App herunterladen
94.76% The Actor that I Hate to Love / Chapter 181: Awake

Kapitel 181: Awake

Ariel Angelo's Point of View

HUMAHANGOS akong pumunta sa OR kasunod ang mga magulang ko at si mommy Elize na naghihisterikal na. Inabutan namin si daddy Adrian na nakasilip sa pinto ng OR. Umiiyak.

Nakita ko mula sa pinto kung paano nila i-revive ang asawa ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, para akong nauupos na kandila. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako natakot ng ganito. Isang minuto. Dalawang minuto. Patuloy ang mga doktor sa pagre-revive hanggang sa para akong nabunutan ng tinik ng bumalik sa normal yung linya.

Lord, maraming salamat.

Lahat kami ay parang nanggaling sa laban at nagtagumpay.

" Diyos ko salamat. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay bunso dad." narinig ko si mommy Elize habang yakap ni daddy Adrian.

Ako man ay hindi ko kakayanin. Si Aira ang buhay at kamatayan ko. Kung mawawala siya, mawawalan na rin ng saysay ang buhay ko.

" Mr. Montero, salamat sa Diyos at nakabalik ang iyong asawa pero ikinalulungkot ko na comatose sya ngayon. Hindi ko alam kung kailan siya gigising pero umaasa ako na sandali lang ito dahil maayos naman ang vital signs nya. Sa ICU muna namin siya ililipat para mas lalong ma-monitor ang kundisyon niya. " turan ng doktor.

Nalungkot kaming lahat sa narinig. Ngunit kahit na ganito, may pag-asa pa hindi katulad nung kanina.

Mula sa OR ay inilipat nila ang asawa ko sa ICU. Isang tao lang ang pwedeng pumasok kaya nagkasya na lang kaming lahat na nakasilip sa kanya sa labas.

Nagpaalam ang mga magulang ko na uuwi na muna, si mommy Elize ay ayaw pang umuwi pero sinabi ko na magpahinga na muna siya at ako na ang bahala. May suite naman akong kinuha para kung sakaling gusto kong magpahinga ay bababa na lang ako.

Araw-araw ay ako halos ang nagbabantay kay Aira. Pinapalitan naman ako ni mommy Elize o kaya ni Shane kapag kailangan kong umuwi sa kambal. Madalas na nga nila akong tanungin kung nasaan ang mommy nila. Sinasagot ko na lang na may sakit si Aira at nasa ospital.

Pang-limang araw na at tulog pa rin siya. Kapag pumapasok ako sa loob ng ICU, madalas ko syang kausapin. Nakakatulong daw yon para mabilis bumalik ang pasyente.

" Baby ano ba? Kailan ka ba gigising? Miss na miss ka na ng kambal natin. Kapag gumising ka na, promise hihinto muna ako sa showbiz, aalis tayo ng bansa. Yung malayo sa tsismis at intriga. Baby alam mo bang natapos na yung telenovela ko. Ang taas ng rating non, sayang nga hindi mo pinapanood kasi ayaw mong nakikita yung mga kissing scene ko dun. "

Lumipas pa ang mga araw. Mahigit isang linggo na siyang natutulog. Si daddy Adrian muna ang bantay sa kanya ngayon dahil busy si mommy Elize sa coffee shop, may shooting naman si Shane tapos si kuya Andrew ay may proyektong tinatapos sa distrito namin.

May dadaluhan akong awards night. Isa kasi ako sa nominado bilang best actor. Pero mamaya ako na ulit ang magbabantay sa kanya. Kahit tulog naman siya, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.

Sa venue na kami nagkita ni tita Jellyn. Excited sya kasi pakiramdam niya ay ako daw ang mananalo bilang best actor.

Nag-umpisa na yung program. Naunang binanggit yung mga awards para sa mga nasa likod ng camera.

Finally nung major awards na, sobrang kinakabahan na ako. Kung nandirito lang si Aira, alam niya kung paano ako pakakalmahin.

Nanalo yung movie namin bilang best movie of the year tapos best direktor yung direktor namin. Nung best actress na ay malas na hindi kami ang nakakuha. Sa best actor, hindi ako sure kung masusungkit ko ito dahil beterano halos ang kalaban ko.

" And now the best actor goes to. ..... (drum roll) Gelo Montero in Somewhere in Time. Congratulations."

Hindi ako agad nakakilos. Kinakailangan pang itayo ako ni tita Jellyn para pumunta sa stage at kunin ang trophy ko.

Nagpalakpakan ang mga tao nung kunin ko ang trophy at magpasalamat ako sa lahat ng taong naging bahagi ng tagumpay ko. Medyo nalungkot lang sila nung banggitin ko si Aira at ang mga anak namin bilang inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. Kalat na kalat naman kasi sa apat na sulok ng bansa kung ano ang nangyari kay Aira.

Nagkaroon ng malaking salo-salo ang buong production dahil marami ang nahakot na awards ng movie namin. Pinagbigyan ko lang sila ng ilang oras tapos nagpaalam din ako dahil magbabantay pa ako kay Aira sa ospital.

Pagdating ko ay pinauwi ko na si daddy Adrian. Binati nya muna ako at masaya siya na nakakuha ako ng award.

Excited akong pumasok sa loob ng ICU. As usual, kakausapin ko na naman si Aira. Hinalikan ko sya sa noo tapos umupo ako sa chair na nasa gilid ng hinihigaan niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan.

" Hi baby! Na-miss kita dahil hindi kita halos nakita sa maghapon. Alam mo umattend ako ng awards night. Hindi ba nabanggit ko na sayo na nominated ako? Ang saya mo pa nga at gusto mong sumama sa awards night. Sayang wala ka dun baby kanina, mas masaya sana ako kung kasama kita habang kinukuha ko yung trophy ko. Nanalo ako bilang best actor baby. Salamat sayo at sa mga anak natin dahil kayo ang inspirasyon ko. Gumising ka na please. Mahigit isang linggo ka ng tulog dyan. Laban lang tayo baby ha, wag kang bibitaw. Anong silbi ng lahat ng ito kung mawawala ka naman?"

Hindi ko namamalayan na umiiyak na naman pala ako. Masaya ako sa natanggap kong award at the same time nasasaktan din ako. Siya lang kasi ang pinag-aalayan ko ng lahat sa akin. Kung gising lang siya, alam kong magiging masaya din siya.

Yung takot at pangamba sa puso ko hindi matanggal-tanggal. Although yung faith ko sa Lord ay hindi ko binibitawan, hindi pa rin matanggal yung takot at pangamba. Alam kong isa lang ulit ito sa mga pagsubok Niya. Kung nagtagumpay kami noon, alam kong magtatagumpay din kami ngayon sa tulong Niya. Siya ang naglagay, Siya rin ang mag-aalis. Alam ko yon pero syempre sa araw-araw na nakikita ko si Aira na ganito hindi pa rin maalis yung pangamba.

" Baby alam mo bang nakakulong na si Roxanne? Kasabwat pala siya ni Gwyneth, siya ang nag-utos na paibigin ako. Hindi naman siya nagtagumpay dahil hindi ko naman siya minahal, out of gratitude lang siguro kung kaya naging malapit ako sa kanya. Hindi ko naramdaman sa kanya yung nararamdaman ko sayo noon. Iba ka talaga eh, ang bangis mo. Unang kita ko pa lang sayo noong 8 years old ka, alam ko na agad kung sino yung magiging future ko. Hindi ko ito sinasabi sayo because you might think that I'm crazy. Ang creepy nga naman. Anyway, naging mabilis ang mga lawyers natin na mabigyan ng katarungan yang nangyari sayo. Si Gwyneth nasa isang mental institution na, may diprensya na talaga siya sa utak. Mabilis siyang nakapasok kasi maraming saksi sa kulungan na nakakakita na iba na talaga ang ikinikilos niya.Pinagbabayaran na nilang dalawa ngayon lahat ng kasamaang ginawa nila. Sana baby gumising ka na. Naayos ko na lahat ng kailangan natin sa pag-alis ng bansa. Doon tayo titira kung saan hindi ako kilala bilang artista. At masu-surpresa ka kung saan yon. Hindi ko sasabihin sayo hanggat hindi ka gumigising. Kaya sana gumising ka na para naman..... " napahinto ako sa pagsasalita dahil naramdaman ko na kumilos yung daliri niya na hawak ko.

" Oh my God! Baby totoo bang kumilos yung daliri mo? " masayang tanong ko at the same time walang tigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.

Inulit nyang muli ang paggalaw ng daliri nya. Tiningnan ko sya pero nakapikit pa rin.

" Baby can you hear me? Please move your fingers again. "

And she did kasabay ng unti-unting pagmulat ng kanyang mga mata.

" Tubig." mahinang turan niya.

Sa halip na ibigay ko ang hinihingi nya ay lumabas muna ako ng ICU para tawagin ang doktor niya

Nagmamadali rin kaming nakabalik kasama ang isa pang doktor at dalawang nurse. Ineksamin nila siya at hindi muna siya pinainom ng tubig sa halip ay dinampian muna nila ng basang bulak ang kanyang mga labi.

Tuluyan na nga siyang nagising pero nakatuon lang ang paningin niya sa kisame ng silid.

Kinausap ako ng doktor kung ano ang mga dapat kong gawin, kung ano ang mga pwede at hindi pa pwede sa kanya. Magbibigay sila ng gamot kapag nailipat na siya ng kwarto.

" Salamat sa Diyos baby at gumising ka na. Mahigit isang linggo ka ring natulog. Mamaya ililipat ka na dun sa kinuha kong kwarto para sayo." sabi ko. Ang laki ng ngiti sa labi ko dahil finally, pinakinggan din ni Lord yung pagsusumamo ko.

Nakatingin lang si Aira sa akin ng may pagtataka. Nakakunot pa ang noo niya na parang hindi ako maintindihan sa sinasabi ko.

" Baby? "

" S-sino ka? "


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C181
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen