni Nico. "He is a sweet crystalline substance obtained from various plants, especially sugar cane and sugar beet..." Hindi na naman natapos ni Rod ang salita. "Roderick!? What the hell are you telling me?" Inis na tanong ni Nico na ikinatawa ni Rod. "Bro, nabaligtad ko na ang buong Google but I didn't find anyone na may pangalan Sugar." Sabi ni Nico na may ngiti pa din sa mukha. "Why don't you ask her kung sino talaga si Sugar?" Patuloy ni Rod. "She said that he's a friend." Sabi ni Nico. "That's it, he is a friend so, ano bang pinagpuputok ng butse mo if he's only a friend to her?" Manghang tanong ni Rod. "He said "love you" to her." Sabi ni Nico na muling kinatawa ni Rod. "Come on, Dude, I love you now is not only for lovers but also, it is also for friends and families." Sabi ni Rod. Alam ni Nico na may point ang sinabi ni Rod. "Fine, fine! Go to Twin Lakes Hotel tomorrow and find that man." Sabi ni Nico. "Dude, IT specialist ako, hindi ako detective." Pagmamaktol ni Rod. "Just go if you want to continue working for me." Sabi ni Nico na ikinaikot ng mata ni Rod. "Fine!" Sagot ni Rod. "Good!" 'Yun lang at pinindot na ni Nico ang end call.
Naunang umuwi si Hayley dahil naiwan pa sila Ashley at Lily sa Kleid dahil na-extend ang rehearsal nila para sa fashion show. Binaba lang ng dalaga ang gamit, pagkatapos ay pumasok sa kwarto para kumuha ng damit. Nag-shower at pagkatapos ay nagluto na ng dinner pa sa kanya. Tiyak na sa Kleid na mag-dinner ang dalawa niyang kaibigan. Nang matapos siyang mag-dinner ay tinawagan na niya si Amanda para gawin ang pinagagawa ng kaibigan.
"Insan!" Bungad ni Hayley sa kabilang linya. "If you only call just because of Fin, I will end this call soon." Sabi ni Amanda. "Bakit na naman ba? Ano na naman ba ang ginawa ng sira ulong 'yun?" Tanong ni Hayley. "Atleast alam mo na sira ulo siya." Sabi ni Amanda na ikinatawa ni Hayley. "So, what he did this time?" Tanong ni Hayley. "I'm pregnant, Ley." Sabi ni Amanda na ikinatahimik ni Hayley. Nadinig ni Hayley ang pagsinghot ni Amanda na alam niyang umiiyak. "Hey, makakasama 'yan sa bata." Sabi ni Hayley. "I know, pregnancy hormones I guess. Masyado akong naging iyakin magmula nung malaman ko na buntis ako." Sabi ni Amanda. "Does Fin know?" Tanong ni Hayley. "Hindi pa." Sagot ni Amanda. "Why? He's the father and he has the right to know." Sabi ni Hayley. "Natatakot ako, Ley. What if he doesn't want the child? What if he leaves me kapag nalaman niya na buntis ako? What if gusto niya ng abortion?" Sabi ni Amanda na halatang nahihirapan sa situation niya.
"Amanda, Fin loves you and you don't need any proof kasi napatunayan na niya sa iyo 'yun and I've seen everything that he had done for you. Tell him and I'm sure he will be very happy." Sabi ni Hayley. "He needs to know. Don't hesitate to tell him because I'm 100% sure na magiging maayos ang lahat kapag nalaman niya." Patuloy ni Hayley. "Are you sure?" Tanong ni Amanda. "Yes, very sure." Sagot ni Hayley. "Okay, I'll tell him to come." Sabi ni Amanda. "That's great! See you soon, bye!" Sabi ni Hayley at tinapos na ang tawag sa kanyang pinsan.
Nagliligpit na si Hayley ng pinagkainan niya ng may kumatok sa pinto. Kumunot ang kanyang noo dahil alam niyang hindi sila Ashley at Lily ang kumatok.
"Hi!" Gusto ni Hayley na isaradong muli ang pinto ng makita kung sino ang nasa pintuan. "Yes?" Mataray na sabi ni Hayley. "Ahm, Dad called and he wants to talk to you over a video chat." Sabi ni Nico. "Okay, I'll call him." Sagot ni Hayley. "Wait!" Habol ni Nico ng isasarado na ni Hayley ang pinto. "What else?" Tanong ni Hayley na nakataas ang kilay. "Well, he wants to talk to us, both." Sagot ni Nico dahilan para umikot ang mata ni Hayley. Walang nagawa si Hayley kungdi patuluyin si Nico sa loob.
