App herunterladen
61.53% THE RUN AWAY WIFE / Chapter 8: Eight: THE PLAN...

Kapitel 8: Eight: THE PLAN...

Palabas na siya ng gate ng makita niya ang mga kaibigan na tila may pinagkakaguluhan, puno ng kuryosidad niya itong tiningnan..

Isang magarang sport car na silver blue ang kanyang nakita. Napanganga na lang siya at namangha sa ganda nito kaya hindi nakapagtataka na pinagkaguluhan ito ng mga kaibigan. Kung meron man silang iisang pinagkakasunduan, 'yon ay ang makapagdrive at magkaroon ng ganitong sasakyan.

Ang totoo gustong-gusto niya ito. Kaya naman lihim niyang inaasam, na sana para ito sa kanya sa tingin naman niya isa itong regalo. Katunayan ang ribbon na nakakabit pa dito.

Hindi niya namalayan na napanganga na pala siya. Nagulat na lang si Keifer ng pabirong isara ni Keith ang kanyang bibig at sabihing..

"Hey bro laway mo tumutulo, saka isara mo 'yan baka pasukan ng langaw!"

"Pambihira bro ang gandang regalo nito sampulan na natin mamaya pag-uwe natin ha?" Si Miggy

"Ano tutuloy pa ba tayo o hihimasin na lang itong kotse" si Carlos na tila naiinip na..

"Ang bitter mo talaga bro! Nagustuhan mo rin naman kunwari ka pa." Si Miggy

"Oo na sige na, bakit ako lang ba ikaw din naman." Si Carlos, ang totoo hindi naman talaga problema sa kanila ang pambili ng sasakyan. Ang problema lang hindi pa sila pinapayagang magdrive.

"Tama na nga 'yan, kayong dalawa talaga hindi na nagkasundo pareho namang tumutulo laway niyo kanina. H'wag kayong mag-alala makakabili rin tayo n'yan! Someday, somehow I maybe able to buy that one and I'll sure on it. Maghintay lang kayo." Keith said.

Alam nilang kayang kaya 'yun ni Keith ang tiyaga kaya ng taong ito. Kapag may gusto siyang bilhin talagang pinag-iipunan niya. Hindi siya basta umaasa sa magulang, gumagawa siya ng sariling paraan kaya kung minsan kuripot talaga.

Muli niyang pinagmasdan ang sasakyan. Ang totoo lihim siyang natutuwa sa isiping, maaaring sopresa ito sa kanya ng Ama.

Kasabay ng pananabik na malaman kung kanino ba talaga ito. Tuloy parang ayaw na niyang umalis. Parang gusto niyang manatili na lang sa bahay. Kung pwede lang sana? Kaya lang baka hinihintay na siya ng kanyang Mama...

"Babalikan na lang kita". Bulong pa niya sa sarili..

Papasok na sana sila ng sasakyan at handa ng umalis, nang marinig niya ang boses ng kanyang Papà na parang may kausap habang palabas ng gate.

Bigla siyang nacurious at natigilan sa pagpasok sa van. Napatingin siya sa mga ito nang makalabas na ito ng gate. Para lang matigilan at matiim na pagmasdan ang mga ito, habang ibinubulong sa kanyang isip..

"What a fantastic scenery again? My Dad and my step brother walking together, while my Dad's hand on that bastard shoulder? Isang bagay na pinapangarap ko lang, pero bakit napakadali lang niyang gawin sa iba?" Sigaw ng puso at isip n'ya.

Habang si Olivia naman ay nasa kabilang side nito. Dahil malapit lang ang kanilang kinatatayuan, kaya dinig din niya ang naging pag-uusap ng mga ito. Natigilan maging ang kanyang mga kaibigan..

"What do you think iho? Did you like it?" Sabi ng Papa niya.

"Wow tito sa akin ba talaga ito?" Masayang tanong ni Mico.

"Yes of course iho. Advance gift ko 'yan sayo!" Narinig niyang sagot ng ama!

"Ma, look at this hindi ba ako nanaginip?"

Hindi makapaniwala nitong saad

"What a pleasant surprised Tito, salamat talaga! You make me so happy! Thank you po Tito!" Si Mico na tuwang tuwa. Sino nga ba ang hindi matutuwa sa natanggap nitong regalo?

"Patay!"

Narinig pa niyang sabi ni Miggy. Bago pa siya tumalikod at tuloy-tuloy na rin pumasok sa loob ng van.

Bakit ganu'n hindi niya mapigilan na hindi masaktan? Parang pinipiga ang puso n'ya that time.

Bukod pa sa pagkapahiya n'ya sa lihim n'yang pag-asam. Bakit ganu'n pakiramdam niya parang hindi siya nag-eexist kahit anong gawin niya parang hindi nakikita ng kanyang ama, ang sakit pala sa pakiramdam. Saad ng isip niya!

Advance gift ko 'yan sayo..

Advance gift ko 'yan sayo..

Advance gift ko 'yan sayo..

Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isip niya ang mga katagang iyon. Advance gift?

'T***ina! Buti pa siya.. Samantalang ako mula pagkabata hindi niya naisipang bilhan ng regalo. Lagi si Nana Cel lang ang inuutusan niya para bilhan ako. Ano ba talagang gusto niyang iparamdam sa akin?'

"Okay ka lang ba bro?" Boses ni Keith ang siyang gumising sa sentimental niyang diwa.

"Okay lang 'yun bro.. Sabi nga ni Keith makakabili rin tayo niyan. Kaya hayaan mo na lang mas maganda kaya d'yan ang Jaguar." Si Miggy na alam n'ya namang sinusubukan siyang aluin.

"Okay lang ako h'wag kayong mag-alala sa akin umalis na tayo!"

Sumandal na siya sa upuan at ipinikit ang mga mata.

Ipinaramdam na ayaw muna niyang makipag-usap kahit kanino.

Narinig na lang niya na kinausap ni Carlos ang kanilang driver para magbigay ng instruction. Hanggang sa naramdaman niyang umuusad na ang sasakyan.

Tahimik nilang binagtas ang daan patungong sementeryo kung saan nakalibing ang kanyang Mama.

Pagdating nila sa loob ng sementeryo, tahimik lang siyang lumabas ng sasakyan at tuloy- tuloy na naglakad patungo sa puntod ng kanyang Mama. Dala ang mga bulaklak na pinitas niya sa garden kanina. Ito rin ang mga bulaklak ng mga halaman na inaalagaan ng kaniyang mama no'ng nabubuhay pa. Buti na lang magaling din mag-alaga si Nana Cel napangalagaan niya ito sa mahabang panahon. Kaya taon-taon may pinagkukuhanan sila ng mga bulaklak na siyang dinadala niya dito.

Tahimik lang siyang naupo sa harap ng puntod. Pagkatapos niyang ilagay ang mga bulaklak sa gilid nito at magsindi ng kandila. Habang batid niyang nasa paligid lang ang mga kaibigan niya.

Palagi naman siyang binibigyan ng oras ng mga ito. Para makausap niya ng sarilinan ang kanyang Mama. Lalapit lang ang mga ito kapag tinawag niya.

Mabuti na lang malamig sa bahaging iyon ng puntod ng kanyang Mama. Dahil na rin sa mga punong nakatanim malapit dito.

"Mama nandito na ako ulit, pasensya na kung hindi kita madalaw ng madalas. Alam mo bang sobrang lungkot ko ngayon. Si Daddy kasi akala ko magkakasundo na kami, kasi ang bait niya sa akin nitong mga huling araw. Tinawag pa nga niya akong anak kaya ang saya-saya ko. Kaya akala ko hindi na siya galit sa akin. Pero mali pala ako Ma' siguro ginagawa niya lang 'yun para matanggap ko ang bago niyang pamilya. Ang daya ni Papa no Ma? Galit siya sa akin dahil sa akin nawala ka. Pero naghanap naman siya ng iba. Kung galit man siya sa akin wala na akong pakialam Ma! Dahil galit din ako sa kanya mula ngayon hindi na ako aasa. Kung ayaw niya sa akin ayoko na rin sa kanya!"

"Pangako Ma' magtatagumpay ako kahit wala ang suporta ni Papa. Ipapakita ko sa kanya kung sino ang mas magaling sa amin ng mga ampon niya! Hinding hindi ako magpapalamang sa kanila. Pangako ko Ma' pagsisihan ni Papa ang pambabaliwala niya sa akin. Sisiguraduhin ko na ipagmamalaki niya rin ako! Ipakikita ko sa kanya kung ano kahalagahan ko sa kanya! Isang araw ipararamdam ko sa kanya, na ako ang pinaka mahalagang meron siya! Pangako 'yan Ma'.. Dahil hindi ko sasayangin ang buhay na ibinigay mo sa akin. Kahit ayaw pa sa akin ni Papa."

Gusto niyang isipin na naririnig siya ng ina. Kahit hindi siya sigurado, basta ang alam niya gusto niyang sabihin ang lahat ng nararamdaman niya. Kahit nasaan pa ito ngayon?

Kahit paano lumuwag ang pakiramdam niya. Pagkatapos niyang sabihin ang lahat. Pagkatapos ng maikling panalangin nagpasya na siyang tumayo.

Kahit pa kalalaki niyang tao, hindi niya maitatanggi na marunong din siyang umiyak. Noon pa naman iyakin na siya, lalo na noong grade school pa lang mas naging matatag lang siya ngayon.

Sandaling pinahiran niya muna ng panyo ang kanyang mukha. Pagkatapos hindi niya napigilan ang mapangiti ng mabatid niya na ang panyong nakuha niya sa bulsa ay ang panyong may pangalang Given. Hindi niya alam kung bakit? Pero naging paborito na yata niya ang panyong ito. Kahit medyo awkward dahil pambabae ito. Nakakabading naman pero ok lang.. Dahil dito lalong gumaan ang pakiramdam niya kaya masasabi niyang okay na siya recharged na, okay din pala itong gawing charger, naisip n'ya.

Tuloy tuloy na siyang tumayo at hinanap ang mga kaibigan. Nang makita ang mga ito na nasa malapit lang at kung ano-ano ang ginagawa para malibang. Agad na niyang nilapitan ang mga ito at nagyaya ng umalis.

"Tayo na saan n'yo gustong unang pumunta? Tara sayang ang araw." Saglit na natulala ang mga kaibigan ni Keifer dahil sa mga sinabi niya.

Anong problema ng mga ito? Para namang hindi namin ito gawain noon pa man sa loob-loob niya.

"Okay ka lang bro? Keith said

"Oo naman, anong problema n'yo? Mukha ba akong hindi okay?" He sighed. Kasabay ng mapaklang ngiti..

"Pero bro hindi pa ba tayo uuwi? Nakalimutan mo yata may party pa sa bahay n'yo. Baka hanapin ka ng Daddy mo?" Si Miggy.

"Eh' ano naman? Hindi ako hahanapin nu'n malilibang na 'yun sa party nila mamaya."

"Hey! Bro anong drama mo? Siguradong hahanapin ka ni Tito kapag hindi tayo umuwi agad." si Carlos.

"Hayaan mo siyang maghanap! Bahala kayo kung ayaw n'yong sumama basta ako dating gawi maglilibang, magsasaya! Ano sasama ba kayo sa'kin o hindi?" Tanong ni Keifer.

"Okay bro call ako d'yan, saan tayo punta? Si Keith.

"Ok bahala na nga kayo kung saan tayo pupunta? Si Miggy.

At sabay-sabay kaming napatingin kay Carlos, kaya naman..

"Huh' ewan ko sa inyo bahala na nga, tara saan ba tayo pupunta? Sabi ni Carlos na napapailing!

"Alright!!" Sabay sabay pa nilang bigkas..

Ang totoo wala naman silang maisip puntahan. Nagpaikot-ikot lang sila sa buong kamaynilaan, bibili ng pagkain tapos sasakay ulit. Natapos ang buong maghapon ng ganoon lang, hanggang sa nakarating sila ng Manila bay at maisipang panoorin ang paglubog ng araw.

"Anong plano mo bro?" Si Keith.

"Plano? Marami, marami akong pangarap bro! I want to proved myself and I ensure to make my dreams come true. Ipapakita ko sa kanya, ipararamdam na darating ang araw na kakailanganin din niya ako sisiguraduhin ko na magtatagumpay ako bro! Makikita niya" Sabi niya sa makahulugang mga salita.

"Galit ka lang bro kaya nasasabi mo 'yan at alam ko mahal na mahal mo pa rin ang Daddy mo kahit galit ka sa kanya." Si Miggy.

"Sawa na ako nakakasawa rin pa lang umasa. Akala ko nga magkakasundo na kami dahil hindi na s'ya galit sa akin. 'Yun pala gusto n'ya lang paboran ko ang bago niyang pamilya."

"Bro mahal ka ng Daddy mo hindi niya lang siguro naipararamdam sayo. Madalas 'yun sabihin ni Daddy sa akin" Si Carlos.

"Aalis ako"

"What?"

Sabay sabay na napalingon ang mga kaibigan niya nagulat ang mga ito dahil sa ipinahayag niya.

"Ayoko munang makasama si Daddy at ang pamilya niya. Doon muna ako kay Grandpa. H'wag kayong mag-alala babalik pa naman ako. Sabi ni Grandpa gusto niyang sa Boston ako mag-aral. Kaya susundin ko na lang muna siya."

"So iiwan mo na ang Papa mo? Iiwan mo na rin kami Bro." Si Miggy

"Babalik naman ako. Dahil mas gusto ko naman dito. Mag-aaral lang ako doon." Paliwanag pa ni Keiffer.

"Ang totoo niyan gusto rin ni Papa na bumalik muna kami sa Italy. Hindi ko lang masabi pa sa inyo. Pero nagkasundo na si Mama at saka si Papa. Kaya baka matuloy na din kami doon. Pero pangako babalik din ako marami pa akong mga plano at gusto kong gawin 'yon dito. Mag-aaral lang din ako doon ayoko naman kasi maiwan mag-isa dito. Kaya kailangan ko mamili pasensya na mga bro!" Sabi din ni Keith.

"Wow pare, pambihira naman oh? Talagang nagsabay pa kayo ha at talagang kaming dalawa pa ni Carlos ang iniwan niyo hah! Hindi kaya pinag-usapan n'yo na'to?" Si Miggy.

"Humahanap lang talaga ako ng t'yempo para sabihin sa inyo 'yun! Dahil nauna na itong si Keifer kaya sinabi ko na rin." Paliwanag ni Keith.

"Sa akin walang problema. Ito lang namang mokong na ito ang may problema yata eh!" Sabay akbay at pabirong inipit ang leeg ni Miggy.

"Oo na sige na... Ayoko namang ako pa ang maging hindrance sa pangarap n'yo! I will support, both of you mga Bro... Alam n'yo naman 'yan!"

Alright! Sabay-sabay pa silang nagtawanan.

Hanggang sa napagpasyahan na nilang bumalik na sa bahay. Pagkatapos makita ang paglubog ng araw.

Pagdating ng bahay nagulat na lang s'ya sa hindi inaasahang bisita.

Pakiramdam niya nadagdagan ang kakampi niya ng gabing iyon..

* * *

By: LadyGem25 ❤️


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen