App herunterladen
42.85% One Fifty (Tagalog) / Chapter 6: Kabanata: Getting to know Him

Kapitel 6: Kabanata: Getting to know Him

"Ma! Alis na po ako." Pagpapaalam ko kay mama sabay halik sa pisngi niya.

"Oh, mag-ingat ka, hah! Wag magpapagabi sa pag-uwi." Bilin ni mama.

At umalis na agad ako ng bahay, at baka maubusan ako ng sasakyan palabas ng barangay namin. Mahirap pa naman makahanap ng sasakyan dito sa amin.

Nagmamadali na akong naglakad papasok sa campus ng makarating ako sa school ko. Mabuti na lang at may nasakyan pa ako papunta dito.

Kinuha ko muna 'yung phone ko sa bag. Bag ng HP na laptop kasi gamit ko ngayon. Pero hindi ko dala ang laptop kasi hindi pa naman ginagamit sa school.

"ARAY!"

Ang sakit ng dibdib ko. Sino ba kasi 'tong tanga na lalaking hindi rin tumitingin sa dinadaanan niya. Binuksan ko ang aking mga mata dahil napapikit ako sa sakit na naramdaman ko kanina at ngayo'y unti-unti na ring humuhupa.

"OH MY GOD!"

Parang mababaliw ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung maganda ba ako ngayon. Kung kaakit-akit ba ako sa paningin niya.

"Ahm... are you okay, miss?" malamig niyang boses.

Hindi ako makasagot sa tanong niya o para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi ko alintana at hindi ko rin marinig ang ingay sa paligid. Basta ang naririnig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.

"M-miss?"

"A-ay! S-sorry! Ano nga pala sinabi mo?" pagliliwanag ko.

"I said, okay kah lhang bah?" slang nitong accent na sobrang nagpapagwapo sa kaniya.

"A-a-ahmm... y-yes I'm fine." pautal-utal kong sagot sa kaniya.

"Well, then. Sorry again." sabay alis at bago pa siya umalis ay nag-iwan siya ng nakakamatay niyang smile.

Para tuloy akong statwa sa nangyayari sa akin ngayon. Hindi ako makagalaw. Sobrang lakas ng tama ko pagdating sa kaniya. Naalala ko tuloy 'yung naging panaginip ko tungkol sa kaniya.

"Hoy Bruha! 'Bat ang lalim ata ng pagdaday dream mo? Parang masarap umaga natin, hah?" pangungutya ni Carmela.

Napangisi na lang ako bigla, na para bang kinikilig. Pati sarili ki di ko alam kung ano ang tunay na naramdaman. Ano ba yan.

"Wala. Maaga lang kasi akong nakatulog kagabi!" Pagrarason ko.

"Parang hindi lang kasi tulog ang magandang nangyari sayo ,eh! Parang may napaginipang yummy na hot guy!" Wika niya sabay titig na para bang may kasalanan akong tinatago.

"Sige na nga, pero don't tell anyone about this, hah. Nakakahiya kasi." Paalala ko sa kaniya.

"Sige na! Sige na! Promise," excited niyang sabi. "Ano ba kasi 'yan?" pahabol niyang tanong.

"Napaginipan ko si Fil Am kagabi." nahihiya kong sabi.

"Tapus?"

"Yun lang, basta mahabang kuwento." pag-iwas kong sagot sa kaniya.

Kasi, sa mundong ito. We don't know who can be trusted and kung sino pa yung tinuturing mong matalik na kaibigan ay sila rin pala ang gagawa ng paraan para kaladkarin ka pababa.

Kung ano pa yung alam nila sayo na iniingatan mong sekreto ay sila rin pala ang magpapalabas at magkakalat ng baho mo.

So you should be careful and tricky sometimes to avoid fake friend schemes.

"Mahaba pa naman ang oras para pag-usapan natin yang wet dreams mo, hah!" pangungulit pa rin niya.

"Shhhh... wag ka na ngang magtanong tungkol sa wet dreams ko. At isa pa, private na dream 'yun, baka pumasok ka sa gitna ng pagtatalik namin at umeksena ka." pagbibiro ko.

"Che! Sayo na yang Fil Am mo noh!" kunwari galit niyang sabi.

"Haha!"

"Haha!"

Nagtawanan lang kami pagkatapus naming mag-usap. Nakipag-usap na lang muna kami sa iba pa naming kaklase kasi parang may sarili kaming mundo nito, eh. Baka akalain nilang hindi kami friendly. Sar.

"Alam niyo, nakakaboring na ang ganito. Limang buwan tayong tambay sa bahay tapus ngayon, wala pang klase. Gusto ko na mag gain ng knowledge." napakunot ang nuo ni Cayla.

Si Cayla ang babaeng parang ang tahimik niya tingnan sa panglabas at mesteryos ang dating. Long black hair, maitim ang mga mata, mapula ang labi, at matangos ang ilong. Maganda siya, suma-total.

"Oo nga, eh. Pero, mabuti na ganito muna para mas makilala pa natin ang bawat isa sa atin." sagot ko naman.

"May point ka, dae," pag-aagree ni Carmela sa sinabi ko.

"Good afternoon BSED TLE-HE student!" biglang may nagsalita sa harapan naming lahat. At lahat kami halos sabay napalingon at napatingin sa kaniya.

She looks very formal and respectable but at the same time, she looks approachable. At nagpakilala siya sa amin sabay ayos ng pagkakaupo namin.

"I am Miss Tamia Reyes. You can just call me, Miss Reyes or Miss Tamia. I will be teaching, Introduction to Industrial Arts. I am graduated at SPAMAST, in this school last 2017."

"Hala, siya pala teacher natin."

"Ganda naman niya para mahing teacher."

"Sana hindi siya strict."

Nag-umpisa ng mag-ingay ng mahina ang mga kaklase ko sa likod. Pinag-uusapan ang teacher namin ngayon na nasa harap.

"So, any question about me?" wika ni Miss Reyes.

"Dahil kung wala na, ako naman ang magtatanong sa inyo." pahabol niyang sabi.

"WALA NA PO!" halos sabay kaming sumagot.

"Okay, then let's start with introducing yourself to everyone and then let's vote for classroom officers." wika niya at nagsmile pagkatapus.

So 'yun nga, nagpakilala na kami sa lahat at pagkatapus nag-umpisa na kaming mag-elect. Pinakilala muna ulit sa harap kung sino ang ibinoto ng kaklase ko at sabihin kung ano ang past school position nila.

"I am Bretta Margarette Barreto. My past position before was... I am an SSG president, classroom president, science club vice president, and English club president. Thank you." pagpapakilala ko sa harap, dahil may nagtaas ng kamay at binoto ako bilang president.

Eh, sino pa ba ang gumawa nun, edi itong bruha kong katabi na halos umabot sa tenga niya ang ngiti. Si Carmela.

"Sino ang pabor kay Bretta Margarette Barreto?" wika ng kaklase kong babae na tumayo muna bilang president.

"Isa... dalawa... tatlo... apat... sampo... at labing pito." pagbibilang ni Cayla sa lahat ng nagtaas ng kamay na sumasang-ayon na maging presidente ako ng room. Ibig sabihin nun, magiging mayor ako.

"Okay. We have now a new elected president, Miss Bretta Margarette Barreto!" masaya niyang wika.

At nagpalakpakan ang lahat kasabay ng pagpunta ko sa harap upang palitan si Cayla sa position niya. Ngayon, hindi na kunware ako ang president, ako na talaga.

Nang matapus kami sa pagboto kung sino ang magiging officers sa room ay nagpaalam agad si Miss Reyes na aalis na siya.

"See you on our next meeting. Goodbye."

Umuwi na kami pagkatapus namin dahil wala na naman kami, akong gagawin pa dito sa school. Habang naglalakad kami palabas ng masulok na campus ng school namin, dahil itong school namin kailangan pang pasukin para marating.

While we are walking, napag-usapan namin si Fil Am, 'yung crush ko.

"Hoy, sabi nila bakla raw yung Fil Am mo." panunukso ni Vanessa.

"Haha. Di naman siguro." pagtatanggi ko.

"Kasi ano, eh. The way he talked and yung kamay niya bumabali. Alam mo 'yun..." she insisted.

"Bahala na, basta siya lang." sagot ko.

Nasa unahan kasi ako at sila nasa likod ko. Kaya habang nag-uusap kami lumilingon ako ng paminsan-minsan. Nang lumingon ako sa kanila ay... sobrang gulat ko sa hiya dahil nasa likod nila si Fil Am at may kasama siyang isang lalaki na parang may lahi ding taga ibang bansa at isang Pinoy.

Pilit kong sinisenyasan sila na tumahimik dahil nga nasa likod lang namin ang pinag-uusapan namin. Pero kahit anong gawin kong pagsenyas sa kanila ay hindi nila ako ma-gets. Kaya sinabi ko na lang ng mahina.

"Nasa likod niyo si Fil Am." wika ko sabay lakad ng mabilis.

Para hindi naman ako madamay sa hiya nila. Natawa na lang ako sa naging reaction nila ng sa wakas na gets nila ang ibig kong sabihin. Bumilis ang lakad nila at natatawa rin sila sa naging reaction ng bawat isa.

Mabuti na lang hindi sila siguro napansin nila dahil abala din sila sa pinag-uusapan nila. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nakarating sa sakayan ng pedicab. Huminto kami dito at hinayaan ko lang na maglakad sila Fil Am papunta sa kinaruruonan namin.

Habang papalapit siya ay natutulala ako. Ang gwapo niya talaga. Nakaka-adik ang kaniyang mukha. Sarap titigan buong araw. He is so attractive. Lakas ng sex appeal niya. Rawr!

"Sige Bretta, mauna na kami." pagpapaalam ni Cayla, Carmela, at Vanessa.

Nauna na silang umuwi at naiwan na lang akong mag-isa. Halos magkakapit-bahay lang kasi sila lahat at ako nama'y sobrang layo pa ng bahay namin. Kailangan ko pa magdouble ride para makauwi.

"Papalengke!"

"Papalengke!" pasigaw na wika ng driver.

"Palengke po manong," sabi ko sabay pasok sa loob ng pedikab.

Hindi muna agad kami umalis dahil kailangan pang punuin muna lahat ng bakanteng upuan. Kinuha ko muna phone sa bag at para aliwin muna ang sarili.

Tapus, hindi ko namalayang isa na lang pala ang kulang at may biglang pumasok paupo sa harap ko.

OMG! sheyt, siya yung kasabay ni Fil Am kanina, hah! Bakit hindi na sila magkasabay? Saan kaya si Fil Am.

Tinitigan ko lang siya dahil hindi naman siguro siya titingin sa akin dahil busy siya sa pakikinig ng music or I don't know kung meron nga bang siyang pinapakinggan. Dahil naka-earphone siya.

But anyways, hindi ko naman type itong lalaking 'to. Sobrang parang weird niyang lalaki.

Well, ginugol ko na lang ang sarili ko sa pagfafacebook. Hinintay na makarating sa destination ko.

"Para po!"

Tiningnan ko kung sino ang nagsabi nun. Si... ay hindi ko nga pala alam kung ano name niya. Si Kasama ni Fil Am ang baba.

"Ito pong bayad," wika niya sabay abot ng bayad sa driver.

"Nako! Wala akong barya nito, eho." malungkot na wika ng driver.

Tapus kinuha ulit ng lalaki ang bayad niya at naghanap ng barya sa bag niya. Pero parang wala siyang mahanap na barya.

Kaya naisipan kong pahiramin na lang muna siya. Since, pareha naman kami ng school na pinapasukan at magkikita rin naman kami sa loob. Marami din kasi akong barya dito dahil sobrang need ko lalo na pag-umuuwi ako at papunta ng school.

"Ito pong bayad. Dalawa na lang po ang kunin niyo. Sa akin niyo na lang po kunin diyan sa pera ko ang sa kaniya." saad ko sa driver.

Tumingin siya sa akin at nangungusap ang kaniyang mga mata.

"Nako, thank you hah. Babayaran na lang kita pag nagkita tayo sa school bukas." wika niya sabay baba ng pedicab.

"Sige." maikli kong sagot.

Tapus umandar ang sasakyan at umalis na kami.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C6
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen