App herunterladen
92.85% The Day We Meet Again / Chapter 13: Lost His Memory

Kapitel 13: Lost His Memory

The Day We Meet Again

Lost His Memory

Chapter 13

Matapos ang nangyaring aksidente kay Jerome, Naisugod agad ito sa malapit na ospital kaya naman maagang naagapan ang namimiligrong buhay nito. Yun nga lang dahil matinding aksidente at pag kakabagok ng ulo ni Jerome ay pansamantala itong mawawalan ng ala ala lalo na sa taong nakasama niya sa kasalukuyan bago mangyari ang insedente. kabilang na sa mga ala ala niya ay ang kanyang ina maging ang kanyang nobyo na si steaven. Mahirap paniwalaan pero ito ang katotohanang kailangan niyang tanggapin mula sa sinabing iyon kay steaven ng doktor na tumingin sa kalagayan ng kanyang nobyo. Tiyaga at pangunawa, matinding pag aalaga ang kailang gawin ni Steaven sa kanyang nobyo ayon sa sinabi ng doktor. Lumuluha si Steaven sa tabi ni Jerome habang nakahiga ito at nakratay sa ospital.

Alam niyang lalo lang magiging masaya ang uncle nito dahil sa nangyari. mas matutuwa pa nga ito kung malalaman niyang patay na ang kanyang pamangkin. Sa ganon ay mas mapapadali ang kanyang mga plano laban dito.

Matindi ang seguridad na ibinigay ni Steaven sa nobyo nito kaya naman, siya rin mismo ang nag pa imbistiga sa kaso ng kanyang nobyo kung sino ang nasaa likod ng pang yayaring ito.

Sa aksidenteng nangyari, mabilis na kumalat ang balita kaya alam agad ito ng partido ni Bernard Sy. Kumalat din agad online ang nangyari sa Dating Ceo ng kumpanyang Ainsoft Corporation. Sari sari ang kumento, may maganda at hindi. dahil sa mga komentong iyon, hindi alam ni Steaven ang kanyang gagawin kung matutuwa ba siya o Hindi dahil sa kanyang mga nababasa.

Lumipas pa ang ilang araw ng pag babantay ni Steaven sa nobyo nito ay sa wakas at nag kamalay na ang binata. Gaya nga ng sinabi ng doktor sa kanya. Wala ang ala ala nito pag dating sa kanya na hindi naman na niya iyon ikinabigla dahil alam na niyang mangyayaari ito. nagising si Jerome at tinanong kung aano ang nangyari, bakit siya nandoon at sino ang taong kasama niya. Nasa loob ng kwarto ng ospital si Steaven at ang sekretarya ni Jerome na si Justine. Si justine na lamang ang nag paliwanag sa nangyari, Kilala niya si Justine at kung ano ang nangyari sa kanya sa kumpanya. kahit na wala siya sa posisyon ay temporary lamang ito dahil wala pang nakaupo sa kanyang pwesto dahil hindi pa ito napag dedesisyonan.

Labis naman ang pag ka dismaya ng uncle ni Jerome na si Bernard dahil sa kanyang nalaman na nagising na ang kanyang pamangkin matapos itong maaksidente. Ang akala niyang planong matagumpay na ay hindi pa pala. Nahirapan siyang pasukin ang ospital kaahit na sa kanyang pag bisita dahil sa mahigpit na sigurdad na ibinigay ni Steaven sa nobyo nito.

Kinumusta ni Steaven ang kalagayan ng kanyang nobyo, wala itong imik at nag iisip kung sino ang taong nag tatanong sa kanyang. Napayuko na lamang si Steaven dahil wala siyang nakuhang sagot sa nobyo. Pinaliwanag niya kung bakit siya ang nakabantay sa kanya at kung ano ang relasyon ang meron sila. hindi naman makapaniwala si Jerome sa sinabi sa kanya ni Steaven. Ang buong pag kakaalam nito ay galing siya ssa pakikipag hiwalay nito saa ex niya kaya napaisip siya kung paano nangyaring may nobyo na agad ito.

Lumipas pa ang ilang araw at nakalabas na si Jerome sa ospital, wala parin itong ala ala pero kahit ganon ay matindi ang pag aalaga sa kanya ni Steaven. Pilit nitong ipina aalala kung ano ang meron sila. kahit na mahirap ay kailangan alang alang sa kanilang relasyon.

Samantala, Dumako muna tayo kung saang lugar nanatili ang ex nito na si Bryan. Mula sa labas ng bansa..Nakarating sa kanya kung ano ang nanyari sa ex nito. Mula sa pag baba sa pwesto bilang CEO hanggang sa pag kakaaksidento nito ay alm niya ang lahat g ito dahil mabilis na kumakalat ang balita lalo na pag dating sa pamilya nito dahil isa ito sa kinikilalang sikat at mayamang pamilya lalo na pag dating sa industriya ng pag nenegosyo. Kahit na ex nalang niya si Jerome ay may kaunti pa naman itong pag aalala sa kanya. Kaya naman a week ago ay pumunta siya sa bansa para kumustahin ang kalagayan ng kanyang ex.

Si Jerome ay nanatiling nasa bahay habang hindi pa lubusang gumagaling. Pinayuhan lamang si Steaven ng doktor na pwede na itong sa bahay mag pagaling at gawin ang ibang treatment na hindi naman kabigatn para sa kanya. Isang hapon matapos ang ginawang pag gala ni Steaven para kay Jerome ay iniuwi niya ang kanyang nobyo sa bahay nito para doon siya mag pahinga. Hindi akalain ni Steaven ang kanyang nakita. Maging si Jerome ay hindi din inakala ang kanyang nakita. Pareho silang nagulat sa kanilang nakita. Ang Ex nito na si Bryan ay nakatayo sa harap ng kanyang bahay at nakangiting sumalubong sa kanilang dalawa. Nagulat sila pareho, Hindi alam ang gagawin lalo na si Steaven na nakaramdam ng selos sa ex nito ng makita niyang mukang natuwa si Jerome sa kanyang nakita.

Dahil sa nakita ni Jerome si Bryan ay agad niya itong pinapasok sa kanyang bahay at naiwan si Steaven sa labas na lalo nitong ikinasama ng kanyang loob. Pero wala siyang magagawa kundi pag bigyan ang kalagayan ng kanyang nobyo. Kung ikukumpara si Steaven sa ex nito na si Bryan ay wala itong laban lalo na ngayong hindi siya parte ng ala ala nito. Sumunod nalang si Steaven sa loob ng bahay matapos siyang maiwan a labas. Kita niya sa labi ni Jerome ang mga ngiti ng makita nito ang ex nito na si Bryan. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa kanyang nakita o maiinis dahil ang nobyo niya ay napapasaya ng taong nag paiyak sa kanya.

Mainit ang tensyon sa loob,inis at selos ang bumabalot sa pag katao ngayon ni Steaven. Marahil ay nag tataka si Bryan dahil sa taong kasama ngayon ni Jerome, pero sa ngayon ay hindi pa iyon nakaplano sa kanya dahil ang pakay nito ay kumustahin ang ex at alamin kung ano ang lagay at nararamdaman nito ngayon para sa kanya.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C13
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen