Leo's Pov
Nag aalala ako kay Blessy. Susundan ko sana kaso pinigilan ako ni daddy.
"Pabayaan mo muna sya. Malamang hinatid na ni V si Blessy. Hindi pababayaan ng tito mo ang asawa mo." sabi ni daddy.
"Alam ko naman po iyon kaya lang nag aalala ako." sabi ko.
"Hayaan mo muna sya. Masakit talaga ang ginawa mo. Pinaasa mo sya. Kahit naiintindihan ko ang dahilan mo ay mali pa din na naglihim ka sa kanya. Kami ng mommy nyo ay walang lihiman gaano man ito kasakit kasi ayokong mawala si mommy nyo sa akin." sabi ni dad.
"Hindi ko po masabi sa kanya kasi po sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyaring pagsagip nya sakin. Kung hindi lang nya ako sinagip ay hindi mangyayari sa kanya yun." sabi ko.
"Gusto mo ba kausapin ko si Blessy kambal?" tanong ni Lala.
"Hindi na. Hahayaan ko muna sya pero susuyuin ko na lang sya." sabi ko.
"Tama yan. Yun na lang ang gawin mo. Kausapin mo sya ng masinsinan. Nabigla lang yung si Blessy. Habaan mo pa ang pang uunawa mo sa kanya." payo ni daddy.
"Mauna na kami kuya sa baba." sabi ni Lala.
"Sige po." sabi ko. Nahiga ako sa kama ko puno ng pagsisisi. Hindi ko naman gustong ilihim sa kanya yun.
Napagdesisyunan ko na bumaba na rin. Ayoko namang magmukmok sa loob ng kwarto. Lalo ko lamg namimiss ang asawa ko. Tumabi ako kay mommy sa hapagkainan.
"Okay ka lang ba kuya?" tanong ni mommy.
"Hindi po masyado. Kasalanan ko naman po eh." sabi ko.
"Sorry kambal." sabi ni Lala.
"Hindi mo kasalanan yun. Huwag ka mag alala hindi ako galit." sabi ko sa kanya.
"Inihatid ni tito mo V ang asawa mo. Wag ka na mag alala. Isipin mo na lang kung paano mo susuyuin ang asawa mo." sabi ni tita Jennie.
"Oo nga ipaliwanag mo sa kanya na marami pang options para magkaanak kayo. Dalhin mo sya sa opisina ko." sabi ni tita Rose.
"Akala ko pa naman magcecelebrate tayo ng masaya. Ano ba ang nangyari? Bakit naglayas yung asawa mo?" tanong ni tita Jisoo.
Ipinaliwanag ko sa iba ang nangyari at ang dahilan ng paglalayas ng asawa ko. Tulad din ng nararamdaman ko, yun din ang sinasabi nila. Kasalanan ko kung bakit ako naglihim at naintindihan nila ang reason ko.
"Alam mo Leo, sa tagal ko na pagiging doktor ay masayang makita na buntis ang pasyente ko. Makikita mo sa kanila ang galak. Meron ding halos pagsakluban ng langit at lupa ang iba na hindi magkaanak. Yan ang nararamdaman ng asawa mo. Bilang isang babae, yan ang pangarap ng bawat isa sa amin. Masakit para sa kanya alam ko yun. Kaya dapat sabay nyong harapin ang problema na yan." sabi ni tita Rose.
"Tara na kumain na lang tayo. Ikain mo muna yan tapos mamaya tuturuan ka namin kung paano paamuhin ang asawa mo." sabi ni tito Jin.
"Hahaha pare ang aga mo namang maging separated. Sabi sayo bilhan mo ng matibay na helmet eh." sabi ni Chrys. Binatukan naman ito ni tito Jimin.
"Nagsalita ka na naman, pagsayo nangyari yan tawanan kaya kita." sabi ni tito Jimin.
"Oh inuman na para matanggal ang problema mo." sabi ni Vincent.
"Alien ka talaga. Alam mong pag uminom makakalimot ka lang saglit pero hindi matatanggal nyan ang problema nya." sabi ni Justin na anak ni tita Jisoo.
"Huwag ka mag alala, tutulungan ka namin kuya Leo. Wag mo pakinggan yang dalawa na yan at baka lalong sumakit ang ulo mo." sabi ni Vanna.
"Oo nga kuya." sabi ni Venice.
"Salamat sa inyo pero problema ko ito. Kakayanin ko lahat ng problema ko. Kapag hindi ko na kaya ay saka ako magpapatulong sa inyo. Kasalanan ko kaya ako dapat ang magdusa." sabi ko.
"Pero kapag hindi mo na kaya ay nandito lang kami na aalalay sa iyo. Sa inyong dalawa ni Blessy. Huwag kang mag aatubili na lumapit sa amin. Tutulungan namin kayo agad." sabi ni tito V na kakapasok lang ng bahay.
"Tito V, kamusta po ang asawa ko? Saan nyo po sya hinatid? Nag iiiyak po ba?" tanong ko.
"Maayos lang ang asawa mo. Huwag kang mag alala sa bahay lang ng lolo at lola nya ko sya hinatid. Ano sa palagay mo? Nag iiiyak ba asawa mo?" balik na tanong ni tito V.
"Opo, sa tingin ko po." sabi ko.
"Naglalabas lang yun ng sama ng loob. Hindi naman ganun kagalit sayo ang asawa mo. Nabigla lang sya." sabi ni tito V.
"Tingin nyo po?" tanong ko.
"Oo naman. Mabuting bata ang napangasawa mo. Hindi yun susuko sa maliit na problema lang." sabi ni tito V.
"Hala magugunaw na ba ang mundo? Nagseryoso na naman ang alien." sabi ni tito Jin.
"Hala pakinggan nyo yan. Minsan lang yan. Mabibilang lang sa daliri kung magseryoso yan." sabi ni daddy.
"Kahit kelan kayo panira kayo ng mood. Nag eemote pa ako, kailangan ako ng anak kong panganay." sabi ni tito V.
"Daddy hindi ako ang may problema." sabi ni Vincent.
"Hindi ikaw, si Leo. Kapatid mong panganay. Ilamg beses ko bang sasabihin sayo yun." sabi pa ni tito V.
"Bwisit ka alien! Nang angkin ka na naman ng anak." sabi ni daddy.
Nagpatuloy ang kainan. Iniba nila ang usapan at alam kong para hindi ako malungkot. Pasalamat ako dahil nandyan ang pamilya ko sakin. Pagkatapos ng kainan ay nagsiuwian na sila. Natira na lang kami nila daddy at mommy.
"Kuya, kailangan mo ba ng kausap?" tanong ni mommy.
"Mommy..." Hindi ko na napigilan umiyak. Sinisisi ko kasi ang sarili ko dahil ako ang dahilan kung bakit hindi na sya magbubuntis. Humagulgol ako habang yakap yakap ni mommy.
"Huwag kang mag alala, alam kong maiintindihan ka ni Blessy. Nagpapalipas lang ng sama ng loob yun. Intindihin mo na lang. Huwag mo din sisihin ang sarili mo at alam kong hindi ka nya sinisisi. Hindi nyo kagustuhan mangyari yun." sabi ni mommy.
"Tama ang mommy mo. Tatagan mo ang loob mo. Ngayon ka kailangan ni Blessy. Hindi madaling tanggapin ng isang babae ang ganyang kalagayan. Kaya nyo yan. Isa lang yan sa mga pagsubok na darating sa buhay nyo." sabi ni daddy.
"Hahanap tayo ng paraan anak para magkaanak kayo." sabi ni mommy.
Matagal din akong umiyak sa magulang ko. Noon lahat kinakaya ko. Kahit anong problema ang dumating sakin nareresolba ko iyon ng mag isa. Pero ngayon naramdaman kong kailangan ko ng magulang. Buti na lang sila ang magulang ko. Very understanding at sobrang mapagmahal.
Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga. Feeling ko hinang hina ako dahil sa pag iyak ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Blessy. Nagring ito ng 5 beses bago nya sinagot.
"Hello love, pakinggan mo muna ako. Kahit wag ka na lang magsalita basta wag mo akong babaan. Miss na miss na kita. Sorry sa nagawa kong paglilihim sayo. Alam kong mali, kaso naduwag ako. Isa pa hindi ko matanggap na ako ang dahilan kung bakit ganyan ang sitwasyon mo. Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko." sabi ko. Narinig ko naman na humihikbi sya.
"Patawarin mo ako love, kung gusto mo munang makapag isip pagbibigyan kita. Gusto ko lang marinig ang boses mo kahit bago ka matulog. Kapag nagbago na ang isip mo at gusto mo nang umuwi sa akin, sabihin mo lang agad at susunduin kita. Mahal na mahal kita." sabi ko.
Pagtapos ng sinabi ko ay pinatay na nya agad ang tawag ko. Panalangin ko lang na wag magtagal ang galit sakin ni Blessy.