Nagpalit ako ng kasootan sa pangkawal saka nagtungo sa tanggapan ng heneral.
Binabati ako ng lahat ng nadadaan ko dahil ako lang naman ang nag-iisang anak ng heneral at kahit pa alam ng lahat na napulot lang naman ako ng heneral. Tunay na kapamilya ang turing sa akin nito at sa mundong ito na inakala kong nawala na sa akin ang lahat ay siya nalang ang meron ako.
"Hindi ba't nais mong makapag-aral ng Majika?" Tanong sa akin ng heneral ng hindi tumitingin sa akin na nakaluhod sa kanyang harapan at abala lamang siya mga sulat na nakakalat sa mesa niya.
"Ngunit—"
"Pumunta ka sa Paldreko." Putol nito sa sasabihin ko at sa pagkakataong ito at tiningnan niya na ako at huminto na sa kanyang pinagkakaabalahan kanina.
Ang Paldreko ay ang lugar kung saan naninirahan ang maharlikang pamilya at naroon din ang pinakamalaking paaralan ng kaharian. Kailan ay hindi pa ako nakarating doon ngunit ayon sa kwento ay malalaki at magagara daw ang mga kabahayan doon, mayayaman ang mga tao, maraming masasarap na pagkain at magagandang kasuotan na nagagawa sa isang kisap mata lamang gamit ang majika.
"Hindi ko po magagawang iwan kayo dito." Pagtanggi ko.
"Aya, alam mong ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan ko kaya sayo ko ibinibigay ang misyong ito. Hindi naman kita papapuntahin sa Paldreko para mag-aral lamang, ano ka? Sineswerte?" Natatawa nitong wika kaya tiningnan ko ito ng masama.
"Ayuko." Pagtanggi ko.
"Tong batang to!" Tumigil ito sa pagngisi at sumeryoso. "Pinapabalik sa Paldreko ang unang prinsepe. Dahil tayo ang nasa hangganan ay sa atin ihahatid ng kabilang kaharian ang prinsepe at tayo na ang inaasahang maghahatid dito papunta sa Paldreko."
"At ako ang nais mong sumama dito?" Tanong ko dito. "Bakit hindi nalang idaritso ng kabilang kaharian ang paghatid sa prinsepe? Hindi ba at ang ina ng hari at ng unang prinsepe ay kapatid ng hari ng kabilang kaharian?"
"Kaya nga." Sagot nito na ikinagulo ng isip ko. "Sa tingin mo ay may balak talaga ang punong ministro na makauwi ng buhay ang ating prinsepe?"
"At pagmamatay ang prinsepe sa ilalim ng pangangalaga natin ay ituturing tayong mga taksil ng kaharian. Hindi ko lang maintindihan kung bakit idadamay tayo ng punong ministro samantalang hindi nga tayo dito nangingialam sa politika."
Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa saka muling nagsalita ng heneral habang inaalala ang nakaraan.
"Ang saling lahi ng ating angkan ay tapat na tagapaglingkod ng kaharian. Ako, matalik na kaibigan at kamag-aral ng namayapang hari. Ngunit hito ako ngayon na isa ng walang kwentang heneral sa hangganan. Nakakatawa diba?"
Hindi ako sumagot at naghihintay lamang sa susunod nitong sasabihin.
"Noong huli kong makita si Haring Delon ay napakasigla nito at malusog kayat hindi ako naniniwalang namatay lamang ito dahil sa malubhang karamdaman. Upang walang makapag-imbistiga sa totoong ikinamatay ng dating hari ay ipinatapon ako dito sa hangganan at yun ang malaking pagkakamali niya dahil sisiguraduhin kong hindi niya ako mapapaalis dito hanggat humihinga pa ako."
"Kung binabalak niyang mapaalis kayo dito, ibig lang sabihin ay siya na ang magtatalaga ng bagong heneral na ipapalit sayo na handang sumunod sa utos niya. Anong nais niya? Ang sakupin ang kabilang kaharian? Isang malaking kagulohan iyon pagnagkataon." Hinuha ko naman sa maaaring mangyari.
"Pagdating mo sa Paldreko ay nais kong alamin mo ang katutuhan sa pagkamatay ni haring Delon."
"Tika lang, parang di pa naman yata ako sumang-ayon sa pagpunta doon."
Hinampas nito ng malakas mesa na ikinagulat ko.
"Ang kawal ay hindi tumatanggi kundi sumusunod lamang sa utos ng kanyang pinuno!"