App herunterladen
73.07% Heal My Wounds Once Again / Chapter 19: Lahat-lahat

Kapitel 19: Lahat-lahat

Ezekiel's POV

Ito na yung araw na hinihintay ko, dadating na sina tita kasama si lola, haha nakaka-excite.

Gabi na pero 'di pa rin sila pumupunta, haha siguro traffic lang, dapat siguro maghintay pa ako ng marami pang oras, tutal alas-6 palang ng gabi, 6:39pm palang kaya maghihintay pa rin ako.

Habang naghihintay ako ay biglang tumawag si tita sa telepono, ako lang ang nasa bahay kaya ako lang ang pwedeng sumagot.

"Hello, Ezekiel?" pagbati at tanong ni tita sa tawag niya.

"Hello tita, si Ezekiel po ito" sagot ko sa kanya at narinig ko yung pag-hinga niya ng malalim.

"Ezekiel, 'wag ka sanang madidismaya ahhh, o 'wag ka sanang magalit at magtampo" pakiusap pa ni tita sakin at nagtaka na ako.

"Bakit po, tita? Anong nangyari?" tanong ko pa sa kanya at narinig ko nanaman ang paghinga niya ng malalim.

"... Pasensiya na, Ezekiel. Hindi kami makakapunta diyan ngayon, baka sa susunod na buwan nalang, nagkasakit kase yung pinsan mo ehh, si James, pasensiya na talaga" sabi ni tita sakin. Habang sinasabi niya sa akin 'yun, hindi ko alam ang gagawin ko, para akong umasa sa wala.

Bakit?! Bakit umasa ako sa wala? Kay tagal kong hinintay ang panahon na ito tapos mauudlot lang, ha? Wala na bang matinong mangyayari sakin? Titiisin ko nanaman ang mga masasakit na salita, bugbog ni mama't papa, bata pa ako kaya malamya pa ang katawan ko, mahina pa pero nilalamog na nila.

"Haha, ok lang po tita, maghihintay po ako" dagdag sabi ko pa sa kanya habang paluha na ang mga mata ko.

"Sorry talaga, Ezekiel, pupunta kami diyan sa susunod na buwan, promise" dagdag sabi pa ni tita at binabaan ko siya ng telepono.

Pumasok ako sa kwarto, natulog ulit ako nung gabing 'yun na umiiyak, walang emosyon. Laging nagkukulong sa kwarto. Dalawang araw akong nag-kulong sa kwarto. Lagi akong tinatawag ni mama para kumain pero hindi ako sumisipot, dalawang araw na rin akong 'di kumakain, para akong nagre-rebelde. Ngayon na ang pangatlong araw na magkukulong ako sa kwarto, hindi ko akalain na mag-aalala sakin si mama, kinatok niya ako ng kinatok sa kwarto ko, halatang halata sa boses niya na nag-aalala siya para sakin, haha pero sa halip na matuwa ako, mas lalong nalungkot ako nung tumawag si tita, kaya pala ako kinatok ni mama dahil nasa telepono si mama.

Binuksan ni mama yung pinto ng kwarto ko, nakatitig ako sa kanya ng masama, isang beses sinabi niya sa'kin na parang kulay berde raw ang mata ko nung araw na iyun. Hindi ko maipaliwanag, pero nung araw na iyun, parang dun na namuo yung galit ko sa pamilya ko bukod kay tito, kay lola at kay tita.

Hindi ko na sila nire-respeto, pero palihim lang, nagagalit ako, pero palihim lang. Isang buwan na ang nakalipas pero inaasahan ko nang mauudlot ulit ang plano. Hindi na ko masyadong binubugbog ni mama't papa, lagi akong tahimik, wala manlang 'po' at 'opo' sa tuwing tatawagin at uutusan nila ako, walang imik, laging seryoso ang emosyon at minsan naman ay wala.

Limang taong gulang pero parang alam ko na ang mga pagsubok sa mundo, marami nang karanasan dahil sa malupit na magulang.

Napansin rin nila mama't papa na parang tumatahimik na ako, laging seryoso, isang beses nabalitaan nila na nakipag-away ako sa kalaro ko. Black eye at putok ang labi, parang sa kanya ko binuhos yung galit ko.

"Ezekiel, apir tayo diyan, magaling ka pala makipag-away, eh" pamungkahi pa ni papa pero 'di ko siya pinansin at pumasok nalang sa kwarto ko, kagagaling ko lang sa school kaya pagod ako nung araw na 'yun, nang makapasok ako sa kwarto ay narinig ko na pinag-uusapan nila ako, narinig ko lahat, lahat-lahat.

"Napapansin mo ba yung ugali ni Ezekiel? Yung mga nagbago sa ugali ni Ezekiel?" tanong ni papa kay mama.

"Oo, marami nga ehh, lagi nalang siyang tahimik, sa tuwing papasok nga ako sa kwarto niya nadadatnan ko nalang siyang tulog, hindi siya masyadong naglalaro ng videogames" sagot pa ni papa.

"Hayyy, hindi ko alam kung kailan siya nagbago pero, parang nadidismaya ako kapag nakikita ko siya na walang emosyon" dagdag sabi pa ni mama.

Hindi ako natuwa, unti-unti na akong mawawalan ng paki sa kanila, wala na akong pagmamahal na namuo sa kanila, parang ayaw ko na sa kanila, hindi, ayaw ko na talaga sa kanila, wala nang pagmamahal na namumuo sakin para sa kanila. kahit na isang porsyento, wala talagang namumuo. Lahat nawala na. Lahat-lahat.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C19
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen