App herunterladen
25.8% Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 16: Warning.

Kapitel 16: Warning.

Blood XV: Warning

Savannah's Point of View 

4 years ago...

It was when I first started practicing my first self-defense. I'm the kind of person who doesn't interact with the other kids and I just make my own world where I can do my own thing. But then, he came in to my life. 

 "I'm Radge. It's nice to meet you." Pagpapakilala niya and stretches his hand. Tinitigan ko ang kamay niyang naka-extend bago umatras para makatabi si Dad. 

 "I don't trust him." Panghihinala ko kaya ipinatong ni Dad 'yung kamay niya sa ulo ko. 

 "That's the sign that you're cautious. That's good. But you have nothing to worry about, Savannah. He's my previous student. Bumalik siya rito after ng professional training n'ya sa Japan at mananatili rito para ipagpatuloy ang trabaho sa Prison of Atlante." Paliwanag niya kaya ibinalik ko ang tingin sa nagngangalang Radge. 

I don't trust his smile kasi pakiramdam ko palagi siyang may tinatago, but I realized na paraan lang niya iyon para mapalapit ako sa kanya at hindi ko siya pag-isipan ng masama na 'di naman nagbago kahit pa nung magkakilala na kami ng lubos. Gumaan pa lalo ang loob ko sa kanya. 

 "Why do you look out for me so much?" Panimulang tanong ko habang nakatingin kaming pareho sa lumiliyab na apoy na sinigaan ni Radge. Umakyat kami ng bundok para sa training. 

 "Ba't mo biglang natanong?" Taka niyang sabi nang lingunin ako. 

 

 Tumungo naman ako. "People don't usually look out for troublesome girls like me, so, I'm wondering why." Rason ko. Nakita ko sa peripheral eye vision ko ang pagbaling niya ng tingin kasabay ang pagkuha niya nung stick sa kanyang tabi upang itapon iyon sa apoy. 

 "Trabaho ko lang ito kaya nandito ako para gabayan ka." Sagot niya na nagpalungkot sa akin, but I remain calm as much as possible. Pero masakit. "Pero binigyan ako ng pagkakataon na matunghayan ang isang tao na may potential na baguhin ang mundong 'to." Napatingin ako sa kanya, naguguluhan sa kanyang sinambit. "You have that power, Savannah. Kaya mong protektahan 'yung mga taong importante sa 'yo. You're courageous, you have no fear. Hindi madaling makakita ng babaeng katulad mo, kaya gusto ko pang masilayan ang paglaki mo." Ngiti niyang sabi na nagpabuka sa bibig ko subalit inilayo rin ang tingin when I felt overwhelm. 

*** 

HE WAS always late lalo na sa training pero ni isang beses, hindi siya nawawala.

 

 Tumambling ako paatras at pumusisyon. Tumayo ng maayos si Radge, inilagay ang kaliwang kamay sa beywang at ngumiti. "Improving." Tumayo na 'ko ng tuwid. "The president will be happy for the results of your training."

Nakatitig lang ako sa kanya nang ibaba ko ang ulo ko nang hindi tinatanggal ang tingin sa kanya. "No, it's not enough. We still have to proceed, sir." 

Umiling siya at lumapit sa akin, sinundan ko naman ito ng tingin nang magulat na lang ako ng pitikin niya ang noo ko. Humawak ako roon. "What did I tell you?" Tanong niya at mabigat na ipinatong ang kamay sa ulo ko. "I told you not to rush things, right?" Tinapik tapik niya ang ulo ko. "Darating tayo sa gusto mong mangyari, eh. Sa ngayon, tumigil muna tayo. Mapapasama pa sa katawan mo kung sosobrahan natin 'yung pag e-ensayo." Ngiti nitong pangaral sa akin at tumalikod na. Kinuha niya ang kanyang mga gamit para bumalik sa faculty.

P.E Teacher siya but at the same time, isa ring vampire hunter. Hindi pa ako nakakakita ng totoong bampira, kaya hindi ko pa masyadong sine-seryoso ang bawat training na ibinibigay niya sa akin. 

