App herunterladen
6.97% FLOWER OF LOVE / Chapter 9: FAMILY AFFAIR

Kapitel 9: FAMILY AFFAIR

"Oy Beshie, blooming ka ngayon ah," puna ni Mariel kay Flora Amor pagkapasok pa lang niya sa silid-aralan.

Humagikhik siya. Hanggang ngayon 'di pa rin niya makalimutan ang nangyari noong byernes sa bahay nina Anton. Ngayon nga'y hinihintay niyang tawagin ni Dixal ang kanyang pangalan pero 'di pa rin nito ginagawa. 'Di pa seguro ito dumarating.

"O Ikaw ba't namumugto 'yang mata mo?" balik niyang puna sa kaibigan.

"Napuyat ako kakanood ng TV," anito saka lumipat nang upo sa tabi niya habang 'di pa dumarating si Anton.

"Beshie, may bagong korean drama ngayon sa GMA, napanood mo ba? "

"Nakupo, Beshie. 'Wag mo akong tatanungin at wala kaming TV, " sagot niya habang nilalagay sa ilalim ng upuan ang backpack.

Napanganga ang kaibigan.

"Kahit TV wala kayo?!" bulalas nito.

Napatingin sa dako nila ang ilan sa mga kaklasenv ando'n.

Tumango siya.

"Ano lang pala ang appliances sa bahay niyo?" curious na usisa ni Mariel.

"Ref," mabilis niyang sagot.

'"Di namin kailangan ng mga appliances Beshie. Tama na 'yong ref samin," dugtong niya.

"Sabagay," sang-ayon nito.

"Guys wala raw pasok ngayon. May conference na naman ang mga teachers!" balita ng kapapasok lang nilang kaklase saka agad ding lumabas pagkasabi niyon.

Nasigawan sa tuwa ang buong klase.

"Gala tayo Beshie," aya ni Mariel.

"Saan naman?"

"Kahit saan. Antayin natin si bakla para tatlo uli tayong gumala," anito.

Sa waiting shed nila hinintay si Anton sa harap ng kanilang department.

Napatingin ang dalaga sa ginagawang building. Bakit kaya wala pa si Dixal? Busy kaya ito sa trabaho?

May pumaradang sasakyan sa harap ng kanilang department.

Bigla niyang naaalala 'yong lalaking naka encounter noong matagal siyang pinaghintay ni Anton sa covered walk.

Hindi na niya matandaan ang mukha ng lalaking 'yon lalo at nakasunglasses. Pero bakit bumilis ang tibok ng kanyang dibdib pagkaalala niya rito? Kay Dixal niya lang nararamdaman ang gano'n.

Napabaling uli siya sa ginagawang building.

'Dixal 'asan ka?' tawag ng isip niya.

Parang kulang na ang araw niya 'pag 'di ito nakikita o naririnig man lang ang boses nito.

"Beshie, tayo na lang kaya ang gumala," untag ni Mariel sa katahimikan.

"Uuwi na lang ako, Beshie. Pupunta muna ako'ng library. Pagkatapos uuwi na ako," aniya sa kaibigan.

"Segurado ka?"

Tumango siya.

"Maysakit kasi si Mama eh," dugtong niya.

"O sige. Mauuna na ako. Ingat ka ha?" ani Mariel saka sinabayan na ng alis.

Muli niyang tinanaw ang ginagawang building. Seguro nga'y 'di papasok ngayon ang nobyo.

Tumayo siya at nagpuntang library pero wala do'n ang isip niya kaya ilang minuto lang ay lumabas din siya.

Uuwi na lang siya para matulungan ang ina sa gawaing bahay.

Seguradong matutuwa ang ina 'pag nakita siya. Hindi ito nagpuntang palengke ngayon kasi maysakit.

Pero iba ang bumungad sa kanya sa labas pa lang ng kanilang bahay.

"Hindi namin kailangan ang pera mo! Umalis ka dito! Umalis ka!" paulit-ulit na sigaw ni Harold.

Kinabahan siya bigla at mabibilis ang mga hakbang na pumasok ng bahay.

Nakita niya ang ina, inaawat ang kapatid habang ang ama'y gusto itong lapitan.

"Papa?!"

Gulat na napalingon sa kanya ang mga magulang.

"Ma?" takang tanong niya nang makitang umiiyak ang ina habang hawak si Harold.

"Pa, ano'ng nagyayari?" usisa niya sabay hagis ng bag sa sahig saka lumapit sa tatlo.

"Anak, wala 'to. May nasabi lang ako na ikinagalit ng kapatid mo," sagot ng ama.

"Oy, Harold. Anong drama 'yan? Tumigil ka ha! Wala kang galang sa mga magulang natin!" pagalit na saway niya sa binatilyo.

"Isa ka pa! Manhid ka! Sarili mo lang ang iniisip mo! Wala kang pakialam sa nangyayari sa kapaligiran mo!" ganting sigaw ng kapatid sa kanya.

Binitawan ito ng ina.

Gigil na sinunggaban niya ang kapatid at sinampal sa magkabilang pisngi.

"Tarantado ka! Wala ka nang galang sa'min. Ganyan ba itinuturo sayo sa paaralan mo?"

Tinitigan siya nito nang matalim.

"Palibahasa manhid ka kaya lahat ng nangyayari wala kang alam!" sigaw na uli sa kanya saka tumakbo palabas ng bahay.

"Tarantado ka! Walanghiya! Wag kang babalik ditong hinayupak ka!" pahabol niyang sigaw.

"Tumigil ka na, Flor," saway ng ina.

"Ma, ba't hinahayaan mong gano'n ang maging asal ni Harold sa harap niyo?"

"Tama na!"

Natigilan siya. Ngayon niya lang nakitang nagalit ang ina sa kanya.

Tumingin siya sa ama, nagtatanong kung ano'ng nangyari.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.

"Kasalanan ko 'yon anak. 'Wag kang magagalit sa kapatid mo," marahan nitong saad.

"Kayo kasi eh. Okey lang naman pong maging masipag kayo. Pero 'yong kalilimutan niyo kami dahil sa pagtitinda lang ng isda sa palengke, 'di na rin naman tama 'yon. 'Di naman kami humihingi sa inyo ng madaming pera eh," paninisi niya sa ama.

Nagkatinginan ang mga magulang niya.

Napayuko ang kanyang ina habang humihikbi.

"Anak, sana mapatawad niyo ako. Madami akong kasalanan sa inyo pero babawi ako. Promise babawi ako," paniniyak nito saka siya niyakap.

"Ok lang po 'yon, Pa." Tinapik tapik niya ang likod ng ama.

"Basta maglaan ka lang ng madaming oras para samin. Nagalit lang 'yon si Harold kasi 'di ka namin madalas makita sa bahay," dugtong niya.

"Pwede bang umalis ka na lang muna?" sabad ng ina, sa asawa nakatingin, pigil ang pag-iyak.

"Ma, ba't mo paaalisin si Papa eh kauuwi niya nga lang?" baling niya sa ina, nakasimangot.

Binitawan siya ng kanyang papa saka ngumiti sa kanya.

"Okay lang 'yon anak. Do'n na lang ako sa labas muna," anito.

"Ma! Ano ba'ng nangyayari sa inyo? Di naman kayo ganyan," angal niya sa ina.

Hindi ito sumagot.

"Aalis na muna ako. Babalik na lang ako pag mahinahon na ang lahat," wika ng ama.

Hindi sumagot ang ginang hanggang makalabas ng bahay ang asawa.

"Pa, 'wag kang umalis!" pigil niya pero hindi ito lumingon man lang.

"Ma, ano ba'ng problema niyo? Bakit si Harold ang kinampihan niyo't pinaalis niyo si Papa?" pagmamaktol niya.

Sa halip na sumagot ay umupo ito sa lumang sofa at pinagtaklob ang dalawang palad sa mukha saka humagulhol.

"Ma, ano ba'ng problema? Sabihin niyo naman sakin oh. Ba't kayo nag-away ni Papa?" pangungulit niya saka ito nilapitan at lumuhod sa harap nito't niyugyog ang balikat.

"Ma!"

"Mas mabuti nang wala kang alam, naiintindihan mo?" Kung kelan bumaling ito sa kanya'y saka naman siya nito sininghalan.

Natigilan siya, nasaktan sa sinabi nito. Kanina pa siya nito sinisigawan. 'Di naman ito gano'n dati. Anong ba'ng merun na pati kapatid niya tinawag siyang manhid?

Kumirot ang kanyang dibdib. Hindi niya matanggap na pinagalitan siya ng ina nang wala man lang mabigat na dahilan.

"Ang sama niyo, Ma!" naibulalas niya pagkuwan sabay patak ng mga luha.

"Alam niyo namang gustong gusto kong makita si papa. Pinaalis niyo nang basta gano'n lang."

Nanlilisik ang mga matang tinitigan siya ng ina.

"Basta gano'n lang?!" paasik na hiyaw nito saka siya itinulak.

Tumama ang likod niya sa lamesita sa likuran niya.

"Hindi mo ba alam kung ano'ng nararamdaman ko ngayon at sasabihin mong basta gano'n ko lang pinaalis ang papa mo?!"

Napahikbi siya. "Pwede naman nating pag-usapan nang maayos kung ano man ang problema. Bakit kailangan niyo akong sigawan?" Tuluyan na siyang napaiyak pagkasabi no'n. Hindi siya sanay makakita ng karahasan. Bunganga lang ng ina niya ang maingay pero hindi ito nananakit ng anak.

Subalit ngayon, heto't marahas siya nitong itinulak saka siya sinigawan.

"Lumayas ka," mahina nitong utos.

"Ma-"

"Lumayas ka!"

Napatayo siya sa takot at sama ng loob saka tumakbo palabas ng bahay.

Hahabulin niya ang kanyang papa. Ang kawawa niyang ama, napakabait nito na hindi man lang nagawang ipagtanggol ang sarili sa harap ng galit niyang ina.

Subalit wala na ito paglabas niya sa kanto.

Hinanap niya ang ama sa highway pero hindi na niya ito nakita.

Nanlulumo siyang napaupo sa gilid ng kalsada.

Galit siyang pinalayas ng ina. Masama din ang kanyang loob.

Tumayo siya. Babalik siya sa eskwelahan. Doon siya magpapalipas ng oras. Hindi na muna siya uuwi ng bahay hanggang mamayang gabi.

--------

HETO siya. Tulala habang nakatitig sa kunawari'y binabasang libro pero wala doon ang isip.

"Isa ka pa. Manhid ka! Sarili mo lang ang iniisip mo.Wala kang pakialam sa nangyayari sa kapaligiran mo!"

Biglang pumatak ang kanyang luha sa umalingawngaw na tinig ni Harold sa kanyang isip. Pa'no siya nito napagsalitaan nang gano'ng bagay samantalang ang alam niya'y siya na ang pinakamabait na anak at kapatid sa lahat? Hindi siya humihingi ng kung ano-ano sa mga magulang kasi iniisip niyang kailangan din ng mga kapatid ng pera. Tapos sasabihan siya nitong manhid? Hindi niya 'yon matanggap.

Pinilit niyang kumbinsihin ang sariling talong ang paborito niyang ulam kasi talong ang gulay na hindi kinakain ng mga kapatid. Para 'wag lang masayang ang nilulutong talong ng ina'y sinasabi niyang siya lahat kakain no'n at 'yon lang ang kinakain niyang ulam, 'yong ibang masasarap ay binibigay na niya sa mga kapatid. Pa'no nito nasabing sarili lang ang kanyang iniisip?

Impit siyang napaiyak habang nakatakip ang libro sa kanyang mukha para walang makapansin sa kanya.

Ang sama ng loob niya. Sakit ng kanyang dibdib.

Alam ng ina kung ga'no siya kasabik makita ang ama pero basta na lang nitong pinaalis ang huli. Ni hindi man lang ito nagpaliwanag kung bakit. Basta na lang siyang sinigawan at pinalayas.

Mahina siyang napahagulhol. Kung hindi niya gagawin 'yon baka 'di na siya makahinga sa sakit ng kanyang dibdib.

Biglang kumirot ang likod niyang bumunggo sa lamesita. Hinimas niya iyon. Pero mas masakit ang ginawa ng ina sa kanya at higit na masakit ang sinabi ng kapatid.

Iyon ang mga salitang hindi niya kayang tanggapin.

Hindi niya napansing napapalakas ang iyak niya nang lumapit ang librarian.

"Shhh, may problema ka ba?" pabulong nitong tanong saka umupo sa tabi niya.

Umiling siya saka pinahid ang mga luha sa pisngi.

Iniabot ng librarian ang panyo nito.

"Salamat po pero 'wag na po," aniya saka mabilis na tumayo at pumasok sa banyo saka naghilmos sa lababo. Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Mugto na ang mga mata niya.

Huminga siya nang maluwang saka kumuha ng tissue sa ibabaw ng lababo at pinunasan ang mukha, nagmadaling lumabas ng banyo tuloy-tuloy sa labas ng library.

Nakayuko siyang naglakad. Hindi niya alam kung saan pupunta ngayon. Ayaw niyang umuwi ng bahay. Wala din siyang phone para matawagan si Mariel. Ultimo pamasahe na lang ang pera niyang dala.

Napabuntunghininga siya sabay sipa sa bote ng mineral water na nakaharang sa kanyang daraanan.

Kanina lang bago siya pumasok ay sobrang saya niya. Pero ngayon heto't para siyang binagsakan ng langit at lupa, walang maisip puntahan para pagaanin ang pakiramdam.

Nag-angat siya ng ulo sabay lingon nang marinig ang bosena ng sasakyan. Saka niya nalamang nasa gitna na pala siya ng daan malapit sa may gate.

Patakbo siyang gumilid sa covered walk at bahagyang iniyuko ang ulo habang naglalakad upang walang makakitang namumugto ang kanyang mga mata.

"Dixal asan ka na?" wala sa sariling nausal niya. Tila nagbabadya na namang pumatak ang kanyang mga luha.

Muli siyang bumuntung-hininga para lumuwang ang pakiramdam, nang biglang may humawak sa kanyang kamay.

"Dixal!" sabay baling niya sa may-ari ng kamay na 'yon.

Nakangiti ang binata sa kanya saka siya sinabayan palabas ng eskwelahan. Napansin nitong mugto ang mga mata niya pero hindi ito nagtanong.

Maya-maya'y humarap ito sa kanya.

"Wanna come with me?" tanong nito.

Tumango siya agad.

Hawak-hawak ang kamay niya'y nagpalinga-linga muna ito saka magkahawak-kamay silang tumakbo papunta sa kotse nito at mabilis na sumakay. Mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan palayo sa eskwelahan.

Nagtataka man kung bakit ito nagmamadali'y hindi siya nagtanong.

Matagal na katahimikan ang namayani sa kanila. Walang may balak magsalita. Pero napansin niyang ilang beses itong lumiko habang panay tingin sa side mirror ng sasakyan na tila may tinitingnan sa likuran.

Matagal bago niya nasulyapang nakangiti na uli ito.

Kalahating oras marahil ang naging biyahe nila bago nito ipinasok ang sasakyan sa isang malaking gate.

Ilang minuto pa ang tinahak nila bago ito huminto sa isang maliit at lumang bahay. Wala man lang siyang nakitang halaman sa paligid ng bahay na 'yon.

Nauna itong lumabas saka lumiko sa kabilang gilid ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto.

"Bahay niyo?" tanong niya agad.

Marahan itong tumango saka pilyong ngumiti.

Nagtatakang pinagmasdan niya ang palibot pagkalabas ng kotse. Ang alam niya'y nasa isang subdivision sila.

Lahat ng mga bahay sa malapit ay pawang mga higante't magaganda.

Pero bakit kakaiba ang bahay na 'to sa kanilang harapan? Wala na ngang pintura ang labas eh halata pang luma tsaka maliit, para lang isang apartment.

Marahang tumawa si Dixal nang mahulaan ang iniisip niya saka hawak ang kamay na iginiya siya papasok sa loob ng bahay nito.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C9
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen