App herunterladen
54.54% How Can I Move On? / Chapter 6: Chapter 6

Kapitel 6: Chapter 6

Hindi ako makatulog ngayon, hindi ako mapakali. Gulung-gulo ang utak ko, kung bakit ko ba naman kasi nasabi 'yon. O dahil awa lang iyon? Alex is not my kind of girl. Akira pa rin ako siyempre, loyal ako. Maganda rin naman si Alex, she's so simple, but there's something about her, hindi ako sigurado kung ano'ng meron sa kaniya, kung bakit gusto kong subukan na makasama siya. Feelings? Saan naman nanggaling 'yon, pero in fairness to her, she has a soft lips. Medyo nagbago na nga siya, iyong dating patpatin, nagkaroon din ng shape ngayon. Bigla ko naman naisip si Akira, malapit na rin kitang makita mahal ko.

---

Paggising ko sa umaga, wala na si Kyle sa tabi ko.

Dumiretso ako sa kusina, baka kasama niya si Mommy. Nagulat ako, nasa kusina nga siya kasama ang Daddy niya. Nag-aalmusal ang mag-ama ko. Ito na ba ang sinasabi ni Lee na 'lets give it a try?'. Assuming ka, teh? Just wait and see. Napangiti na lang ako.

"Para kang baliw d'yan?" seryosong saad ni Lee sa akin.

"Masama ba'ng maging masaya?" sabi ko na hindi pa rin maiwaglit ang ngiti sa labi ko.

"Hindi naman, puwede kang umupo o, saluhan mo kami ng anak natin," alok niya. Umupo ako sa tabi ni Kyle. Nangiti na naman ako nang sinabi niya iyong salitang 'anak natin'. Oa man, pero masarap sa pakiramdam 'yong pagtanggap niya sa anak naming si Kyle.

"Sinong nagluto ng mga ito?" tanong ko. Nakahain kasi sa mesa ang fried rice, sunny side-up egg, pritong ham, hotdog, at may pancake na heart shape pa. Ang sarap kumain.

"Si Lola ang nagluto, Mommy," nakangiting sagot ni Kyle. Panaka-naka'y sinusubuan siya ng Daddy niya.

"Ngekk! Kala ko naman si Daddy mo naghanda ng lahat nito?" dismayadong sambit ko. Ang loko-loko, nakangising nakatingin sa akin. Nakikikain lang pala.

"Daddy, pupunta ako sa inyo mamaya ah?" sabi ni Kyle sa ama niya.

"Okay lang, anak. Gusto mo doon ka muna?

Magpaalam ka lang kay Mommy mo." Bumaling ang mag-ama ko sa akin.

"Mommy, puwede po ba?" paalam ni Kyle. Ngumiti siya ng matamis sa akin. Alam niya talaga ang weakness ko.

"Okay," pagpayag ko. Ikinatuwa naman ni Kyle ang pagpayag ko, kailangan din kasing mag-bonding ng mag-ama.

---

A week later...

Kinuha ulit ako ni Lee bilang secretary niya. Gano'n pa rin iyong set-up namin, pero walang nakakaalam sa sitwasyon namin, para na rin sa ikabubuti ng lahat. Buti na lang din okay na si Lee hindi na siya sumisigaw, at lagi na siyang ngumingiti. Siguro nirerespeto niya na ako bilang ina ng anak niya. Sana nga. Ikaw para kanino ka gumigising? Tanong ko sa hangin. Siyempre, para sa pamilya ko, sa anak ko at para kay Lee. Konting-konti na lang ma-i-inlove na rin siya sa akin.

"Alex, iwan mo na iyan. Mag-lunch tayo sa labas?" Isang napakaguwapong lalaki ang bumungad sa aking harapan. Inaaya niya akong mag-lunch?

"Lunch?" sabi ko. Iyong ngiti kong abot tenga na. Hindi ako makapaniwala.

"Uy, tara na kaya!" naiinip na sabi niya. Bigla niya akong hinila. Juskocolord para naman siyang naghila ng lubid. Muntik ng mahiwalay ang braso ko sa katawan ko. Joke lang!

---

Nakaupo na kami sa pina-resevered niyang table. Sa isang sosyal at mamahaling restaurant kami kakain. Ang dami niyang ini-order, grabe. Anong klaseng pagkain ito? Daming kaartehan, huh.

"May hinihintay pa ba tayo?" tanong ko, kumakalam na kasi ang tiyan ko. Nag-aalburuto na. Ang ingay. Ayaw mag-behave ng mga bulate ko. Kainis.

"Meron," seryoso niyang sabi. Hindi naman ito mapakali. Pasulyap-sulyap sa entrance door ng restaurant.

"Puwede na ba akong kumain? Gutom na talaga ako," sabi ko. Kinapalan ko na lang ang pagmumukha ko. Ayaw kong malipasan ng gutom. Ang pagkain ay buhay.

Tumango siya. "Suit yourself."

Busy akong kumakain, nakayuko akong ninanamnam ang sobrang sarap ng soup na ito. Nang biglang may tumabi kay Lee, isang half japanese na babae. Teka, teka nga, pamilyar ito. Lalo siyang gumanda. Napanganga ako sa sobrang mangha ko sa kaniya.

"Akira here, it's nice to see you again, Alex?" sarkastikong pagbati niya sa akin.

Pagkasabi niya no'n ay ngumisi siya ng nakakaloko sa akin. Hinarap niya si Lee sabay halik sa labi nito. Nagulat ako. Aba'y tang ina!

Bastusan?! Akala ko ba susubukan namin? Bakit ngayon parang nag-iba na naman ang ihip ng hangin. Nabitawan ko tuloy ang kutsarang hawak ko. Lumikha iyon ng ingay.

"Anong meron?" takang tanong ko sa kanila. Ayaw kong i-advance ang isip ko, pero parang may mali.

May ibinigay na envelope sa akin si Lee, kunot-noo kong hinablot ito at pagbukas ko, nanlalaki ang aking mga mata na litong-lito.

"Bakit na sa 'yo ang titulo namin?" matigas na tanong ko.

"Simple lang, dahil ako na ang may-ari ng bahay at lupa n'yo," nakangising sagot ni Lee. Kung makalingkis naman si Akira rito. Akala mo naman aagawin sa kaniya ang lalaki.

"Pero, bakit?" nasasaktang tanong ko.

"Dear, you're such a slow!" maarteng sabi ng babaeng si Akira. Gusto ko siyang tusukin ng tinidor.

"Aba't huwag mo nga akong sabihan na mahina akong pumick-up!" galit na sabi ko sabay hampas ko sa mesa.

"Enough, Ladies!" Tumaas na rin ang tono ni Lee.

Sabay ismid namin ni Akira. Humalikipkip ako, dahil naiinis na ako.

"Ano paligoy-ligoy pa ba kayo?" buwelta ko.

"Alex, lets have a deal?" sabi niya. Natatakot ako sa deal-deal na 'yan.

"Sabihin mo na, nakikinig ako." Sumakit yata ang ulo ko sa dalawang kaharap ko.

"I'll marry you," sabi ni Lee.

"Whatttt?!" sigaw ko. Na-stressed ako sa dalawang ito. Hindi ko na alam ang iisipin ko.

"Bitch! Don't shout! You're making a scene here!" sigaw rin ni Akira. Halata ring naiinis.

"Hoy, babaeng makapal ang make up! Mas bitch ka!" ganti ko sa kaniya.

"Just shut up, please!" naiinis na sabi ni Lee. Lumakas na rin ang boses niya.

"Now, talk," mahinahong sabi ko. Tinaasan ako ng kilay ni Akira. Hindi ko na lang siya pinansin para matapos na ang lahat.

"As I was saying, I'll marry you, pero hindi ako ang may gusto kundi si Mama at Papa."

"Bakit hindi ka na lang tumanggi?"

"Dahil wala akong mamanahin."

"Hayan ang syota mo. Bakit hindi na lang siya ang pakasalan mo?"

"Ikaw ang gusto nila."

Buti pa sila gusto nila ako, siya kaya kailan ako magugustuhan? Sa isip ko.

"Ayaw nila kay Akira, kahit sinabi kong siya ang mahal ko."

Sakit huh, parang wala ako rito. Walang modong lalaking 'to, iuntog ko to e!

"Will just pretend for a year. Then, puwede na tayong mag-divorce. Sabihin natin na hindi tayo magkasundo. No sex policy din. Sa States tayo magpapakasal, kung dito kasi sa Pilipinas, mahirap mag-file ng annulment. Basta, kapag nandiyan ang parents ko, you will act as my wife." Haba ng litanya. Nainip ako. Sobra.

"Baka magselos 'yan?" tanong ko saka ininguso ang babaeng malaki ang diyoga.

"No, dear. Hindi ka naman kaselos-selos. Ang pangit mo kaya, maganda pa yaya ko sa 'yo." kantiyaw ni Akira sa akin.

Napatayo ako sa kinauupuan ko. "Sira ulo ka pa lang babae ka e! Hindi ka rin naman kagandahan! Ewan ko ba, kung ano'ng nagustuhan ni Lee sa 'yo! Nahiya naman ako sa pulang-pula mong nguso!" Pikon na pikon si Akira sa mga sinabi ko. Umuusok na nga ang butas ng ilong niya e.

Pinabayaan na lang kami ni Lee na magbangayan. High blood na siguro siya. Kasi nanahimik na e.

"Aalis na ako!" Paalam ko sa kanilang dalawa. Nakatayo na ako pero pinigilan pa ako ni Lee.

"Wait! Ayaw nila sa girlfriend ko kaya nga nakikiusap ako sa 'yo, pangit," sabi niya. Nakikiusap ang mga mata nito.

Ngayon lang niya yata ako tinawag ng ganoon.

"May pinagsamahan naman tayo 'di ba, pero kung hindi ka na talaga mapipilit. Ngayon pa lang mag-impake na kayo," nakangising sabi niya.

"Bina-blackmail mo pa talaga ako?" napapailing na sabi ko. Jusko naman, desperado na siya. Malala na ang saltik niya dahil lang kay Akira de d'yoga!

"Oo, iyon naman talaga ang tawag doon, 'di ba?" nang-aasar na sabi niya.

Nginisihan ko siya at umalis nang gulong-gulo ang isip ko.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, bahala na nga, basta gusto ko muna mapag-isa. Nakarating ako sa park, nakakita ako ng bench at inis na umupo roon. Akala ko pa naman totoo ang sinabi niya! Argh! Let's give it a try mo mukha mo! Ulol mo! Malamang matagal nang nagkikita iyong dalawa! Nakakainis na talaga! Pinaasa niya lang ako, letseng pag-ibig 'to! Kailan ba ako magigising sa katotohanan na talagang ayaw niya sa akin!

Tumayo ako't nagsisigaw.

I hate you, Lee Angelo Tan! I hate you to the bones! I hate you to the balumbalunan! I hate you sagad sa lungs, sa gulugod! I fucking hate you. Buwisit ka! Dahil lang sa mana nagkakaganoon siya? Ang kapal ng mukha niya. Grabe siya sa akin para gamitin ako sa sarili niyang pang-kaligayahan.

Someday, you will realize my worth, napangiti ako ng may pait sa labi.

---

Linggo ngayon, walang pasok kaya magpapahinga muna ako. Ang anak ko nasa malaking bahay, ganoon pa rin ang set-up, kung gusto nilang hiramin si Kyle welcome naman sila. Walang problema sa akin iyon. Ayaw kong ipagkait ang anak ko sa kanila. Hindi rin kami gaanong nagpapansinan ni Lee simula noong insidenteng naganap sa restaurant. Financially speaking, binibigyan nila ang anak ko, tinanggap ko na rin, para wala nang usapan. Binigyan nila ng sariling bank account si Kyle, tama lang iyon, mayaman naman sila at apo naman nila, lahat yata ng luho binibigay nila sa anak ko. Maraming bagong damit, sapatos, laruan, kulang na lang bilhin nila sa bata ang buong mall. Masyado na yata nila ini-spoil ang anak ko.

Lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina, kumuha ako ng malamig na tubig sa ref, siyempre malamig, alangan naman mainit 'di ba? May sticky note pa lang nilagay si Mommy sa pinto ng ref. Pumunta pala ito sa Manila. Hindi na raw ako ginising. Miss na siguro niya si Daddy? Malamang, kaya nga niya pinuntahan di ba?

So, kami lang dalawa ni Kyle dito? Sana lang naman punan din nila ng pagmamahal ang anak ko, hindi lang puro luho 'di ba. Malaking hirap ang dinanas ko kay Kyle. Sa ngayon ang iniisip ko na muna ang kaligayahan ng anak ko, isasantabi ko na lang muna ang nararamdaman ko. Hindi ko na kailangan mag-asawa pa, sapat na sa akin ang anak ko. Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko kung bakit solid na Lee lang talaga ako, para ngang forever fan niya ako. Maiinis ako pero panandalian lang, lumilipas din ang galit ko. Tanga lang talaga, pero hanggang kailan? Buti pa si Pat ikinasal na siya, masaya siya kasi kasama niya na ang kaniyang forever love. Ako kaya? Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba kasing nagustuhan niya do'n sa mukhang suso ang nguso na 'yun? Ipagaya ko kaya ang labi ni Angelina Jolie? Pouty lips, napatingin ako sa dibdib ko, kailangan ko rin ba ipa-enhance ito? Shit! Ano ba'ng naiisip ko? Maganda naman ako. Pero saang banda? Makapag-ayos na nga, pupuntahan ko pa si Kyle. Saka hindi ko naman kailangan magparetoke. Kontento na ako sa hitsura ko.

Nasa harap na ako ng malaking gate nina Lee. Hindi ko alam kung magdo-doorbell ako? Nahihiya kasi akong basta na lang papasok sa loob ng bahay nila. Pipindotin ko na sana ang button nang biglang lumabas ang isang maid nila, may dalang trash bag. Pinatuloy na lang niya ako diretso sa pool. Nag-swi-swimming daw ang mag-ama. Nakita ako ni Kyle, kasama ang Daddy Lee niya saka nakangiting kumaway sa akin. Tapos ay ipinagpatuloy ang pagpo-floating ng anak ko pool. Ngumiti naman si Lee sa akin. Wow ang guwapo niya, sobra. Umupo ako sa may tabi, pinapanuod ko lang sila. Mababaw lang naman yata ang pool. Kaya safe naman si Kyle. Umahon na silang dalawa, lumuwa ang mga mata ko, nakasuot lang ng trunks si Lee, bakit hindi na lang nag-shorts. Lord, patawad! Please, gisingin n'yo ako. Napapalunok ako sa magandang tanawin.

Nasa harap ko na sila, may hawak na silang towel.

"Hey, you're drooling!" aniya.

"Hindi naman, ikaw talaga." Itinago ko na lang ang pamumula ng pisngi ko at pagkapahiya. Sino ba namang hindi maglalaway sa biyayang nakaharap sa akin. Jusko lang. Ilayo n'yo ako sa tukso. Sumisikip ang flat chested kong dibdib.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa anak ko. Kinuha ko tuwalya sa kaniya at pinunasan ko na. Binihisan na ko na rin si Kyle at baka lamigin pa. Nagpaalam na rin si Lee para magbihis. Napapalatak ako sa isip ko. Guwapo talaga! Isang sulyap pa ang ginawa ko. Tang ina ang tambok ng puwet ni Lee! Kagigil! Nawala ang kinikimkim kong galit dahil sa yummy body nito.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C6
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen