App herunterladen
21.27% PRIDE of Friendship / Chapter 20: Chapter 19: Cousin or  Cousintahan?

Kapitel 20: Chapter 19: Cousin or  Cousintahan?

Kinabukasan nagulat si Kenny ng biglang sumigaw si Barbie kaya dali-dali syang nag tungo sa kwarto nito at nakita nya si Barbie na nasa cr.

"A--Anong nangyayare?"

"Nahulog yung contact lens ko."

"Ha?"

"Nahulog nga!!!"

"Oo sinabi mo na nga kumalma ka nga muna."

"Paano ko kakalma eh malabo ang mata ko."

"Eh?"

"Haysss…kainis! Lagot ako nito kay mommy ang mahal pa naman nun."

Papalabas na sana si Barbie sa cr at napansin ni Kenny na nanganga pa nga ito at muntik pa nitong mahawakan ang ano nya.

"Hoy!"

"Ano?! Umalis ka nga diyan hindi ko maaninag ang daan."

Pumagilid naman agad si Kenny at pinagmasdan nya si Barbie na nahirapan sa paglalakad ito.

"Ma—Malabo pala ang mata mo?"

"Oh? Sige ipagkalat mo para mabully ako."

"Wa— Wala naman akong sinasabi…" tinulungan nyang ilapit ang suklay na hinahap ni Barbie pero dinahan dahan nya lang para hindi sya mahalata nito.

"Ano pang ginagawa mo dito? Labas!"

"O—Oo na! Ahm… wala ka bang extra na lens? Or salamin sa mata?"

Bata palang si Barbie malabo na ang kanyang mata kaya nung nag highschool sya nag pabili na sya nag contact lens sa mommy nya dahil tinutukso sya sa makapal nyang salamin nun.

"Wala, nung na sunugan kami sa Manila tanging ang suot lang namin ni mommy ang na salba namin kaya hindi ko na nagawang kunin ang glasses ko." tumayo naman sya at kinakapa ang kanyang sapatos kaya inilapit naman uli ni Kenny para hindi na ito mahirapan.

"Ahm… paano ka?"

"Anong paano ka?"

"Malabo ang mata mo at wala kang contacts or salamin sa mata tapos papasok ka? Wag nalang ako ng bahala mag sabi."

"Tsss… ano na naman toh? May ginawa ka na naman bang kasalanan at kailangan bait baitan ka na naman sakin? Ayoko ng ma issue sayo buti nga naniwala ang mga kulto mo na mag pinsan talag tayo. Tsss!"

"Aba't! Bahala ka na nga sa buhay mo!" lalabas na sana sya pero na kunsensya sya kasi inaalala nya si Barbie dahil malabo ang mata nito at hindi makalakad ng ayos. "Haysss… lika na nga!"

Binuhat nya si Barbie para bumaba sa hagdan "ibaba mo nga ko! nawiwili ka na!"

"Epal ka talaga! Pupunta tayo sa optical clinic."

"Ha?"

"Wag ka na ngang maraming tanong."

Nang makalabas yung dalawa nakita sila ni Thew na dapat susunduin si Barbie para isabay sa pag pasok sa school pero pinili nitong hindi nalang bumaba ng kotse nya "kuya?" ang sabi ni Daryll na ihahatid ni Thew sa school nito.

"Hmm?"

"Bakit hindi po tayo bumaba ayun na si ate Barbs oh."

"Hindi na baka malate ka pa ihahatid nalang muna kita."

Napansin naman ni Daryll na nalungkot bigla ang kuya Thew nya dahil parang ang sweet nila Kenny at Barbie at yun lang ang unang pagkakataon na may inangkas si Kenny sa motor nya.

"."

Mabilis namang nag patakbo ng motor si Kenny kaya hawak na hawak si Barbie sa may likuran ng motor.

"Anong ginagawa mo? Baka matanggal yang bakal na yan."

"Mag drive ka na nga lang dyan at bakit wala tayong helmet?"

Bigla namang inihinto ni Kenny ang motor nya at nauntog si Barbie sa likuran nito "ano ba?!"

Kinuha naman ni Kenny ang kamay ni Barbie at inilagay sa bewang nya "humawak ka ng mahigpit para hindi ka mahulog."

"Ayoko!"

Kenny smirked "okay, ikaw ren." At pinaharurot nya na yung motor kaya no choice si Barbie kung hindi ang mapa yakap sa kaniya.

"Mag dahan-dahan ka naman dyan!"

Napangiti naman si Kenny at lalo pa nyang pina bilis ang pagpapatakbo ng motor nya kaya ng makarating sila sa optical clinic gulo-gulo na ang buhok ni Barbie.

"Pffft… dinaanan ba ng bagyo ang buhok mo?"

"Ikaw!!!"

Inayos naman ni Kenny ang buhok ni Barbie at nilagyan nya ito ng pony "ang bango ng buhok nya."

"Ano yon?"

"Wa—Wala…halika na pumasok na tayo at baka malate pa tayo sa school." Nauna na sya sa pag pasok at nalimutan nyang hindi nga pala makakita ng ayos si Barbie kaya binalikan nya ito. "Kainis! Lika na." inalalayan nya si Barbie papasok sa clinic.

"Kuya Sid!" Ang bungad ni Kenny.

"Yow! Ang aga mo close pa ko at… sino sya?"

"Ahhh…si Barbie kinakapatid ko."

"Eh? Wag ka ng mahiya gf mo?"

"Hindi noh!" Ang sabay sambit nila Barbie at Kenny.

"Okay… Okay…chill, anong kailangan nyo?"

"Ahm…bago ang lahat Barbie siya si kuya Sid sya ang mag bibigay sayo ng salamin."

"Ophthalmologist sya?"

"Yeah, anong kailangan nya? Contacts or glasses?"

"Hindi naman makukuha agad ang contacts di ba? Kaya bigyan mo muna sya ng glasses, kuya."

"Ohhh…yes may pasok pa nga pala kayo."

"Oo kaya pwede ba check mo na agad ang grado nya kuya dahil malapit na kaming ma late."

"Okay kaya ko namang gawan ng paraan pero male-late kayo ng konti."

"Ayos lang anak naman po ng principal si Kenny."

"Yah…ako ng bahala sige na kuya gawin mo na ang dapat mong gawin."

Bumulong naman sa kaniya si Sid "yung totoo hindi mo lang sya kinakapatid no?"

"Heh!"

"Sus…aminin mo na sa tagal-tagal na nating mag kaibigan ngayon ko lang narinig na gagamitin mo ang pagiging anak ng principal mo at mukhang inangkas mo pa sya sa motor mo."

"Tignan mo nga lang ang mata nya. Issue ka eh."

"Tsss… wag ako bro."

At chineck up nya na nga si Barbie habang pangiti-ngiti kay Kenny na para bang niloloko nya ito.

Samantala,

Nakarating naman na si Thew sa classroom nila at tinanong agad nya si Gaile kung nasan si Barbie.

"Ah, wala pa pati nga si Kenny wala pa."

"Wala pa? Naka motor sila eh."

Naki sali naman sa usapan si Uno "sinong sila? si Kenny inangkas si Barbie sa motor nya? Imposible!"

Napatingin naman si Gaile kay Thew at napansin nyang nag sisimula na itong magalit "Thew, sabihin mo hindi talaga pinsan ni Kenny si Barbie. Tama?"

"Kailangan ko ng umalis may practice pa ko."

Hindi naman na pinigilan ni Gaile si Thew dahil alam nyang hindi naman niya mapipigilan ito.

"San daw pupunta yon? Practice? Lagot na naman sya kay Ms. Elmundo." Ang sabi ni Uno.

"Mag review ka na nga lang may quiz raw."

"Talaga ba? Hala, hindi ako nag review."

"May bago ba?"

"Hayss… ang sama mo talaga pa kopyahin mo ko ha?"

"Ewan."

"Sige na."

Bigla namang pumasok si Quinley na galing sa teacher's office.

"Guys, makinig kayo wala si Ms. Elmundo ngayon pero may kailangan tayong sagutang problem na kailangan rin nating ipasa mamaya kaya kung ako sainyo sagutan nyo na agad bago pa matapos ang meeting ng mga teacher." Ang sabi ni Quinley at ipinamigay yung mga quiz paper sa mga kaklase niya.

"Bakit biglaan naman ata ang teacher's meeting?" Ang sabi naman ni Hannah.

"Hindi ko alam pero mas okay ng wala dito si Ms. Elmundo dahil nakakatakot sya."

"Oo nga." Ang pag sangayon ng iba kay Quinley.

"Sige na mag sagot na kayo…" napansin naman nyang wala yung tatlo nila Barbie kaya tinanong nya si Uno "nasan si Kenny? At Gaile nasan na naman si Thew? At bakit wala pa rin si Barbie?"

"Hindi namin alam pero si Thew sure may practice." Ang sagot ni Gaile.

"Baka malapit na rin si Kenny mag kasama naman sila ni Barbie sa bahay baka mag kasabay na yung dadating dito." Ang sabi naman ni Uno.

Sumama naman bigla ang awra ni Ellaine "oh, chill lang mag pinsan lang sila Kenny at Barbie remember?" Ang sabi naman ni Dana kay Ellaine.

