App herunterladen
49.07% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 104: Bago Nangyari ang Eksenang Ito

Kapitel 104: Bago Nangyari ang Eksenang Ito

>Veon's POV<

Naiinis ako. Bigla na lang nawala si Sheloah. Umalis lang ako saglit at nawala na siya? Bakit ganito ang nangyayari ngayon? Nawala na nga si Josh, si Sheloah pa ang sinunod. Zombie apocalypse na nga, may mga tao pa na merong malakas ang loob para mag kidnap ng tao? Bakit gano'n? Nakakainit ng ulo!

Lumingon ako at nakita ko na nasa likuran ko si Isobel, Tyler at Shannara. Nag aalala na rin sila at maraming nag bubulong sa likuran namin. Nagtataka yung iba kung bakit nawawala si Sheloah. Yung iba nag aalala para sa kanya. Yung parents niya, nagpa-panic. Yung tito niya nilapitan ako at halatang galit na galit siya.

"Veon, nakita mo ba si Sheloah bago siya Nawala?" tanong ng nanay niya at halata sa kanyang mga mata na nag aalala siya.

Alam kong masakit sa pakiramdam nila na mawala si Sheloah. Maslalo na yung nanay niya. Si Sheloah lang kasi ang anak niya. Wala ng iba. Only child lang kasi siya at talagang masakit sa pakiramdam ang mawalan ng anak maslalo na pag iisa lang siya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Sinabi ng nanay ni Sheloah at umiiyak na siya. "Iniiwan ko kasi siya dahil alam kong safe siya kasi kaya niya sarili niya pero feeling ko tuloy, isa akong masamang ina." Dagdag sabi pa niya at agad kong nilagay ang kamay ko sa kanyang likod upang damayan siya.

"Hindi ka naman masama, tita…" sabi ko na lang sa kanya pero patuloy parin siyang umiiyak. Nilapitan siya ng tita ni Sheloah, at pareho silang umiiyak sa gilid.

Nilapitan ako ng tito niya. "Veon saan mong huli nakita si Sheloah?" tanong niya at tiningnan ko siya.

"Tito, nakita ko po siya sa may living room nung huli, kasama si Shannara." Sagot ko sa tanong niya at tumingin si Shannara sa amin dahil narinig niya ang kanyang pangalan. Nilapitan kami ni Shannara at nakisali sa topic namin.

"Ano po ang tanong niyo, tito?" tanong niya sa tito ni Shannara at tiningnan naman niya si Shan.

"Kasama mo si Sheloah bago nangyaari ang eksenang ito, 'di ba?" tanong ni tito at tumango naman si Shannara bilang sagot. "Ano ang pinag usapan niyo?" dagdag tanong pa niya at agad naman nagsalita si Shannara pagkatapos niya narinig yung tanong ni tito ni Sheloah.

"Last time po magkasama kami, pinag usapan po namin si Veon." Sinimulan niyang sinabi. "Tapos po nung umalis ako para kausapin si Veon, nakita ko naman po si Sheloah na nasa salas. Hindi ko po alam na pumunta po pala siya sa kwarto nila." Dagdag sabi pa niya at tumango ang tito niya pero hinawakan niya ang kanyang mukha. Halata sa tito ni Sheloah na masama ang loob niya dahil nawawala ang pamangkin niya. Ang nag iisa niyang pamangkin.

"Napaka irresponsible ko naman at nangyari ang lahat ng ito." Sabi niya at sinuntok niya yung dingding at agad siyang pinuntahan ng asawa niya at ng nanay ni Sheloah.

"'Wag ka nang magalit. Mahahanap din natin si Loah. Tiwala lang." sabi ng asawa niya sa kanya at hindi parin makapagsalita si tito.

"Kaya nilang gawin 'yan ni Veon." Sabi ng nanay ni Sheloah sa akin tsaka niya ako tiningnan. "Sorry na umaasa ako sa inyo, hijo. Pero ngayon, kayo ang tanong pag asa namin." Dagdag sabi pa niya at hinawakan niya ang likod ko. "Sasama ako sa inyo. Kahit mamatay na ako, ayos lang basta mabuhay ang aking anak." Sinabi niya pa at lahat kami medyo nagulat sa sinabi niya.

Talagang willing si tita mag sakripisyo para lang mabuhay ang kanyang nag iisang anak.

Nginitian ko ang nanay ni Sheloah. "Maiwan na lang po kayo rito." Sabi ko at tiningnan ako ng pamilya niya. "Ayaw ni Sheloah na mapahamak kayo kaya asahan niyo po na kaya kong gawin ito." Dagdag sabi ko pa at hinawakan ko ang kamay ni tita. "Mag tiwala po kayo sa akin." Sinabi ko pa at tumango na lang sila sa akin at nilapitan ako ng tito ni Sheloah.

"Alam kong kaya niyo ito, Veon. Dito lang kami. Tutulong kaming mga parents kung sakali may masamang mangyari rito." Sabi niya at tumango din lang naman ako sa kanya.

Bigla nakuha ang attention namin nang makita namin ang tatay ni Dannie. "Veon and the others… follow me. May ipapakita ako sa inyo." Sabi niya at tiningnan namin ang isa't-isa habang naglalakad kami paputna sa isang room kung saan kami mag uusap.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C104
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen