Mag a alas sais na ng gabi nang mag umpisang magsidatingan ang mga bisita sa bahay ng mag asawang Cecille at Benjie. Naging abala na ang kaibigan sa mga dati nitong katrabaho at sa mangilan ngilan na bisita ng asawa nito.
Pinagkaguluhan ng mga bisita si Belle habang mula sa hindi kalayuan ay sinusundan ni Arielle ng tingin ang mag anak na masayang nakikihalubilo sa mga bisita. Nakalarawan sa gwapong mukha ni Benjie ang kaligayahan, he must be very proud of his daughter. Belle was very cute and bubbly.
And then she wondered.. ganundin kaya ang lalaki sa hotel kung makikita nito si TJ? Would he be as proud?
Mabilis niyang pinalis sa isip ang alaala ng lalaking iyon.
Nakapagmove on na siya sa pagkakamaling iyon. Dapat ay kasabay na nawala sa sistema niya ang estranghero. Hindi siya dapat umaarte ng ganun, to think na isang buong magdamag niya lang ito nakasama.
Isa pa, kung sakali mang magkita sila ulit nito, wala siyang balak ipaalam dito ang tungkol sa koneksyon o relayson nito kay TJ. Magiging komplikado lang ang lahat. Paninindigan niya sa mga kakilala ang hinabi niya noon na kasinungalingan.. Tinalikuran ng Tatay ni TJ ang obligasyon nito sa anak nila.
Kahit kinukulit siya ni Ate Zeny at ni Cecille na magkwento ay nanatiling tikom ang bibig ni Arielle. Sa lahat, si Ate Zeny lang ang hindi kumbinsido sa istorya niya.
"Umamin ka sa akin, Arielle. Sinunod mo ba ang payo ko sa'yo nung gabing iyon..?" Pangungulit nito sa kanya tatlong araw matapos niyang makumpirmang nagdadalantao siya.
Ang kapatid ang una niyang pinaalam sa kalagayan. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga magulang na buntis siya. Hindi niya gustong igiit ng mga ito lalo ang kasal niya kay Busty, tiyak kasing iisipin ng Papa niya na ito ang Ama.
Nag iwas siya ng tingin sa kapatid nang makita niya ang pag aalala nito.
"I told you already, Ate.. Matagal ko ng ka fling ang Ama ng ipinagbubuntis ko. Unfortunately, hindi pa siya handa sa commitment kaya ayaw niyang panagutan.."
"Don't lie to me, Arielle.." worried na putol ni Zeny pagkatapos ay natutop ang sariling bibig sa realisasyon. "Oh my God, I made you do it.. This is my fault.. dahil nagrerebelde ako nun sa Papa mo kaya kung ano ano ang lumalabas sa bibig ko..."
Nakagat niya ang pang ibabang labi pagkatapos ay..
"What are you talking about, Ate Zeny. May ka fling ako sa hotel na pinapasukan ko.. he's the father of my child."
Hindi niya gustong dalhin ng kapatid ang guilt. Alam niyang isinuhestyon iyon ng kapatid out of rebellion. But she's old enough to know na mali iyon pero sumige pa rin siya. Walang dapat sisihin kung hindi siya.
"Bestie!" Kaway sa kanya ni Cecille na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Nakita niyang iniabot nito sa yaya ang anak na nakatulog na pala sa bisig nito.
Nakangiting umahon siya sa pagkakaupo sa stool sa kabilang lamesa at lumapit sa grupo. Si Benjie ay kausap naman ang ilang katrabaho nito sa isa pang mahabang lamesa.
"Guys, I'd like you all to meet my bestfriend, Arielle." Pagpapakilala sa kanya ni Cecille sa mga dating katrabaho.
Anim ang nakaupo sa long table. Tatlo sa mga bisita ng kaibigan ay nakilala niya na dati sa wedding day ng mag asawa two years ago. Dangan nga lang at hindi niya na maalala ang mga pangalan ng mga ito, except for Ralph na panay ang pacute sa kanya noon. Tumatak sa isip niya ang dimple nito sa kaliwang pisngi at ang nunal sa ibaba ng labi.
"Hi." Bati niya sa mga ito. Umusal siya ng pasasalamat nang ipaghila siya ni Ralph ng upuan.
"Single ka pa rin, Arielle?" Tanong ni Ralph sa kanya.
"Single mom." tugon niya.
Nagkamot ng batok ang lalaki. "Ako din eh. Single habang buhay.."
"Sa hotel ka pa rin ba nagtatrabaho, Arielle?" Tanong ni Verna na una niyang nakilala sa simbahan sa Cebu kung saan ikinasal ang kaibigan at si Benjie.
"Naku. Nagresign na 'yan, Verna. Nagtya tyaga sa isang kumpanyang maliit ang pasahod at walang kakayanang pumili ng ipo promote na empleyado." Si Cecille na bahagya pang umirap.
"Oh. Eh bakit hindi ka na lang mag apply sa DeMar chain of hotels? Nag open na ang DM Hotel and Casino Manila branch nung nakaraang buwan at naghahanap ng secretary ang big boss." Si Olga ang nagsalita. Tantiya niya ay mas matanda lang ito sa kanya ng dalawa o tatlong taon.
"What happened to Thelma, yung pumalit sa akin?" Tanong ni Cecille.
"Nakiusap kay Boss na magpaiwan sa Cebu Branch. May mga anak at asawa na rin kasi si Manang Thelma, Celle. Nagda dialysis pa ata ang Tatay kaya pinayagan na lang ni Boss na siyang maging sekretarya ng bagong appointed na manager."
"Narinig ko nga na si Boss ang magma manage ng Manila branch pansamantala." Tango ni Cecille pagkatapos ay nilingon siya. "Give it a shot, Bestie. Mabait si Sir Theo."
"Uh-uh.. Nakalimutan mo iyong sobrang ma appeal, macho, mabango at masarap bigyan ng torrid kiss, Cecille." nakangising ani Verna sa pagitan ng pagnguya ng bistek tagalog na inihanda ng cook ng mag asawa.
Tumawa ang mga naroroon. Nakitawa rin siya. Binalewala ang kumidlit na kung ano sa isip niya nang marinig ang pangalang Theo. She shrugged her shoulders as she focus on the on going conversation.
Goodness, ni hindi nya nga alam ang pangalan ng lalaking iyon... just that he looked like Theo James kaya naman pinangalanan niya itong Theo.
"Kung irerekomenda mo ako, bakit hindi?" Biro niya.
Pinag iisipan niya na rin naman talagang maghanap ng ibang trabaho. Kahit nadadalawang isip siya tuwing naiisip niya na panibagong application na naman at pakikisamahang bosses at mga katrabaho. Pero kapag ganitong may maganda namang offer sa kanya, iga-grab niya.
"Just don't fall for the big boss, Arielle." Paalala ni Verna. "Selosa ang ex girlfriend ni Sir Theo, lahat ng babaeng nali-link kay Boss ginagawan niya ng paraan para matanggal sa trabaho."
"Wala sa isip ko ang lovelife ngayon, Verna."
At duda siya kung magiging interesado siya sa kahit sinong lalaki. Simula kasi nang mangyari ang nangyari dalawang taon na ang nakakaraan, mas naging choosy siya. Marahil dahil gusto nyang kilatisin ng husto ang lalaking pipiliin nya na tatayong Ama ni TJ.
Syempre, bilang Ina uunahin niya ang kapakanan ng anak. Hindi nya gustong magpadalos dalos sa lalaking papapasukin niya sa buhay nilang mag Ina.
Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang ang light na usapan kanina ay nauwi na sa halakhakan. Nakainom na ang mga bisita at nangungulit na si Verna. Nag excuse siya para magtungo sa banyo sa unang palapag ng bahay ng mag asawa.
Palabas na ulit siya ng kabahayan nang tumunog ang cell phone niya. Ang Yaya ni TJ ang nasa kabilang linya.
"Ate Maring?"
"Arielle, nandito sa bahay ngayon ang Manong Tonio mo, sinusundo ako.." naiiyak na anito. Ang Tonio na binanggit ay ang nakatatanda nitong kapatid na taga Tarlac.
Nakilala niya na halos ang buong pamilya ni Maring nang magbakasyon sila sa Tarlac ng ilang araw kasama ang buong pamilya. Si Manong Tonio ang nagsilbing tour guide nila noon.
"M-may problema ho ba?" Nag aalalang tanong niya.
"Inatake sa puso ang Papang.. Nahihiya ako sa'yo pero gusto ko sanang humingi kahit ilang araw na bakasyon lang para maalagaan ko siya.."
"Uuwi na ho ako kung ganun para hindi kayo abutin ng madaling araw sa daan. Magpapaalam lang ako kina Benjie at Cecille." Tinapos niya na ang tawag.
Nag aalala siya para sa Papang ni Ate Maring. He was eighty six years old already at totoong mahina na at sakitin.
Nakasalubong niya si Cecille sa sala.
"Bestie, I think I have to go. May emergency sa bahay."
"Oh! Is it TJ?" Worried na tanong ng kaibigan.
Umiling siya. "Si Ate Maring kailangang lumuwas ngayong gabi pauwi ng Tarlac."
Nakahinga naman ng maluwang si Cecille.
"Sige sige, wait lang. Ihahatid kita sa may gate."
Iniabot ni Cecille ang hawak na pinggan sa kasambahay nito bago siya inakay patungo sa labas. Dinampot niya ang shoulder bag sa upuan nang makabalik sa lamesa. Nagpaalam na siya sa mga naroroon.
"See you, Arielle." Si Ralph na sumaludo pa.
"See you." Aniya pagkatapos ay sumunod na siya sa mag asawang nagpatiuna na patungo sa gate.
Nakaparada sa labas niyon ang pinaglumaang camri ni Troy na ibinigay sa kanya bilang service.
Nasa tapat na sila ng kotse niya nang harapin niya ang mag asawa.
"Happy Birthday ulit, Bestie. Pasensya na ha, magkita na lang ulit tayo some other time. Isasama ko na si TJ, next time."
"Sabi mo 'yan ha?"
"Yes, Maam. I-kiss mo na lang ako kay Belle." Aniya pagkatapos ay humalik sa pisngi ng kaibigan.
Kumaway sya kay Benjie na gumanti ng pagkaway. Pasakay na siya sa kotse nang mapansin nila ang pagparada ng kulay itim na fortuner sa harap ng bahay ng mag asawa.
"Baka ang dating boss mo na 'yan, hon." Ani Benjie na umakbay sa asawa.
"I think it's him. He's early.." ngiti ni Cecille.
Doon din siya nakatingin bago tinapik ang braso ng kaibigan.
"Pa'no, mauna na ko ha?"
Sumakay na siya sa kotse nang gumanti ng tapik ang kaibigan niya at yumakap sa kanya.
Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinasibad na iyon palayo. Hindi niya nakita ang mabilis sanang pagbaba ng lalaking sakay ng itim na fortuner sa sasakyan nito, kunot na kunot ang noo habang sinusundan ng tingin ang papalayo niyang kotse.
"Akala ko bago mag alas onse ka pa darating, Boss.." si Cecille na lumapit na sa bagong dating. "Nung kasal namin ni Benj, madaling araw ka na yata nakarating sa reception hindi na tayo nagkita."
Natawa ang lalaki, flashing complete set of strong white teeth. Pinilit ang sariling ilayo ang mga mata sa kotseng unti unti na ring nawawala sa paningin nito.
"I reserved the top floor for your honeymoon and yet you didn't use it. Ako ang dapat magtampo dito, Mrs Benjie Madrid." Anang lalaki na kinamayan ang asawa ng dating sekretarya pagkatapos ay humalik sa pisngi ni Cecille.
"Magtatampo ang Mama ni Benj kung hindi sa ipinareserve niyang resort kami magha honeymoon, Boss."
"Mas understanding ka naman, pare kaysa sa Mama ko." Nagkakamot ng batok na segunda ni Benjie.
Nagkibit balikat ang lalaki. "Well, I guess I am."
"Tara sa loob, pare. Nasa loob pa ang mga empleyado mo.." anyaya ni Benjie na nagpatiuna na papasok sa gate.
Umabresente naman si Cecille sa bagong dating.
"Celle, who's the lady who just left?"
Kumunot ang noo ni Cecille. "Yong nakakotse?"
"Yeah."
"Bestfriend ko. Sayang nga hindi ko na kayo naipakilala sa isa't isa. Nagmamadali kasing umuwi at may emergency ang kasambahay niya."
Nagpatango tango ang lalaki.
"Oh, nga pala, I've heard bakante ang upuan ng sekretarya mo, irerekomenda ko sana siya. Very competitive and efficient si Arielle, nakapagtrabaho na siya dati sa isang hotel.."
"What's her name again?"
"Arielle, Arielle Paulino."
"Arielle.." ulit nito na tila ninanamnam ang bawat letra sa pangalan niya. Nilingon nito ang kalsada na tila nakikita pa nito roon ang babaeng sumakay ng kulay asul na camri.
Small at five feet two. Slender body, small firm breasts, narrow hips na ibinagay sa maliit na baywang. Long soft curly hair na kulay warm brown na tiyak niyang natural.
The lady who stormed on his hotel room door two years ago at walang anumang nag alok na i devirginized ito.
"Well, tell her to meet me on Monday. She has just been hired.."