Inilabas ng ilang katiwala sa hacienda ang apat na matitipunong kabayo.
"Pano si Angelo?" tanong ni Maggie habang sumasakay sa kabayo nya, kulay brown ang kanya.
"Okay lang, kasama ko nalang sya," tumingin ako kay Angelo. "Gusto mo sumakay Angelo?"
Tumingin sya sa'kin at tumango tango. Nakita ko sa mga mata nya ang hindi maitagong excitement. Kaso nag-aalala ako sa allergy nya. Napakagat ako ng labi. Paano kaya? Kaso parang gusto nya talagang sumakay. Baka kapag sumakay sya makalimutan nya ang nangyari sa kanyang trauma.
"Sandali lang tayo sasakay ha baby? Fifteen minutes lang okay? Sabihin mo sa'kin kapag nangati ka okay?" sabi ko sa kanya.
Tumango sya. Ayaw talagang magsalita ng kapatid ko. Una ko syang isinakay sa puting kabayo. Inalalayan ako ng isa sa mga katiwalang lalaki. Medyo mataas kasi. Sunod akong sumakay sa kabayo.
"Samantha," biglang lumitaw si Red sakay ng isang itim na kabayo.
"Bakit?" inis na tanong ko sa kanya.
"Hindi mo dapat isinama si Angelo, alam mo naman na allergic sya," sabi nya na parang pinagagalitan ako.
Agad naman akong nainis sa sinabi nya.
"Eh sa gusto namin sumakay eh! Bakit? Kayo lang may karapatan mag-saya?" hinawakan ko yung renda at mahinang sinipa ang kabayo para lumakad na sya.
Nakahawak si Angelo sa upuan namin. Nakaupo sya sa unahan ko. Nakasandal sya sa akin. Sinilip ko ang mukha nya. May kaunting ngiti na sa labi ng kapatid ko. Sa wakas!
"Samantha!" tawag ni Red.
"Red! Hayaan mo na sila ituloy nalang natin yung practice natin dali~ turuan mo ulit ako~" malanding boses ni Riri.
Nakakainis talaga ang landi! Bagay sila! Parehong malandi!
"Samantha!" tawag ni Red.
Bigla na naman syang sumulpot sa gilid ko sakay ng kabayo nya. Nakikisabay sa lakad ng kabayo ko.
"Ano ba Red? Bumalik ka na nga don, turuan mo nalang ulit yung Riri mo," taboy ko sa kanya.
"Galit ka parin ba tungkol sa nangyari kahapon? Sinabi ko na hindi ba? Hindi ko sinasadya na iwan si Angelo," paliwanag nya.
ALAM KO! Hindi naman dahil don eh! Natigilan ako. Kung hindi ako naiinis dahil doon, sa ano pala? Bakit nga ba ako naiinis sa kanya?
*Rica Manrique*
AAAAARRRRGHH! Panira ka ng sweet moment namin ng prince ko! Ikaw na manang ka with your stupid kid!
Iniwan ako si Prince Red dahil sa'yo! Ano ba ang nakita nya sa'yo? Di hamak na mas maganda ako! Tinignan ko silang dalawa at may naisip ako.
Kung gusto ko siyang burahin sa landas ko, ito na ang magandang pagkakataon para gawin 'yon!
*Miracle Samantha Perez*
"Samantha, bumalik na kayo ni Angelo sa loob," utos ni Red na nakasunod parin. "O ibigay mo na lang sa'kin si Angelo para makagamit ka ng kabayo nang—"
"Ayoko nga!" sagot ko.
"Samantha!"
"Sinabi ko na kasing—AAAAHHH!!" biglang nagwala ang kabayo ko.
Nagwawala ito. Napahawak ako sa renda at kay Angelo.
"MOMMY!!!" natatakot na sigaw ni Angelo.
Niyakap ko si Angelo gamit ang isang kamay at mas hinigpitan ko naman ang hawak sa renda. Kaya ko 'to! Nag-aral ako kung paano sumakay sa mga kabayo. Wala naman naging problema.
"SAMANTHA!!" naririnig kong tawag ni Red
Napapikit nalang ako sa sobrang takot. Kahit na nag-aral ako ng pangangabayo hindi ko naihanda ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.
"Kapit nang mahigpit kay Mommy, Angelo!" utos ko sa kapatid ko.
Ilang segundo ang makalipas biglang tumakbo nang mabilis ang kabayo namin.
"SAMANTHAAA!!!" sigaw ng maraming tao habang palayo kami nang palayo