"Oo nga chill lang girl." Ang sabi naman ni Hannah.

"But for me I don't believe na mag pinsan talaga yung dalawang yon." Ang sabi ni Sheilla.

"You thought rin?" Ang sabi naman ni Ellaine.

"Yah, para kasing di naman sila connected to eah other."

Narinig naman ni Gaile yung usapan nila Dana kaya nakisingit sya sa usapan "cough… alam nyo wag kayong nega si Kenny na nga ang may sabi kahapon na pinsan nya si Barbie kala ko ba supporters nya kayo? Bakit parang hindi naman pala kayo naniniwala sa kaniya?"

"Ha? O—Of course naniniwala kami sa Kenny namin right girls?" Ang sambit naman ni Ellaine at sumangayon naman sa kaniya ang mga alipores nya.

Gaile smirked at sa isip-isip nya "huh! mga uto talaga ang mga ito."

At sa mag kaparehong oras naman kararating lang nila Kenny at Barbie sa parking lot ng AGA.

"Ano? Ayos kalang, kaya mo mag lakad?" Ang tanong ni Kenny na inaaayos ang buhok ni Barbie.

Inayos naman ni Barbie ang suot nyang salamin "mukhang ayos lang naman ako how do I look?"

"Ha?"

"Oo nalang, tara na bilis late na tayo wagas."

Nagulat si Kenny na hinawakan ni Barbie ang kamay nya at tumakbo silang dalawa papasok ng AGA at sa di kalayuan nakita ng team ni Thew yung dalawa na natakbo at magkahawak pa ang kamay.

"Ano ba?! Bakit ka biglang huminto?" Ang sabi ni Thew kay Niro na napahinto kaya ang nasa likod nito ay napahinto rin sa pag jogging.

"Tignan nyo guys, si Kenny ba yon? At yung pinsan nya raw na si Ms. Newbie?" Ang sabi ni Niro at napatingin rin naman ang teammates nya kung saan sya nakatingin.

"Kung hindi natin alam na mag pinsan sila maraming magagalit kay Barbie dahil ang sweet nila pero bagay sila no?" Ang sabi naman nung isa sa teammates nila na si Argel.

"Oo ang alam ko softball player pala yang si Barbie sa dati nyang school sporty rin gaya ni Kenny kaya kung di sila mag pinsan bagay talaga sila." Ang sabi naman ni Vico na isa rin sa kanilang teammates.

Napatingin naman si Niro kay Thew dahil hindi ito nag sasalita at nakita nyang parang may itim na awra na bumabalot dito dahil hindi na nito maipinta ang kanyang pagmumukha kaya iniba nya ang topic. "Cough… pwede naman si Barbie sumali sa team natin di ba Thew?"

Bigla namang nag bago ang awra ni Thew at excited nyang sinagot si Thew "oo naman! Sasabihin ko na agad yan kay coach Cheng para maipasok ko na agad si Barbie sa team. Sige diyan na muna kayo kakausapin ko lang si Coach."

At iniwan na nga nya sila Niro.

"Hindi naman sya excited no?" Ang sabi ni Vico.

"Yah…" Ang reaction ni Niro at sa isip-isip nya "sabi na mag babago ang awra nya kapag tinanggal sa frame si Kenny."

"Pero… pwede ba talaga isama sa team si Barbie? Babae sya at baseball ang laro natin iba naman yon sa softball." Ang sabi naman ni Argel.

"Bayaan nyo sya sigurado naman akong gagawa at gawa ng paraan yang si Thew para maisali si Barbie sa team lam nyo naman yun gagamitan nya ng pag ka ACE player nya kay Coach." An sagot ni Niro.

"Yeah" Ang reaction naman nung dalawa.

Samantala hingal na hingal naman sila Kenny at Barbie ng makarating sila sa classroom nila "ayos, wala pa si Ms. Elmundo." Ang sabi ni Barbie at nag apir sila ni Kenny at tahimik lang na nakamasid yung mga kaklase nila sa kanila at para bang nalimutan nung dalawa na may mga kaklase sila.

"Cough! Cough!" Ang reaction naman ni Gaile at napatingin sa kaniya yung dalawa at tsaka lang ng mga ito na realize na late sila at nakatingin sa kanila ang lahat ng kaklase nila.

"He---Hello?" Ang awkward na sambit nung dalawa at dali-dali silang na upo sa upuan nila at nag tutulakan pa.

"Ang cute nila no? Bagay sila." Ang sabi naman ni Dana kaya ang sama na naman ng tingin sa kaniya ni Ellaine. "jo—joke lang mag pinsan, oo mag pinsan sila. Ha... Ha… Ha…"


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C20
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen