>Kreiss' POV<
Nabuluan ako sa kinakain ko at agad akong tiningnan ni tito at ni Dannie.
"Kuya, may nakaalala ata sa'yo," react ni Dannie and she laughed slightly. Kinuha ko ang tubig ko at ininom ko.
Dahil naalala ko ang pinag usapan namin kagabi ni tito, kaya ako nabulunan.
"Kreiss, training tayo mamaya after we rest for an hour. We already explained the plans to you last night before we slept. Make sure you can concentrate later," sabi sa akin ni tito and I nodded at him as my answer and the three of us continued talking.
Totoo nga ang sinabi ni tito. Nahulaan niya ang parte ng plano ko na ibibigay ko ang gem kay Sheloah bilang proposal ko sa kanya. Sabi ko nga no'ng una na susuko ako, pero deep down, ayaw ko. Mas sinundan ko ang sinasabi ng puso ko kaysa sa sinasabi ng isipan ko. Damn, I sound cheesy and corny right now and it sucks but hey… I can't help it.
Love makes you stupid.
I sighed and I drank some of my water again. Plano ko talaga ligawan si Sheloah. Alam niya na ang tunay na nararamdaman ko. Heck, kissing her was part of my plan in provoking Veon but honestly, I enjoyed it. I felt so happy and electrified knowing I kissed someone I love. Pero iba talaga pag mahal ka ng taong mahal mo.
Si Shannara lang siguro ang nakakaintindi ng nararamdaman ko.
I fixed my plate on the side of the table and stood up. "Thanks for the food," sabi ko at tumango ang tito ko. Hindi pa siya tapos kumain. Paalis na ako ng kwarto ko pero biglang nagsalita si tito kaya nakuha niya ang attention ko.
"Kreiss, the three of us are the only family left," sabi niya at nakahawak lang ang kamay ko sa doorknob, pero hindi ako lumingon para tingnan siya. "Don't do reckless things again. You may never know when your life might be taken away from you," dagdag sabi pa niya and I turned the doorknob pero hindi ko parin binuksan ang pinto.
"I know," sabi ko na lang kay tito at umalis ako ng lobby at sinarado ko ang pinto. Sumandal ako sa pinto nang sinara ko at napabuntong-hininga ako.
Alam ko… kami lang tatlo ang natitira. Oo, kahit ganito ang nangyayari, mahal ko si tito at ang pinsan ko. Hindi ko close ang tunay kong pamilya. Ang tinuturing kong tatay ay ang tito ko at ang kapatid ko si Dannie. Simula noong bata kami, sa kanila ko nilalabas ang sama ng loob ko. Pinapagalitan nila ako pag may ginagawa akong kalokohan pero iniintindi nila ako. Sila ang minamahal kong pamilya. Sila ang tinuturing pamilya ko kaysa sa totoo kong pamilya.
Lumabas ako ng bahay at nakita ko sina Sheloah at Veon pati na rin ang iba na magkakasama. Nandito lang ako sa gilid ng bahay, nakaupo sa ledge habang nakatiingin sa kanila na nag uusap.
Sa toto lang, awkward silang lapitan ngayon. After all the things that had happened last night, I don't know what I'm going to say to them if ever I'm going to talk to them.
I sighed and got a bit startled when my cousin, Dannie, sat beside me. "Hey," bati niya sa akin at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at pareho kaming nakaupo sa ledge, nakatingin sa kanila.
"Hey," bati ko rin sa kanya at ngumiti siya. We act like siblings and she is, for me, my sibling. I love Dannie even though I am sometimes cold to her.
"Galit parin ako sa'yo," sabi pa niya sa akin at inirapan ko lang siya. Tinawanan niya lang ako at sinuntok niya ang braso ko. "Don't worry… I still love you," dagdag sabi pa niya at nginitian ko siya.
Galit si Dannie sa akin dahil umalis ako sa bahay namin a month ago. Nag away kami noong time na 'yon kasi gusto kong mapag isa sa mga desisyon na ginagawa ko pag dating sa future ko. Eh, ito namang si Dannie, makulit. Gusto palagi makisawsaw sa mga desisyon ko kaya I moved out from their house and I live alone in an apartment far from them, and far from my parents.
My uncle respected my decision, but Dannie did not so I left in secret. Pero ngayon na zombie apocalypse, nagalit si tito dahil kino-contact niya ako the 2nd day this apocalypse started but I didn't answer it because I went here in Tarlac, alone… to get this gem.
And I'm hoping I'd get Sheloah with this…
"Dannie"," I said her name tapos tiningnan niya ako. "Thanks for accepting me as one of your family," dagdag sabi ko pa at medyo nagulat siya.
Hindi naman kasi ako masyado expressive sa feelings ko pero ngayon na zombie apocalypse, hindi ko alam kung kailan ako mamamatay so I'll just say it while I have the time.
Bigla niya akong kinurot. Sa ginawa niya, agad ko naman pinisil ang pisngi niya at sumimgaw siya dahil sa sakit na naramdaman niya. Matindi kasi ako pag pinanggigigilan ko siya. Ang taba kasi ng cheeks ni Dannie, eh.
"Sweet nga ako, eh. Kurutin mo pa ako," sabi ko at hinawakan niya ang kamay ko para mapigilan niya ako sa pagpipisil ng kanyang pisngi.
"Oo na, kuya! Tama na! Masakit," sabi niya na lang sa akin at tumawa ako tsaka ko binitawan ang pisngi niya. Mas tumawa ako no'ng nakita kong pula na ang pisngi ni Dannie.
Dannie and Tito John… they are really my precious family.