41: The Man that cannot be moved.
.
.
"ate anung klaseng sandata ito, maske tayo na mga may Physical Cultivation stage na peak Tyrant ay hindi pa natin ito mabuhat. Maske kahit konting galaw manlang--wala!!".
Hindi tumigil sa ilang attempts ang ikalawang ate ni Anna.
(master nya na ate narin nya)
.
"hmmmmfp. Anung klaseng sandata?, at Masubok".
Lumapit ang Ate ng dalawa. At humawak ito sa handle ng WarHammer ni Chris. (ang Demolition, ay hindi nababagay sa mga kamay nyo Beauties)
.
Bigla syang natigil sa isang saglitang paghawak lamang. At sumeryoso ang hitsura nito. Parang nakahawak sya ng nakakatakot na bagay.
.
"ate?!! "
.
"Master?!!"
.
Kapwa curious ang dalawa dahil natahimik ito. At malalim ang iniisip.
.
"sinabi mo noon Anna na, inakala na nyang patay ka na, tama ba? ---- parang napakalaki naman ang kanyang ipinagbago."
Naitanong nito kay Anna. At inalala ang past scene kung saan itinakas nila si Anna sa Morgue. Isang fake death.
.
"ahm. Oo master--i mean sis, malaki ang ipinagbago nya lately, at bumagal ang cultivation nya sa mga nagdaang araw---pero hindi ko parin sya mahanap."
Naguguluhan naman si Anna kung ano ba talaga itatawag nya sa dalawang kumupkop sa kanya. At isa pa mukhang 99% sa buong lugar na iyon ay Girls ang mga members.
.
'imposible, pero sa saglit na pag-scan ko sa sandatang ito sa tulong ng Reverse Heavens Intent. Naramdaman ko ang kaluluwa ng may-ari nito at naglalaman ito ng nakakatakot na Killing intent na para lang sa isang Expert sa Mundong iyon, isang uri na kailanman hindi ko pa nararamdaman o nabalitaan sa Divine Realm!!.'
Napalingon sya sa Demolition ni Chris. At sinubukan nya ulit itong buhatin. At lalong laking curious nya dahil, parang may mga mata ang sandatang ito na nakatingin sa kanya.
.
Masasabing hindi nila ito mabuhat pero, kaya nila itong wasakin sa isang tapik lamang dahil mababa pa ang Grade ng sandatang ito.
.
Pero ganun paring hindi nya ito nabuhat at hindi rin ito gumalaw.
.
"Hindi ko din mabuhat, at mukhang kailangan natin syang mahanap--- masasabi ko na ang armas na ito ay para lamang sa mismong gumawa din nito---".
Napatingin silang tatlo sa dakong kalangitan. Na tila may nagbabadyang panganib na babalot sa mundo, at mangyayari ito sa hinaharap. At ang pagdating ng kakaibang sandatang ito ay konektado ba kaya sa prophecy?.
.
*the prophecy is happening ---- its near yet so far----*
.
-----
.
Bigla naman nakaramdam si Chris ng kakaibang lamig sa kanyang likod. Pero wala namang ibang tao sa loob ng kwarto nya.
"aaahhhhhccchhooooO!!!, may nakaalala saken?"
.
Bumukas ang pinto at pumasok si Bliss.
.
"may gusto kabang gawin sakin na kakaiba? "
Tanong ni Bliss na may shy expression. At hipo nito ang kanyang kaliwang braso.
.
(that emote!!, that pink blush!!! Parang hindi sya yung Bliss na una nating nakilala!!! The Lioness fell inlove with the Shrewd Bunny!! ---Hindi sa Lamb.)
.
*ahh yan yung ---Lion challenges the Bunny na story. Naalala ko tuloy, at ngayon naman naging ---Lioness fell inlove with the bunny, ha ha ha*
.
"ahh? Wala-w-wala akong gagawin s-sayong k-ka-kaiba---ano ba pinagsasasabi mo---ahem!! , maupo ka at i-g-guide kita sa Cultivation mo at mukhang umiipekto nga at nawawala na ang negativity sa Emotion at Brute Qi-flow sa katawan mo--- i-adjust natin ng konti".
Tila may dahilan kung bakit sobrang attached at nagbago si Bliss sa kanya. Ito din ata ay dahil narin sa ipinasa nyang Cultivation technique na nagpabago lalo sa ugali ni Bliss.
.
"ugh, ----ok. Sa tabi mo ba or sa harapan mo? "
Tila mas umiinit lalo ang pagkakalapit ni Bliss kay Chris. Na may blushing shy expression.
.
"ok na jan---medyo a-agwat ka muna ng k-konti baka maipit ako sa p-pader---"
Sabi naman ni Chris na tila todo iwas sa dalawang bagay na malapit na syang dikitan.
(hindi naman siguro bakla si Idol noh? )
.
*hey you!!, hindi bading si Idol--- sadyang malakas lang ang kanyang Kontra malisya---este ayaw nya masobrahan ang kanyang pagka hokage! ---baka tamaan sya ng kidlat mula sa langit kung nagkataon*
.
## sigh----simpletons----##
.
Naka meditative posture na si Bliss at Inilabas naman ni Chris ang 52 bluish Acupuncture needles sa kanyang Jaded elixir bottle. At naglalaman ito ng kakaibang aroma na nakakapag pakalma kapag naamoy ito.
.
(oooh, parang gusto ko itong gamitin bago ako magtungo sa entablado para sa long speech, ---ok din ito sa mga mabibitay ----este takot magtapat sa mga crush nila.)
.
*bakit hindi ka kalmado sa sarili mong speech? -----ahh kodigo type speaker ka. ha ha ha ha. Magamit nga yan para makapag tapat na ako kay Crush Maja.*
.
Nagtungo si Chris sa likod ni Bliss. At tinapik ang damit ni Bliss.
.
"alisin mo ang saplot ng katawan mo---"
Direkta nitong sinabi, at napalingon naman si Bliss sa kanya.
.
Hindi nag-atubili at dahan dahang inalis ni Bliss ang kanyang suot pang itaas, kapansin pansin ang makinis nitong likod na tila jaded White snow. Na halos hindi maiwasang hawakan. At sadyang malakas din naman ang self control ni Chris.
.
At dahil nakatalikod si Bliss, walang na makakasagabal pa sa focus at total concentration ni Chris.
.
Huminga sya ng malalim at saglitan lang nya, nabigyan ng praise ang taglay na korte ng katawan ni Bliss.
.
'masasabing hindi maaalis ang Intent sa aking katawan. Kaya ito ang magsisilbing focus ng control ko sa gamot na nasa needles'.
At iyon nga ay may isang bagay pang magagamit si Chris sa panggagamot at ito ay ang intent at ito ay thousands more harder kesa sa paggamit ng Aura.
.
Pwing---(fast hands)
.
Sa unang limang needles, ay nakatusok ito sa mga part na dadaluyan ng Qi-energy. At umayos naman ng ibang flow ang Qi sa katawan ni Bliss.
.
"UGH!! ----- hmmmm"
Tila nakaramdam naman ng kakaibang sakit mula sa likod nitong si Bliss, at mukhang tumatagos ito sa kaloob looban nya.
.
"wag kang mawalan ng focus, concentrate mo ang flow ng Qi --wag mo hayaang mong hayaang dumaloy sa ibang veins".
Paalala ni Chris at sumunod ay naglagay na sya ng ikaapat hanggang sa ika 14th needle. At namumutla ito sa todo focus at concentration gamit ang intent.
(para kang nag pipirma gamit ang kamay na hindi naman sanay magsulat)
.
Lumipas ang dalawang oras ay nasa 40th needle na si Chris. At napakagat labi si Bliss na tila malapit ng mawalan ng control sa Qi-concentration nito sa kanyang buong katawan.
(parang napagod sa pag eehersisyo, or hundred push ups ganun yung feeling)
.
Pinagpapawisan narin ng husto si Chris kahit masabing naka scarf lang ito sa leeg, at hubad ang itaas ng katawan nito.
.
'last 12 needles, at maaayos narin ang lahat----'.
Sa isang mabilis na galaw ng mga kamay nya ay natapos na ang kanyang trabaho sa likod ni Bliss.
.
"agh----Ugh!!, hmmm".
Unti unting kumalma si Bliss at basa na ang katawan nya ng pawis. At ganun namang naamoy ni Chris ang bango na kanyang taglay.
(the scent of heavenly nature----ahmmm)
.
Nag suot na ng bagong damit si Bliss. At lumingon sya kay Chris. Tila nagbalik ang matapang at masasabing hindi strict na anyo sa mukha nito. kumbaga balance na sya.
(balik matapang na may maamong mukha)
.
"so yun lang pala--- gagawin mo---- "
Lumapit ito kay Chris. Na may wild looks.
.
'yesh!!, balik na sya sa dating matapang at bully!!! '
Tila masaya si Chris at hindi na malabkit si Bliss sa kanya. At mukhang makakatikim pa sya ng suntok o dalawa sa babaeng ito sa ngayon.
.
"-----hmmm!! -----"
Hindi inaasahan ni Chris na ang suntok na iniisip nya ay naging smooth kiss mula sa labi ni Bliss.
.
4 seconds kiss.
.
"----hayaan mo first kiss ko din naman yun".
Tila nabasa naman ni Bliss ang iniisip ni Chris.
.
"ah---ehh, ganun ba--- bat hindi nagbago ang pagiging lovely mo saken?! "
Tulala si Chris, at lagi syang natatalo kay Bliss pagdating sa harap-harapan. Mapa labanan man or Calculative plans.
.
(kahinaan na natin ang mga babae simula palang nung unang panahon)
.
*kahinaan ng mga babae sa ngayon ay mga KPOP at Twilight!! ---- how to be not like them po!? *
.
## simpletons----tsk tsk tsk---##
.
"kung iniisip mo na mabago mo sa pagiging metal ang puso kong ito, sakto lang dahil sa simula palang isa kang magnet para sa puso ko".
Wild at may seryoso man sa mukha ni Bliss masasabing, hindi mababago ang tunay nyang nararamdaman kay Chris.
.
"then----i have a favor---"
Napapikit si Chris na tila tanggap ang pagkatalo. At tila nawalan narin ng lakas dahil sa ginawa nyang todo focus sa pag lagay ng 52 Medicinal needles.
(isang pagkakamali nya ay maaaring masira ang Qi-Veins ni Bliss---wala ng mas gagaling pa sa kanya sa mundong ito pagdating sa medical skills at knowledge)
.
"---sabihin mo lang".
Naupo naman si Bliss sa tabi ni Chris.
.
"payakap nga, ---at mananaginip muna ako---".
At natulog na nga sya kaagad sa huling sinabi nya. At yumakap naman si Bliss sa kanyang tabi.
.
Ilang sandali ay, maamo na ulit ang mukha ni Bliss.
.
(hindi effective ang adjustment sa Girlish side nito pagdating kay Chris. Pero tiyak epektibo ito sa iba).
.
Bumukas ang pinto at si Ahri ang pumasok duon.
.
"ehh?, tulog na sya--- sigh. Buweno makakaalis kana muna Bliss."
Sabi ni Ahri kay Bliss na hindi nya malaman kung bakit medyo may tinik sa dibdib nito sa kanyang nasaksihan. At si Bliss naman ay napa seryoso ang titig nito kay Ahri na tila nakaramdam ng threat.
.
Ang isa ay Matapang at ang isa ay Bayolente. At tiyak kawawa ang Metallic aircraft kung may mangyari man.
(girls are girls----- labanan ng mga butterflies)
.
"sigh!!----sige"
Nakapagpigil naman si Bliss at tumayo na ito sa tabi ni Chris.
.
Sandali lang ay lumingon pa ito kay Ahri bago ito lumabas sa pintuan.
.
'oh well, masasabing pabago bago ang ugali nya. Pero masyado syang makapit kay Chris--- teka bat nga pala ako narito ulit????'
Napa-isip naman si Ahri kung bakit sya napunta sa kwarto ni Chris. Mukhang sya mismo ay naguguluhan.
"----ohh, nakalimutan ko na, buweno ako nalang muna yayakap sa tabi nya---".
Rason nya sa kanyang sariling rason.
.
(Hindi ko ma-gets kung bat ang lalakas ng mga babae sa kwentong ito pero, madali silang makuha--- pagiging goodboy ba ang dahilan? Or may skills na hindi pa sinasabi ni Idol sa ating lahat)
.
*ohh. Pa-mysterious lang siguro si Idol kaya ganun----at isa pa hindi sya patago ng ugali.*
.
## we wasted another chapter, without actions----##
.
Sa sea of consciousness ni Chris, hinahalungkat nya ang mysteries at ancient writings sa kanyang Cultivation technique. At ganun din ang kanyang mga Skill sets.
.
'hmmmfp, walang nakalagay dito patungkol sa aking taglay na walang kakayahang makasagap ng Qi-energy--- at lalo na sa mga Skills ko wala namang error duon---'.
Nakalutang patayo ang SoulProjection nya sa sea of consciousness.
.
Sinubukan nyang sumagap ng Qi mula sa labas pero---walang nangyari.
.
'tsk!, mukhang hanggang cheer nalang ang mai-tutulong ko sa magaganap na World Tournament, at pagkatapos nun, tiyak magkakahiwa-hiwalay na kaming lahat. Base narin dahil mapipili ang mga talented at papasok sa mga bigating Sects'.
Napangiti naman si Chris na tila magandang idea nga ang pagsali ng mga kaibigan nya sa mga bigatin na Sects. At sya naman ay maiiwang walang mapupuntahan.
'atleast, malaking tulong narin iyon, at kapag maabot na ni Bliss ang Tyrant stage. Tiyak maaari nya akong isama sa Divine Realm---o maske si Ahri na magdala saken duon'.
.
Naisip nyang magamot ang kanyang kawalang kakayahan sa Qi sa mundong iyon. At duon palang mag-uumpisa ang tunay na Daan sa Divine Cultivation.