App herunterladen
25% SUCKED: A VAMPRESS STORY (TAGALOG) / Chapter 2: Chapter 1

Kapitel 2: Chapter 1

Tumatama ang mainit na sinag ng araw sa mukha ko kaya naman napangiwi ako at napabalikwas sa kama. Dumapo ang tingin ko sa bukas na bintana. So hindi ko pala siya nasara. Ano ba tong buhay na to oh oh.

Dahil hindi naman na ako makakatulog ulit. Tumayo na lamang ako at naghanda na para pumasok sa trabaho. Paniguradong kapag nalate na naman ako ay wala ng third chance para sa akin. Mukha pa namang maikli lang ang pasensya ni Ursula este Miss Jean.

"Anak naman ng tokneneng oh oh! Tubig! Bakit walang tubig?!" inikot-ikot ko pa ang gripo, umaasang baka magkaroon ng himala at magkatubig muli.

Tuluyan ko nang ibinuhos ang natitirang tubig sa timba at inalis ang natitirang sabon sa aking katawan. Wala talagang aasenso dito sa lugar na to eh. Pati tubig at kuryente wala, kaya inuubos ko na lang ang oras ko sa trabaho para naman kahit konti ay may naiipon ako. Makakaalis din ako sa lugar na to dahil sa kamalas-malasan eh dito pa ako pinanganak.

Isinuot ko ang aking pencil cut na palda at cream na blouse saka pinatungan ng itim na blazer. Napatigil ako at napatingin sa bintanang isinara ko na kanina.

"What the hell? Bakit nakabukas ka na naman?" dali-dali ko itong isinara. Oh my gosh. Haunted na ba ang apartment ko? Wag naman sana.

Tuluyan na akong umalis at inilock ang pinto. Bumungad sa akin ang masangsang na amoy na nanggaling sa polluted na ilog malapit sa tinitirahan kong apartment.

"Oh madalas! Lumalabas! Banyo Queen! Oh yeah!"  napalingon ako sa kumakanta sabay napangiti.

"Manong Henry! Ang aga nyan ha! Banyo Queen kaagad?" natatawa kong sabi na ikinalingon naman niya.

"Oy, Devyn hija! Papasok ka na ba?" sabi niya sa mic kaya namang umecho ang sinabi niya na ikinatawa ko.

"Opo!" nagmano pa ako saka umalis na at baka mahuli pa ako sa trabaho.

Siya si Manong Henry ang kaibigan ni Papa noong buhay pa siya. Matalik niyang kaibigan si Manong Henry. Lumaki kasi siya sa lugar na ito. Even though I hate this place, mayroon pa ring part dito na pinakanagustuhan ko. Ang malasakit ng mga nakatira dito sa isa't isa.

"Ate Devyn.." natigilan ako nang tawagin ako ni Mak-mak na hinihila ang aking palda.

Maingat akong umupo at tinignan siya. Puno na naman ng pasa ang kanyang mukha. Pati na rin ang braso niya ay may mga galos. Nangunot ang noo ko habang pinipigilan ang galit na lumabas sa aking bibig.

"Oh. Mak-mak, nadapa ka na naman ba? Sabi ko sayo di ba? Wag kang lampa. Lalaki ka pa naman." pinunas ko ang kanyang luha na lumalandas sa kanyang pisngi.

"Opo ate eh. Tapos po nasabit po ako sa mga alambre kaya ito po may gasgas ako." ginulo ko ang kanyang buhok at nginitian siya. Kinuha ko ang susi ng aking apartment sa aking bag at ibinigay sa kanya.

"Oh ito. Doon ka muna sa apartment ni ate okay? Tapos pagkarating mo doon, ilock mo maigi yung pinto. Tawagan mo ko gamit ang telepono doon sa bahay kapag may nanggulo sayo okay ba yon?" tumango-tango ito at tumakbo na papalayo sa akin habang pinupunas ang kanyang luha.

"Kumain ka lang doon. Saka yang sugat mo gamutin mo!" pahabol kong sigaw. Nakita ko ang pagkaway ng kanyang kamay kaya naman napangiti ako.

Ilang beses ko na siyang nakikita nang ganoon. Ilang beses na rin siyang nagsinungaling sa akin na nadapa, naaksidente daw siya kuno. Pero alam kong binugbog na naman siya ng nanay niya. His addict mother is abusing him and no matter what I do, I can't stop her.

Naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep. Medyo maputik rin pala ngayon kasi umulan kagabi. Ang malas di ba? Lahat na yata ng kamalasan nasa akin na. Kaya naman ingat na ingat ako sa paglalakad at baka mastuck ang heels ko.

"Ayy anak ka ng ilang libong butiki!" napatalon ako paatras nang may dumaan na itim na kotse sa harapan ko at nagsitalsikan lahat ng putik sa paa ko.

Lumapit ako sa bintana ng kotse nang huminto ito. Ang dami ko nang nararanasang kamalasan at dadagdag ka pang hudas ka? Kung hudas ka, mas demonyo ako kaysa sayo, ugok.

"Hoy! Hambog! Lumabas ka nga dyan! Tignan mo ang ginawa mo! Ikaw hudas ka, wag kang sisiga-siga sa daan. Hindi porket nakakotse ka eh gaganyan-ganyan ka na. Ano ka si Asiong Salonga? Sayo ang lupang ito? Aba, demonyo k-" napanganga ako nang bumaba ang salamin ng kotse at humarap sa akin ang gwapong lalaking may nakakalokong ngiti.

"What were you saying, miss?" I noticed his porcelain like skin that suits his dark eyes and red lips.

"Huh! Akala mo madadaan mo ko sa k-kapogian mo? Pogi ka lang naman, wala namang respeto sa kapwa mo! Hudas ka!" nangunot ang noo nito habang nakatingin sa mga mata ko. Natigilan ako dahil parang pinag-aaralan nito kung sino ako at ang buo kong pagkatao.

"Ano bang problema mo, miss?" napanganga ako dahil sa sinabi niya. Ang arogante naman talaga ng lalaking to.

"Tignan mo! Tignan mo ang ginawa mo sa sapatos ko! Nakikita mo ba? Uso kasi  magdahan-dahan, mister. Hindi mo pag-aari ang daan." napaismid ako habang nangungunot ang aking noo.

Nakita ko ang pagbaba ng kanyang tingin mula sa aking mukha pababa sa aking legs , doon naman nagtagal ang kanyang  tingin kaya naman lalong nag-init ang aking ulo.

"Yeah. I can see clearly, miss." humarap muli sa akin ang mukha nitong maloko akong tinitignan.

"Hoy! Ikaw na manyak ka! Sa susunod ayusin mo yang ugali mo! Hindi porket gwapo at mayaman ka eh nasa sayo na ang lahat. Ayusin mo yang kayabangan mo. Atsaka ayusin mo yang pagtingin-tingin mo! Hindi ulam tong legs ko, ulol." nakita ko ang pagkagulat niya sa huli kong sinabi pero nakabawi rin kaagad at nginitian ako.

"I'll excuse your filthy mouth this time, Miss Devyn." naiwan akong nakatulala doon dahil sa tono ng kanyang pananalita na akala mo ay nagbababala.

Teka pano niya nalaman ang pangalan ko saka teka nga bakit parang kilala na ko ng hudas na yon.

Napababa ang tingin ko sa suot kong I.D. I know na kung bakit, dahil suot ko nga ang I.D ko. Kabago-bago ko pa lamang sa company eh ilang beses na akong nalate.

Kaya ngayon ay hindi ko na alam kung may third chance pa ba ako. Anak ng tokwa naman oh.

Ireready ko na ba ang panibago kong resume?


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C2
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen