App herunterladen
60% Two Wives / Chapter 12: Kabanata 12

Kapitel 12: Kabanata 12

Possesive

Mabibilis ang hakbang ko buhat ng makalabas sa opisina ni Gabriel habang yakap ko sa mga bisig ang folder na dadalhin ko kay Marcus.

Nasa kala gitnaan ako ng paglalakad buhat ng matigilan. "Saan nga ba ang opisina ni Marcus?" lumingon ako sa pinanggalingang opisina bago sunud sunod na umiling.

"Oh, fuck!" nasapo ko ang sariling noo.. Nakalimutan kong itanong kung saang department ba naroon si Marcus.

Lumingon ako sa dulo ng pasilyo, ah, magtatanong nalang siguro ako sa makakasalubong ko..

I continue walking and lean my head from side to side, ngunit wala ni isang cubicle akong nakita nang lampasan ko ang elevator. Gabriel occupied the whole floor, iyon ang pantaha ko.

Kaya bumalik ako para sumakay ng elevator at pinili ang first floor para bumaba. Habang nasa loob ay hindi ko mapigilang isipin ang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Everything happened so fast, hindi pa rin ako makapaniwalang secretary na ako ngayon ni Gabriel.

Sa totoo lang ay wala pa akong experience sa ganitong klaseng trabaho, dahil ako mismo ang boss sa sarili kong kompanya. Bago pa dumating sa buhay ko si Zekiah ay nakasulat na ang pangalan ko sa halos lahat ng property na meron ang pamilya namin. Hinihintay nalang nila na upoan ko ang silyang para saakin, pero hindi ko pinili ang buhay na 'yon dahik mas pinili ko ang buhay na kasama si Zekiah. Mom and Dad had no choice kundi ipalit si Ellwood bilang president na dapat ay ako ang naka upo.

Napa buntong hininga ako bago bumaba ang tingin sa folder na hawak. Pagkatapos nang lahat ng nangyare, si Hezekiah pa rin ang pinipili ko, siya pa rin ang dahilan ng lahat ng ito kaya kahit mahirap ay titiisin ko, kahit pa gaano ka sakit ay handa kong tanggapin para lang maka sama siyang muli.

Napa unat lang ang tayo ko nang bumukas ang pinto ng elevator, may ilang empleyado akong nakasalubong na papasok. Everyone shot me a knowing look, their eyes shifted on my shoes and back up again with curiosity.

I offered them my soft smile, ngunit wala isa man ang nag paunlak ng isang ngiti. I shrug a bit bago nalang ituloy ang paglalakad palapit sa information desk.

"Ah, excuse me!" I delightfully said to a woman in front the table.

Tumingala ito saakin bago ako sipatin ng tingin, bahagya pang kumibot ang labi nito saakin kaya wala sa loob na pinasadahan din ng tingin ang suot ko. May mali ba sa suot ko?

"Anong kailangan mo?" nagsalita ito sa maliit na boses.

"Saan ko makikita dito ang Opisina ni, sir Marcus?" I asked softly.

Kumunot ang noo nito bago bumaba ang tingin sa hawak kong folder.

"Uh, I'm Meredith Grant, ako yung bagong secretary ni sir Gabriel Magnus." pakilala ko.

"New secretary?" she speak in her tiny voice. Napangiti ako, I thinks she's in her twenties, because of her angelic face and her tiny voice.

"Diretsohin mo lang yang hallway then kumanan ka, iyon na ang office ni Mr. Dimefelix." aniya saakin.

Sinundan ko ng tingin ang tinuro nitong direksyon bago ibalik ang mata dito, "Salamat-"

"Rheena Sanchez." she sweetly introduced herself, ngumiti na ito saakin kaya sinuklian ko ang ngiting iyon.

"Thanks, Rheena." I waved her goodbye bago na ito talikuran..

Habang naglalakad ay puna ko ang tingin ng ilang empleyado, rinig ko ang bulongan ngunit hindi malinaw sa akin kung ano iyon. I slowly turned my head to them, na isa-isang natigilan bago ako ismiran.

I lightly shook my head, unti-unti na ring bumabangon ang kaba sa puso ko. What exactly happening here? Hindi ko maiwasang panlamigan ng buong katawan habang papalapit sa opisina ni Marcus.

