App herunterladen
63.76% Trying Again (Tagalog) / Chapter 44: Birthday (5)

Kapitel 44: Birthday (5)

Namula agad ako. Grabe. Paano niya nagawang sabihin yun? At seryosong seryoso pa yung mukha niya. Ako ang nahihiya para sa kanya. Kung sinabi niya siguro 'to last year, namatay na ako sa kilig pero ngayon, oo, kinilig ako kaso parang may mali pa din. At the back of my mind, there's so many things left unaswered.

"Risa," simula ni Keith. Napatingin ako sa kanya ng diretso. Seryoso pa din ang mukha niya.

"Can I still make things right?"

Hindi ako nakasagot. Hindi ko inaasahan na ngayon niya ako tatanungin at mukhang napansin niya ang problema ko. Masyado atang malinaw sa mukha ko. Idinagdag niya, "You don't have to answer me now."

Pagkatapos noon ay nagpaalam na siya at umuwi na din ako. Pagdating ko sa bahay ang nasa isip ko lang ay kailangan ko madistract dahil exams na sa Monday at kailangan kong mag-aral kasi tagilid ako sa math at chemistry lalo na ngayon wala na akong pwedeng matanungan. Nagluto si Mama ng mga paborito kong ulam at naggawa din siya ng pudding. Si ate naman may dalang cake pagkauwi niya. Regalo daw nilang dalawa ni Lance.

Nagbukas din ako ng facebook kinagabihan, medyo madami ding bumati pati si Jared, busy pa din daw siya kaya hindi siya nakadalaw. Mga 10 pm, kakalog-out ko lang sa facebook ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tinignan ko, medyo nagulat ako dahil pangalan ni Stan ang lumabas. No big deal baka binati lang niya ako ang nasa isip ko pero isang maling akala pala yun.

'Labas ka.'

Yun lang ang laman ng text niya. Hindi ko naman masisilip sa bintana ko dahil sa gilid ang kwarto ko. Nag-isip ako ng konti bago ako lumabas ng kwarto. Ito na yung pagkakataon para magkabati na ulit kami ni Stan. Tumigil ako sa tapat ng bintana sa hallway bago maghagdanan na kita ang harapan ng bahay namin. Nakita ko si Stan. Nakahood siya na navy blue at mukhang nabasa niya ang isip ko dahil nakaabang siya. Napansin niya kaagad ako. Sumenyas siya na bumaba na ako.

Dali-dali akong bumaba pero medyo kinakabahan pa din ako. Pagkalabas ko ng gate, nakatungo si Stan habang nakapamulsa.

"Pasok ka?" tanong ko sa kanya ng lumipas na ang isang minuto at wala pa din nagsasalita sa amin.

"Hindi na," sagot niya. Medyo iba ang boses niya, gawa siguro ng sipon. Ibig sabihin may sakit talaga siya. Mayamaya ay tumunghay na siya at tiningnan ako.

"Happy birthday nga pala," sabi ni Stan tapos may inilabas siya galing sa bulsa niya at inabot sakin. Maliit lang ito at nakabalot din sa brown wrapping.

Isang monotone na salamat naman ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na bawiin yung mga sinabi ko sa kanya o paano uli kami magkakabati. Napaubo siya at napasinghot ng konti. Nakita kong napahawak siya sa ilong niya. "Umuwi ka na, Stanley Ramirez. Pwede naman saka na lang tong regalo mo. Baka lalong lumala yang sakit mo."

Kahit gusto ko pang makipag-ayos sa kanya pero mukhang mahilo hilo na siya at sa ngayon, kuntento na ako na hindi niya nakalimutan ang birthday ko.

"Risa." Tinitigan niya ako sa mata. "Huwag mo na uling sasabihin na mahal mo ako ng higit pa sa kaibigan."

I froze. Did I heard him right? Why did he have to be so serious? Para tuloy, hindi parang, sobrang hindi niya tanggap ang ideya na maaaring mahal ko siya ng higit pa sa kaibigan. Hindi ako sigurado kung bakit pero nasaktan ako sa sinabi niya. Feeling ko nareject ako kahit hindi naman talaga ako nagconfess. Paano naging ganito ang lahat? Did he really have to say all those things?

Nagbago ang poker face niya. He suddenly looked like he was having a hard time and there was a hint of sadness. "Alam ko namang nabigla ka lang last time. Importante ka sakin, Risa. I don't want to lose you over something like that. Alam ko nagkamali ako dahil itinago ko sayo pero andyan na uli si Keith. Pwede mo nang patunayan sa kanya na siya ang mahal mo at wala kang nararamdaman para sa akin."

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang itsura ng mukha ko sa mga oras na iyon. Ang alam ko lang ay nireject ako ng best friend ko kahit hindi pa ako sigurado na mahal ko talaga siya. And even if I do love him, I'd lose him. I'd lose the person I don't ever want to lose.

"At please 'wag ka na uli magyoyosi. I'd make time to hang out with you. Makikinig ako sa lahat ng reklamo at pagseselos mo. So please, please don't ruin our friendship."


AUTORENGEDANKEN
wickedwinter wickedwinter

55k views seem doable by tomorrow. As promised, there will be an update tomorrow. Thanks!

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C44
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen