"Ahh.. so ikaw pala ang sinasabi nilang may level 50 beast? ikaw din ang parang batang pumatay sa mga kasama ko.. hindi mo alam kung ano ang pinasok mo" Sabi ng lalaki sa gitna
Mukhang sya nag lider ng mga to! mukha kasi syang matalino at mas maayos ang itsura nya kaysa sa iba.
"Paano mo naman nasabing hindi ko alam kung ano ang pinasok ko? at sinasabi mo bang isa akong bata?"
"Bakit? hindi ka ba isang bata? haahha!!"
"Hhm.. papakitaan kita kung sino ang 'bata' saating dalawa"
"The Dead shall rise!"
Hindi ang lion at mga dolls ang lumabas ngayon.. kung hindi ang mga lalaking binuhay ko. Ano kaya ang gagawin ng lalaking to?"
"AHh.. so ganito ang gusto mong laro!? satingin mo may paki ako sa mga hapas lupang kagaya ng mga taong yan!? ahh.. mali! mga hayop!"
Nagsabi sya ng nagsabi ng masasamang salita! hinuhusgahan nya ang mga kasama nya.. gusto ko ng baliin ang buto ng lalaking to. Nagtiwala sakanya ang mga kasama nya!
"Ahh? Nagtiwala saiyo ang mga kasama mo! ni-respeto ka nila at sinunod ang mga gusto mo! tapos wala ka manlang paki kapag namatay sila? wala kang gagawin at hindi ka manlang ba malulubgkot? so ginagamit mo lang sila? ginagamit mo lang sila para katakutan ka ng mga tao at isipin nilang nililigtas mo sila? ganon ba to? malakas ka ba talaga? matapang ka ba?"
"Hahaha! ang galing mo! paano mo nalaman?! ahh.. hindi ka nga isang bata! hindi ba ang talino ko? ang galing ko hindi ba? sumama-"
Bago sya makapagsalita... isang lalaki sa likod nya ang nagsalita
"Gina.. ginagamit mo lang kami? kapag namatay kami hindi manlang kayo malulungkot? akala ko ba pamilya ang turing nyo saamin!? kasinungalingan lang ba ang lahat!? Reiji! pati pamilya namin tinalikuran namin para saiyo.. tapos ganito?"
Napangiti ako dahil.. buti naman at hindi tanga ang mga lalaking yun! tsk tsk tsk.. takot na takot na sumagot si Reiji
"ha-ha!? ahh.. hindi kaya! mali.. nagkamali lang ako!"
Dahil gumaganda na ang situation.. nagsalita ako
"Hindi? eh kanina lang inamin mo na! sinong maniniwala sayo? sa mata mo palang halata na nagsisinungaling ka! akala ko nga naandito ko para gantihan at bigyan ng justice ang nangyari sa mga kasama mo.. pero anong nangyari?"
"Ta-tama sya!" Sigaw ng isang lalaki
Isa-isang sumusangayon saakin ang mga lalaking kasama ni Reiji!.. ito na kaya ang end nya?
"Ahh! mga hapas lupa! ang ta-tanga! kung hindi nyo ak-" Bago maituloy ni Reiji ang sasabihin, nakatangap sya ng malakas na suntok!
"Satingin nyo kaya nyo ako!? ahh.. hindi ako matatalo! 'I now summon! Fire salamander!' Tulungan mo akong patumbahin ang mga bwiset sa buhay ko!!" Sigaw ni Reiji
Lumabas ang kulay pulang ilaw sakanyang kamay at unti-unting nakikita ang umaapoy na salamander! nang tuluyan na itong makalabas.. bumuga ito ng bumuga ng apoy at nasunog ang paligid nito! nasunog narin ang mga lalaking nilabas ko..
Nilbas ko ang level 50 beast ko at inutusan ko itong labanan ang salamander!
"Ha.. so ito ang sinasabi nilang level 50 beast mo? ahaha! walang kwenta yan sa harapan ng salamander ko!" Sigaw ni Reiji habang nanginginig sa takot
"Hhm? Pagod na ako.. tapusin mo na yan"
Tinuklaw ng ahas ang salamder at na paralyze ito! biglang may umikot na tubig sa salamander at nagkaroon ng malakas na force field!.. ahh.. hindi ang lion ang gumagawa ng force field! kung hindi ang paang lizard nya.. hangin nga pala ang kinokontrol non. ano namang gagawin ng lion? Hindi ba fire din ang element ng liong to? so yung apoy nya walang effect sa salamander? Umapoy ang balahibo ng Lion at bumuga ng apoy!
Tumawa lang ng tumawa si Reiji at paulit-ulit nyang sinasabi ang
"Ahahahah! Walang isip yang liong yan! hindi eepekto sa fire salamander ang apoy nya.. hahaha"
Pero nang mawala ang apoy.. hindi nga nasunog ang Salamander pero Patay na ito! siguro nga walang effect ang fire sa fire salamander pero hindi kinaya ng balat nito ang init at dahil din sa force field.
"Ahh.. tumakbo ka na.. bago pa mag bago ang isip ko"
Sumigaw si Reiji ng 'Babalikan kitaaaaa' bago sya tumakbo ng mabilis..
Pinabalik ko na ang lion at ginamitan ko ng spell ang fire salamander.. sisbihan nya na ako mula ngayon
"Mali ang pagamit nya sayo.. pero huwag kang magalala! gagamitin kita para sa kabutihan"