"Hello, bunso!" Masayang bati ni Leo at Rose kay Hayley. "Hi, Tito, Tita, how are you doing?" Masayang sabi ni Hayley. "We're fine though he's really a pain in the ass." Sabi ni Rose na nagpatawa kay Hayley. "Like father, like son, Tita." Sabi ni Hayley na nagpatawa kay Rose. Nagkatinginan naman ang mag-ama. "So, how's Kleid and the Fashion Show?" Tanong ni Leo. "We've finished talking about the title, the place, and everything. I'll present all the informations tomorrow sa Board of Directors." Sabi ni Hayley. "Okay, I know na wala naman kokontra sa kanila because they knew how good you are." Sabi ni Leo. "By the way, what's the title and where it will be held?" Tanong muli ni Leo. "Kleid Moda : A Beauty with Elegance to Remember." Sagot ni Nico pero hindi siya nakatingin sa monitor kungdi sa babaeng katabi niya. Nagkatinginan sila Leo at Rose. "May problema sa title Tito?" Takang tanong ni Hayley. "Wala naman, bunso, pero sa katabi mo may problema." Sabi ni Rose dahilan para tingnan ni Hayley si Nico pero bigla niyang napigil ang paghinga ng makita niya na kaunti na lang ang pagitan ng mga mukha nila. Napahawak naman ng mahigpit si Rose sa asawa. Napangiti naman si Leo.
Titig na titig si Nico sa dalaga at ganoon din si Hayley sa binata. Parang may kung ano'ng magnetismo ang meron sa kanilang mga mata na pareho silang hirap alisin ang pagkakatitig sa bawat isa. Pareho silang nagulat ng tumikhim si Leo. Akala mo napaso ang dalawa kaya bigla silang naglayo. Nangiti ng lihim sila Leo at Rose.
"A Beauty with Elegance to Remember." Pag-uulit ni Leo sa title ng Fashion Show. "That's a good title and I guess pinag-combine mo na naman ang mga ideas n'yo?" Nakatawang tumango si Hayley. "And the place?" Tanong ni Leo. "The one that I've already told you before." Sagot ni Hayley. "Ah, Twin Lakes? 'Yung sa ex mo?" Sabi ni Leo na ikinataas ng kilay ni Nico at nakita iyon ng kanyang mga magulang. "Hindi ko siya ex, Tito, kasi hindi ko naman siya naging boyfriend." Sabi ni Hayley. "Pero nanligaw sa'yo?" Nakita ni Leo na lalong sumimangot ang anak niya. Natatawa naman si Rose sa ginagawa ng asawang pang-iinis sa anak. "No!" Sagot ni Hayley. "Pero naging MU kayo 'di ba?" Muling tanong ni Leo. Gustong tumawa ng malakas ni Leo sa itsura ng anak. "Hindi ko s'ya ex, hindi ko siya naging boyfriend, at hindi kami naging mag-MU. Saan mo ba nakuha ang mga iyan, Tito?" Takang tanong ni Hayley. "Ah, nevermind." Natatawang sabi ni Leo. "Anyways, we'll go home two days before the show and we'll stay at Twin Lakes para naman makilala namin ang gwapong binata na na-link sa'yo." Sabi ni Leo na ikinaikot ng mata ni Hayley.
"I think we should be saying goodnight to both of you." Sabi ni Rose ng makita na hindi na maipinta ang mukha ng anak. We'll be in touch, bunso, Nico." Sabi ni Rose. "Okay, Tita. See you soon." Sagot ni Hayley samantalang tango lang ang isinagot ni Nico. Nang mawala na sa screen ng laptop ni Hayley ang mag-asawa ay tumayo na siya at pumunta sa pinto para buksan ito. "Goodnight, Mr. President." Sabi ni Hayley na pinilit hindi mabulol sa pagsasalita. Kanina niya pa kasi nararamdaman ang galit ni Nico at naguguluhan siya kung ano at bakit ito nagagalit. Dahan-dahang tumayo si Nico mula sa sofa at napalunok si Hayley na makitang nakatingin ito ng seryoso sa kanya habang naglalakad. Gustong hilahin ni Hayley ang binata para tuluyan ng makalabas ito. Nang malapit na sa pinto si Nico ay nagpasalamat si Hayley pero laking gulat niya ng bigla nitong isara ang pinto at hinarap siya. Lalayo sana si Hayley sa binata pero huli na dahil nahawakan na nito ang dalawang kamay niya at pagkatapos ay bigla siyang isinandal pader.
"Bitiwan mo nga ako! Ano bang problema mo?" Sabi ni Hayley na pilit kumakawala sa pagkakahawak ni Nico pero lalo siyang hindi nakagalaw ng ilagay nito ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. "Let me go, Nico!" Pasigaw na niyang sabi pero hindi natinag ang binata. "You know what?" Sabi ni Nico na nakatingin sa kanya. "What!?" Angil ni Hayley. "You can take away my anger." Sabi ni Nico at bago pa makapagsalita si Hayley ay yumuko na si Nico para halikan siya.