Ginawan pa nila kaming tatlo ng team. SamanTOP short for Samantha at TOP. Jamantha short for Jared at Samantha at yung JaManTOP naman ay para sa aming tatlo... Jared, Samantha at TOP. Binuksan ko na yung gate at lumabas na. Magkalapit lang naman ang bahay namin ng Crazy Trios sa bagong bahay ko kasama sina Red at Angelo. Ilang kanto lang naman ang dadaanan ko.
Dito parin sila nakatira sa dati naming bahay. Nakaka-miss na rin pala na tumira sa bahay na 'yon kasama sila. Naglakad na ako pauwi. Ang lamig na kaagad. December na, magpapasko na. Malapit na ang birthday ni Timothy. Hanggang ngayon hindi parin nya ako tinatawagan o sinusulatan. Kumusta na kaya sya? Minsan, dumaan ako sa Sweet's House ni Sweety na kapatid ni Timothy para magtanong. Nasa Japan parin sila at hindi alam ng mga nagtatrabaho don kung kailan ang balik nila.
Parang bigla nalang nawala si Timothy sa mundo. Ni walang nakakaalam kung kailan sya babalik. Sa loob kaya ng anim na bwan, ano kaya ang ginawa nya? Nasa rehabilition parin kaya sya? Ano'ng gagawin ko kung babalik na sya?
Umihip ang malamig na hangin. Ang lamiiiiiigggg! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Bigla akong kinilabutan. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin mula sa likod ko. Deadmahin ko nalang, baka wala lang 'yon.
Hindi eh, meron talagang sumusunod sa'kin! Sino kaya yon?! Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ko kung may tao sa likod ko. Wala naman. Baka guniguni ko lang. Naglakad na ulit ako pauwi. Pero bumalik na naman yung pakiramdam ko na may sumusunod sa akin kaya tumakbo na ako. Malapit lang naman yung bahay namin kaya mabilis rin akong nakarating. Nang malapit na ako, nakita ko si Red na nakatayo sa tapat ng gate, naghihintay.
Tinakbo ko ang natitirang layo namin sa isa't-isa. "Jared!" tawag ko sa kanya.
"Samantha! Bakit ka tumatakbo?" nilapitan nya ako.
Tumigil ako sa harap nya. "May sumusunod sa'kin eh," sumbong ko. Tumingin ulit ako sa likod ko. Wala. Tinignan ni Red yung daan na pinanggalingan ko.
"Pumasok ka sa loob ng bahay," utos ni Red.
"Ano'ng gagawin mo?" nag-aalalang tanong ko. "Hwag mong hahabulin baka kung sino 'yon!"
Tinignan nya ako. "Hwag kang mag-alala, iche-check ko lang kung meron para masabi sa mga guards ng subdivision."
"S-Sige." Pumasok na ako sa loob ng bahay at hinintay sya.
"Mommy are you okay? You are pale Mommy," puna sa akin ni Angelo na tumigil sa panonood ng cartoons para tabihan ako sa sofa. Niyakap ko sya.
"I'm okay baby," sagot ko at hinalikan ko ang ulo nya. Nawala na ang takot ko ngayong nasa loob na ako ng bahay at kasama ang kapatid ko.
Pumasok si Red. Tinignan ko sya. Umiling lang sya at tumabi sa amin ni Angelo.
"Wala akong nakita," sabi nya. Wala? Pero meron talaga.
***
[Date: December 24; Time: 2:05PM]
"Angelo come here baby, hindi pa kita tapos suklayan," sabi ko habang nakaupo sa tapat ng salamin. Ang likot ng kapatid ko. Ayaw nyang pahawakan sa'kin ang buhok nya.
"No Mommy! I want my hair like this!" Hinawakan nya ang buhok nya at inaayos pataas na parang mohawk. Mga nakikita nya sa tv. Gusto nya yata gayahin yung sa mga cartoons.
"Baby hindi yan pwede! Come here na baby, sige na para matapos na tayo." Tumayo ako at sakto na pumasok si Red sa kwarto.
"Angelo bakit hindi ka pa ayos?" tanong ni Red at binuhat si Angelo.
"Daddy I want my hair like this!" tinataas nya ang buhok nya.
"Jared Dela Cruz," matigas kong tawag sa pangalan nya. Tinignan ko sya nang diretso. "Hwag."
Tinignan ulit ni Red si Angelo. "Makinig kay Mommy, Angelo. Good boy ka diba? Mana ka sa Daddy diba?"
Nag-pout si Angelo kay Red. Nagpapaawa pa yata. "Okay Daddy, I'll listen to Mommy." Haaay sa wakas! Late na kami eh. Naghihintay na yung mga stylists sa bahay.
"Lika na dito baby." Lumapit sa akin si Angelo. Umupo kami sa harap ng salamin at sinuklayan ko na sya. Nakatayo lang si Red sa may pintuan at nakatingin sa amin. Tinignan ko sya mula sa salamin. Naka-jeans lang sya na medyo hanging low pa kaya naman naka-display ang sexy V-line nya. Wala syang suot na shirt pero may towel naman na nakalagay sa balikat nya. Kakatapos lang nya maligo. Basa pa ang buhok nya. "Red magbihis ka na baka ma-late pa tayo."
Ngumiti sya. Nilapitan nya kami ni Angelo. "Opo Mommy," hinalikan nya ako sa tuktok ng ulo ko.
Napatingin ako sa papalayo nyang likod. Parang may bumabagabag sa kanya. Ano kaya ang iniisip ni Red?