App herunterladen

Kapitel 50: Chapter 10

"Sensei, watashi wa kore o kaudeshou, (Sensei, I want to buy this)," nakangising sabi ni Hiro habang hawak ang bago at makapal na diksyunaryo na inilabas ng University of the Philippines. Gusto daw iyong bilhin ni Hiro.

Nagpunta sila sa bookstore para humanap ng mga libro na pwede nitong basahin para mag-improve ang English at Filipino nito. May modules sila pero mas gusto niya kung magiging practikal ang ituturo niya sa binata.

Ngumiwi si Jemaikha nang makita na dalawang libo ang halaga niyon. Umiling siya at ibinalik ang dictionary sa rack. "Too expensive. Masyadong mahal." Pumunta siya sa ibang rack at dinampot ang maliit na libro na may basic Filipino, English at Japanese translation. "Ito na muna ang basahin mo. Mas madaling matutunan. Naiintindihan mo ba ako?"

"Hai," sagot nito at tumango. "Ito lang?"

"Now for your other training materials," aniya at hinila ang binata sa fiction section. Nagningning ang mga mata niya nang makita ang hilera ng Tagalog romance pocketbooks. "Pili ka na. Pumili ka ng gusto mong basahin."

Kumunot ang noo nito. "For you? You want to read these?"

Umiling siya. "Hindi para sa akin. Para sa iyo." At itinuro ito.

"P-para sa akin? Nande?" naguguluhang tanong nito na parang kakatwa na gagamitin niya ang romance novel para sa leksyon nito. "Will we talk about about love? Tuturuan mo ako kung paano magmahal?"

Napanganga siya. "Ha? Anong sinasabi mo?"

"Are you an expert on love, sensei?"

Dumampot siya ng isang pocketbook at binasa ang teaser. "This is a contemporary novel. If you want to learn how the usual Filipinos speak, how they express themselves, read this. This is a very cheap read. Mas mabilis kang makaka-pick up dito dahil sa dialogues. Mamili ka na ng gusto mo. Magkakaroon tayo ng reading session mamaya."

"Hai, sensei," usal nito at atubiling dumampot ng isa. Binasa nito ang back cover. "Inakit ni Jovita si Clarence para saktan ang kapatid nito..."

Inagaw niya bigla ang libro dito habang namumula ang pisngi. "Huwag iyan!" aniya at ibinalik agad ang libro sa rack. "Rated SPG. Hindi pambata."

"Hindi na ako bata," protesta ng lalaki at dinampot ulit ang libro. "What is inakit anyway?"

Napanganga siya at nablangko. "Ahhh... iyon na lang mas magaan-gaan na kwento. Wag heavy." Bumuga siya ng hangin. Di pa niya kakayanin ang ganoon ka-intense na usapan. Bata pa rin siya. "Ako na ang pipili para sa iyo. Rom-com is better. O kaya 'yung teen fiction."

At nanginginig ang kamay niya na kumuha ng panibagong libro na may wholesome na cover at di mukhang dudugo ang ilong niya sa pagka-sensual. Bakit ba niya naisip iyon? Naalala niya ang isang senior sa kanya na nagsabi na Tagalog pocketbooks ang ipinapabasa nito sa mga estudyante at mabilis daw maka-pick up ang mga ito dahil ang dialogue na ginagamit ng karakter doon.

Siya naman ang tutor nito. Siya ang magga-guide dito kung anong parte ang babasahin nito at hindi kasama ang Rated SPG doon. Baka hindi rin iyon makasama sa Japanese vocabulary niya.

Matapos mamili ng limang maninipis na pocketbook na mukhang wholesome, idinala na niya iyon sa counter. Nagtaka siya nang makitang wala si Hiro sa likuran niya. Di nagtagal ay bumalik ito dala ang counter na dala ang makapal na dictionary.

"I am committed. I want to be a good student," sabi ng binata. "Di ka laging nandiyan para turuan ako."

Tumango na lang siya at hinayaan ito. Pera naman nito ang ipambibili niyo. "Ang sarap siguro ng buhay ng nabibili mo ang lahat ng gusto mo," usal niya at huminga ng malalim.

"What do you want to buy, sensei?" tanong ng lalaki.

Gulat niya itong nilingon. "Ha?"

"I'll buy it for you to make you happy."

Umiling siya. "No. I don't think that is appropriate."

Alam niya na may mga galanteng estudyante o magulang ng estudyante pero di talaga komportable doon. Pareho lang silang estudyante ni Hiro. Di tama na gastusan siya nito. Wala namang espesyal na okasyon gaya ng birthday o Pasko kaya nakakaasiwa na tumanggap ng regalo. Mas gusto niya na ipunin na lang nito ang pera. Mag-isa lang itong naninirahan sa bansa nang walang patnubay ng magulang. Dapat matuto ito sa tamang pag-budget ng pera.

Nagkibit-balikat ito ay ginamit ang ATM debit card. Hindi niya alam na pwede pala iyong ipambayad. Palibhasa ay wala aging laman ang ATM account niya. Pagkadeposit ng tseke para sa allowance sa scholarship niya, wini-withdraw agad niya iyon sa dami ng gastusin niya.

"Doko… saan tayo kakain, sensei?" tanong ni Hiro.

"May alam ko ako na masarap na tapsihan. Mura lang doon."

"Tapsi?" naguguluhang tanong ni Hiro. "Can I pay with this?" Inangat nito ang debit card. "Ito na lang ang pera ko." At naglabas ito ng dalawang daang piso.

"Sobra-sobra pa iyan sa lugaw na kakainin natin. Let's go."

Atubili man ay walang nagawa ang lalaki nang pumara siya ng jeep. Di kalayuan sa condo building ng lalaki sila bumaba at pumasok sa isang maliit na kainan pero malinis naman.

Sinalubong agad sila ng bading na pamangkin ng may-ari. "Hi, pogi! Ako ba ang kailangan mo? I'm Tara at your service." Pinapungay nito ang mga mata. "Ako lang ang single dito. Libre na ang kahit anong order-in mo."

Tumikhim si Jemaikha at humawak sa braso ni Hiro. "Oorder kami. May pambayad naman kami," mariin niyang sabi para tigilan na ng bading ang pag-flirt sa binata. Mukha ba silang nagpunta doon para magpalibre dito.

"He's funny," nakangiting sabi ni Hiro.

"O! Narinig mo iyon? Funny daw ako. Type niya ako," kinikilig pa rin na sabi ng bading.

Parang gusto na niyang hilahin si Hiro palayo pero gutom na siya. "Isang tapsi na lang. Gusto ko ng malasadong itlog. Saka malamig na Sprite."

"Ako rin," sabi ni Hiro.

"Copy-paste?" tanong niya.

"Nani?" tanong ng binata kung ako iyon.

"Alam mo kung ano ang tapsi?"

"Kung ano ang gusto mo, magugustuhan ko rin."

Ipinaliwanag niya dito na ang inorder nito ay tapsilog. Sunod niyang ipinaliwanag dito ang iba pang nasa menu ng kainan. Habang naghihintay ng order ay inilabas ng binata ang pocketbook at sinimulang basahin. Hindi niya mapalakas ang basa dito dahil nasa pampublikong lugar sila.

Di nagtagal ay dumating ang order nila. "Heto na ang order mo, pogi," sabi ng serbidor. "May girlfriend ka na ba?"

"Meron na," sagot ni Hiro sa gulat niya at hinawakan ang kamay ni Jemaikha. "Siya ang girlfriend ko."

"A-Ako?" nakangangang tanong ni Jemaikha.

"Hindi ba maganda siya?" tanong ng lalaki at nakangiti siyang nilingon.

Ngumiwi si Tara. "Di naman kami nagkakalayo ng alindog."

"What is alindog?" tanong ni Hiro.

Iniwan sila ni Tara nang may tumawag na customer dito. Pumiksi si Jemaikha nang di pa rin binitawan ni Hiro ang kamay niya. "Hoy!" Natigilan siya nang mapansing titig na titig ito sa kanya. "Bakit ganyan ka makatitig?"

"You are so beautiful, I can't take my eyes off you."

Muntik nang bumagsak ang panga ng dalaga. Gusto yata siyang baliwin ni Hiro. Hindi siya handa na masabihang maganda. "B-Bakit mo nasasabi iyan?"

Talaga bang ganoon siya kaganda? Diyosa level? Pakiramdam niya ay pagkahaba-haba ng buhok niya. Pwedeng padaanan sa Shinkansen bullet train.

"Nabasa ko dito," sabi nito at dinampot ang pocketbook sa tabi ng plato nito. "Naniwala ba siya na girlfriend kita, sensei?"

Umungol si Jemaikha. Muntik na rin siyang naniwala sa pag-arte nito. Gandang-ganda na siya sa sarili niya. Ginagamit lang pala nito ang leksyon nila.

"Sige. Kain ka lang. Paasa," usal niya.

"Paasa?" tanong nito.

"Papasa ng patis," sabi niya at tinuro ang condiments malapit dito. Idadaan na lang niya sa pagkain ang pagkabigo.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Rank -- Power- Rangliste
    Stone -- Power- Stein

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C50
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität des Schreibens
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank NR.-- Macht-Rangliste
    Stone -- Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen