Chapter 18. "Not Meant To Be"
Leicy's POV
Parang may nahulog na bunga ng buko sa ulo ng marinig ko ang sinabi ni Sir. Dahan-dahan akong napatingin dito. Gulat na gulat at hindi makuhang magsalita.
"S-Si Lexter?" tumango naman 'to sa itinanong ko. "Kanino po?" pilit ang mga ngiti ko. Tumayo si Sir at tumingin sa labas ng bintana.
Kinakabahan ako sa isasagot niya. Pinagpapawisan ako at ramdam ko ang luha ko nasa gilid na ng aking mga mata.
"Pag-uusapan pa namin." Ang sagot nito. "Pero gusto ko preperado na ang lahat, at kapag ayos na, ikakasal sila agad." Masayang sabi nito. "Oh? Hija, why are you crying?"
Napatingin ako rito agad. "Ah—eh, nakakaiyak po kasi yung presyo ng mga narito sa portfolio hehehe ang mamahal." Pagdadahilan ko.
"Hahaha nakakatuwa ka talagang bata ka. Wag kang mag-alala. Wala kang gagastusin diyan. Hahaha ikaw talaga,"
"Ah, sige po Sir. May aasikasuhin pa po ako." Sinara ko ang portfolio at nilagay sa table niya tsaka tumayo. "Salamat po sa pagtitiwala niyo sa akin para sa kasal ng anak niyo."
"Walang anuman."
Lumabas na ako sa office niya. Paglabas ko, nakasalubong ko pa ang secretary nito, si Mr. Santos. Nginitian ko na lamang ito.
Paglabas ko, nanatili pa ako sa tapat ng pinto ng office niya. Nakayuko at walang buhay. Para bang hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang mga narinig ko. Si Lexter, ikakasal na.
"Talagang ginawa mo ang inisip mo?" narinig ko pa ang boses ni Mr. Santos sa labas na tinatanong si Master Lourd.
"Oo naman, alam kong may gusto ang batang 'yon sa anak ko." Nanglaki ang mata ko sa sinabi ni Master Lourd. "At di ako papayag na mas mapalapit pa ang anak ko sa isang mahirap na tulad niya. Mas mabuti ng maaga pa lang, malaman niyang hindi magiging totoo ang pantasya niya." Nanlumo ako at naikuyom ang kamao ko sa narinig ko.
"Hindi ka pa rin nagbabago Master. Matalino ka pa rin at tuso."
"Hahahaha, hindi ako yayaman ng ganito kung hindi ako tuso Mr. Santos."
"Nakausap niyo na po ba si Master Andrew?"
"Pagbalik na niya."
Tumakbo ako palabas ng hotel habang patuloy na bumubuhos ang mga luha ko. Ang sakit, ang sakit. Tama siya, dapat matigil na ang pagpapantasya ko.
Naglalakad na ako pauwi. Wala sa katinuan habang nakatulala sa himpapawid. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya.
"At di ako papayag na mas mapalapit pa ang anak ko sa isang mahirap na tulad niya. Mas mabuti ng maaga pa lang, malaman niyang hindi magiging totoo ang pantasya niya."
Nakakainis. One sided love na nga, forbidden love na rin, and me against na the world pa ang sitwasyon ng love story ko. Pero ang mas masakit, ay dahil lamang sa istado ng buhay ng tao, pinipilit na masira ang isang pusong nagmamahal.
Bigla namang tumunog ang cell phone ko. Hindi koi to tinignan. Wala akong ganang kumausap ng kung sino. At alam kong hindi si Lexter ang tumatawag. Iba ang ringtone ng kay Lexter. Nakakainis talaga. Tumigil rin sa pagtugtog ang cell phone ko, tumunog naman ito na ulit. Isang text message ang dumating.
This time, kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinignan ito. Si Arni. Binasa ko ang text niya.
From: Arni
Leicy, alam mo ba kung kailan ang birthday ni Arbylle? ^_^
"Birthday ni Abrylle? Alam ko August 17." Napalingon ako, nasa lugar na pala ako kung saan ang direksyon ng bahay nila Arni. "Puntahan ko na lang kaya."
Naglakad na ako papunta sa bahay nila Arni.
"Alam ko di—" natigil ako nang mapansin ko ang pamilyar na kotse. "Kay Lexter 'to ah." Pinuntahan ko na ito at tinawag si Arni sa bahay nila. Nasa loob si Lexter?
Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina.
"Sorry Leicy, let's continue this on Monday, I really have to go. May appointment ako sa hotel today."
Muli, parang gumuho ang mundo ko. Bakit parang sobra naman na yata ito para sa isang araw? Ang sakit sa puso.
"Sino 'yan?" sumalubong sa akin ang isang babae, Mama yata ni Arni.
"Ah, si Arni po?"
"Sino sila?"
"Leicy po."
"Sandali lang ah?"
Bakit kasama niya si Arni? Akala ko ba may appointment siya? Si Arni ba ang kanina pa niya gusto puntahan?
"O! ikaw pala si Leicy!" nakita ko naman si Arni na lumabas ng pinto. Kasunod 'non, ang isa pang tao. "Hahaha Leicy! Ikaw pala" masayang sabi ni Lexter sa akin.
"Tara pasok ka."
Pinilit kong maging maayos sa harap nila. Hindi ako nagpakita ng lungkot o anumang emosyon na nararamdaman ko ngayon.
" Ah wag na. Saglit lang ako. Galing akong mall, nabasa ko 'yung text mo. Wala akong load kaya pinuntahan kita." Sabi ko kay Arni.
"Ah, nag-abala ka pa. Ang bait mo talaga Leicy." Sabi ni Arni.
"Ano bang tinanong ni Arni?" tanong naman ni Lexter sa akin
"Wala ka na 'dun!" pagtataray k okay Lexter. Tinignan ko naman si Arni. "August 17 ang birthday niya." Masayang sabi ko kay Arni.
"Ah, August 17 pala."
"Bakit mo natanong?" tanong ko sa kanya.
"Teka? Kaninong birthday yan?" panggugulo naman ni Lexter. Nakikita kong, nagseselos siya. At nasasaktan ako. Pero kailangan kong maging maayos sa harap nila kaya pigil na pigil na ang pagluha ko.
"Kay Abrylle! Haha, oo nga 'no? malapit na rin pala. 3 weeks na lang." ang sabi ko sa kanila.
"Sinabihan kasi ako ng isang kaklase na itanong kay Abrylle kung anong gusto niyang regalo." Sabi naman ni Arni.
"Hay, ako? Di mo ba tatanungin kung kelan birthday ko Arni?" ang maktol ni Lexter. Pinagmamasdan ko lang si Lexter.
Ako, alam ko Lexter. Alam ko rin ang ibang bagay tungkol sayo.
"Wala naman akong balak na itanong 'yon sayo." Natatawang sabi ni Arni kay Lexter. Si Lexter naman, napipikon na naman.
Alam mo bang ang gwapo mo pa rin tignan kahit napipikon ka na?
"Tara Leicy, pasok ka muna. May meryenda sa loob." Nabalik naman ang tingin k okay Arni.
"Ah, wag na. Sige uuwi na ako. Bye! See you on Monday." Masaya kong paalam sa kanila at tumalikod na agad.
Pag talikod ko. Saktong bumuhos ang mga luha ko. Naririnig ko pa silang nagtatalo habang palayo ako sa kanilang dalawa.
"Hay, Arni gusto ko alamin mo rin ang mga bagay tungkol sakin." Ani Lexter.
"Belat mo, tara na! pumasok ka na sa loob. Sandali? Anong oras k aba uuwi?"
"Hahaha dito na ako titira, magtatanan na tayo."
"Gusto mong mapilayan?"
Pahikbi-hikbi ako habang naglalakad. Ang mga luha ko walang tigil sa patulo mula sa mata ko. Nakikisabay sa sakit na nararamdaman ng dibdib ko. Ang sakit. Sobrang sakit.
Laarni's POV
Monday. Maulan ngayon. July na rin kasi. Habang naglalakad ako papasok ng gate. Biglang mag lumapit sa akin. At sumabay sa paglalakad ko. Pagtingin ko sa tabi ko. Nakita ko si Abrylle. Naka-jacket siya, kulay black na may halong white at nakapayong. Ibang klase rin ang isang 'to. Nag-aabala pa siyang pumasok sa gate na 'to samantalng hiwalay ang gate ng mga kagaya niya.
"Good morning!" masayang bati ko rito. Pero tinignan lang ako nito at iniwas ulit ang tingin niya. Tulad ng nakasanayan. Pero ayos lang 'yon. Alam ko naman na ganyan talaga. Mr. Cold ng campus. Alam ko rin na ang tulad niyang tao na hindi nakikipagusap at tahimik lang, ay may mabuti pa ring puso.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noong sabado. Yung mukha niyang nag-aalala sa akin. Kung paano niya ginamot ang sugat ko. Napatingin ako sa daliri kong may band-aid pa.
"Magaling na ba?" napalingon ako sa kanya ng magtanong siya, pero di siya nakatingin sa akin at diresto lang sa paglalakad.
"Hindi pa, pero ayos na." masayang sagot ko rito. "Hay, ang lamig naman."
Kakamadali ko kanina. Hindi ko na nakuhang mag-jacket. Nakarating naman na kami sa gate, may bubong na rito kaya naman tiniklop ko na ang payong ko at ganun siya. Naglakad na ako papasok. Nagulat ako ng bigla niya akong pigilan. Hinawakan niya ang wrist ko kaya naman napalingon ako rito.
"Bakit?"
Binitawan nito ang kamay ko at hinubad ang jacket na suot niya at tsaka ito inabot sa akin.
"Ah, wag na! Hehehe, ayos lang ako." Sabi ko rito habang winawagayway ang dalawang kamay ko sa harap niya bilang pagtanggi rito. Ang kaso lang, bilang niyang nilagay sa likod ko ang jacket at siya na mismo ang nagsuot niya sa akin.
Nagulat na lamang ako sa ginawa niya at di na nakuhang tumanggi pa at ibalik ang jacket niya. Pagtapos 'nun. Naglakad na siya pauna, papasok sa gate.
"Salamat!" sigaw ko rito habang may malapad na ngiti sa labi. Kahit na maulan, bakit ang nagiinit ang pisngi ko?
Pagpasok ko sa gate. Lahat ng mga taong makakasalubong ko. Nakatingin sa akin at gulat. Nagtataka naman ako sa mga reaksyon nila. Ano bang meron? Hindi naman naging blue ang balat ko para tignan nila ako ng ganyan. Isa pa, hindi naman ako artista para ganyan sila makatingin sa akin.
"Oh my gosh! Why'd she's wearing Abrylle's varsity jacket?"
"Ah! That's flirty trash!"
' "I can't breathe, my goodness!"
"This is so ****, my eyes are burning!"
Alam ko na kung bakit. Itong mga alien na kulay pink na 'to na nahuhulog ang panty kay Abrylle. Err! Naku, hindi ako kagaya niyo. Naningkit ang mga mata ko dahil sa mga narinig ko. Pagpasok ko naman ng building, bumungad sakin si Courtney with her company.
"What the hell? Bakit niya suot ang varsity jacket ni Prince Abrylle?" iritang tanong ng isa niyang kasama. Siya yung kasama ni Courtney na nagsabing 'This is not over yet' with her so arteng accent.
"Enough Tracy, di yan ang sadya ko sa kanya." Sita sa kanya ni Courtney sabay tingin sa akin. "Ano? Alam mo na ba?" mataray na tanong nito sa akin.
"Ah, di ko pa kasi natatanong. Mamayang lunch, tatanong ko." Sagot ko sa kanya.
"What? Kasabay mong kakain si Abrylle?" epal naman ng kasama niya.
"Hindi, may tatanong lang." inis kong sabi sa kasama niya. Ang epal kasi.
"Tama na Tracy. Okay, tell it to me after class okay? At yang jacket mo. Ibalik mo kay Abrylle kung ayaw mong sunugin kita." Tumalikod na ito sa akin. "Come on Tracy."
Pumasok na ako sa room at nakita kong nandun na rin si Abrylle. Nilapag ko sa upuan ang bag ko at hinubad ang jacket niya.
"Ah, Abrylle—"
"Isuot mo na 'yan. Malamig ang panahon." Seryosong sabi nito pero nakatingin pa rin sa malayo.
"Ayos lang naman—"
"Sabi ko isuot mo na 'yan." Pag-uulit nito. Parang magic spell ang salit nito. Sinuot ko na lang ang jacket niya total nilalamig nga naman talaga ako. Inayos ko ang jacket ng makita ko ang nakasulat sa likod nito. "Eh? Kaya naman pala nila ako pinangtitinginan kanina." Sabi ko sa sarili ko. May naka-burda kasing "De Mesa" sa likod ng jacket. Talaga ngang varisty jacket 'to. Pero ano kayang sports niya?
Lunch break. Nauna na si Leicy at Lexter sa cafeteria. Habang ako humahanap ng tesmpo na itanong kay Abrylle ang pinapatanong ni Courtney. Nang makalabas na ang lahat ng kaklase namin, hinarap ko si Abrylle. Kanina pa siya ganayan. Nakatingin lang sa labas, napatingin ako sa bintana. Maulan pa rin.
"Ah, Abrylle, pwedeng magtanong?" tanong ko rito, pero hindi niya ako pinapansin. "Uy, Abrylle!"
"Ano?" seryosong sagot nito.
"Ah—eh, anong gusto mong gift sa birthday mo?" mab ilis ko natanong sa kanya. Humarap naman 'to sa akin. Kalmado ang mukha. Tulad pa rin dati, matamlay pa rin ang mga mata niyang singlamig ng panahon.
"Bakit?"
"Eh di ba, malapit na birthday mo? Uhm, gusto ko—"
"Paano mo nalaman ang birthday ko?"
"Eh?" nagulat ako sa tanong niya. Gosh, baka isipin niya, isa na rin ako sa mga babaeng nahuhulog ang panty sa kanya. "Ah—eh, naitanong ko lang kay Leicy."
"Interasado ka?" tanong ulit nito. Ano ba 'to? Di ba ako ang magtatanong?
"Uhm, oo."
"Wala. Wala akong gustong matanggap." Supladong sagot nito at tsaka tumayo at naglakad palabas ng room sabay sarado nito.
Naiwan naman akong mag-isa sa loob. Nakatunganga.
"Ano ba 'yan, lagot—" nagulat ako at napatingin sa pintong bumukas. Nakita ko na'ron siya.
Tahimik siyang nakatingin sa akin. Ganun din ako sa kanya.
"Kahit ano, basta galing sa puso." Sabi nito at tsaka tuluyang lumabas.
Napangiti na lang ako at lumabas na rin ng room.
Courtney's POV
"Gosh Courtney! How could that happen? My gosh! I dream of wearing that jacket pero—"
"Enough Tracy, hindi lang ikaw ang naiinis." Pigil ko sa pagmamaktol ni Tracy habang kanina pa pinagbubuhusan ng galit ang pagkain niya.
"Imagine? Talaga palang flirt ang scholar na 'yon! My goodness!"
"I said enough, I have a better idea." Sabi ko rito. Tumahimik naman si Tracy at ngumiti.
"Okay, what is your plan? Haha I know it. What is the evil plan Courtney?" tinignan ko naman 'to, isang tingin na nagsasabing gagawin kong impiyerno ang buhay ng babaeng 'yon.
"You'll know later." Sagot ko rito at tinuloy ang pagkain ko.