My True Love
by: Hailey L. Sturgill
I have a feeling
That I can't comprehend
In my deepest thoughts you are
More than just a friend.
I wouldn't want to rush as now
As love we explore
But there's a growing love inside
That we just can't ignore.
I love the times we spend together
We are comfortable and free.
I think of you when we are alone
I think of you and me.
We have shared secrets to uncover
There's more to life
We will discover
I love you always.
I'll love you were you're dumb
I'll love you when your smart
I'll love you anyway you are
Right from the start.
I'll love you if you're tall
I'll love you if you're short
I'll love you if you're pretty
Or just an ugly dork.
I'll love you if you're toothless
I'll love you if you're blind
Anything that wrong with you
To me you'll be fine.
My heart is opening up now
Unlike it used to do
I see the pain that's in your heart
And sometimes I feel it too.
I'll love you tomorrow
I'll love you today
I'll love you forever
And forever always.
"Heto na po ang kape n'yo, Mr. President." Sabi ni Hayley habang ibinababa ang kape ni Nico. "Salamat my sweet personal assistant." Nakangising sagot naman ni Nico. "Babalik na ko sa meeting." Sabi ni Hayley at tumango naman ang binata.
Bago pumasok si Hayley sa Designer's Room ay nadinig niya ang pag-uusap ng apat niyang kasamahan, "Grabe! Ang gwapo talaga ni Mr. President." Sabi ni Anais. "Oo, makalaglag panty at bra." Sabi naman ni Everly na ikinatawa nilang apat. "May girlfriend na kaya siya?" Tanong naman ni Bijou. "Sa gwapo niyang 'yun tiyak namang meron na." Sabi naman ni Willow. "Sayang naman." May panghihinayang sa boses ni Anais. "At bakit? Palagay mo ba may pag-asa ka sa kanya?" Pang-iinis ni Everly. "Loka! Hindi ako, si Ley. Bagay na bagay sila!" Excited na sabi ni Anais. "Korek! Nakita n'yo ba kung paano sila magtitigan kanina?" Kinikilig na sabi ni Bijou. "Sana sila na lang." Sabi ni Willow. Naputol lang ang pag-uusap nila ng pumasok na si Hayley sa loob.
"Okay, guys, I need a title now." Sabi ni Hayley na pilit na inalis sa isip ang mga nadinig mula sa mga kasamahan. "Kleid Moda's Finest." Taas kamay na sabi ni Anais. "Beyond Beauty" Sabi ni Everly. "A Night to Remember." Suggest ni Bijou. "Elegance." Sabi ni Willow. Habang nagsasalita ang apat ay sinusulat naman ni Hayley ang mga suggestions nito. "What about Kleid Moda : A Beauty with Elegance to Remember." Sabi ni Hayley habang nakatingin sa papel na sinulatan. Nagkatinginan ang apat saka sabay-sabay na tumango. "I like it." Nagulat ang lima ng magsalita si Nico. "I brought food." Patuloy ni Nico na itinaas ang dalawang plastic ng pagkain na binili niya sa foodcourt sa baba. "Thank you, Mr. President!" Sabay-sabay na sabi ng apat. Hindi na nakuhang mag-react ni Hayley dahil nag-una-unahan na ang apat sa pagkuha ng pagkain.
"Madami kang free time noh?" Sabi ni Hayley ng tumabi sa kanya si Nico. "Yeah, natapos ko na lahat ng dapat pirmahan and alam ko wala naman akong naka-schedule ng meetings for today so I can be at your service now." Nakangiting sabi ni Nico na kinakilig naman ng apat na nakaharap sa kanilang dalawa. "Really? So, Mr. Servant, could you be my secretary for the day? Masakit na kasi ang kamay ko eh." Sabi ni Hayley sabay abot ng white board marker. Akala ni Hayley ay tatangi ang binata pero nagulat siya ng kuhanin nito ang marker at tumayo sa harap ng white board. "Sure, no problem." Sabi ni Nico na kinaikot ng mata ni Hayley.
"Okay, we have our title and the next is the place." Sabi ni Hayley. "We've done it with The Peninsula, Shangri-la, Raffles, with Nobu, Fairmont, Sheraton, and with Dusit." Sabi ni Anais. "What if try naman natin out of town?" Sabi ni Everly. "Magiging mahirap para sa mga clients kasi they have to travel far and remember the traffic nowadays." Sabi ni Bijou. "Eh kung sa malapit lang like Tagaytay? Para naman mabago ang ambiance natin tapos we can enjoy pa before and after the show." Sabi naman ni Willow. "What do you think, Ley?" Tanong ni Anais. "I've been thinking doing it in Tagaytay and Twin Lakes Hotel is a great place." Sabi ni Hayley na nagpangiti sa apat. "Then, it's settled. We'll go with Twin Lakes Hotel." Sabat ni Nico habang isinusulat ang nasabing lugar.
Halos matatapos na ang working hours ng matapos ang meeting nila. Puno na din ng tinta ng board marker ang kamay ni Nico. Ramdam na din niya ang pananakit ng kamay niya. "Grabe, ganito ba talaga kayo katagal mag-meeting? Daig n'yo pa ang meeting ng mga Board of Directors ah." Sabi ni Nico na kinangiti ng limang designers.
"Mr. President, kapag si Ley ang kasama mo sa meeting room, ihanda mo na ang sarili mo na magutom, mangawit ang mga binti at hita, mamanhid ang pwet kakaupo, at sumakit ang ulo." Sabi ni Anais. "Hindi kasi 'yan titigil hanggang hindi natatapos ang lahat ng mga kailangan sa isang event." Sabi naman ni Everly. "May reklamo kayo?" Sabi ni Hayley. "Wala! Wala naman kaming magagawa." Nakangiting sagot ni Bijou. "Sanay na kami sa pagiging work addict mo." Sabi ni Willow. Natawa lang si Hayley sa reklamo ng mga kasama. "At dahil natapos natin ang trabaho, let's eat, treat ko." Sabi ni Nico at sabay-sabay na pumalakpak ang apat. Palabas na sila ng Designer's room na mag-ring ang phone ni Hayley.
"Hey, Sugar! May ESP ka talaga, tatawagan na sana kita kasi we've agreed na sa hotel mo na gawin ang fashion show pero as usual nauna ka na naman." Nakatawang sabi ni Hayley. "Kaya love na love mo ko eh." Sagot na nasa kabilang linya. "In your dreams! Anyway, I'll go there maybe next week to finalize the event and the rooms to be rented for our models and staffs. By the way, bakit na naman?" Nakataas ang kilay na tanong ni Hayley. "Spice?" Malambing na sabi ng kausap ni Hayley. "Yes?" Sagot naman ni Hayley na may ngiti sa mukha. "Kausapin mo naman si Amanda oh. Nagalit na naman sa akin eh." Sabi ng nasa kabilang linya. "Na naman? Ano ka ba naman?" Inis na sabi ni Hayley. "Pleeeeaaasssseee..." Pakiusap nito sa dalaga. "Oo na, oo na. Kahit kailan talaga sakit ka namin ng ulo. Bye!" Hindi na inintay ni Hayley ang sasabihin ng nasa kabilang linya. Hindi pa man naibabalik ng dalaga ang phone sa bulsa ay tumunog muli ang phone niya at naka-received siya ng text mula sa kausap lamang kanina. "Thank you! Free food on the event. Love you." Sabi ng text. Natawa si Hayley pero bigla siyang napasigaw ng magsalita si Nico. Akala niya ay sumabay na ito kila Anais na bumaba para kumain.
"Who's sugar? Boyfriend mo?" Seryosong tanong ni Nico na nagpakunot sa noo ni Hayley. "He's a friend." Sagot ni Hayley. Bigla siyang hinawakan sa braso ng binata. "Friend? And what's the meaning of I love you between the two of you?" Tanong ni Nico, medyo humigpit na ang kamay ni Nico sa braso niya kaya napangiwi siya. "Bakit? Hindi ba pwedeng magsabihan ng I love you ang magkaibigan?" Pilit na hinihila ni Hayley ang braso mula sa kamay ni Nico. "Kung babae ang kaibigan mo, okay lang pero he's a guy." Sabi ni Nico. "Look, Nico, it's none of your business kung kanino ko man sasabihin ang salitang I love you, okay?" Inis ng sabi ni Hayley. Bigla siyang hinapit ni Nico dahilan para magkalapit ang mga katawan nila. Nagpumiglas si Hayley pero naikulong na siya ni Nico sa mga braso nito.
"Remember this, Ms. Hayley Acosta. E V E R Y T H I N G about you is my business!" May diin ang bawat salita na binitawan ni Nico. "What!?" Gulat na tanong ni Hayley pero hindi na niya nalaman ang ibig sabihin ni Nico dahil may kumatok sa pinto dahilan para maghiwalay sila agad. "Ley, ang tagal n'yo naman." Sabi ni Anais na bumalik dahil naiinip na sila kakaintay sa dalawa. Pansin ni Anais ang pamumula ng mukha ng dalawa at nangiti siya dahil sigurado siya na may nangyari sa mga ito bago siya dumating. "Tara na!" Sabi ni Anais sabay hila kay Hayley, kasunod nila si Nico na ramdam pa din ang galit dahil sa mga nadinig at nabasa niya mula sa phone ni Hayley.
"Sugar? Twin Lakes Hotel?" Bulong ni Nico. "Ano po, Mr. President?" Tanong ni Anais habang nakasakay na sila sa elevator. Isang iling at alanganing ngiti lamang ang sinagot ni Nico. Paglabas nila mula sa elevator ay nagsalita ang binata, "Mauna na kayo sa loob, may tatawagan lang ako." Tumango naman si Anais na hila pa din si Hayley na parang wala sa sarili.
"Yes, Boss?" Sagot ni Rod sa phone niya. "Find everything about Twin Lakes Hotel and a person named Sugar." Natawa si Rod sa sinabi ni Nico. "May bago kang prospect? Ano na ang nangyari sa designer mo? Basted ka na agad!?" Pang-iinis ni Rod. "Roderick!?" Sabi ni Nico. "Fine! Fine!" Natawa si Nico sa kaibigan. Ayaw na ayaw nitong madidinig ang buong pangalan lalo ang surname nito na kinuha ng ina sa isang kilalang artista sa kapanahunan nito.
"Sugar, huh!?" Bulong ni Nico sa sarili ng may nakakalokong ngiti sa mukha.