App herunterladen
21.42% MY BODYGUARD [TAGALOG - COMPLETED] / Chapter 9: CHAPTER 08

Kapitel 9: CHAPTER 08

PARKER POV

MARAMING tanong sa isip ko ang nabuo. Nagpunta na ako kanina sa presento at nereport na sa mga pulis ang mga nangyari. Pero pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may hindi tama sa mga nangyari , at naguguluhan ako.

" Parker ,"

Agad akong lumingon ng may tumawag sa aking pangalan. Kumunot naman ang noo ko ng makita ang nobyo ni Summer na naglakad palapit sa akin.

" Anong kailangan mo?," malamig kong tanong dito.

" May suspect na ba kayo kong sino ang gumawa non kay Summer?,". Pag aalangang tanong nito. Tinitigan ko muna siya bago ibinaling sa pader ang paningin ko.

" Wala pa , Nakakapagtaka lang may CCTV naman pero wala kaming nakita na possibleng may pakana sa nangyari ,". Nanlumo kong sagot dito.

Hindi ko gusto ang pakiramdam ko na to, ito talaga ang pinakaayaw ko sa lahat. Kaya hindi ako naniniwala na may kakayahan ang mga autoridad na resolbahin ang ganitong klaseng insedente at isa pa impossible naman kase na walang maibabalita ganon pa at mainit palage sa mata ng media si Summer. Pero nanatiling tahimik parang walang nangyari.

" I'm Looking forward na maipakulong na ang may pakana nito, natatakot na ako para kay Summer , Alam kong hindi kayo magkasundo ni Summer kilala ko siya kaya nakikiusap ako sayo wag mong pababayaan si Summer Parker wala akong kakayahang protektahan siya ng gaya ng mga ginagawa mo sa kanya kaya nagtitiwala ako sayo ," sensero nitong sabi.

" Hindi muna kailangan sabihin sa akin yan, obligasyon ko si Summer at Kaya kong ibuhis ang buhay ko

maprotektahan lamang siya dahil yun ang tungkulin ko at yun ang trabaho ko , I'll go ahead ,". Tinapik ko muna ang braso niya saka ako naglakad pabalik sa kwarto ni Summer.

Nadatnan ko ang Don na nakipag usap kay Summer. Ramdam kong madamdamin ang pag uusap ng dalawa dahil hawak ng matanda ang kamay ni Summer.

Tumikhim muna ako para agawin ang attensyun nilang dalawa.

" Maari nang makauwi si Summer galing na kanina dito ang Doctor niya kinausap kona ," agad kong balita.

" Seguro naman Ihaj magtanda kana , pasalamat ka nalang at dumating si Parker ,". Mahinahon na sabi ni Don.

Nag iwas na lamang ng tingin si Summer saka kunot na kunot ang noo.

' Di uubra ngayon ang kamalditahan mo '

" Sege na Parker dalhin muna ang mga gamit sa sasakyan at simula ngayon hindi kana aalis sa tabi ni Summer baka kong ano na naman ang maisip niyang gawin ," nakasalubong na kilay na dagdag ng Don.

Napailing nalang ako. Mas lalo kaming pinagdikit nakaka ubos pa naman ng pasensya ang babaeng to.

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ni Summer saka ipinasok sa Sasakyan. Pagkalingon ko sa exit door ng hospital andun na si Don habang tinutulak ang wheelchair na kinalululanan ni Summer may benda pa ito sa ulo at hindi pa nakapagbihis ng damit dahil suot pa nito ang Hospital gown.

Napatingin ako sa gawi ni Summer napapansin ko na panay ang iwas niya ng tingin sa akin.

" May mga natitira pa bang gamit sa loob Don?,".

" Wala na Parker , halikana at nang makapahinga na si Summer ,"

Lumapit ako dito at inalalayan si Summer pasakay ng sasakyan. Nang makapasok na sila ay agad kong sinara ang pinto at sininyasan na susunod ako.

Mabagal lang ang pagpatakbo nila kaya malaya ko silang nasusundan.

Pagkarating na sa bahay ng mga HAMILTON diri diritso namang pumanhik sa taas ng kwarto niya ang dalaga.

Naninibago man ako sa asal nito kinibit balikat kona lang iyon.

" Parker." Napalingon ako kay Don saka naglakad palapit sa kanya.

" May Kailangan ka pa Don?," tanong ko dito.

" Sumunod ka sa akin "

Sumunod din ako sa kanya. Umakyat kami sa taas. Nadaanan pa namin ang kwarto ni Summer. Pumasok si Don sa isang kwarto kaya sumunod din ako.

Natigilan ako ng makita ang kabuuan ng kwarto.

" This is my secret Place Parker , " saka ito lumapit sa mga nakahilerang klase klase at di kalibre na mga baril.

Namangha ang mga mata ko sa nakikita . Mga powerful guns and bullets. Very impressive!

Hindi ko magawang hawakan ang mga iyon. Matagal nang panahon na hindi na ako humawak pa ng mga iyon.

" Try this one - "

" I'm not holding this thing again Don , " seryuso kong saad dito.

" Alam mo may katangian kang pinagmanahan mo sa iyong Ama , Si Benidect kong ano ang pinangako niya sa sarili ginagawa niya at Ikakapahamak mo rin yan ng gaya niya Parker ," seryusong saad nito. Saka naupo sa couch at sininyasan akong maupo din.

" I don't have any idea about my father Don, " tugon ko dito.

Naalala ko kase 8 years old pa lang ako non nong huli kong nakita at nakasama and Dady ko since that moment wala na naglaho nalang siya na parang bula and the next thing is napabalita nalang na wala na siya na ganon kabilis.

" I am glad that you're back again Parker, iba talaga ang nagagawa ng anak lahat ay pweding magbago kahit na ang mga impossible na bagay ," makahulugang sabi nito.

" Pasensya kana sa akin noon Don , kong puro pasakit sa ulo lang ang ibinigay ko sa inyo ," seryuso ko ring sabi sa kanya.

" Don't say Sorry the things that you are willing to do with or without any permission Parker , minsan kailangan nating magdecisyon para sa sarili natin at harapin ang mga consequences sa mga pinanggawa natin we are responsible to our action at naintindhan kita noon dahil naranasan ko din ang naranasan mo , ang di ko lang maintindihan Parker why you end up of killing ?,"

Hindi ako makasagot sa kanya. Parang nabigla din ako sa tanong niya ngayon. Hindi ko inasahan alam ko namang walang naililihim sa kanya pagdating sa akin pero tila naging palaso sa akin ang tanong niya na tumama mismo sa puso ko na ikinatigil ng pagtibok nito.

Ayaw kona siyang pag usapan dahil bumabalik ang galit kona matagal ko ng ibinaon sa limot.

" Hatred and Vengeance," mahina kong tugon.

" Hindi ka ba naniniwala na aksidente ang pagkamatay ng Ama mo Parker?,". Tanong nito saka umayos nang upo at dumikwatro habang isinandal ang likod sa mahabang sofa.

Marahas akong bumuntong hininga saka naikuyom ko ang aking nga kamao.

' Accident? Damn! Hindi ko dadanasin ang impyernong buhay ko noon kong accedinte lang ang nangyari sa kanya '

" Pilit kong pinaniwalaan yan Don, pero hindi ganon ang nangyari , my mind and my heart can't take it naghahanap ako ng hustisya para sa ama ko , i gathere all the little evidence kahit ang napakawalang kwentang ebedinsya ay sinimot ko para mapag tagpi tagpi ang lahat. ,"

" Na bigyan mo ba ng hustisya ang pagkamatay ng Ama mo Parker?,"

" Hindi , dahil diko napatay ang tao na siyang nag utos sa mga tauhan niyang patayin si Dady , Kahit na sa matagal na panahon Don, nandito parin sa puso ko at isip ang galit ang kagustuhang makapaghigante pero pinigilan ko dahil may madadamay akong mga inosenteng tao pag pinairal ko pa ng husto ang galit ko, "

" Hindi ko lubos akalain na baguhin ka ng pangyayaring iyon hindi rin kita natulungan noon dahil kakapanganak lang ng Asawa ko kay Summer , nagpapasalamat parin ako dahil tinapos mo parin ang pag aaral mo bago ka tuluyang lumayo sa amin, nakakatuwa lang alam mo bang nahihirapan kaming patahanin si Summer nong Unang gabi na wala ka na sa Mansyon?,"

Nawala agad ang galit sa dibdib ko. Napangiti ako ng maalala ko ang sinabi ni Don.

5 years old pa noon si Summer nong umalis ako sa mansyon at sanay si Summer na katabi akong natutulog.

" Hindi ako tinawag na Tito o kuya ni Summer noon , Tinawag lang niya akong Parker dahil yun ang gusto niya ," nakangiti kong sabi.

" At nong malaman niyang hindi kayo magkapatid?," tumawa ang don. Gusto ka niyang maging asawa paglaki niya " napailing pa ito sa huling sinabi.

" Masyado pa siyang bata noon Don, kaya wala na siyang natatandaan ,".

" Obvious naman kong tarayan ka parang ka edad ka lang niya ,".

Nawala sa isip ko ang napag usapan namin kanina dahil kong san na umabot ang usapan namin ni Don.

Inamin ko ring malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya dahil sila ang umaruga sa akin , binihisan ako pinakain , pinatira sa bahay nila tinuring na pamilya at pinag aral.

Kaya nang malaman ng Don na nasa Secret Task Force ako nagtatrabaho agad niya akong kinausap para maging Bodyguard ni Summer.

Hindi ko rin inasahan ang unang gabi ng pagtatagpo namin ni Summer, hindi ako nagpunta sa event niya para panuorin siya kundi manmanan ang isa sa mga nakilahok sa nasabing Event.

Pero hindi ko inasahan ang kasunod na nangyari na may bumaril kay Summer.

Sa tingin ko siya ang puntirya ng mga taong iyon. May pinaghihinalaan na ako pero hindi ko siya pweding isuplong dahil wala pa akong nakalap na sapat na ebidenya.

Matapos ang mahaba haba naming kwentuhan ng Don ay lumabas na kami sa kwarto saka naunang pumasok ang matanda sa kwarto nito para magpahinga.

Ako naman ay dinaanan ang kwarto ni Summer.

Kumunot ang noo ko ng mapansing nakabukas nang bahagya ang pintuan ng kwarto niya.

Mabilis ko itong sinilip. Nakita ko agad ang dalaga na mahimbing na ang pagkatulog.

' Ang bilis ng panahon Summer , dati sanay na sanay kang katabi akong matulog ngayon mukhang ayaw the monang may katabi ka sa pagtulog , dalagang dalaga kana talaga, yung kurba ng katawan mo kahit na sinong lalaki ay mapapatingin sayo '

Agad akong Lumabas sa kwarto niya. Pagkatapos ko siyang kumotan saka pumanaog at nagtuloy na sa kwarto ko sa baba.

Ano na naman kaya ang maghihintay sa akin nito bukas?


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C9
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen