App herunterladen
83.92% The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame) / Chapter 91: Kabanata 18

Kapitel 91: Kabanata 18

[LOUISE'S POV]

Napabangon ako bigla sa kama. Akala ko totoo pero panaginip lang pala.

Napanaginipan ko si Billy na masaya sa piling ni Samantha. Hanggang sa panaginip ba naman ay hindi ako tinatantanan ng Samanthang 'yon? Nakakagigil!

Napansin kong wala na si Billy sa tabi ko. Siguro nasa taping na siya.

"Gago ka pala eh!"

Halos lumundag ang puso ko nang may narinig akong sigaw.

Si Fredison.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba.

Halos manlaki ang mga mata nang makita ko sina Fredison at James na pinagbubugbog si Billy habang inaawat sila ni Kate.

Agad akong lumapit sa kanila.

"Teka, anong nangyayari? Bakit niyo binubugbog ang asawa ko?" tanong ko sa kanila.

"Isang napakalaking gago yang lalaking yan!" galit na sabi ni Fredison.

"Kulang pa ang suntok na binigay ko sa kanya!" sabi ni James at susugurin niya sana si Billy nang pigilan siya ni Kate.

"Anong bang nangyayari sa inyo? Ang aga-aga, ito agad ang bubungad sa akin." sabi ko sa kanila.

Napatingin naman ako kay Billy.

"Ayos ka lang ba hubby ko? Bakit ka nila binugbog?" nag-aalalang tanong ko kay Billy.

"Maghiwalay na tayo Louise." - Billy

Bigla akong natigilan sa sinabi ni Billy.

"Ha? A-anong sabi mo?"

Baka mali lang ako ng pagkakarinig.

"Sabi ko maghiwalay na tayo." - Billy

Tama nga ang pagkakarinig ko.

Natawa naman ako sa sinabi ng asawa ko.

"Hahahahaha! Ang lakas mo talagang mang-good time hubby ko." natatawa kong sabi.

Pero napatigil ako sa pagtawa nang ma-realize kong ako lang ang tumatawa.

"Seryoso ako Louise. Gusto ko nang makipaghiwalay sa 'yo." sabi ulit ni Billy.

"T-teka, bakit ka makikipaghiwalay sa akin? May nagawa ba akong mali?" mangiyak-ngiyak kong tanong kay Billy.

"Wala kang ginawang mali. Na-realize ko lang na mahal ko pa rin si Samantha." sagot niya sa 'kin na ikinatulala ko.

Bigla naman siyang sinuntok ni Fredison.

"Gago ka! Paano mo 'to nasabi nang harap-harapan kay Louise? Pinakasalan mo siya tapos ganito lang ang gagawin mo?" galit na sabi ni Fredison kay Billy.

Ako naman ay tulala pa rin.

"Wala naman siyang dapat ikabahala dahil aakuhin ko pa rin ang responsibilidad ng anak niya." - Billy

Sinuntok ulit siya ni Fredison and this time ay sobrang lakas ito na nagpatumba kay Billy.

"Hindi ka lang din pala gago. Isa ka rin pa lang bobo. Walang dapat ikabahala? Gano'n lang 'yon para sa 'yo habang makikipaghiwalay ka sa asawa mo? Anong klaseng lalaki ka ha?" - Fredison

At pinagsusuntok ulit siya ni Fredison. Natauhan naman ako at pinigilan ko si Fredison dahil baka mapatay niya ang asawa ko.

"Tama na Fredison! Baka mapatay mo siya!" sigaw ko sa kanya na ikinatigil naman niya. Pero masama pa rin ang tingin niya kay Billy.

Agad ko namang tinignan si Billy. Ang dami niyang pasa sa mukha at nakita kong dumudugo na ang labi niya.

Teka, may mapansin lang ako sa kanyang mga mata. Ba't parang kulay violet ito? O baka namamalik-mata lang ako.

Tumayo naman ang asawa ko at lumabas ng boarding house.

Saan naman siya pupunta?

[SAMANTHA'S POV]

"Success Ate Nikki! Napa-inom ko na kay Billy ang gayumang ginawa mo. Ngayon ay in love na in love na ulit siya sa akin." sabi ko kay Ate Nikki.

("Good for you but me I failed.") sabi sa 'kin ni Ate Nikki.

"Ha? Bakit naman?" tanong ko sa kanya.

("Papakainin ko na sana si William ng pagkaing nilagyan ko ng gayuma nang biglang umepal ang jologs niyang asawa. Nasayang lang ang lahat ng 'yon.") sagot sa 'kin ni Ate Nikki.

"Don't worry Ate Nikki. Nandito naman ako kung hindi ka magtagumpay sa plan mo. I can make you rich." sabi ko sa kanya.

("Thanks sis but no thanks. Makukuha ko rin sa kanya balang araw si William lalo na't may kapartner na ako sa gagawin kong plano.") - Ate Nikki

"Great! Sana nga makuha mo na ang inaasam mo para pareho na tayong masaya."

("Truth but by the way, may babala lang ako sa 'yo.") - Ate Nikki

"Ha?" nagtataka kong sabi.

("Since napa-inom mo na sa target mo ang gayuma, wag na wag mong hahayaang halikan siya ng babaeng mahal niya dahil mawawala ang bisa nito.") sabi sa 'kin ni Ate Nikki.

"Ano? Bakit may ganyan pa?" inis kong tanong. Akala ko pa naman ay magiging kampante na akong maging akin si Billy.

("'Yon ang nakasulat sa aklat na binigay sa akin ni lola kaya wala kang magagawa.") - Ate Nikki

"Sige, sige." sabi ko na lang sabay baba ng phone.

Kailangan kong bantayan si Billy sa asawa niya.

*tok tok tok*

Biglang may kumatok sa pinto ng aking condominium. Sino kaya yan? Hindi naman siguro si Ate Nikki yan dahil katatawag lang niya sa akin.

Pagbukas ko ng pinto, I was surprised nang makita ko si Billy my loves. Pero ang mas ikinagulat ko pa ay marami siyang mga pasa sa mukha.

"OMG! What happened to you?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Agad ko siyang inalayan papasok at pina-upo ko siya sa couch.

"Kukunin ko lang ang first aid kit." sabi ko kay Billy.

Pagkakuha ko ng first aid kit ay agad kong ginamot ang mga pasa niya.

"Ano bang nangyari at may mga pasa ka sa mukha?" tanong ko sa kanya. Nawala tuloy ang kagwapuhan niya.

"Sinabi ko sa mga kaibigan ko na makikipaghiwalay ako kay Louise. Pero binugbog lang nila ako." sagot niya sa 'kin na ikinangiti ko. Mukhang umeepekto ang gayuma na ipinainom ko sa kanya.

"Wag mong isipin ang mga kaibigan mo. Kung kaibigan ka talaga nila, dapat iisipin nila kung saan ka masaya." sabi ko kay Billy.

"Tama ka. Salamat Samantha dahil nandito ka sa tabi ko." tugon niya and he was about to kiss me pero umiwas ako. Kahit gusto ko mang halikan siya pero nandidiri ako sa mga pasa niya. Maybe next time na lang kapag gumaling na siya.

"You should rest. Dito ka na lang matulog." sabi ko sa kanya.

"Sige, pwedeng pabukas ng aircon. Ang init kasi." - Billy

"Pasensiya na pero nasira kasi ang aircon dito." sabi ko sa kanya. Nakalimutan ko kasing patayin ang aircon noon kaya nasira ito.

"Di bale." sabi niya sabay tanggal ng damit niya. He really has a nice body.

"Matutulog na ako. Goodnight." sabi niya at humiga na siya sa sofa.

"Goodnight." tugon ko naman sa kanya.

Bago ako pumunta sa kwarto ay sinigurado ko munang tulog na si Billy and I planted lots of kisses in his body. Nakakaakit kasi.

Then, pumunta na ako sa kwarto para matulog.

The best day ever.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C91
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen