"Manang Cel, wala pa rin ba si Keiffer? On the way na si Papa wala pa rin siya dito. Saan ba nagpunta ang batang 'yun? Palagi ba nila itong ginagawa? Hindi rin sumasagot sa mga tawag ko. Mukhang nagpatay pa sila ng phone!"
"Hindi ko rin maintindihan sa batang 'yun. Sabi ko naman agad silang bumalik." Si Manang Cel
"Akala ko pa naman nagkaintindihan na kami ng batang 'yun? Gusto ng Papa na isopresa namin siya kaya hindi ko sinabi na darating ang Papa ngayon. Hindi na rin kami naghanda ng regalo. Dahil gusto naming siya mismo ang magsabi ng gusto niyang regalo at 'yun talagang gustong gusto niya. Napag-usapan na namin ng Papa na kahit ano pa ang hilingin niya. Sisikapin namin na maibigay sa kanya. Bilang regalo na rin sa magandang performance niya sa school. Dahil magaling talaga ang anak ko hindi ba manang?"
"Naku! Sinabi mo pa anak talagang nagsisikap siyang mag-aral palagi." Sagot ni Manang Cel.
Kung meron mang higit na nakakakilala kay Keiffer iyon ay si Celina ang matagal na nilang katiwala sa kanilang bahay. Dito rin n'ya pinagkakatiwala ang kanyang anak.
Ang totoo matagal na rin itong nagsisilbi sa kanila. Pero kahit kailan hindi ito nagreklamo. Alam n'yang mahal nito si Keiffer gaya ng pagmamahal din nito noon kay Elizabeth. Ito rin ang nag-alaga sa asawa niya simula pagkabata. Ganu'n din sa kanyang anak at kung tutuusin parang miyembro na rin ito ng pamilya.
Kaya naman malaki ang tiwala niya kay Manang Celina. Madalas nasasabihan rin niya ito ng mga problema at nararamdaman niya maging ng kahit anong desisyon niya sa buhay. Maliban nga lang ngayong nagpakasal na s'ya kay Olivia.
"Sa tingin n'yo ba galit pa rin siya sa akin? Ok naman kami nitong mga huling araw. Alam kong marami akong pagkukulang sa kanya. Sana naman bigyan rin niya ako ng pagkakataon na makabawi sa kanya. Kaya nga gusto ko sanang magkasundo sila ni Olivia at ng mga anak nito. Kaya ko pinakikisamahang mabuti ang mga anak ni Olivia. Dahil ang gusto makisama rin silang mabuti sa anak ko. Gusto ko lang naman magkaroon kami ng buong pamilya. Wala akong intensyon na palitan ang Mama niya. Ang gusto ko maranasan rin niya ang magkaroon ng isang ina. 'Yung kahit paano hindi siya mangungulila sa Mama niya. Mabait naman si Olivia at tingin ko mahal niya ang mga anak niya kaya naisip ko. P'wede ring mapamahal si Keiffer sa kanya Mahusay rin siyang mag-alaga kaya ko nga siya nagustuhan at sigurado ako magugustuhan din niya si Keiffer."
"Mabait ang anak ko malambing din siya. Kahit hindi kami close kilala ko ang anak ko kaya alam ko walang inang hindi siya magugustuhan."
"Tama ka kahit nga ako gustong gusto ko ang batang 'yun dahil sa ugali niya. Pero sana nga lang makasundo niya talaga. Ang bago mong pamilya. Lalong lalo na 'yang si Olivia. Oh! Siya maiwanan nga muna kita Andrew, anak at marami pa akong gagawin. Uuwi din 'yun nalibang lang siguro sila." Putol nito sa kanilangng pag-uusap.
Maaaring hindi rin nito nagustuhan ang biglaang niyang pag-aasawa. Dahil kahit hindi pa nito sabihin nararamdaman rin niya.
"Sige po manang salamat!" Sagot na lang niya.
Alam rin n'yang umiiwas rin itong pag-usapan si Olivia. Dahil marahil hindi rin nito gusto na pagtalunan pa nila ang bagay na iyon. Hindi tuloy n'ya naiwasang itanong sa kanyang sarili na...
Kung nagkamali nga ba s'ya ng desisyon?
Hanggang sa lumipas ang buong maghapon na hindi pa rin bumabalik si Keiffer at mga kaibigan nito. Saan ba naman kasi nagsuot ang batang 'yun? Kanina pa nandito ang Papa tiyak naiinip na. Tanong niya sa isip.
Nagulat pa s'ya ng biglang magsalita ang kanyang Papa sa tabi niya at nagtanong.
"Hey! Andrew Iho, Keiffer is not coming yet and you don't even noticed where he is? Oh! com'on tell me, Is there something wrong with you and Keiffer?" Biglang tanong nito sa kanya na nagtataka.
"No Dad of course not, we're okay and there's nothing wrong with us. Don't worry maybe he's on the way now." Sabi na lang n'ya kahit pa hindi rin naman s'ya sigurado kung nasaan na nga ito ngayon?
Then after several minutes...
Dumating rin sa wakas ang kanilang hinihintay.
Pagkakita n'ya sa kanyang anak, gusto sana n'ya itong sugurin nang yakap. Dahil para na rin s'yang nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag.
Kanina pa rin kasi s'ya nag-aalala sa mga ito. Hindi n'ya alam kung nasaan na ang kanyang anak na baka may nangyari na pa lang masama sa mga ito.
Ngayong alam n'yang maayos naman pala ito. Nakaramdam s'ya ng tuwa at kaginhawahan. Kaya mamaya na lang siguro niya ito kakausapin. Hahayaan na lang muna n'ya ang kanyang Papà ang unang kumausap dito. Anyway matagal din naman na hindi ito nagkita kaya tiyak na miss na nito ang isa't-isa.
Pero bakit parang sinasadya nitong hindi sila lapitan at pansinin kahit batiin man lang? Tila na-miss pa nga n'ya ang halik nito sa kanyang pisngi.
May problema ba sa kanya ang anak? Naitanong n'ya sa kanyang sarili. Nakakaramdam rin s'ya ng bahagyang kaba.
Malapit lang naman ang mga ito sa kanyang kinauupuan. Kaya naman dinig na dinig n'ya ang pag-uusap ng mga ito.
Alam n'ya at ramdam rin n'ya ang pananabik ng mga ito sa isa't-isa. Naging madalang na rin kasi ang pagkikita ng Papa n'ya at ni Keifer nitong huli. Alam rin n'ya kung gaano kamahal ng Papa n'ya si Keiffer.
Nag-iisa lang itong apo kaya madalas iniispoiled nito ang kanyang anak. Madalas rin nitong iparamdam sa kanya na gusto nitong kunin si Keiffer.
Pero ayaw niya, kahit naman hindi sila close ng anak. Hindi n'ya gusto na malayo ito sa kanya. Mahal na mahal n'ya ang kanyang anak. Hindi man n'ya madalas naipararamdam ito kay Keiffer...
Hindi naman ibig sabihin nu'n hindi na n'ya mahal ang kanyang anak. Madalas na hindi lang talaga nila maintindihan ang isa't-isa. Dahil nu'n una hindi n'ya matanggap na ito ang dahilan kung bakit maagang nawala ang kanyang asawa na ina nito.
Pero ng lumaon unti-unti na rin n'yang mas naunawaan ang lahat. Siguro hindi pa lang talaga n'ya mailapit ng tuluyan ang loob n'ya sa anak. Dahil natatakot din s'ya sa magiging pagtanggap nito sa kanya.
Alam n'yang naiintindihan s'ya ng kanyang Papà. Kaya naman hindi siya nito pinipilit.
Subalit ano itong naririnig n'ya ngayon. Tama ba ang naririnig n'ya? Bakit tila sinasadya pa nitong ilakas ang boses. Sadya ba talaga nitong ipinaririnig sa kanya?
"I don't want any present gift now, Grandpa. But I have a request!"
"Oh! Then what is it, your request? Promise, I will give it to you If I can!"
"My request? I want to go with you in Boston Grandpa! The sooner the better"
"Oh! Really? Is that your request?" Narinig pa n'ya ang naging sagot ng kanyang Papà.
Hindi! Hindi 'yun maaari? Bigla ang pagbangon ng kaba sa kanyang dibdib. Kaya naman hindi na rin s'ya nakatiis, nilapitan na rin n'ya ang mga ito.
Paglapit pa lang n'ya sa anak, naramdaman na agad n'ya ang galit nito sa kanya.
Nakalimutan kasi s'ya nitong batiin at halikan kahit nakalapit na s'ya dito. For the first time, ngayon lang nito iyon ginawa. Para s'yang hangin lang na dumaan dito.
Kakatwa! Kung kailan gusto na b n'yang mapalapit sa anak. Saka naman yata ito tuluyang mawawala sa kanya. Dahil dito hindi na nila naiwasang hindi magtalo. Hinding hindi rin n'ya malilimutan ang mga huling salita nito sa kanya..
"Yes Dad I desided to go with Grandpa in Boston, I want to continue my studies there and live in Grandpa's home. I'll go with him after graduation!"
"And that's final!"
I was shocked and don't believe of what I've heard before. It's quite and simple.
Ganu'n lang kadali na nagdesisyon ang kanyang anak upang iwanan s'ya. Alam n'yang hindi naman ito mawawala. Pero iba pa rin 'yun nandito lang s'ya sa paligid. Palaging naghihintay sa kanyang pagdating.
Gan'un ba niya ito nasaktan? Dahil ba sa hindi n'ya sinabi dito ang biglaan niyang pagpapakasal Kaya galit ito sa kanya ngayon? kaya ba ganu'n lang din siya nito sinasaktan ngayon? Eliza mahal ko iiwan na rin ba ako ng ating anak! Bulong n'ya sa kanyang sarili.
Bakit ba pakiramdam niya ngayon, dalawang beses itong nawala sa kanya. Patawarin mo sana ako nagkamali ako. Hindi ko nagawang pangalagaan ang ating anak. Huwag mo sanang isipin na sinasadya kong saktan siya.
Alam mong mahal ko ang ating anak ng sobra. Kagaya rin ng pagmamahal ko sa'yo!
-------
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT.
10:00 AM;
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo insan?" Si Carlos. Tinatawag lang s'ya nitong pinsan kapag talagang seryoso ito.
"Sana sa pagbalik mo mataba ka na! Magpataba ka du'n ha' Uno? Itong isang toh, sana payat na rin pagbalik niya." Si Miggy. Sabay lingon kay Keith na kanina pa tahimik lang pero hindi na rin nakatiis.
"Oo na at sana rin pagbalik namin gwapo ka na bro!hahaha" Sabay tawa ni Keith. Kaya naman natawa na rin silang lahat dahil sa biro nito.
Lalo na nang sumimangot si Miguel na hindi naman talaga nakabawas sa kagwapuhan nito.
Ito ang siguradong hahanap hanapin niya pagdating niya ng Boston. Dahil mag-isa na lang s'ya doon at hindi na n'ya kasama ang mga kaibigan.
Nakakalungkot naman!
"Paano mga Bro? Ingatan niyo palagi ang sarili niyo ha! Lalo na 'yang mga mukha ninyo. Baka kasi pagbalik ko ako na lang pala ang gwapo!" Seryosong sabi niya, ayaw n'ya kasing maiyak d'yahe naman sa mga kamoteng ito.
Pero biglang napataas ang makapal na kilay ni Miggy.
"Pambihira naman sobrang hangin na dito, may bagyo ba ngayon?" Si Miggy. Ang totoo pinipilit lang n'yang magpatawa kahit corny na.
Kaysa naman mag-iyakan sila na parang babae. Alam kasi nila na mamimiss nila ang isa't-isa.
Halos araw araw kaya silang magkakasama ng mga kaibigan n'ya, tapos nandito sila ngayon. Bigla silang maghihiwa-hiwalay.
"Sige na Bro! Pasok kana baka malate ka na sa flight niyo. Hinihintay ka na tiyak ni Grandpa sa loob." Paalala na ni Keith.
"Okay sige bahala na kayo dito, ha! Tawagan n'yo na lang ako kapag nakaalis ka na rin, Keith. Magbalitaan na lang tayo palagi, kapag naroon ka na rin." Sabay tapik n'ya sa balikat nito, ganu'n rin kay Carlos at Miggy.
Tuluyan na rin s'yang tumalikod pagkatapos. Baka lang kasi magbago pa ang isip n'ya. Kapag hindi pa s'ya umalis ngayon.
Babalik ako mga Bro, sigurado babalik ako! Babalikan ko ang lahat...
Pangako!
----------
Makalipas ang walong taon;
"Oh! Given bakit nandito ka na? Hindi ba may date ka? Ang aga mo naman. Teka huwag mong sabihing iniwan mo na naman ang date mo?"
"Hindi ah! Hindi ko siya iniwan huwag ka mag-alala. Dahil hindi naman ako sumipot. Magkaiba 'yun iniwan sa hindi sinipot."
"What?" Sagot ni Kat.
Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang may kumatok!
"Tok! Tok!"
* * *
By: LadyGem25 ❤️
=Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
=Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
=I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
=Like it ? Add to library!
=Have some idea about my story? Comment it and let me know.