App herunterladen
100% Winning His Heart / Chapter 5: Shootout

Kapitel 5: Shootout

Chapter 4

Shootout

  

   

ARAW NG ELEKSYON.

Maagang nagpunta sa mababang paaralan si Chelin kasama ang mga volunteers ng kanyang Papa. Oo nga at hindi pa siya botante ngunit tumutulong pa rin siya sa pagbibigay ng mga inumin at pagkain sa mga volunteers at poll watchers.

"'Nak, sa bahay ka na lang. Sariwa pa iyang tahi mo," ulit ng kanyang mama nang madaanan niya itong nakapila sa precinct kung saan boboto. Kasama nito ang mommy nila Bree at Brian.

"Mano po, Tita Emily." Pagkatapos magmano ay sumagot siya sa kanyang mama. "Maiinip lang po ako. Wala rin naman sina Brian sa bahay. Si Rexton nga po, narito rin," dahilan niya.

"Ayaw nga rin naming pasamahin pa sana pero nagpumilit ang mga bata. Tutulong din daw sila," anang Tita Emily.

"Sige, po, hihintayin ko na lang sila sa covered court," paalam niya.

Ilang sandali pa dumating na ang magkapatid. They're all wearing white polo shirts with dark blue colar.

"Ang tagal n'yo naman. Kung hindi pa kayo dumating, paniguradong pinahatid na ako ni Mama kina Kuya Dylan pauwi," reklamo niya kay Bree.

"Sina Lola kasi, pumunta sa bahay. Sinasama kami sa probinsya. Nagpumilit lang si Kuya na hindi kami sasama," esplika nito.

"Ay, gano'n? Halika samahan mo akong mamigay ng tubig at ensaymada sa mga volunteers," yaya niya rito.

"Ako na ang magbubuhat niyan," si Brian na kunukuha ang malaking eco bag na hawak niya.

"Kayong dalawa na lang ni Kuya. Kami ni Rexton, sa kabilang banda na lang kami mamimigay," paalam nito at kinindatan siya. Nilapitan nito si Rexton na kasama ang ilan at tumulong na.

Nang hapon na ay merienda naman ang inabot nila.

"Tama ang mama mo, dapat nag-stay ka na lang sa bahay ninyo. Baka magbukas ang tahi ng sugat mo," wika binata nang matapos silang mag-abot ng meriendang pansit sa mga volunteers.

"Ano ka ba? Okay lang, 'no! Hindi naman malaki ang sugat ko."

"Pero malalim." He then asked, "Kumain ka na ba?"

Umiling siya. "Busog pa naman ako roon sa sandwich kanina."

"Kanina pa iyon, Chelin."

"Wait ko nang mag-dinner. Matatapos na rin naman niyan ang botohan."

"Pero magbibilangan pa. I know you, hindi ka kakakain hangga't wala pang results," katwiran nito.

Ngumuso siya. He really knew her better.

"Kainin mo na itong baon ko. Pinabaunan kami ni Manang ng pasta. Let's share."

"Iyong pansit na ang kakainin ko. Masarap iyon, pinaluto ni Mama. Isa pa baka para sa iyo lang iyan. Mabitin ka pa."

"Pinadagdagan ko talaga para sa 'tin."

"Ang kay Bree?" she asked.

"Dala niya. Tara." Niyaya siya nito sa cafeteria ng eskwelahan at umupo sila sa pang-apatang mesa.

Natakam siya nang makita ang spaghetti. "Ang daming keso!" Kumalam ang kanyang sikmura. Dalawang tupperware ng spaghetti ang dala nito, mukhang pinagbaon talaga siya.

"Kumain ka na. I brought a couple of spoon and fork." Inabot nito ang isang tinidor sa kanya.

"Thanks!" Agad na sumubo siya at halos halikan niya si Brian sa sobrang sarap niyon. "Kaysarap talagang magluto ni Manang!" puri niya.

"May prutas din." Inabot nito ang isang tupperware sa kanya at merong slices ng pinya roon.

"Ikaw?" tanong niya. "Hindi ka naman kumakain ng pinya, eh."

"That's for you. Para hydrated ka rin."

"E, ano'ng kakainin mo?"

"I'll just drink your apple juice or water," kaswal na sagot nito at magpatuloy na sa pagkain.

Nang matapos silang kumain ay nag-stand by sila sa covered court. Hindi na sila sumama sa kapitolyo, ang kanyang ama at kapartido na lamang ang tumuloy roon. Sa ngayon ay nagbibilangan pa rin ng boto at magkakasama sila ng pamilya nina Brian na naghihintay.

Bandang alas otso y media ay lumabas ang resulta sa barangay na iyon. Nangunguna ang kanyang ama! Dahil nasa Central School sila, roon pinakamaraming botante at ang sabi ay ang mga bilang na lamang doon ang hinihintay na resultang ifo-forward sa COMELEC. Kahit wala ang mga boto roon ay siguradong panalo na ang kanyang ama sa laki ng lamang. Maraming mga barangay ang nag-landslide ng kanilang mga boto para sa kanyang ama.

People started cheering for her dad's name.

Ilang minuto pa ay nagulat sila nang may malakas na pagputok silang narinig.

"Wow! May pa-fireworks!" namamanghang usal ni Bree. Nagtaka siya. Manalo o matalo, ang alam niya, wala sa plano ng kanyang ama ang magpa-fireworks. Bumaling siya sa kaniyang mama para tanungin ito.

Kasabay ng pagbaling niya ay ang kaniyang malakas na pagtili nang biglang bumagsak ang kanyang mama.

Si Tita Emily ay nakahandusay katabi ng kanyang mama. Parehas nang naliligo sa mga sariling dugo.

"Mommy!"

"Mama!"

Magkapanabay na sigaw nila ni Bree. Naramdaman niyang tila may mabilis na hanging dumaan sa kanyang braso at nakita niya ring may dugo sa tiyan ni Brianna, maging sa braso rin ni Rexton.

"Yuko, Chelin! Brianna!" sigaw ni Brian nang matigilan siya sa nakikita. Nilapitan siya nito ay yumakap sa kanya habang ang mga tao ay nagkagulo na. Samantala, ang mga kapulisan ay tinutugis na ang mga nambaril. Ang isa ay hawak ni Wendell at pinadapa ito sa lupa, nakasuot ng itim na bonet at maskara ang salarin. Nakita niya ang isa na nasa likuran ng kanyang bodyguard na nakatutok ang mahabang baril nito sa direksyon nila Brian. She guessed that's a gun used for sniping, and it terrified her.

Napatili siya at mabilis na tinulak si Brian pahiga habang si Bree ay yakap ni Rexton, pawang nakadapa at nakayuko.

"Si Mommy!" umiiyak na sigaw ni Bree, nagpupumiglas mula sa pagkakayakap at dagan ni Rexton dito.

Nanlabo na rin ang mata niya't tuloy-tuloy na naglandas ang luha sa mga pisngi.

Nanginginig pa rin siya habang nakadapa nang matumba sila ni Brian. Hindi siya makakalma. Ang sabi ay dalawa raw ang kasabwat pa ng nambaril. Kaya pala ganoon na lamang kabilis ang mga pangyayari dahil may mga kasama pa ito. Ilang sandali pa ay lumayo na si Brian mula sa pagkakadagan sa kaniya.

Napansin niyang walang ibang sugatan kundi sila lamang. 'Di alintana ang natamaan at nagdurugong braso ay nilapitan niya ang kanyang mama saka si Tita Emily. Humagulgol siya nang mapagtantong wala nang malay ang mga ito. Bree lost consciousness while Rexton was holding her, and Brian was crying beside her mom, too.

"Mommy, gumising ka. Brianna... Tita Marian," nahahapong usal ng binata.

Mabilis na dinaluhan sila ng medical personnel at naunang isinakay sa ambulansya ang mga kritikal ang kalagayan.

"Cherie Lyn, look at me. Look into my eyes, okay?" natataranta man si Brian ay pinipilit pa ring siya nitong pakalmahin. He held her face gently to catch her gazes. Pero nanatiling nakatitig siya sa kawalan.

Pagkuwa'y diniinan nito ang kanyang kaliwang braso nang hindi inaalis ang pagtitig sa kanya upang kahit paano'y matigil ang pagdurugo.

She finally looked into his emotional eyes, and she somehow felt comfort while looking into him before the medical personnel brought them to the hospital.


AUTORENGEDANKEN
jadeatienza jadeatienza

Hey there! I'm delighted to tell you that I already have a Dreame account for writing purposes now. My username is @alwaysbaekchan

Follow me! I'll be posting the completed version of "Winning His Heart" in there soon. First few chapters are already posted!

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C5
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen