App herunterladen
10.71% Darker Love / Chapter 3: Chapter III

Kapitel 3: Chapter III

NAPAKURAP ako nang maalala ang nakaraan. Limang taon na ang nakakalipas ngunit pakiramdam ko ay parang kahapon lang iyon nangyari. The pain is still lingering in the very depth part of my heart.

Five long years yet I still long for her.

Matapos kong maligo ay agad akong nagpalit. Nang makita ko ang aking wallet na nakapatong sa bedside table ay hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot. Inilabas ko roon ang isang kapirasong papel. Just reading what's written on this piece of paper is too much painful. Hindi ko mapigilang balikan ang oras kung kailan ko siya unang iniyakan and the day I realized her true worth.

To the man I fell in love with,

Meeting you was one of my treasured moments. Moving in the same village where you live in was the best thing my parents did for me because I met you. We became good friends but the fact that my heart fell first, I know I'm in jeopardy. Nahuli mo ang aking puso ng ganun kabilis.

I kept my love for you a secret kasi ayaw kong lumayo ka. So, I chose our friendship instead. If only I could freeze those moments when you looked at me adoringly. When you embrace me protectively? When you smiled at me like everything will be okay.

Sorry pala, ha? If I dragged you into this mess without thinking about your feelings. Pero alam mo, being married to you was not a regret at all kasi naging asawa kita. I had the chance to call you mine. Naging akin ka kahit pansamantala.

But loving you too much was my mistake. Nakalimutan ko na ring pahalagahan yung aking sarili. I lost myself loving you. I want to fight but I think I already reached my limit. Sa gabi-gabi ba naman kasi na ipinamumukha mo sa akin na hindi ako ang karapat-dapat na babae para sa iyo. Alam mo ba yung pinakamasakit sa lahat ay yung muntik na akong mamatay ngunit hindi man lang kita sinumbatan. I'm too pathetic, right?

I wish you happiness now that I'm already gone from your life. Mahal kita ngunit ito na ang huling beses kong ipaparamdam sa iyo iyan. Thank you for all the bittersweet memories. Paalam.

HINDI ko namalayang umiiyak na pala ako. Reading this letter makes me weak inside. Ramdam na ramdam ko yung sakit sa bawat letra. I clutched my chest at the feeling. Di ba dapat sana masaya na ako dahil wala na siya sa aking buhay? I should enjoy my freedom ngunit hindi ko magawa? Ito ba ang kabayaran sa lahat ng aking nagawa sa kanya? Is this my freaking karma?

"Dada, I'm hungry na!" reklamong sigaw ni Zander mula sa labas ng aking kwarto. Agad akong pinunasan ang aking luha at maingat na itinupi ang papel saka ibinalik sa aking wallet. Ito na lang ang tanging ala-ala ko sa kanya bukod sa wedding picture namin na nakasabit sa living room.

Agad kong pinuntahan si Zander na nakaupo sa harap ng tv. Nakabusangot na ang mukha nito. Kapag sobrang gutom pa naman ito ay nagwawala. He suddenly held my hand and smiled at me warmly. Parang may mainit na bagay na humaplos sa aking puso. Kung hindi ba siya umalis ay anak na ba kami ngayon? I smiled bitterly at the thought

"Let's go, kiddo."

SA isang sikat na fastfood restaurant kami nagdesisyong kumain. Hinayaan ko siyang mag-order ng gusto nito. Minsan nga ay napagkakamalan kaming mag-ama. Ayon kay Heldra ay pinaglihian niya kasi ako. Kaya pala lagi itong galit sa akin kapag bumibisita ako sa kanila noong buntis pa ito. But I don't believe in that crap. Pareho lang kaming wavy ang buhok at maputi. Zander got Pierre's emerald eyes na lalong nagpagwapo sa batang ito.

"Can you eat all of this?" natatawang tanong ko kay Zander. Ang dami kasi nitong in-order.

He cheekily smiled at me. "Gutom po kasi ako, dada."

He started to dig in when my phone suddenly rang. Tinignan ko kung sino ang tumawag and when I saw my secretary's name ay napakunot-noo ako. "Kiddo, I will just get out for a minute, okay? Stay here. When a stranger approach you and looks like a bad man, call me."

Lumabas muna ako bago sinagot ang tawag. Pwede namang hindi ko sagutin kaso baka importante ang sasabihin nito. "What's the problem, Claire?"

"Sir, Mr. Solomon cancelled your dinner meeting for tonight. May nangyari raw na maliit na problema sa firm niya."

I sighed. "Okay. Call me kung may changes pa. Mr. Solomon is an important client for us. Send him a message that I understood his situation. That he can reschedule the dinner meeting on his free time."

Matapos kong magbigay ng ilang paalala ay agad kong tinapos na ang tawag. Baka umiiyak na si Zander, eh. Agad akong pumasok sa loob at saka tinungo ang aming table. Zander has this big smile plastered on his lips while looking at his tablet.

"Kiddo, why are you smiling?" curious kong tanong sabay upo sa tabi nito.

"A lady, dada." He then showed me the picture and I was shocked at the image. It was Zander and.... Eevie? Paano nangyari iyon?

Naguguluhang tinignan ko si Zander. "N-nasaan siya? Zander, where the hell is this woman?!" Luminga-linga ako sa paligid, hoping that she's still here. Bakit sa dinami-raming pagkakataon ay bakit nang umalis pa ako? Nang tignan ko ulit si Zander ay napansin kong malapit nang umiyak ito. Bigla kasing pumula ang pisngi nito. Mukhang nataasan ko yata ito ng boses kanina. Hindi ko naman sinasadya. Nagulat lang ako sa aking nakita. Is fate really messing up everything?

"S-she went out na," sumisinghot na sagot nito. "S-she helped me kasi naiihi na po ako. She's nice naman po, eh. Tapos nagpa-picture lang po ako," Zander explained. Hindi ako pwedeng magkamali. That's Eevie for sure. Limang taon man kaming hindi nagkita pero alam kong siya yun. So, nandito lang pala siya?

He suddenly tugged the hem of my shirt and innocently looked at me questioningly. "But dada, she looks like her. Yung kasama mo po sa picture? Gusto ko pong ipakilala sayo kaso nagmamadali raw po siya."

Tumango na lang ako. "It's okay. Finish your food and we'll go buy some groceries."

"But you're not angry po?"

Umiling ako at saka ikinuyom ko ang aking mga kamay. Where the hell are you, Eevie?


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C3
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen