App herunterladen
41.59% No Strings Attached / Chapter 47: Revelation

Kapitel 47: Revelation

KYLE

Napatitig lamang ako kay Sir Joseph dahil sa mga sinabi niya saakin. I can't say anything.. Dahil lang nang mga sinabi niya, tugmang-tugma saakin.

"Gusto mong subukang mag-paint? I'll allow you to do so." Pag-aalok niya saakin.

"Talaga po? Sure!" Masayang sabi ko.. Binigyan niya ako ng canvas at umupo ako sa mesa. Umupo rin siya sa tabi ko.

"You can start painting kung gusto mo" Sabi niya saakin nung mapansin niyang hindi pa ako nagsisimula.

Tumango ako sa kanya at sinimulan na magpaint.. Napansin kong tumatawag si Mom pero hindi ko na lang ito pinansin. Mangangamusta na naman si Mom eh.

"Hindi mo ba sasagutin yung tawag?" Tanong ni Sir Joseph saakin.

"Hindi na po. Mangangamusta lang naman yan si Mom eh." Casual na sagot ko sa kanya..

"Mahal na mahal mo siguro ang Mama mo noh?" Biglang tanong niya saakin

"Opo naman. My Mom had been through to several downfall, obstacles and struggles in raising me into a man I am right now.. Naging mabuti akong tao dahil sa kanila ni Dad though marami kaming problemang hinaharap ngayon.." Sabi ko.

"Problema? Like ano naman?" Tanong naman ni Sir Joseph saakin. Pansin ko lang medyo inaalalayan niya ako sa pagp-paint lalo na pag ginagamit ko na ang paintbrush.

"Lately kasi, pinipilit nila akong ipakasal sa babaeng hindi ko naman mahal, lalo na't may mahal akong iba. Ginagawa nila akong parang source of investment sa company namin, at lately nalaman kong hindi ko pala tunay na tatay yung Dad ko ngayon.. " Hindi nakalusot ang kalungkutan sa boses ko.

"And... What are you going to do now? I mean, kaya ka nandito dahil pilit mong tinatakasan ang problema, pero para sabihin ko sayo, hindi masosolusyunan nang pagtakas ang problema. Harapin mo ito at tanggapin anuman ang kahahantungan nang lahat ng ito.." Medyo may hugot si Sir Joseph sa sinabi niya, pero dahil nga sa mga pinagdaanan niya, alam kong totoo ang lahat ng iyon..

"Alam ko naman po iyon eh.. Gusto ko lang po munang mapag-isa at dumistansya kaunti mula sa problemang yun, dahil hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Elle. Ang babaeng mahal na mahal ko at mahal rin ako, kaso dahil sa lintik na arrange marriage na yan, eh hindi pwedeng maging kami sa huli.." Sa sobrang gigil ko, medyo natalsikan ako ng kaunting water color.

"Ohh, dahan-dahan naman! Masyado mong pinangi-gigilan yung paintbrush eh! Ayan tuloy!" Medyo natatawang sabi ni Sir Joseph. Tumawa rin ako..

"Sorry naman, hindi ko naman sinasadya eh! Hahaha" Natatawang sabi ko sa kanya..

Muling bumuntong hininga si Sir Joseph..

"Siguro kung walang naging problema, kasing edad mo na rin yung anak ko at malamang masaya rin kami ngayon... "Malungkot niyang sabi saakin at tinignan ako..

"I'm sure naman po, magiging mabuting tatay po kayo sa kanya.. And I'm also sure na kung sakaling nandito siya, masayang-masaya rin po siya kasama ninyo." Because yan ang nararamdaman ko ngayon. So much happiness, but then again, kalakip ng sobrang kasiyahan ang kalungkutan..

I know that after this, babalik na ulit ako sa normal kong buhay. Being a prisoner stucked in this fixed marriage!

"Oh kaunting polishing na lang at okay na yan." Sabi niya saakin.. Tinapos ko yung painting ko with a silver-whitish touch..

"Tapos na!" Proud kong sigaw.

"Patingin nga" Sabi niya saakin at pinakita ko sa kanya ang gawa kong painting..

"Maganda.." Tanging sabi niya saakin.

Ano yung pinaint ko? Isang babae at lalaki na nasa iisang payong at nagtitinginan sa isa't-isa..

Naalala ko kasi Elle nung tumakas siya mula sa unit ko at nahanap ko siya sa daanan at bigla pang umulan nung mga panahong iyon..

Napangiti ako nang mapakla habang inaalala ko ang tagpong iyon.. Isang magandang alaala..

"Ayos ka lang ba? Tulala ka ata." Tanong bigla ni Sir Joseph saakin. Napatingin naman ako sa kanya at nginitian siya.

"A-ah. Okay lang po, may inisip lang.." Palusot ko..

"Ikaw talagang bata ka, oh siya, magmerienda muna tayo.. Ako naman ang taya this time.." Sabi niya saakin at nginitian ako.. Tumango naman ako sa offer niya.

Pansin kong panay pa rin ang pagtawag ni Mom sa cellphone ko. I declined her call and muling tumingin sa mga paintings gawa ni Sir Joseph..

Pansin ko ring may pini-paint si Sir Joseph kanina habang nagppaint ako.. Tumingin ako sa harap sa may kusina niya at busy pa rin siya sa kanyang pagluluto.

I grab the oppportunity para tignan ang ginagawa niyang painting, hindi pa tapos ang kanyang painting pero ang masasabi ko lang, ang ganda sobra. He can be a painter kung gusto niya, tiyak maraming magpapagawa or even bibili ng kanyang mga products if ever..

Pero parang familiar saakin ang painting niya, though sabi ko ngang hindi pa buo ang painting niyang iyon, pero parang familiar kasi talaga eh.

Base sa painting, masasabi kong gubat to kasi may mga puno at damuhan siya, pwede ring nasa ilog siya though broken lines palang naman ang meron dito pero kapansin-pansin ang isang lalaki na nakaupo sa isang bato ata to na nakatingala at nakangiti.

At ang nakapagtataka, kasi pagkakita ko dito lumakas ang tibok ng puso ko.. Parang may mangyayaring hindi ko alam kung matutuwa ba ako or ano..

"Here.. Try it." Naputol ang iniisip ko nang biglang magsalita si Sir Joseph. Tiningnan ko naman ang nilapag niyang plato sa harap ko.

G-ginataan?

"Ginataan, ayaw mo ba?" Tanong niya saakin. Umiling ako.

"No, ang totoo po niyan, gustong-gusto kong kumain ng ganito, kaso pinagbabawalan po akong kumain nang ganito ni Mom hindi niya po sinabi saakin kung bakit..

Kumuha ako ng kutsara at sumubo..

"Ang saraap!" I exclaimed. Napatingin naman ako kay Sir Joseph na natatawa habang umiiling pa saakin.

"Para ka talagang bata. Tsk!" Sabi niya saakin habang natatawa..

"Nga po pala, gaano na po kayo katagal dito, Sir Joseph?" Biglang tanong ko sa kanya dahilan para mapaisip siya..

"Siguro, mga 5 months na rin. Bakit?" Tanong niya saakin. 5 months? Ang tagal nun ah!

"Wala naman po." Sabi ko. Pagkatapos kong kumain ay tumayo na rin ako para magpaalam sa kanya.

"Balik na po ako sa room ko, nakakaabla na po talaga ako sa inyo eh.. Salamat po sa merienda at pati na rin dito" Sabi ko at itinaas ang hawak kong canvas na may painting na gawa ko.

"Walang anuman yun, you can come back here kung kailan gusto mo.." He said while smiling at me..

Hinatid niya ako hanggang sa pinto ng room niya. Binuksan ko ito at muling tumingin sa kanya.

"Salamat po ulit." Sabi ko habang nakangiti.. Pero....

"KYLE?!" Napatingin ako sa tabi ko at nagulat ako sa nakita ko.

"MOM?! W-WHAT ARE YOU DOING HERE?!" I asked her

Napatingin siya kay Sir Joseph at hinablot ang kamay ko papunta sa kanya.

"DON'T DARE TOUCH MY SON NEITHER TAKE HIM AWAY FROM ME!" Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Mom pagkakita niya kay Sir Joseph..

Ako naman, hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, kung bakit nagkakaganito si Mom.

"M-Mom. Mabait po si Sir Joseph--"

"PAANO MO NABILOG ANG UTAK NITONG ANAK KO AH?!" Galit pa rin si Mom.

"Mom ano ba?! Bakit ka ba nagagalit kay Sir Joseph?! Wala naman po siyang ginagawang masama saakin ah!" Inis na tanong ko sa kanya.

"You should tell him the truth para hindi siya maconfuse kung bakit ka nagkakaganyan, Olive.." Huh? Paano niya nalaman pangalan ni Mom ganoon hindi ko naman sinabi sa kanya? At anong truth?

"What's the truth? Anong sinasabi niya, Mom? Anong dapat kong malaman?" I panickly asked her.

Ngunit tumingin lang si Mom saakin at kay Sir Joseph.

"MOM!" Muling tawag ko sa kanya..

Humarap si Mom saakin at nagsalita siya.

Isang katotohanan ang lumabas mula sa kanyang bibig.

Katotohanang dumulot ng labis na kasiyahan at kalungkutan saakin..

Katotohanang kailanman hindi ko naisip hanapin, pero kusa lang dumating saakin

At...

Katotohanang nagdulot nang pagbabago sa buhay ko..

because...

This Man in front of me..

"He's your real FATHER." My Mom uttered..

Boom!


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C47
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen