App herunterladen
46.59% The Actor that I Hate to Love / Chapter 89: Safe Method

Kapitel 89: Safe Method

Shanaia Aira's Point of View

MATAPOS akong mag- lunch ay bumaba ako ng condo. Pumunta ako sa supermarket ng katabing mall ng condo unit namin.

Namili ako ng mga prutas at gulay na syang dapat kong kainin gaya ng bilin ni ate Faith sa akin. Mababa raw kasi ang dugo ko na kung hindi ko aagapan ay baka maging anemic daw ako. Yun pala yung cause ng pagkahilo ko.

Matapos mamili ay nagpunta ako sa bank para ipadala na lang sa care taker yung sahod ng mga tauhan namin sa Tagaytay. Nag-text na ako kanina na kunin na lang sa banko nila yung pera. Mabuti na lang pinag-open ni Gelo ng account sa banko si Mang Turing, yung care taker. Baka kasi hindi ko kayang bumiyahe bukas papunta dun, baka sa daan pa ako abutan ng pagkahilo. Gusto ko nga sanang umuwi dun dahil marami akong aayusin, balak ko na dun kami mag-celebrate ni Gelo ng 6'th year anniv. namin next month, on Valentine's day.

Pagdating ko sa unit ay agad kong inayos yung mga pinamili ko. Pakiramdam ko, nahihilo na naman ako kaya uminom ako nung vitamins na bigay sa akin ni ate Faith para sa dugo. Anemic na nga yata ako. Ito siguro yung resulta ng halos gabi-gabing exercise namin ni Gelo. Haha.ito ang napapala ng marupok.

Nagpahinga muna ako sandali sa couch sa living room. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko para sa video call. Si Gelo ang nasa kabilang linya.

" Hi baby!" bumungad agad ang mukha ng gwapong asawa ko sa screen. Naka-suot siya ng puting t-shirt na may print na malaking puso sa gitna. May nakasulat na Here in my Heart sa gitna nung puso, title nung movie nila.

" Hi bhi! Musta ka na? Nasan ka?" tanong ko. Mukha kasing tahimik yung place nya.

" Nandito ako sa loob ng room ko sa hotel. In less than one hour mag - sstart na yung show. Kailangan ko ng inspirasyon kaya nag-video call muna ako sayo." sabi nya sabay nag wink pa sa akin.

" Asus naman pinapakilig na naman ako ng mister ko. God bless bhi, mag pray ka muna bago mag-start. Kaya mo yan. Ikaw pa ba? " napangiti sya tapos biglang nangunot yung noo nya.

" Baby bakit parang matamlay ka? May nangyari ba?" nagwo-worry na tanong nya. Kitang-kita sa mukha nya ang pag-aalala.Bigla naman akong natahimik. Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin yung nangyari kanina sa akin sa school. Tiyak na mag-aalala sya sa akin at ayokong maka-apekto sa magiging performance nya mamaya sa show nila.

" Wala lang bhi. Medyo pagod lang ako, galing kasi ako sa supermarket sa ibaba." sabi ko. Sana lang makumbinse ko sya.

" Hindi eh, parang namumutla ka. Kumain ka ba ng maayos? Baka nag fastfood ka na naman kaya ka ganyan."

" Nagluto ako ng pagkain ko bhi. Medyo mainit lang sa labas kaya parang napapagod ako but I'm perfectly fine bhi, don't worry. Ayusin mo na lang yung performance mo mamaya. Make me proud. " nakangiti ng turan ko. Nilakihan ko nga yung ngiti ko para huwag syang mag-alala.

" Alright, just rest. I will call you tonight to check on you. Alam mo naman na hindi ako mapapakali kapag alam kong may dinaramdam ka. Rest baby ha? Kilala kita, kung ano-ano na naman ang gagawin mo nyan dyan sa condo eh. Tatawag ako kay mommy para ipadala yung isang house helper nila dun. Wag matigas ang ulo baby. Alam ko na hindi ka okay, namumutla ka. " pinal na turan nya. Kapag ganyan yan hindi na ako makakahirit. Kilala talaga nya ako, alam na alam nya kapag may dinaramdam ako.

" Okay bhi. Wala na ako say. " sagot ko na lang.

" Okay baby, I will check on you tonight. Hintayin mo yung house helper na ipapadala ni mommy. I'll go ahead, tinatawag na ako sa labas. I love you baby." paalam nya. Medyo nagmamadali na siya kasi may kumakatok na sa pinto nya.

" I love you too bhi."

Matapos ang pag-uusap namin ay nahiga na nga lang ako. Ayokong suwayin ang utos nya dahil malalaman at malalaman din naman nya kung hindi ako sumunod.

After a while nag ring naman ang landline namin.

" Hello po." sagot ko.

" Aira anak! " boses ni tita Mindy ang nasa kabilang linya. Tila nag-aalala yung tono nya.

" Kayo po pala tita." sagot ko.

" Oo, tumawag si Gelo at mukhang nag-aalala. Kumusta na ang pakiramdam mo anak?" tanong ni tita. Ito talagang si Gelo, alam talaga na hindi maganda ang pakiramdam ko kanina.

" Actually tita hindi po talaga ayos ang pakiramdam ko mula kahapon. Hindi ko lang po sinabi yung buong detalye kay Gelo kasi po baka maka-apekto pa po sa performance nya sa show nila. Nahilo ako kahapon tita at hinimatay po ako. Medyo mababa daw po ang dugo ko, at kung hindi maaagapan ay magiging anemic po ako."

" What? Naku anak kailangang kumain ka ng gulay at prutas tsaka mag vitamins ka yung may iron. Sandali lang at pupuntahan kita dyan kasama yung house helper na hinihiram ni Gelo. " yun lang at mabilis ng naibaba ni tita Mindy yung phone. Hindi na ako hinayaan pa na tumanggi.

Matapos ang isang oras ay may nag-door bell na sa pinto. Sumilip ako dun sa butas at nakita kong si tita Mindy ang nasa labas kaya mabilis kong ibinukas ang pinto.

" Maayos na ba pakiramdam mo anak?" bungad nya matapos akong magmano sa kanya.

" Ayos na po tita, nawala na po yung hilo ko."

" Heto may dala akong sopas tapos pinagluto kita ng adobong atay ng baboy, malakas sa iron ito. Syanga pala ito si Linda, ang pansamantalang makakasama mo dito, siya ang gagawa ng lahat dito para makapag-pahinga ka. Pwede rin na dito muna sya sa inyo para may tao dito kapag nasa school ka. " pakilala ni tita Mindy sa kasama nya. Mukhang nasa early thirties na ito. Medyo chubby sya at singkit ang mga mata nya. Medyo maputi sya at hindi katangkaran, mga 5 flat siguro ang height nya. Parang nakikita ko si Candy Pangilinan sa kanya.

" Hello Linda!" bati ko. Ngumiti sya sa akin at saka yumukod.

" Siya si ma'am Aira mo Linda, ang fiancee ng sir Gelo mo. Nasabi ko na sayo kanina na lihim lang sa publiko ang relasyon nila, alam mo na ang gagawin mo kung sakali ha?" paalala ni tita Mindy sa kasambahay.

"Opo ma'am, alam ko na po." sagot naman ni Linda. Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan.

Hindi umalis si tita Mindy hangga't hindi ako kumakain ng maayos. Ang dami nyang bilin kay Linda bago naman sya umalis.

" Linda kumain ka na rin. Bukas mo na lang umpisahang gawin yung mga gagawin mo. Hindi naman nagmamadali ang mga yan." sabi ko kay Linda. Mukha kasing uumpisahan na nyang maglinis eh maghahapunan na sya.

" Sige po ma'am. Ano po ba ang madalas ninyong kainin sa almusal para yun ang iluluto ko bukas ng umaga?" tanong nya.

" Fried rice ang madalas naming almusal ni Gelo, tapos yung mga usual na ulam lang na pang-agahan. Hindi naman kami mapili sa pagkain kaya wala kang problema sa amin pagdating sa bagay na yun. Huwag kang mahihiyang magsabi sa akin kung may kailangan ka ha? " turan ko.

" Opo ma'am. Sige po kakain na po muna ako. " paalam nya. Tinanguan ko sya at nginitian.

Pumasok na ako sa kwarto para maligo na. Saktong natapos ako sa mga ritwal ko bago matulog ay saka nag-video call si Gelo.

" Hi baby! " bungad nya. Nasa hotel room na siya, nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Nakasuot na sya ng pantulog nya.

" Hi bhi! kumusta yung mall show nyo?" tanong ko. Nakadapa ako sa kama at nakapatong yung mga braso ko sa unan.

" Okay naman. Sobrang dami ng tao. Hindi ko akalain na magiging mainit ang pagtanggap nila sa amin dito. Maraming nagpa-authograph at nagpa-picture. Nakakapagod but worth it naman." masayang balita nya.

" Mabuti naman bhi. Natutuwa ako para sayo. Syanga pala nandito si tita Mindy kanina, hinatid si Linda tapos dinalhan nya ako ng adobong atay at sopas. Hindi nga umalis hanggat hindi ako kumain ng maayos. "

" Good. Ano ba talaga ang nangyari sayo? Care to tell me? Hindi naman kita titigilan hanggat hindi mo sinasabi sa akin. Pinag-aalala mo ako. " pangungulit pa nya.

Huminga ako ng malalim saka ko kinwento sa kanya yung buong pangyayari pati yung inakala ko na buntis ako dahil hinimatay ako. Yun ang hindi ko sinabi kay tita Mindy kanina. Mabubuko kami panigurado.

" Sakaling may nabuo naman baby, gagawan ko ng paraan yan para hindi malaman ng publiko. Pwedeng umalis tayo dito at iwan ang lahat."

" Bhi alam mo kung ano ang ibubunga non kung sakali. Kaya hindi rin itinulot ni Lord na makabuo tayo kasi ayaw Niyang magka-problema tayo. Hindi kasi maganda yang solusyon na naiisip mo, makakasuhan ka ng breach of contract tapos mawawalan ng tiwala sayo ang mga tao lalo na yung mga tagahanga mo. Pati pamilya natin magagalit sa atin. Kuha mo? "

" Alright, I get it. Paano yan mababawasan na yung exercise time natin kasi kailangan muna nating mag-ingat? " parang labag sa loob na tanong nya. Yon pa rin talaga ang inaalala nya. Haha.

" Oo ganun na nga. " maasar nga muna to.

" Ahh. Mukhang hindi ko kakayanin yon. Katabi kitang matulog tapos wala lang? Ang lupit naman. Torture yon. " gusto ko ng matawa sa itsura nya. Simangot na simangot tapos nakakunot pa ang noo. Pero ang gwapo pa rin. Nasaan naman ang hustisya?

" Wala tayong magagawa, ganon talaga. " sabi ko tapos medyo umayos ako ng pwesto kasi nangawit ako. Pansin ko na nanlaki ang mga mata nya.

" Baby konti pa."

" Ha? Anong konti pa?" tanong ko. Medyo napalapit ako sa laptop ng konti.

" Hayan ganyan nga. Good. " sabi nya tapos nakangisi sya at titig na titig sya sa— akin?

Teka nga, mukhang hindi sa mukha ko nakatingin eh.

Yumuko ako saka ko napansin kung bakit ngising-ngisi ang damuho.

" Bwisit ka bhi akala ko kung ano tinitingnan mo! "

" Baby naman hanggang tingin na nga lang ako oh." sabi nya na napapakamot pa ng ulo. Tinakpan ko kasi ng unan yung tinitingnan nya.

" Kasi naman puro ko kalokohan eh."

" Seryoso baby, limitado na nga ba yung exercise time natin? " tanong ulit nya.

" Hindi, binibiro lang naman kita. Ginawan ako ni ate Faith ng procedure to prevent pregnancy. Kaya anytime pwede tayo mag-exercise. " sagot ko. Dati kasi calendar method kami. Akala ko sumablay na kaya ako nahihilo. Sabi naman ni ate Faith hindi rin daw safe yun kaya ginawan nya ako ng mas safe na procedure.

" Hindi ba delikado yon? "

" Hindi naman. OB Gyne si ate Faith at mas higit nyang alam yun." ngumiti sya at tumango. Sumenyas pa na tanggalin ko yung unan sa harapan ko.

Napapailing na lang ako at natatawa.

Sobrang pilyo talaga ng mokong na to.

Men and their raging hormones...


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C89
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen