Eloisa's Point of View
One day ago umamin si Paolo na he's starting to fall in love with me kaso naputol iyon kaya baka dudugtungan niya iyon ng joke lang. Mapaglaro siya kaya hindi imposibleng magkatotoo iyong sinabi ko.
Isang araw na ang nakalipas ng mangyari iyon. Kahapon, Lunes ay madaming nangyari kahit na wala siya. Medyo nag iba ang ihip ng hangin kahapon.
I wore a blank white t shirt and skinny jeans. Pedeng huwag ng mag suot ng uniporme dahil wala namang klase ngayon.
Lumabas ako at naglakad na papuntang elevator. Napaka gulo lang dahil parang may kulang sa akin kahapon at pati ngayon.
Nang sumakay akong Elevator ay pinindot ko ang ground floor. Nang konting puwang na lang ay magsasara na ang pinto ng elevator may kamay na nagpigil nito.
Our eyes met, halos parang may kung ano mang bagay sa tiyan ko ang lumilipad... mapupungay ang kaniyang mata, his lips red, at magandang kurba ng panga.
Ang gwapo niya.
Nang nginitian niya ako halos gumuho ang mundo ko, nag iwas tuloy ako ng tingin. This guy's playful. Just like Paolo.
Nagsara na ang pinto ng elevator at hinihintay ko ng bumukas ulit iyon... pero bakit parang ang bagal ng oras? Habang lumilipad ang utak ko dahil sa atmosphere dito sa elevator nag flashback ang pag amin ni Paolo sa akin.
Hindi nakami nag tagal pa sa Lamesa Eco Park, pagkatapos ng lunch ay umalis na kami doon.
Tahimik sa kotse yung ingay lang sa labas na humaharurot na sasakyan sa kabilang lane ang naririnig ko, hindi pa rin ako makamove on sa mga nangyari kanina.
Bumuntong-hininga ako.
Nakatigil ang sasakyan dahil sa nakapulang stop light.
"Eloi, forgot to give you this." sabi niya, kinuha niya iyong backback niya sa likod. Ipinatong niya iyon sa kaniyang hita at binuksan ang zipper.
Kinuha niya yung nasa loob nito na kulay blue na teddy bear.
He gave me that bear with a smile.
"P-Para saan 'to? Paolo... wala namang okasyon ngayon, hindi ba?"
"Occassion doesn't matter if I want to give something to a special person," my eyes opened so big!
"What do you... What do you mean?" tanong ko sa kan'ya.
"Eloi, I... I'm starting... I'm starting to fall in love with yo--" he cutted-off. May bumusina kasing sasakyan galing sa likod. Nang tumingin kami sa kalsada naguumpisa na palang mapawi ang trapiko. Kulay berde na rin iyong stoplight.
Nakatunganga lang siya, pinalo ko iyong braso niya dahil bumusina ulit yung nasa likod. "Paolo! Green na yung light!"
"Ahh... fuck, yes. I'll start the car, sorry." sambit niya at he started the car and drove slowly.
He's really losing his mind.
Nang tumunog ang elevator ay nagising bigla ako sa paglipad ng aking utak agad namang lumabas iyong lalaki. Lumabas na rin ako.
Paghakbang ko ay may para akong naapakang bagay. I checked it.
It's a necklace. Agad kong kinuha ang kwintas at luminga-linga para hanapin ang lalaki. Pero wala... wala na siya.
Tiningnan kong mabuti ang kwintas. Ang disenyo nito ay infinity. Woah.
Naglakad na ako papalabas at ibinulsa ang kwintas. Kapag nakita ko ulit siya ibabalik ko sa kaniya iyon.
~*~
"Eloi!" sigaw ni Japshane na nagpagulat sa akin. "Kamusta?" that's double maening for sure. Trending ngayon pag absent ni Paolo. Sinisisi nga nila ako, e. Kesyo nanlalaki daw ako kaya hindi lumasok si Paolo. May nagsabi ring hiwalay na daw kami. Hays. Pinapaulanan na ako ngayon ng blockmails. May nagbigay ulit ng red blooded letter. Wag daw akong pumuntang Ball. Sisirain niya daw gown ko. Wala naman talaga akong balak pumunta doon.
She's wearing our School uniform tho pedeng magsuot ng kahit ano today dahil wala namang klase. Japshane is Andrea's cousin medyo close ko siya.
"Okay lang. Bakit mo nga pla natanong?"
"Wala naman..." she's kinda weird. "Anyway, meron ka na bang gown for Aquiantance?"
Umiling ako. "Wala pa... and wala akong balak." I said tiredly. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Para akong babahsak na ewan.
"Why? Wala ka bang partner sa friday?"
"Huh? May gan'on ba?" sabi ko kay Japshane.
She nodded. "Yep. Anyway, kakabigay nga lang pala ng makakapartner kanina..." she paused. "Kapag may nagbigay sa iyong Flower basically, rose. Ayun iyong makakapartner mo. Yung mga boys kanina bumunot sila sa halo halong names ng girls sa Audi. You should attend, Eloi. Masaya doon. Atsaka you'll make your partner sad." aniya. She has a point ang kaso ay... ayokong hindi si Paolo ang aking partner... I mean kahit sino huwag lang siya.
I saw Warren at the back may hawak siyang rose. At palunok lunok.
"Ibig sabihin parang ganyan..." sinambit ko iyon habang nakatingin sa likuran niya. She raised her right eye brow. Ibinaling niya ang sarili niya at tumalikod. Halos kita kong nanlaki ang mata niya.
"W-Warren..." aniya kay Warren. May hawak si Warren na rose. Inilahad niya yun kay Japshane.
"For you... my lady," sambit ni Warren at ngiti. Kinuha ni Japshane yung flower at nginitian pabalik si Warren. Ngayon ko lang nakita ang looks at features ni Japshane. Singkit ang mata niya at mas lalong lumiliit iyon kapag ngumiti siya. Mapula ang kaniyang labi. Itim na itim ang buhok niyang wavy sa dulo. She's gorgeous, anyway. Tama lang ang tangkad niya para kay Warren.
"Japs, una na ako ha?" ani ko sa kaniya.
"Eloi. Okay ingat ka." sabi niya.
Napa isip ako. Sa tingin ni Warren kay Japs... he looks so in love. Nakakamangha. Never kong nakitang ganoon ka pungay ang mata ni Warren eventhough masayahin siya hindi iyung ganung kumikinang. Marahil tinamaan nga siya kay Japs.
It's like almost a thousand years na wala si Paolo. I'm exaggerating, I know. The point is nag absent siya kahapon na wala manlang rason na talagang nakakapagtaka, sa halos isang buwan ko sa Craeac never pa siyang hindi pumasok. Oo nagdiditch siya pero absent never pa. Kahit si Lance, Warren at Dome walang alam.
Meron talagang kulang... meron.
"Tulala ka girl." sambit ni Ambreen na nasa harapan ko at nilalaro ang cup ng soft drinks niya. Nandito kami sa cafeteria.
Kahapon ay nagsorry si Ambreen sa nangyari nung unang araw ko dito. Aniya pa nga ay nainis daw talaga siya dahil bagong bili niya iyong damit na iyon pagkatapos matatapunan lang. Nakipagkaibigan rin siya sa akin. I accept her dahil mabait naman siya.
"Tulala? Hindi no!"
"Really? Anong tawag sa pagtingin mo sa food mo ng matagal? You are not even eating your meal! Hays, Eloi. We're friends now. What are friends for?" Ambreen's nice maarte lang talaga. Hindi siya nakauniporme 'di tulad ni Japs. Nakacropped t shirt siyang itim at black skinny jeans. She's wearing a black choker. Hindi ko na huhusgahan ang kagandahan niya. Obvious naman na iyon na maganda siya. Campus Queen Bee siya last school year.
"Wala. I'm fine, really."
"Okay. Sabi mo---" she cutted off. Naputol ang sasabihin niya dahil sa dumating na sumigaw.
It's Andrea. "Eloi! Hays kanina pa kita hinahanap." malalim ang pag hinga niya. "Teka... Buenavista?!" malakas na sigaw ni Andrea.
"Yea. The one and only Buenavista in Craeac, obviously." ani Ambreen at taas ng kilay.
"Bakit magkasama kayo? Eloi! Nako! Ambreen I'm serious! You're getting in my last nerve na talaga!"
Ambreen smirk. "Whatever. Andrea. Anyway, Eloi uuna na ako. Ciao~" bigla na lang siyang umalis.
Umupo sa harapan ko si Andy.
"Bakit kausap mo yun? Niblock mail ka din ba?" umiling ako.
"Hindi... Magkaibigan na kami." kita kong unti unting nanlalaki ang nata niya.
"You were what?!" sigaw niya at tayo habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa lamesa. "She's plastic, Eloi."
"I don't think so. She's nice. At nililigawan na siya ni Eros. Eros have taste. Hindi niya type yung ganoong klaseng babae."
"Wow kilalang kilala mo na siya ah?"
"Sino? Si Eros? We're neighbors na. Sa condo ko siya kumain kagabi kaya nakwento niyang kahit maarte si Breen hindi siya mapagpanggap or plastic. Sabi pa niya liligawan niya ba iyon kung may ayaw siya sa pagkatao nito?" its so ridiculous. Madami na akong nakikitang in love pero ang sarili kong makitang inlove... hindi ko ma-imagine.
"Hmm, really? Teka nga. Bakit ba wala si Paolo? Vice President siya ng club namin at may meeting ngayon. I texted him pero no respond. Anyare doon?" napatingin ako sa kaniya.
"Ewan. Ko. Din." ani ko. Hindi ko rin alam. Ang gulo niya.
"You're so weird, Eloi. Bakit hindi pa nababawasan pagkain mo? At bakit ang putla mo. Kumain ka ba ng breakfast?" aniya pero hindi ko na lang pinansin ang tanong niya. Inaantok kasi ako na ewan. "Huy, Eloi!" sigaw niya pero para talagang babagsak katawan ko.
Ibinaba ko ang tingin ko sa plato ko. Wala pang bawas ni katiting. Wala akong gana.
Ano ba ito! Maski sa pagkain ko mukha mo pa rin? Why are doing this to me, Scott? Ayokong mainlove sa tulad mong mapaglaro. Ayoko.
Love's too dangerous ayokong sumugal. Masakit bumagsak kung walang sasalo sa iyo. Heartache is painful than dying. Ang pagkamatay dadating at dadating iyan kung baga ay nakatadhana ng iyon ang katapusan ng tao. Pero ang Heartache? Tao na ang bahalang magdesisyon kung hahayaan bang maging heartbroken siya. Kaya it's up to you kung magpapakatanga ka sa isang taong hindi ka mahal. It's up to you kung gusto mo bang masaktan all the way kahit na may clues ng masasaktan ka kahit na anong mangyari. Masyadong mapaglaro ang pag-ibig.
May kulay pulang bagay na nagpalit sa vision ko sa aking pagkain unti-unting luminaw iyon sa mata ko. It's a rose.
Itinaas ko ang ulo ko at tiningnan kung sino ang naglahad at nagharang noon.