Pagliko ko sa pasilyo ay tanaw ko na ang isang silid na tinutumbok ng hallway, naroon din ang isang lamesa kung saan may babae rin akong na tanaw.

"Ahm, excuse me. I'm looking for Mr. Marcus Dimefelix?"

Nagtaas ng tingin saakin ang isang babae. Agad na bumaba ang tingin ko sa pulang pula nitong labi, wearing her fitted white V-neck shirt na sinusonan ng cream pastel blazer.

She arch her eyebrows at me and gave a malicious remark. "Ikaw ba ang bagong secretary ni Gabriel?" tanong nito na may halong pang uuyam.

I simply nod, hindi ko pinansin ang pagtataray nito saakin.

"Tss.. pour Alessandra.." she whispered pero alam kong pina rinig niya 'yon saakin.

"Excuse me?" I asked her with my furrowed brows.

"Ah, nothing.. maghintay ka lang sandali dito at tatawagin ko si Marcus." tumayo ito kaya mas napag masdan ko itong maige. She had a very impressive body, may pang modelong height at may kulay mais na buhok. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Sarah na tinutukoy ni Alessandra. Hindi ko rin masisi si Alessandra kung bakit ito selos na selos sa sekretarya ni Gabriel, but If I will compared her to Sarah, hindi hamak na mas maganda si Alessandra dito.

Sandali akong naghintay sa labas ng opisina ni Marcus, hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumakad bago ito lumabas.

"Iwan mo nalang ang folder, tapos balikan mo mamayang after lunch," aniya saakin habang sinusuklay ng daliri ang gulong buhok. I swallowed forcefully, hindi ko ma isatinig ang dapat sabihin. Ang pulang pula nitong labi kanina ay tila nawalan ng kulay maging ang blazer nitong suot kanina ay hindi na niya suot ngayon.

"Hindi mo ba ako narinig? Bumalik ka mamayang after lunch." she said irritably.

"Hinihintay na kasi yan ni Mr. President. " I said in my casual voice.

Imbes na sumagot ay tinawanan lamang ako nito. Humigpit ang hawak ko sa folder habang pinapanood itong sa kaniyang ginagawa.

"Ako na ang maghahatid nito kay Gabriel, so you may go.." she declares

Umiling ako sa huli nitong sinabi. "Utos saakin ni Gabriel na hintayin ko ang folder para ibigay sakaniya before lunch."

Sandali itong natigilan dahil sa sinabi ko, pero agad din itong naka bawi. "Magaling talagang pumili si Alessandra ng kakampi." she shot me a disgusted look bago ilahad saakin ang kaniyang kamay.

"Give me the folder," utos niya.

Sandali ko munang itong tinitigan bago ko Iabot ang folder dito na siyang naglakad pabalik sa loob.

Nang mawala ito sa paningin ko ay doon ko lamang napansin na may silya pala sa tabi ko. Walang lakas akong na upo doon bago ilingap ang mga mata sa paligid. Gaya kanina ay wala ring cubicle na naroon pero may nakita akong ilang pinto ngunit sarado naman.

Pumihit pabalik ang tingin ko sa bumukas na pinto.

"Marcus wants to talk to you.." she said plainly. Kita sa itsura nito ang pag ka irita, bago pabalang na naupo sa sariling silya. Hindi na ako nagsalita dahil hinakbang ko na ang mga paa papasok sa bukas na pinto.

Ramdam ko agad ang panlalamig ng katawan nang tumapak ang mga paa ko sa loob ng kaniyang opisina. Dahil naka baba ang malaking kurtina at hindi nasisinagan ng araw ang buong silid ay medyo madilim ang buong paligid.

I look straight to Marcus table, naroon siya habang naka sandal sa kaniyang swivel chair.

"Good morning, sir!" I said in a low voice. Ramdam pa rin ang panginginig ng mga tuhod.

"Please take a sit, Mrs. Grant." he said I a cold tone

Agad akong tumalima, slowly moved my feet to walk towards the chair in front of his

Bumaba agad ang tingin ko sa folder na nasa kaniyang lamesa. "Pasensya na kayo, hinihintay kasi ni sir, Gabriel ang approval n'yo before lunch.." I said with my shaky voice, hindi maitatangging kinakabahan ako sa mga oras na ito.

He expelled a deep sighed bago iangat ang likod sakaniyang swivel chair. Now resting his two elbow at the top of the table. Umangat ang tingin ko dito na siyang seryosong nakatitig sa mga mata ko habang naka salikop ang dalawang kamao sa kaniyang harapan.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito ngayon?"

Agad na tumikom ang mga labi ko, mahigpit ding pinagsalikop ang dalawang kamay sa kandungan.

"Yes, sir.." I said in my tiny voice. Yumuko ang mga ulo ko dahil hindi kayang tagalan ang pagtitig nito.

Again, he let out a deep sighed bago muling sumandal sa kaniyang office chair.

"Alessandra is too stubborn.." he said, shaking his head with disbelieving.

"Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo kung bakit tinangap mo ang trabahong ito. Yeah, inaamin kong siwestiyon ko ang na mag trabaho ka sa opisinang gaya nito, pero bilang sekretarya ni Gabriel, sa tingin ko ay kumuha ka ng batong ipupokpok sa sarili mong ulo." he said in a serious tone

Umangat ang tingin ko dito and gave him my questionable look.

"Alessandra is too possesive pagdating sa isang relasyon, lalo pag si Gabriel na ang pinag uusapan." muli itong nag buntong hinga bago mag iling saakin.

I swallowed hard, tinikom ng maigi ang mga labi at hinanda ang sarili sa mga sasabihin pa niya.

"Marami na siyang napatalsik na empleyado dito mula ng pumasok si Gabriel sa kompaniya at lahat ng iyon ay dahil sa selos." he swivel to his chair, ramdam kong sinusukat niya ako ng tingin sa kaniyang mga sinabi.

"Sarah is one of the employees that I trusted the most. Ginagawa niya ng maayos ang trabaho niya, kahit pa sa labas ng opisinang ito..kaya kahit gusto siyang patalsikin ni Sandra ay hindi ko magawa.." napalunok akong muli, tila may iba itong gustong ipakahulogan saakin.

Tumango ako bilang pag sang ayon, kahit pa iba na ang tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na ito.

"Ayoko lang magkaroon ulit ng problema kay Alessandra. I know my sister very well at sa tingin ko hindi mo magugostohan kung paano siya magalit." aniya sa tonong na nanakot.

I lowered my head down, mas piniling wag nalang sumagot.

Silence lingered between us, kung hindi pa tumunog ang intercom ay hindi ako pipitlag.

"Yes, Sarah.." Marcus told her over the phone.

"Mr. President is on the line, sir." anang boses sa kabilang linya.

"Alright, I konekta mo agad ako." utos nito sa kausap bago ako sandaling sulyapan. Agad naman nitong dinampot ang cordless phone bago tumayo sa sariling silya.

"Yes, what can I do for you?" he asked casually, habang nakatago sa bulsa ang isang kamay.

Pinanood ko lamang itong nang hawiin niya ang malaking kurtina dahilan para bahagyang magliwag ang buong opisina.

"Yeah she's still in my office," he turned his head to my direction then shrug a bit.

"Sige babasahin ko na agad," aniya pa bago ibaba ang tawag at naglakad pabalik sa sarili niyang silya.

"Marami pa tayong dapat pag usapan, but for the meantime, let's get back to work."

Habang pabalik sa opisina ni Gabriel ay hindi ko mapigilang isipin ang mga sinabi ni Marcus. Kasabay nun ay ang ibayong kaba na unti unti kumakain saakin. Hindi malayong pagselosan din ako ni Alessandra pag nagkataon at kung mangyari man ang bagay na iyon, handa ba akong harapin ang galit niya?

Sunud-sunod ang naging pag iling ko habang wala sa sariling narating ang elevator. I waited for a few seconds bago bumukas ang pinto. I awkwardly step back nang isa-isang lumabas mula sa pinto ang ilang empleyado.

Hindi na ako na sorpresa sa tinging ipinukol nila saakin, unti-unti naring nabubuo sa isip ko kung bakit hindi ko ramdam na welcome ako sa lugar na. It's because Alessandra, marahil ay iniisip ng lahat na hindi naman ako magtatagal sa trabahong ito gaya ng ginagawa niya sa mga sekretarya ni Gabriel. So they decided to distance themselves to me.

Ngunit isinantabi ko ang pantahang iyon bagkus ay nilakapan ng magiliw na ngiti ang bawat isa..even if they're not smiling back.

Pinuno ko muna ng hangin sa dibdib ko bago pumasok sa loob, may ilang sumabay saakin na pumwesto mismo sa likuran ko. Alam ko rin na minamasdan nila ang kabuon ko mula sa aking likuran, maging ang bulong bulongan ng mga ito na sadya kong naririnig.

"One week.."

"Tss, three days is long enough, para mapatalsik iyan dito.." someone's whispering behind my back.

"Pustahan tayo bukas lang mag reresign na yan.." bulong pa ng isa na mula naman sa aking kanan.

I lightly shook my head with disbelief, pinag pasalamat ko na nasa fifth floor lang ang opisina ni Gabriel kaya wala ng dahilan para magtagal pa ako sa doon at marinig kung paano nila pag pustahan kung hanggang kaylan ba ako tatagal dito.

Ilang pagkatok ang ginawad ko sa pinto ngunit walang sumasagot, kaya napag pasyahan kong pihitin pabukas ang pinto na himdi naman naka

"Sir?"

My eyes wandered around, wala ito sa kaniyang working table, maging sa chaise lounger na naroon. Lumingap pa ako at nilingon ang pintong sarado sa aking gawing kanan.

"Sir, Gabriel?" muli kong tawag dito ngunit wala pa ring sumasagot.

Marahil ay lumabas ito sandali kaya pinasya ko nalang iwan sa kaniyang table ang folder, ngunit naagaw ng pansin ko ang picture frame na nasa mismong table nito.

Dala ng kuryosidad ay marahan ko iyong dinampot. My heart raised painfully, masasabi kong perpekto ang kuha nila sa litratong 'yon. Alessandra is wearing her lovely gown sitting at the car hood, while Gabriel is standing next to her..

I sighed painfully habang masakit na tumatambad saakin ang katotohang may iba na itong mahal.

"What are you doing here?"

Agad kong binaba ang litrato at humarap sa gawi ni Gabriel, hindi ko napigilang mapalunok sa ayos nito. He is wearing a casual T-shirt and black trouser. The tips of his dark hair were wet on his forehead, halatang bagong paligo lamang ito dahil sa basang buhok a tuwalya na nasa kaniyang balikat.

"I-I just bring back the folder, wala ka kasi kaya pumasok na ako.." I said confusingly.

Imbes na sumagot ay bumaba ang tingin nito sa picture frame na kanina'y hawak ko.

Napasinghap ako dahil sa mabangong amoy na hatid ng kaniyang shower gel sa aking ilong. I bit my lips secretively bago ibalik ang mga tingin dito. He is now looking at me with his dark sharpened eyes.

"Uh, may iuutos paba kayo, sir?" I said in my shaky voice..

Nagpa deliver ako ng lunch, pakihintay mo sa labas." utos niya bago humakbang palapit sa sariling lamesa.

Tumango ako dito at inumpisahan ng ihakbang ang mga paa palabas ng kaniyang opisina. Nang ilapat ko pasara ang pinto ay doon lamang ako naka hinga ng normal.

"Damn it.." sapo ang dalawang ulong na upo ako sa sariling silya at doon pinahupa ang sarili.

I wanted to get rid of this fucking lies, I'm tried of all this shit..

I want my husband back. I want him so bad..

Hindi ko na napigilan ang pag balong ng mga luha, I cried silently, dahil iyon nalang ang kaya kong gawin pag hindi ko na kaya ang sakit.

"Excuse me..ma'am?"

Umangat ang tingin ko sa delivery boy na nasa aking harapan. Pa simple ko rin pinahid ang mga luha sa akiang pisngi bago mag ngiti dito.

"Yes" sagot ko nang makabawi.

"Deliver po for Mr. Gabriel Magnus?" aniya habang binabasa ang hawak na note.

Tumayo ako para I-assist ito, ako na rin ang nag recieve ng pagkain dahil bayad naman na daw ito.

"Sir, nandito na po yung pina deliver ninyong lunch.." pagbibigay alam ko dito mula sa intercom.

"Ipasok mo na dito.." utos niya bago ibaba ang tawag.

Inayos ko muna ang sarili bago pagpasyahang dalhin dito ang pagkain. Kumatok ako bago itulak pabukas ang malaking pinto. Naabutan ko itong naka upo sa chaise lounge habang nakaharap sa kaniyang laptop.

"Heres your food, sir," I softly said at buong rahang nilapag iyon sa lamesita. Palihim ko itong sinulyapan na ngayon ay naka pang office attire.

Isinara nito ang laptop and lit up his head at me,

"Join me," he said with authority.

Hindi ako nakagalaw dala ng pagka mangha sa kaniyang sinabi. Tama ba ang narinig ko? Inaaya niya akong mag lunch kami ng sabay?

Pinanood ko lamang itong ilabas sa paper bags ang dalawang bento box na kaniyang in order. Dahil hindi pa rin ako natitinag sa pagkaka tayo kaya tumingala ito saakin.

"Do you hear what I said?"

I blinked my eyes surprisingly, "Uh, ayos lang ako..Enjoy your food, sir." pag tanggi kong sinabi.

He let out a sighed and leaning against the couch. "Just sit here and join me.." ulit nito. Bumaba ang tingin ko sa bento box na nasa tabi lang ng kaniya. Ibig sabihin ay uupo ako sa tabi nito kung sakali.

"Hindi na, sir." I clasped my hand tightly in front of me, ramdam na ang pamumula ng dalawang pisngi.

"I order you to sit here and join me for a lunch.." his eyes darken and stared me for a few more beats.

Hindi ko nagawa pang tanggihan ito dahil binuksan na rin niya ang pagkain na para saakin. I slowly moved my feet towards the couch and sit beside him.

My heart raised erratically, ramdam ko rin ang panginginig ng mga kamay dahil sa nerbyos.

"Relax, kakain ka lang naman kasabay ko.." he chuckled, lips twisted wryly.

Fuck! I froze in my seat, halos ilubog ang buong likod sa pagkaka sandal. Hiyang hiya ako sa kaniyang sinabi. Do I really look nervous? Damn it!

Hindi ko alam kung paano ko nalulunok ang pagkaing sinusubo ko. I could feel the heat rushed up on my booth cheek pag aksidenteng nag didikit ang aming mga braso. Hindi rin sapat ang pag inom ng tubig para ibsan ang patuloy na pag kabog ng aking puso.

Minabuti kong ibaling ang pansin sa kinakain. The food is good with three different meals inside, like pork, seafoods and vegetables. I decided to set aside the carrots out of the box dahil bukod tanging ito lang ang hindi ko kinakain sa lahat ng gulay.

Ramdam ko ang pag sulyap nito saaking ginagawa, "Carrots is good for your eyes, why don't you eat them?"

I lightly shook my head, "Hindi ko gusto ang lasa," I answered casually.

"Hmm, just try a bit. It's nutritious." he told to me, matapos ay tinusok ng tinidor ang carrots na nasa kaniyang bento box at inilapit sa akin. He closed in any space we had left and look down at me.

I lean my back against the chaise forcefully, my heart skip a beat. I can't breath and rapidly looked away from him. Damn it! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare sana ay kinain ko nalang ang carrots kahit hindi ko gusto.

"Come on, have some.." he is now ordered me. Napalunok ako dahil kung hindi niya ako uutosan ay hindi ko iyon siguradong gagawin.

"Okay.." I mumbled after a moment.

Sinubo ko ang carrots, hindi ko napigilang mapa ngiwe dahil sa lasa. Matigas ito hindi kagaya ng ilang gulay na pag luto na ay lumalambot, habang ito ay parang hilaw pa rin pag nginuya, hindi ko man gusto ay pikit mata ko iyon nilunok..

"How was it going?" he asked me gently.

"It's weird.." pag amin ko. Ignored the tingling feeling in my stomach.

He chuckled in away that melted my heart, naka ngiti ko itong pinanood. I just realized how I missed to hear that carefree laugh.

He stop laughing, gaze dropped and lingered on my lush lips. Ang isang braso ay naka lapat sa aking sandalan. Ngayon ko lang napansin na tapos na pala itong kumain habang ako ay hindi pa nakaka kalahati.

"Just continue your food.." aniya saakin kapag daka. Umayos ito ng upo at binuksan ang kaniyang laptop.

My heart accelerated by our closeness, hindi ko na nagawa pang ituloy ang pagkain. I tried to moved away but I frozed in my seat.. Ilang pag lunok ang tinangka kong gawin para maka ahon pero tila lunod na lunod na ako sa kaba at sensasyong hatid niya sa aking buong sistema.

"You, alright?" he asked without looking at.

My head nodded. "Uh, babalik na ako sa trabaho, salamat sa free lunch, sir." sa wakas ay na isatinig ko.

He checked his watch and shook his head at the time. "Maaga pa, you still have thirty minutes to finish your food." he said slowly while his full attention is at the monitor.

I smiled, "No, thanks but I'm full.." my lips said at hinanda na ang sarili sa pagtayo.

"Just do what I say, finish your food and I'll let you out of this office on time.." he said seriously.

The smile on my face instantly vanished. I looked up at him in the eye with my furrowed brows. Gusto kong humingi ng paliwanag kung bakit niya ito kailangan gawin saakin. Alam kong hindi ako ganon ka espesyal sa kaniya, pero sa pinapakita niya, parang gusto kong umasang may patutungohan ang lahat ng ito.

"Don't look at me like that.." his lips tighten. Sumandal itong muli sa sofa while crossing his two arms against his chest.

I mentally sighed. "Gabriel, alam mong mali ito. Una hindi mo ako dapat kasama sa pagkain."

"Wala akong nakikitang masama sa ginagawa natin, we're actually eating lunch together. Like what we use to do at my house." he mockingly say.

I ruling my hair frustratedly, "How about the kiss?" I bravely said and gaze at him with so much confusion.

Instead of answering he scrubbed his two stubble jaw like he used to do and mocking innocently.

"Si Alessandra, ayokong magkaroon ng problema sa kaniya. Ayokong dumating ang oras na pati ako pagselosan niya."

I swallowed hard when he adjusting his tie uncomfortably. Dahil hindi ito sumagot kaya pinasya ko ng tumayo, ngunit mariin niya hinawakan ang aking pala pulsohan para pigilan.

Marahas akong pabaling dito na puno ng pagtatanong ang mga mata.

"Akala ko wala lang saiyo ang halik na 'yon?" he said sarcastically.

Agad na nag init ang dalawang pisngi ko sa galit at marahas na piniksi ang kamay niya saakin. He hitched an eyebrows at mine and gave me a steadying gaze.

"I'm sorry, Mr. Magnus pero hindi ako kagaya ng mga babaeng pwede mong paglaruan ng basta-basta. Bakit hindi mo nalang kasi aminin sa asawa mo na hindi ka loyal sa kaniya at tama ang lahat ng binibintang niya saiyo. That you're having an affair with your secretary!"

"You are my secretary," he clarified, words were soft and gentle.

My eyes shot open, natigilan ako sa kaniyang sinabi. Kumibot ang labi ko para magsalita ngunit walang lumabas mula dito.

He laughed and scratched his hair sexily. "Look, we're haven't yet do anything except with the plain kiss."

"Plain kiss?!" I spat angrily, I think I dropped my mouth in shock. Hindi ko lubos maisip kung paano niya ito nasasabi sa harapan ko.

Napasandal ako ng anong diin sa sofa dahil sa biglaan nitong pag yukod, habang ang isang kamay ay nasa aking sandalan. I watched his sudden seriousness, and hearing a heavy breathe.

"Pwede kong gawin ang sinasabi mo, kahit ang binibintang saakin ni Alessandra na walang kahirap hirap, kahit kay Sarah oh kahit kanino mang empleyado dito.." he whisper in my ear.

"I love my wife so much, hindi ko kayang gawin ang binibintang niya saakin, but-" he paused, and shut his eyes firmly, trying to think of something to say.

"Just nevermind.. You can go back to work.." he said in a hused voice, before he pulled away.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C12
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen