App herunterladen
12.3% The More You Hate, The More You Love / Chapter 8: Chapter 8

Kapitel 8: Chapter 8

I love you because I know you're always there...

there to catch me when I fall...

there to listen when I need you, there when I feel alone.

I love you because you understand me...

You know how I feel even when I can't say it...

you know I'm not as strong as I say and still you never

let me know that I'm not fooling you.

I love you because you make me believe,

believe that I'm not worthless...

believe that I can be loved, am loved, and can love others.

I love you because you know,

you know I feel this way but can't say it and still you wait...

letting me take my time to come to terms with the fact that I love you...

would give up my life up to be with you...

and about all...

never hurt you...

lie to you...

or leave you.

Now I hope you understand.

- Unknown -

Saturdays and Sundays are rest days for all the employees of Kleid Moda. Family day for married individual, happy hour for singles, pero kay Hayley still, may date siya sa pen and paper niya.

"Morning, Miss Hayley." Bati ng guard sa entrance ng KM. "Morning, Kuya Ricky." Ganting bati ni Hayley at inabot ang almusal sa guard. "Kaya kami tumataba ni Roger eh." Nakangiting sabi ni Ricky. "Nasaan nga po pala si Kuya Roger?" Tanong ni Hayley. "Nag-iikot po sa buong building." Sagot ni Ricky. "Sige po. Sa taas lang ako, Kuya." Sabi ni Hayley pagkatapos ay naglakad na siya papuntang elevator.

Huminga ng malalim si Hayley at tumingin sa paligid. "Good morning, Philippines!" Sigaw niya. "Morning!" Biglang napatili si Hayley ng may magsalita mula sa likod niya at paglingon niya ay nakita niya ang nag-iisang tao na magpapangit sa magandang umaga niya.

"Bakit ka nandito? Paano kang nakapasok dito?" Inis na tanong ni Hayley. "Pumasok ako sa pinto tapos sumakay sa elevator." Pilosopong sagot ni Nico na ikinaikot ng mata ni Hayley. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ni Hayley. "May usapan kami nila Dashiell at Landon na pupunta dito for our suits and measurements." Sagot ni Nico. "But I told Quinn last night na walang operation ang Kleid every weekends." Sabi ni Hayley. Bago nakasagot si Nico ay sabay na tumunog phone nila.

"Yes, Quinn?" Sagot ni Hayley sa phone niya. "Sorry, I wasn't able to tell Nico na by Monday na sila pupunta diyan. I tried contacting him pero out of coverage area ang phone niya." Sabi ni Quinn. "Yeah, he's already here. Sabihan ko na lang siya." Sabi ni Hayley. "Okay, thanks, see you on Monday." Sabi ni Quinn at pinindot na ang end call.

"Bro, sa Monday na tayo pupunta ng Kleid. Nakalimutan ni Quinn na sabihin kagabi. She just called me a while ago." Sabi ni Dashiell sa kabilang linya. "Your info is already late. Nandito na ko sa Kleid. Anyway, I'll just enjoy her company." Sabi ni Nico na nakatingin kay Hayley na pumasok na sa gazebo at nag-umpisa ng ayusin ang mga gamit niya. "Bro, just behave, okay? Tigilan mo na ang pang-aasar sa kanya." Paalala ni Dashiell. "I'll try." Sagot ni Nico at tinapos na ang pag-uusap nila ng kaibigan sa telepono.

"Well, that was Dashiell informing me na sa Monday na kami magkikita." Panimula ni Nico na umupo sa upuan sa harap ng table ni Hayley. "So, alam mo na, bakit hindi ka pa umalis?" Mataray na tanong ni Hayley. "I have nothing to do so I'll just stay here to accompany you." Nakangising sabi ni Nico. "Mr. Nico Ferrer, as you can see, madami akong gagawin ngayon and I don't have time to entertain people that only know how to pester someone." Mataray na sabi ni Hayley. "So, alam mo pala ang surname ko but, as I remebered, I only told you my first name, right? That means, you did your research already." Nakangising sabi ni Nico. Gustong batukan ni Hayley ang sarili. "Bakit ko ba kasi sinabi pa ang buong pangalan niya? Pwede naman Nico lang 'di ba?" Kausap ni Hayley sa sarili.

"Look, Mr. Ferrer, please, kung pwede lang, umalis ka na. Ayoko ng may nanggugulo kapag nagtatrabaho ako." Napilitang makiusap ang dalaga sa binata. "Aalis ako pero on one condition." Sabi ni Nico. "Pwede ba, wala akong time sa mga kalokohan mo." Sabi ni Hayley. "Fine, do your thing and I will stay here watching you." Sabi ni Nico na ikinaikot ng mata ni Hayley. "My gosh, you're really a pain in the ass." Sabi ni Hayley. "Thank you." Sabi naman ni Nico. "Ano'ng condition?" Inis na tanong ni Hayley na nagpangiti kay Nico. "Be my PA." Sabi ni Nico. "What?" Gulat na tanong ni Hayley. "Personal Assistant." Pilosopong sagot ni Nico. "Alam ko, Mr. Ferrer." Sabi ni Hayley. "Just say YES and I will take my leave immediately." Sabi ni Nico. Naguguluhan man si Hayley ay tumango siya para iwanan na siya ng binata. "In words, Miss Acosta." Sabi ni Nico. "Yes." Pagsabi ni Hayley ng sagot niya ay naglakad na si Nico palayo sa kanya. Pero bago ito tuluyang sumakay sa elevator ay nagsalita pa ito. "See you on Monday." Sabi nito na may kasama pang kindat.

Naging busy si Hayley sa paggawa ng designs ng mga suits ni Landon at Nico. Inumpisahan na din niya ang mga designs ng bridesmaids at groomsmen pati ng mga principal sponsors, flower girls at mga partners nito. Pati damit ng parents nila Dashiell at Quinn ay may mga drafts na din siya. Ang hindi niya pa nagagawa ay ang para sa maid of honor. Biglang tumunog ang phone niya at si Ashley ang nasa caller ID.

"Hey." Sabi ni Hayley. "Hello Miss Busy Girl, gusto ko lang pong ipaalala na ngayon ang blind dates natin." Sabi ni Ashley. "Ah, ngayon ba 'yun? Akala ko bukas pa." Nakangiting sabi ni Hayley. "Umuwi ka na bago pa magwala si Lily dito. Nagpapanik na siya and just to inform you, nahalukay na niya ang buong wardrobe mo just to find her a dress." Sabi ni Ashley. "What? Okay, uuwi na ko. And get Lily out of my room now." Sabi ni Hayley bago nagmamadaling niligpit ang gamit. Nang matapos makausap ni Ashley si Hayley ay nagkipag-apir siya kay Lily na kalmadong nagbabasa ng magazine sa sala.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen