Chapter 23. "What to do?"
Laarni's POV
"Mukhang gusto na kita."
"Palipasin mo lang 'yang nararamdaman mo. Nadadala ka lang ng panahon."
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad rito sa hallway papasok sa classroom ko. Medyo masakit din ang ulo dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Paano kasi, hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Nababaliw na ako. Paano ko kaya sila haharapin?
Dahan-dahan akong naglakad papasok sa pinto. Huminto muna ako sa mismong pinto at sinilip kung naroon na si Abrylle o kaya si Lexter, pero wala si Lexter pati na rin si Abrylle.
"Anong ginagawa mo riyan?" napalingon ako agad sa likod ko ng may nagsalita. Pagtingin ko, si Abrylle.
"Ah—eh, wala wala. Hahaha." Dali-dali akong pumasok sa loob. Para akong tangang naninigas na naglalakad.
Pag-upo ko, hinanap ko si Leicy, pero wala pa rin siya. Usually kasi si Leicy ang nauuna sa akin pumasok. Pero ngayon, mukha nauna ako sa kanya. Baka hindi rin siya nakatulog ng maayos kagabi. Isa pa 'yon sa iniisip ko. Ano kaya ang naramdaman ni Leicy ng halikan ako ni Lexter, nagalit kaya siya? Alam ko naman na gusto niya si Lexter. Hay nako, kaya naiinis ako sa mokong na 'yon! Ang manhid niya pagdating sa pagytingin sa kanya ni Leicy! Nakakainis talaga siya.
Sa sobrang gigil ko. Pinagsusulatan ko ng kung ano-ano ang notebook ko. Sobrang diin din ng pagsulat ko kaya medyo napupunit na ang notebook ko.
Hay, nako. Mabuti pa, mag-relax muna ako. Huminga ako ng malalim nang mapatingin ako sa katabi ko. Nahuli ko namang nakatingin sa akin si Abrylle. Kaya naman agad ko ring iniwas ang tingin ko sa kanya.
Buong morning class, ramdam kong nakatingin sa akin si Abrylle. Hindi naman sa nagpi-feeling, pero sense na sense kong titig na titig siya sa akin. Hindi pa rin dumarating yung dalawa. Ano kayang nangyari sa mga 'yon?
Lunch. Dahil nga sa wala 'yung dalawa. Mag-isa lang akong kakain ngayon. Hindi naman kasi ako close sa iba kong kaklase, lalo pa't mga alien silang kulay pink. At ang mga alien na kulay na 'yon ay mga babaeng patay na patay kay Abrylle. In short, galit sila sa akin. Hindi ko na lang pinapansin ang kabaliwan nila. Baka mahawa lang ako.
Sinuot ko sa tainga ko ang earphone. Para naman kahit papaano, hindi ako mukhang ewan na baliw dito habang mag-isa sa lamesa. Nilabas ko rin yung binili kong libro. Yung "The 100the Guy who passed by Her" sinisimulan ko pa lang siyang basahin since naging busy ako these past few days.
Habang nagbabasa ako, mayamaya naman ang kain ko. Basta, bahala na. Ayoko lang na may makausap ngayon. Naiinis pa rin ako. Nakatutok ako sa pagbabasa ng mapatingala ako. May umupo kasi sa upuan na nasa harap ko. Natatakpan siya ng libro binabasa ko. Hindi ko na lang pinansin baka naman wala na siyang maupuan.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa librong binabasa ko at kinuha ito. Pagtingin ko kung sino, si Abrylle. Siya pala ang umupo sa upuan sa harap. Nanglaki ang mata ko sa ginawa nito. Tinignan ko naman 'to. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin at hawak ang librong binabasa ko.
"Hindi ka ba tinuruan ng tamang pag-uugali?" pagtataray ko rito. "Bastos ang pagkuha sa librong binabasa ng isang tao." Dugtong ko pa.
"Hindi ka ba tinuruan na bawal magbasa habang kumakain? Kabastusan 'yan sa harap ng grasya." Kalmado nitong sabi.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Ano naman ang pakay nito? Trip niya bang guluhin ang buhay ko?
"So you care? Why don't you mind your own business?" sabi ko rito with my raised eyebrow.
Narinig ko naman ang bulungan ng mga babaeng kulay pink na nasa paligid ng table kung saan ako nakaupo.
"Hey! Look, prince Abrylle eat with that slut!"
"Ugh! She's such a flirty crap!"
"No, she's totally a ambitious one!"
"Ugh! Nakakainis! Ginayuma niya si Prince Abrylle."
Naningkit na lamang ang mata ko sa mga narinig ko. Prince niyo ek-ek niyo. Inyong inyo na 'tong suplado niyong prinsipe. Lelang niyo.
"Yeah, I care. You should eat your lunch first before reading books. Wag kang maging multi-tasking." Napatingin naman ako rito. Oo nga pala. Nasa harap ko pa ang kolokoy na 'to.
"So Tatay na kita? Ang alam ko kasi wala akong Tatay." Nakita kong nabigla siya sa sinabi ko. "If you don't mind. Please excuse me." Inismiran ko siya bago ako umalis sa puwestong 'yon.
Tumayo na ako at naglakad palabas ng cafeteria. Actually, gutom na gutom pa ako, pero dahil sa kolokoy na 'yon. Hindi ko na tinuloy ang pagkain ko. Kailangan ko siyang iwasan.
Ako na nga ang umiiwas siya namang lapit ng lapit sa akin. Pero ako ang nasasabihang malandi. Anak naman ng penguin na baog oh. Hay buhay.
Pagdating ko sa room. Naabutan ko sila Tracy at Courtney na nasa upuan ko. Parang may kinakalkal sila sa bag ko.
"Anong ginagawa niyo?" sabay silang napatingin sa akin sa pagdating ko. "Bakit niyo ginagalaw ang mga gamit ko!"
"Hoy, excuse me, nag-alcohol kami bago hawakan ang pang-mahirap mong gamit! Kaya wag ka nga." Maarteng sabi ni Tracy.
"Pang-mahirap pala eh, so why you two bitches interested in my things?" nagulat sila sa tinawag ko sa kanila.
"What did you just say? We bitches?!" maarteng sabi ni Tracy.
"Hoy," tinulak naman ako ni Courtney sa balikat ko. "Wala kaming kinuha sa gamit mo, may hinanap lang kami."
"Ano?"
"Ang kahinaan mo." Maikling sagot nito at tumalikod na sa akin at tuloy-tuloy na lumabas ng room.
Tinignan ko ang gamit ko kung may nawala. Kahit na mayaman sila, malay mo naman may mga clepto ang mga 'yan at may nakuha sa gamit ko. I checked my valuable things pero wala namang nawala. Nang mapansin ko ang wallet ko. Hindi ko na kasi ito binuklat, wala naman silang mahihita sa wallet ko. Pero may kung ano sa isip ko kaya naman kinuha ko ito at binuksan.
Nanglaki ang mata ko nang makita kong nawawala ang picture ni Mama sa wallet ko.
"Hindi."
Abrylle's POV
"Palipasin mo lang 'yang nararamdaman mo. Nadadala ka lang ng panahon."
Magdamag kong inisip kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya sa akin. Ganun na rin ang pagtatapat na ginawa ko. Wala naman akong dapat na ikahiya dahil 'yon ang sinasabi ng nararamdaman ko. Gusto ko si Laarni. Malamang, nagumpisa ang lahat ng ito ng iligtas niya ako sa ilog. Naging madalas na rin ang pagkakasama niya sa akin. Halos siya lang ang hinahanap ng mata ko tuwing papasok ng classroom. Para bang, mas sinipag na rin akong makinig sa teacher dahil sa kanya.
Pagpasok ko, nakita ko siyang pasilip-silip sa pinto ng classroom. Ano naman ang ginagawa niya? Bakit hindi pa siya pumasok?
"Anong ginagawa mo riyan?" nagulat naman 'to ng magsalita ako sa likod niya.
"Ah—eh, wala wala. Hahaha." Dali-dali siyang pumasok ng room at parang tuod na nanigas habang naglalakad. Ang weird naman ng isang 'to. Napangisi na lamang ako at pumasok na rin sa room.
Nakatingin ako sa kanya habang nakaupo siya. Parang ang lalim ng iniisip niya habang nagsusulat sa notebook. Mayamaya pa, bigla na lang itong nanggigil at dumiin ang pagsusulat sa notebook. Parang asar na asar siya at ang kawawang notebook ang napagdiskitaan niya.
Ilang sandali lang, tumigil ito at huminga ng malalim sabay tingin sa akin. Dahil nga nakatingin ako sa kanya, nagbanggaan ang aming mga tingin. Parang gulat pa siya sa nakita niya. At iniwas din ang tingin niya sa akin.
Sa buong period. Nakatingin lang ako sa kanya, inaasar ko lang siya. Siya naman ilang na ilang sa titig ko. Ramdam ko ang paglikot ng kamay nito na kanina pa pagalaw-galaw.
Sinundan ko siya sa cafeteria. Mag-isa lang siya dahil wala si Leicy. Sino naman kaya ang sasamahan nito? Pagkagaling nito sa counter. Umupo ito sa bakanteng table. Nag-suot ng earphone at nilabas niya ang librong binili niya, 'yon yung librong binili niya ng samahan ko siya.
Nakita kong, habang kumakain siya, nagbabasa siya ng libro. Kakain ulit sabay tingin sa libro. Paulit-ulit niyang ginagawa 'yon.
Lumapit ako rito at naupo sa bakanteng upuan sa harap niya. Hindi naman ako pinansin nito. Dahil siguro sa librong nakaharang.
"Huwag kang magbasa habang kumakain." Sabi ko rito. Pero hindi man lang nagsalita. Bigla kong naalala, naka-earphone nga pala siya. Sa inis ko, bigla kong kinuha ang librong hawak niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.
"Hindi ka ba tinuruan ng tamang pag-uugali?" mataray na sabi nito, halatang ang pagkainis sa tono ng boses niya. "Bastos ang pagkuha sa librong binabasa ng isang tao."
"Hindi ka ba tinuruan na bawal magbasa habang kumakain? Kabastusan 'yan sa harap ng grasya." Sagot ko rito.
Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at pagtalim ng tingin sa akin. Inis na inis na siya.
"So you care? Why don't you mind your own business?" sigaw nito. Nagtinginan naman ang ibang tao na kumakain sa cafeteria sa table namin.
"what the hell? Bakit kasama siya ni Price Abrylle kumain?"
"Is that two going out? Omg! I can't accept this!"
"She's that slut! Ugh! I'm gonna kill her."
Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi nila. I mean, I'm used to it. Pero wala akong pakialam sa mga sinasabi nila. I don't even know that they call me "Prince" or "Mr. Cold". Itawag na nila ang gusto nilang itawag sa akin. Wala akong pakialam.
"Yeah, I care. You should eat your lunch first before reading books. Wag kang maging multi-tasking." Napatingin 'to sa akin, and she's giving that dark look of hers. Hindi ko pinansin 'yon at kalmado lang na nakatingin sa kanya.
"So Tatay na kita? Ang alam ko kasi wala akong Tatay." Nagulat ako sa sinabi niya. "If you don't mind. Please excuse me." I saw her rolled her eyes at me before totally leave me. Hay nako, ngayon naman galit na siya sa akin.
Pinagmasdan ko na lang siya palabas ng cafeteria. Habang palayo siya, naalala ko ang mga panahong, nakakasama ko siya. Pero, hindi ko nga maikakaila. Gusto ko na siya.
Laarni's POV
Naiinis pa rin ako sa nangyari kanina sa cafeteria. Start nan g afternoon class, pero di pa bumabalik si Abrylle mula kanina pang lunch. Paki ko naman? Naiinis nga ako sa kanya eh.
Pumasok na rin sila Lexter at Leicy, pagpasok nila napansin kong kakaiba ang kinikilog ng dalawa. Nakita ko pang magkahawak kamay silang pumasok. Napangiti na nga lang ako sa nakita ko. Bagay na bagay talaga silang dalawa. Sandali? Baka naman kaya di sila nakapasok na dalawa kanina dahil. Ay! Palaka ka, ano ka ba Arni, ang dumi ng isip mo!
"Ready na ba kayo sa Friday? I expect na magiging maganda ang presentation ng bawat isa. Doon natin gaganapin sa theater club ang presentation. So, pwede kayong gumawa ng konting gimik na ikakaganda ng presentation niyo, just don't forget the passion and the meaning of music. Sing it from your heart, feel it like you're the one who wrote that song. Okay class dismiss."
Paglabas ng teacher namin. Napaisip ako, hindi pa nga pala namin perfect ni Abrylle ang presentation. Nakakainis naman, may dapat pa pala akong asikasuhin. Next week na ang final exam. Kailangan ko pang mag-review.
Napalingon ako sa upuan ni Abrylle. Wala pa siya. Paano ko siya yayayaing mag-practice. We only have two days para mag-pratice. Pero asar naman, naiinis pa ako sa kanya. Sandali? Yung libro ko! Oo nga, nasa kanya pa. Tama! 'yun ang gagawin kong dahilan tapos sasabihin kong mag-practice kami! Tama!
Tumayo na ako at tumakbo palabas ng classroom ng tawagin ako ni Lexter. Napatigil naman ako sa pinto at hinarap siya. Seryoso ang mukha at nakayuko.
"Bakit?" maayos kong tanong rito.
"Ah—eh, Arni...gusto ko lang sanang...mag-sorry." Marahan nitong sabi.
"Okay." Sagot ko na ikinagulat niya.
"Hindi ka na galit?" nagtatakang tanong niya. Umiling iling naman ako rito. Hindi na siya umimik pa kaya umalis na ako.
"Sige una na ako, magpa-practice pa kami! Bye!"
Palabas pa lang ako ng gate ng bigla akong pigilan ni Ateng guard. Napatingin ako rito. Sabi niya may ibibigay lang siya. Pumunta siya 'don sa guard house para kunin 'yon. Pagdating nito, inabot niya sa akin yung libro kong kinuha ni Abrylle kanina.
"Sabi ni Master Abrylle ibigay ko raw po sa inyo." Sabi nito.
"Ah salamat. Ate umuwi na ba siya?" tanong ko.
"Hindi pa po. Umalis siya." Sabi nito.
"Saan daw po ang punta?"
Dahil chismakers si Ateng guard at pinilit kong sabihin niya sa akin. Napilit ko siya at sinabi niya kung nasaan si Abrylle nagpunta. Sumakay ako ng jeep.
"Manong sa West Brigde Cemetery po." Ang sabi ko sa driver. Napaisip ako, ano naman ang gagawin ni Abrylle sa sementeryo.
Pagdating ko sa sementeryo. Nilibot ko ng tingin ang paligid para hanapin siya. Napatingala rin ako, at hindi na naman maganda ang lagay ng panahon. Parang uulan na naman. Naglakad-lakad ako sa loob ng cemetery. Private naman ito kaya sure na safe. Maayos din ang mga nakalibing rito. Pagpasok mo, may chapel 'don. Pumasok ako para tignan kung nandun si Abrylle, pero wala naman. Lumabas ako at nakasalubong ko siya. Nagulat naman siya ng makita ako.
"Anong—"
"Ah, wala. Wala lang, bakit ba?" pagdadahilan ko. Nakita ko namang kumunot ang noo niya.
"Sinusundan mo ba ako?" iritableng tanong nito. Napatingin naman ako rito habang naniningkit ang mga mata.
"Kapal neto, yayayain lang kitang mag-practice, kasi sa Friday na yung presentation." Sagot ko rito.
"Ayaw kong mag-practice." Mabilis niyang sabi.
"Anong ayaw? Hoy! Kung ikaw wala kang balak na ayusin ang grades mo, then don't—" natigil ako ng bigla ako nitong hawakan sa kamay at hinalin palabas ng chapel. Natameme ako habang hawak hawak niya ang kamay ko. "Saan mo ko dadalhin? Di mo naman ako ililibing di ba?" tanong ko rito pero di niya ako sinasagot at patuloy pa rin sa paglalakad.
Napahinto ako ng tumigil rin ito. Nasa tapat kami ng isang puntod. Tahimik lang siya habang nakatingin sa puntod.
"Mommy, si Laarni po, ang babaeng gusto ko."
Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya. Dahan-dahan naman 'tong lumingon sa akin. Hindi ko nagawang magsalita. May kung anong bagay sa dibdib ko na sobrang bilis. Pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin. Ang mga titig ng mata niya. Para akong tutunawin nito.
Ngayon, naiintindihan ko na ang sinabi niyang gusto niya ako.