 Dumating ang araw, binigyan nila ako ng isang test. Sa una, akala ko niloloko lang nila ako. Pero nang makarating kami ni Radge sa isang lugar sa pamamagitan ng Fusion Gate, doon ko napagtanto na... 

...totoo nga talaga ang mga bampira. 

*** 

 MONTHS HAVE PASSED. Tinawag nila akong Undefeated Vampire Hunter sa organisasyon. Sa taong ika-apat na taong gulang, nakapaghawak ako ng dalawang katana maliban sa double-handed gun. 

 Okay ang lahat, malinis ang trabaho ko't naging kampante, na hindi naman dapat.

 "Savannah!" Malakas na tawag niya sa akin, hindi ko namalayan na mayroon na pa lang bampira sa likod ko. Mabilis kong tinutukan ng baril ang bampirang iyon at ipinutok kahit 'di ako nakatingin. Pero may isa pang mabilis na umatake, hindi ko iyon nailagan pero tinulak ako ni Radge. 

 Ngayon ay natamaan siya ng maliit na daplis. "R-Radge!" Tawag ko sa kanya, nakapatong siya sa akin. Pino-protektahan ako habang hawak-hawak ang kanang braso kung saan may kalmot ito. 

"O-okay lang, may natitirang anti-virus sa basement." He said to make me feel at ease. Mabilis niya akong inalis sa lugar na iyon. Buhat-buhat niya ako habang isa-isang pinaghihihiwa ang mga bampira. Nagiging abo sila kapag namamatay na ito. 

 Nakarating na kami sa checkpoint kung saan kami p'wedeng makabalik sa U.B. Blanko lang ang tingin kong nakatingin sa mga bampirang humahabol sa amin. Kung hihinto si Radge, pareho kaming mamamatay. "Radge, bitawan mo na 'ko." 

 "I will protect you." 

He helps me in everything, protects me and taught me things I never knew. 

He was like a second father to me that I could depend on, but for all of his sacrifices... 

. ..I didn't make it, I can't save him. 

*** 

 PATULOY PA RIN kami sa pagtakbo ni Zedrick, sa ilang oras na pagtakbo naming pareho ay may naramdaman nanaman akong kakaiba. "Ba't tumigil ka?" takang sabi ni Zedrick. Hindi ako sumagot at pa-simpleng pinagmamasdan ang sarili. 

"Sav--" Hinila ko siya sa likod ng malaking puno at tinakpan ang kanyang bibig. "Silence."

Inalis ko na ang kamay ko sa kanyang bibig at sumilip sa harapan. May naglalakad na babae, hindi ko makita 'yong mukha dahil sa kadiliman nung lugar. Wala ring kwenta 'yong suot-suot ko sa mata dahil natatakpan siya ng makakapal na hamog. 

 "Don't tell me we're inside the barrier?" Hindi makapaniwalang sabi sa sarili. Sumilip din si Zedrick doon para i-check. 

 "Pamilyar 'yung presensiya niya. Pero hindi ko alam kung saan ko siya naramdaman." ani Zedrick.

"Nevermind that. Kailangan na nating umalis dit--" Napasinghap ako nang may gumawa ng surprise attack. Pareho kaming nakailag pero muntikan ding matamaan. 

 Lumanding ako sa lupa at tiningnan kung saan ko nakita 'yong babae kanina. "Illusion--" Napatingin ako sa harap nang bumungad sa akin ang isang babaeng naka eye mask. Malakas niya akong sinipa sa mukha na agad ko rin namang hinarangan ng mga kamay ko, ngunit nagawa pa rin niyang patalsikin ako. 

Tumama ang likod ko sa matigas na puno. Napaubo ako ng dugo. 

Ngayon lang ako nakatanto ng mga ganitong klaseng bampira. Iba pa rin siguro kung Normal Vampires ang nakakalaban mo. 

Muli nanamang nakarating ang babaeng iyon sa harapan ko, nakangisi at direktang nakatingin sa aking mata. Hinawakan niya ang baba (chin) ko't dinilaan ang dugo na nasa gilid ng aking labi. "Sweet..." Marahas kong hinampas ang kamay niya at itinutok sa kanya ang baril. 

 Ipinutok sa kanya na mabilis ding nawala sa 'king paningin at napunta nanaman sa mismo kong harapan. Pumagitna si Zedrick at nag-buff kaya umatras naman ang bampirang 'yon.

 Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng aking labi. "You're the girl that showed up before, aren't you?" Sambit ko na tinawanan naman niya. 

 Naningkit ang paraan ng pagtingin ko sa kanya. What is her real motives? 

"This is a warning, kung 'di mo pa magagawang malaman ang totoong IKAW. You lose." Babala niya kaya sumeryoso ang aking tingin. 

 "Sino sinasabihan mo?" Tanong ko sa kanya na 'di lang din niya kaagad sinagot. 

Sa halip ay binigyan lang niya ako ng malapad na ngiti. "I know everything about you, Savannah. I am eager to tell to you but this is not the right time. You must learn for yourselves that not everything that you never know should be answered by the others. The answers that you're seeking depends on how you experience through actions and difficulties. Ikaw lang ang makakasagot ng mga 'yan."

Wala talagang mapupuntahan 'tong usapan namin kung palagi siyang ganito. 

Ngumisi siya at naglaho na sa harapan namin. Nawala na rin ang illusion barrier at napunta na sa mismong checkpoint. Ibinaba ko naman ang tingin at kuyom na hinawakan ang baril ko.

*** 

 

 KINALIMUTAN NAMIN ang mga nangyari matapos ang tatlong araw. Sumasama na sa akin si Zedrick kapag pupunta sa Prison of Atlante, nung una nag-aalinlangan siy ngunit habang tumatagal ay nakikita ko ang improvements niya. Kahit 'di ko sabihin 'yong mga gagawin niya ay mayroon siyang initiative gawin ang isang bagay.

 Hanggang sa lumipas ang mga araw, siya na ang nakakasama ko. Napapadali ang trabaho ko kumpara noon. Kaso may mga oras talaga na hindi kami nagkakasundo dahilan para pumalpak kami sa mga misyong ibinibigay sa amin. Imbes na mabawasan ang trabaho, nadadagdagan. 

Napaluhod sa damuhan si Zedrick habang hingal na hingal. "S-saglit! Hindi ba p'wedeng itigil muna 'yong training dito? Kanina pa tay--" Malakas kong hinampas ang stick sa harapan niya dahilan para mapatakip siya sa bibig niya. 

"Those who rely on later will only grow weaker and lowlier." Itinapat ko sa kanya ang wooden stick, "Now, stand up and FIGHT!" 

 Yumuko siya at bumuntong-hininga. "The more we spend our time together, the more I know how terrifying you can be." Hinampas ko siya sa ulo ng wooden stick kaya napasigaw ito sa sakit at nagpagulong gulong sa damuhan.

Ang O.A, ang hina lang no'n! 

"Dugo! Dugo!" Sigaw pa niya kaya napasapo ako sa mukha. Maybe ihinto na nga muna namin 'yong training dito, nababaliw na siya. 

"Savannah, Zedrick." Pareho kaming napatingin sa tumawag sa amin. Si Dad na may hawak na isang brown envelope. "Come with me for a moment." 

*** 

BINUKSAN NI Dad ang pinto ng kanyang office at bumungad sa amin ang isang babae. Nakatalikod siya sa amin ng ngiti niya kaming hinarap. Nakasuot na siya ng school uniform tulad nung amin kaya ibig sabihin ay dito rin siya nag-aaral. 

 Lumapit sa kanya si ad para tabihan ito, sinimangutan ko si Dad. 

"Who is she? Don't tell me you adopted another daughter kaya dinala mo pa siya rito?" Pagmamaldita ko. 

 Humagikhik si Dad. "Hindi, mali ka. Walang pwedeng pumalit sa adorable daughter ko, ano?" Nakakahiya 'tong ama ko. Inilahad niya ang kamay sa babaeng iyon. "This is Vermione Velasco, she's the newest vampire hunter." Ngumanga kami ni Zedrick sa aming narinig. 

Vampire Hunter? Wait a second, she's a student, right?! 

"She will be also your classmate starting today." 


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Rank -- Power- Rangliste
    Stone -- Power- Stein

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C16
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität des Schreibens
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank NR.-- Macht-Rangliste
    Stone -- Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen