"Nasaan si Devon?"nag-aalalang boses ni Harold ang sumagot sa tawag ni Dixal sa ina nito.
"What are you doing as his father? Ba't hinahayaan mo ang batang magliwaliw sa labas? Hindi mo ba alam kung ga'no kadelikado ang maglakad sa daan ngayon lalo na sa tulad ni Devon?" sermon niya sa lalaki habang panay ang sulyap sa batang mataman lang nakikinig sa mga sinasabi niya at siya nama'y nakikipag-usap sa ama nito habang nagmamaneho.
"It was all your fault! Kung hindi ka sana muling pumasok sa buhay namin, hindi mangyayari ang gan'to!" matigas na sagot ng lalaki sa kabilang linya.
Nalito siya sa sinabi nito. Why was it his fault when he was just trying to help?
"Daddy, why are you angry?" usisa ng bata nang makita siyang salubong ang mga kilay.
"Dadalhin ko siya sa inyo. Wait for us there." an'ya sa kausap sa phone saka pinatay ang tawag at bumaling sa bata.
"I'll take you home Devon. Nag-aalala na sayo si Pappy," wika niya saka sinalat ang noo nito.
Mainit nga ito subalit parang 'di nito iyon ramdam.
"I'll go with you, daddy. Ayaw niyo po ba sakin kaya 'di niyo ako isinasama sa bahay niyo?"
Lumungkot ang mukha ng bata, nagbabadya na namang umiyak.
Wala siyang magawa kundi ihinto muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada at kausapin ito nang masinsinan.
"Hey, kiddo. I hate to say this but I'm not your father. I'm just a stranger who passed by and happened to rescue you from danger. But I'm not your father," paliwanag niya rito kahit hindi siya segurado kung makakaunawa nga ito.
Agad itong humikbi, isang beses, dalawang beses--parang dinudurog ang puso niya sa nakikitang ekspresyon ng mukha nito. Sa pangatlong hikbi nito'y agad nang pumatak ang mga luha sa mga mata.
"You don't like me? You don't like me calling you daddy?" Umiiyak nitong tanong na lalong nagpalambot sa puso niya.
Pinahid niya ang mga luha nito saka sumagot.
"I like you very much kiddo, I even love it when I hear you calling me daddy. But--" nahihirapan niyang paliwanag. "But let's face the fact that we are not related to each other."
Siya ang nasasaktan sa inilalabas ng sariling mga bibig pero kailangan niyang gawin 'yon dahil baka ulitin na naman nito ang pagtakas sa magulang para lang makita siya.
Agad niyang niyakap ang bata nang bigla itong bumulyahaw ng iyak.
"I'll not be naughty whenever I'm with you. I'll not do foolish things. I'll be a very good son. If you don't like me calling you daddy, I can call you Dixal instead. But please let me stay with you. I don't want you to leave me," pagmamakaawa nito habang humahagulhol.
Anim na taong gulang lang ang batang ito, pero bakit gano'n katalas magsalita? Gusto niyang murahin ang sarili sa tila torture na ginagawa niya rito. Although he could sense that something is not right pero nando'n mismo sa Birth certificate nitong si Harold ang ama ng bata. Ngunit bakit ipinagpipilitan nitong siya ang daddy nito? Is there really something wrong with the birth certificate?
Pero sa ngayon ay wala siyang magagawa kundi ibalik ang bata sa ama nito nang hindi maging kumplikado ang lahat para sa kanilang dalawa. At 'pag natapos ang mga problema niya sa kompanya, saka niya pagtutuunan ang birth certificate ng bata, siya mismo ang aalam kung sino ang totoong mga magulang nito.
"Hey, kiddo. Stop crying. It hurts me so much when you cry," awat niya ritong gumanti ng yakap sa kanya.
"I'll go with you, daddy. I promise I'll behave. Huwag niyo po akong ibabalik kay pappy. Gusto ko pong sumama sa inyo. Daddy, daddy, please," pangungulit nitong lalo pang nilakasan ang pag-iyak pagkatapos ay abut-abot na ang paghinga, bagay na nagpakaba sa kanya.
"Okay fine. You'll go with me," sa wakas ay pagpayag niya.
Duon lang ito tumigil sa pag-iyak, baghagyang lumayo sa kanya.
"Really?" paniniyak nito, tila ayaw maniwala.
"Yes, but promise me, this is the last time na hahanapin mo ako. After this, magiging mabait ka na kay pappy, hindi ka na tatakas sa kanya."
Sa halip na sumagot ay yumakap ito uli at ayaw nang kumawala hanggang sa siya na rin ang sumuko at pumayag sa gusto nitong mangyari.
"Okay, son. you'll go with me today, but promise me, you'll take medicine for your fever. Let's go eat shrimps first."
Sa narinig ay agad itong kumawala, ang tamis ng ngiti sa kanya.
"Really?"
Tumango siya at inayos uli ang pagkakaupo nito saka pinaandar ang sasakyan subalit hindi pa man siya nakakaalis ay may bigla nang humintong motorsiklo sa harap ng kotse.
Ang haba ng pagkakakunot ng kanyang noo nang makilala ang may-ari ng motor na 'yon.
'Ang dating bodyguard ni Amor? Bakit ito ang naroon at hindi si Harold?'
"Wait, kiddo. I'll just talk to that guy," baling niya sa bata sabay turo sa lalaking kumakataok sa bintana ng kotse.
"He's my tatay," anang bata.
"Your tatay? Then who is your father?" nalilito niyang tanong dito.
Hindi ito sumagot, nanatili lang nakatingin sa nasa labas ng sasakyang mas malakas na kesa nauna ang katok sa bintana kaya napilitan na rin siyang lumabas at kausapin ito.
"Ibigay mo sakin ang bata," nang-uutos ang tono ng pananalita nito, hindi nakikiusap na lalong nagpalito sa isip ni Dixal.
"You're just after Amor right? Why then are you concerned about that kid? Don't tell me anak mo din siya," pasarkastiko niyang sagot.
"Kahit kanino pa siyang anak, wala kang kinalaman sa batang 'yan. Ibigay mo siya sakin," matapang nitong wika.
Matiim niya itong tinitigan, inaarok kung anong bagay ang itinitago ng lalaki sa kanya at gano'n na lang ito katigas magsalitang wala siyang kinalaman sa bata? He could really sense something is wrong in here. Pero hindi siya nagmamadali. Malalaman at malalaman rin niya ang mga bagay na itinatago ng mga 'to tungkol sa pagkatao ng bata.
"Nangako ako sa batang isasama kong kumain sa restaurant." Siya na ang kusang sumuko, kinontrol ang inis na nararamdaman at mahinahong nagsalita.
"Hindi mo siya pwedeng dalhin kahit saan,"
tutol nito. "Akin na ang bata. Kailangan ko na siyang iuwi sa bahay."
"No, magtatampo siya sakin. Mamaya ko na siya iuuwi," tanggi niya at tumalikod na sa lalaki subalit napahinto rin nang magsalita ito.
"Someone is spying on you. Ipapahamak mo si Devon kung ipapakita mo siya sa mga kalaban mo."
Hindi siya agad nakapagsalita sa sinabi nito. Pa'no nitong nalamang may nag-iispiya sa kanya? Hanggang ngayon ba'y isa pa rin itong agent ng NBI? Kaninong utos ang sinusunod nito ngayon? Kay Director Diaz pa rin ba? Siya naman ngayon ang pinasusundan imbes na si Amor?
Malamig ang ekspreson ng mukhang humarap siya sa lalaki.
"So, ako naman ang target mo ngayon pagkatapos kay Amor?" nasa boses ang katiyakan sa sinabi niya.
"Kay Flora Amor lang ako may pakiaalam. Pero dahil sa'yo nagtatrabaho si Flor kaya kailangan kitang pakialaman. At hindi ko hahayaang mapahamak ang bata dahil lang sa kapabayaan mo."
Sandali siyang nag-isip sabay baling sa nakapinid na pinto ng sasakyan. Seguro nga'y tama ito. Mapapahamak lang si Devon kung makikita ito ng mga kalaban niya, baka isiping anak niya ang bata lalo pa't magkamukha sila. Baka pa nga kidnapin ng mga ito ang walang muwang na bata at iblack-mail siya. Kaya ngayon pa lang, kailangan na niyang mag-ingat sa mga kilos niya.
"Give me five minutes to convince him," paalam niya sa lalaki saka muling pumasok sa loob ng sasakyan.
Nikita niyang naghihintay si Devon sa loob, awang ang mga labing nakatitig lang sa kanyang sandaling natahimik at nag-isip ng sasabihin.
"Listen, kiddo. I'm really sorry but I have to give you to your tatay. Nag-aalala na kasi sa'yo ang pappy mo kaya kailangan mo nang bumalik sa inyo. But promise, once na gumaling ka na sa lagnat mo, dadalawin kita sa inyo," pangungumbinsi niya sa paraang mauunawaan ng bata ang ibig niyang sabihin.
"We'll not eat shrimps anymore?"
"'Pag gumaling ka na, bibistahin kita sa inyo. Magdadala ako ng shrimps. Okay na ba 'yon?"
"Give me your number so I can call you later. Para po 'pag wala na akong sakit, tatawagan po kita para magpunta ka na sa'min," anang bata.
Nakahinga siya nang maluwang. Sa wakas ay pumayag na rin ito.
"Can you memorize it instead?"
Tumango ito. Nagsimula niyang bigkasin isa-isa ang mobile number niya, mataman naman itong nakinig at inulit ang sinabi niya.
"You're a genius boy, kiddo." Ginulo niya ang buhok nito pagkuwa'y malapad ang ngiting pinakwalan. Gumanti rin ito nang matamis na ngiti, subalit sa isip ay mas gusto pa niyang makalimutan nito ang number niya.
"So, can I give you to tatay?"
"Can I call you later when I go back home?" balik-tanong nito.
Napilitan siyang tumango. "Okay, I'll wait for your call," sagot niya.
Doon lang ito pumayag na iuwi ng dating bodyguard ni Amor.
Subalit kung kelan nakaalis na ito, saka naman siya nagsisi sa ginawa. Kung pwede nga lang niyang angkinin na lang ang bata ay ginawa na niya.
Naisip niyang tawagan si Lemuel at utusang maghire uli ng investigator pero hindi niya itinuloy. Kailangang siya mismo ang makaalam kung sino ba talaga ng mga magulang ni Devon. Pagpaplanuhan niya ang bagay na 'yon. Sana pala kinuhanan na niya ito ng sample ng buhok at pina DNA test. Sa sunod na magkita sila, iyon na ang gagawin niya malaman lang niya kung anong koneksyon niya rito't bakit gano'n na lang katindi ang paghahangad nitong makasama siya.