>Veon's POV<
Binaril ko yung zombie na nagpakita sa harapan ko at agad kong binaril yung panibagong ulo niya. Pero bawat lingon ko, may zombie nanaman akong papatayin. Balak ba ito ng kidnapper? Para makakuha siya ng advantage sa challenge na ito? Gusto niyo ba talaga kunin si Sheloah? Nakakainis. Hindi ko ibibigay si Sheloah kahit ano man ang gawin niya!
Ang dami kong binabaril na zombies pero mamaya titigil ulit ako dahil kung babaril pa ako, mauubos ang mga bala ko. Malapit na rin maubos ang extra bullets ko dahil nung papunta kami rito, medyo marami na rin ang ginamit ko.
Tumakbo na lang ako pero kahit anong gawin ko, may zombies na humahabol sa akin. Mas dumadami pa sila kaya wala akong choice. Ginagamit ko ang baril ko. Hit and run. Bawat baril ko, tatakbo ako ng mabilis pero wala parin. Kaya takbo na lang ako. Nakakapagod lang. I can't run forever pero wala akong magagawa. Kung titigil ako, mamamatay ako at ayaw kong mawala ako kasi makukuha si Sheloah.
Bigla akong napagod kaya napa upo ako sa sahig. Kinuha ko na lang yung stick kaya pinatay ko ang zombies at tinipid ko yung bala ng baril ko. Kahit ganito ang paghihirap ko ngayon, ayaw ko paring sumuko dahil marami pa akong gustong gawin. Makapunta sa Australia kasama ang mga classmates ko at ang mga kaibigan ko pati na rin ang parents nila. Mahirap man maabot ang wish ko sa kasalukkuyan pero hindi parin ako susuko.
Palapit na ng palapit sa akin ang zombies pero nagulat ako nung nakita ko yung kidnapper sa harapan koa t pinatay niya yung zombies gamit ang sword niya.
"Kailangan mo ng baril?" tanong niya nung nilapitan niya ako at nagtaka ako bigla.
"Paano—" hindi niya ako pinatapos.
"More fight, less talk. I'll explain later." Sabi niya sa akin at binigay niya sa akin ang baril niya at nag charge forward siya para patayin yung zombies na nasa harapan niya. May mga zombies din na sumunod pala sa kanya kaya pinatay niya yung nasa left side at pinatay ko yung nasa right side.
Habang pinapatay namin ang mga zombies, pansin ko na magaling din makipaglaban ang kidnapper. Mas mabilis nga lang kaysa kay Sheloah. Siguro kasing galing niya si Geof since si Geof yung nagturo kay Sheloah pero siguro mas magaling din itong lalaking ito kaysa sa kanya.
Ang bilis niyang kumilos. Habang umaatake siya, nakakatalon pa siya tapos nag back flip pa. Matagal na siguro nag aaral kung paano gamitin ang katana. Pareho sila ni Sheloah at Geof pero yung sa lalaking ito, mas magaan at mas matulis.
Nung napatay namin ang mga zombies sa paligid namin, napa upo kamin dalawa sa sahig. Pagod na pagod kami at tiningnan namin ang isa't-isa tapos ang weird ng nangyari. Tumawa kaming dalawa na parang close kami. Bakit gano'n?
"Magaling ka rin pala." Sabi niya sa akin at tiningnan ko siya.
"'Wag mo akong tingnan na parang weak akong tao. May kaya ako." Sabi ko naman sa kanya at medyo tumawa siya tapos binigyan niyia ako ng smirk.
"Kreiss." Sabi niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko tsaka kami nag hand shake. "Kreiss Estheim." Dagdag sabi pa niya at tumango ako tapos binigyan niya ako ng brief smile. Ang rare ng name niya. May ibang lahi siguro.
"Veon." Sabi ko sa kanya at tumango siya.
"I know." Sagot naman niya. Tataungin ko sana kung paano niya ako nakilala pero biglang may pumasok na mas importanteng tanong sa isipan ko.
"Bakit moa ko pinuntahan?" deretsyohang tanong ko tapos ginalaw niya lang ang balikat niya tsaka siya tumawa.
"Having you killed was not part of the plan." Sagot niya tapos tinaasan ko siya ng kila dahil hindi ko siya maintindihan.
"Ano?" tanong ko at tiningnan ko siya ng seryoso. "Ginagamit mob a ako?" dagdag tanong ko pa at ngumiti siya.
"Dude… you may say that but I'm not. I need to get my hands on something." Sabi niya tapoos sumandal siya sa puno na nasa likuran namin. Napa sandal din ako.
"Yung gem na sinasabi mo, 'di ba?" sabi ko at tumango siya. "Ano bang meron sa gem na 'yon?" dagdag tanong ko pa at napabuntong-hininga siya.
"None of your business pero sabihin ko na lang ang gist." Sabi niya tapos tiningnan niya ako. "It involves my family." Dagdag sabi pa niya at tumango na lang ako. 'Yon lang pala. Wala akong pakealam pero ano'ng kinalaman ni Sheloah?
"Bakit si Sheloah ang prize sa gem na ito?" tanong ko at tumawa siya.
"Let's go look for the gem. I'll explain it to you later." Sagot na lang niya sa akin at nag sigh ako. Napaka mysterious ng lalaking ito.
"Magkasama tayo?" tanong ko at tumango siya.
"Guess we have to work together to get this gem. And besides… pareho tayong nahihirapan sa pakikipaglaban ng mga zombies dito." Sabi ni Kreiss sa akin at napatango ako sa sinabi niya.
"Wala tayong choice kundi magsama at mag cooperate." Dagdag sabi ko pa at naglakad kaming pareho patungo sa place kung nasaan man ang gem. "So meaning nun walang matatalo, walang mananalo. Pero kkukunin ko parin si Sheloah." Sabi ko at tumawa siya.
"You have to do my request in order for you to completely get her." Sabi niya at tiningnan ko siya.
"Paano kung hindi ko tinupad ang request mo?" tanong ko at tiningnan niya rin ako.
"Kahit 'di mo sundin. Makukuha ko parin gusto ko." Sagot niya at tumawa siya.
"Ano ba kasi ang gusto mo?" tanong ko at nginitian niya ako.
"Sasabihin ko sa'yo mamaya." Sagot niya at nag sigh na lang ako bilang sagot ko sa kanya. Napaka mysterious talaga ng lalaking ito. Ayaw niya sagutin lahat ng sagot ko. Okay lang ba na pagkatiwalaan ko siya?
Pareho kaming tahimik habang naglalakad patungo sa lugar kung saan namin mahahanap ang gem. Sana mahanap namin ito para makaalis na kaagad kami at makuha ko si Sheloah. Gusto ko na siyang makita. Sa sobrang pag aalala ko, hindi ako mapakali. Gusto kong imadali ang lahat ng dapat naming gawin. Pero wala akong magagawa. Kahit nagtutulungan kami ngayon ni Kreiss, hindi ko siya mapagkakatiwalaan. Kung gagawin ko ang gusto ko, baka kung ano na ang gagawin niya kay Sheloah.
Sana matapos ang lahat ng ito.