App herunterladen
60.75% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 48: Chapter 47

Kapitel 48: Chapter 47

My Demon [Ch. 47]

Nakahiga na ko sa kama nung may nagtext.

From: My Demon

Hoy kulot matulog ka na!

Napaupo ako. Naiisip ba niya na hindi ako makatulog dahil sa mga nangyari kanina sa playground? Haluh, hindi naman totoo yung iniisip niya eh. Ay, ayokong magsinungaling kaya sige na nga. Inaamin ko na, hindi ako makatulog dahil dun.

Tumunog na naman yung phone ko. Akala ko siya ulit ang nagtext. Si Johan pala.

From: Johan

Good night, Soyu. Sweet dreams :)

Napangiti ako sa text ni Johan. Kung anong gentle nitong si Johan, ayun naman ang kabaligtaran ni Demon.

Nireplyan ko ng: Good night din Johan :) Candy dreams! :D

After kong i-send, sakto nagtext na naman si Demon.

From: My Demon

Sige wag kang magreply! Akala mo naman hindi ko alam na gising ka pa. Nakabukas pa ilaw dyan sa kwarto mo.

Tumingin ako sa bintana ng kwarto. Nakatingin kaya siya dito? Malamang. Kaya niya nga nasabi na nakabukas pa yung ilaw eh.

Tumayo ako at pinatay yung ilaw. Alam ko magagalit si Demon dahil hindi ko siya nire-replyan. Nuknukan ng pride yun eh. Idadahilan ko nalang na hindi ko nabasa ang text niya. Tama! Ganun na nga.

Pagbalik ko sa kama, tumunog na naman ang phone ko. But this time hindi na text. Tawag na.

My Demon calling...

Pinag-iisipan ko kung sasagutin ko yung tawag niya or hindi. Idadahilan ko nga na hindi ko nabasa yung text niya, diba? Sasabihin ko na nakalimutan kong kunin yung phone sa skirt ko pagkauwi namin kanina.

I bit my nails. Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Magagalit sa'kin nito si Demon eh. Ang ano pa naman nun.

Sasagutin ko na sana yung call kaso pinatay na niya. Nainip siguro.

Ilang segundo lang nakatanggap ako ng text message mula sa kanya.

From: My Demon

KULOT!!!!

Nag-reply ako ng "Haha" dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. So ganito ang naging conversation namin;

(Sungit stands for Demon while Cutie stands for me. Hihi!)

Sungit: Bakit ayaw mong sagutin yung tawag ko kanina? May lalaki ka 'no?

Cutie: Tse! Mga pinagsasasabi nito.

Sungit: Ako lang dapat crush mo.

Cutie: Feeling much? Wala kong crush sa'yo :p

Sungit: Wala? Meron kaya.

Cutie: Wala. Marunong ka pa sa'kin?

Sungit: Basta meron.

Cutie: Wala nga.

Sungit: Meron!

Cutie: Wala!

Sungit: MERON!!!

Cutie: Akala mo lang meron. PERO WALA! WALA! WALAAAA!!!

Sungit: Sasampalin na ba kita?

Cutie: Hahahaha. Ayoko nga. Suntukan nalang tayo.

Sungit: Wag na. Baka lalo kang lumiit. Kawawa naman ako. Di na kita makikita.

Cutie: LOL.

Sungit: =)

Cutie: Nice. Ume-emoticon :D

Sungit: Matulog ka na nga. Para lumaki ka naman.

Cutie: Yabang! Ikaw din matulog ka na. Para mabawasan pagkamasungit mo.

Sungit: Tss.

Cutie: Sungit! Haha

Sungit: Matulog na.

Cutie: Mamaya.

Sungit: Matulog na nga!

Cutie: Sige na nga. Sabihan mo muna akong CUTE :) hahaha

Sungit: Why would I? -__-

Cutie: Kasi gusto ko. Hehe.

Sungit: Matulog ka na nga!!!!

Cutie: Itext mo muna ako ng ganito: Good night. Sweet dreams, Cute!

Sungit: Itext mo nalang sarili mo.

Cutie: Ehhh~ Gusto ko sa'yo galing ih. Dali na, Demon.

Sungit: Kailangan pa ba non?

Cutie: Opo. Para makatulog na ko hihi :">

Isang minuto na ang lumipas pero hindi pa siya nagrereply di gaya kanina na napakabilis magreply. Nabwisit ata sa'kin kasi inuutusan ko pa. Hmp. Gusto ko lang naman na itext niya ko ng ganun kasi kakaiba sa feeling knowing na siya si Demon.

At isa pa, iniisip ko palang na itetext niya ko ng ganun, kinikilig na ko. Hihi!

Kaso heto, mukhang hindi na magrereply si Demon. Asa naman ako, diba? Sa text niya pa nga lang na: Kailangan pa ba non?, it was so obvious he wasn't into that thingy.

Hay. Magkagusto ka ba naman sa lalaking saksakan ng pagkamasungit. Magkagusto. Ow em gee! Omaygad! Napaamin ko rin ang sarili ko. I like him. Hindi ko lang alam kung kailan at saan nagsimula. Hindi ko rin alam kung paano nangyari yun sa kabila ng ugali niya.

Naka-recieve ako ng text. Nataranta ako sa pag-aakalang mula kay Demon ang message na yun. Ngunit kay Angelo, group message.

Nakaramdam ako ng disapointment.

Ilo-lock ko na sana yung phone ko nang maka-recieve na naman ako ng text... mula sa kanya!

From: My Demon

Good night. Dream of me, Miss Beautifully Cute :)

Nakagat ko ang mga daliri ko sa pagpipigil ng kilig. Gustuhin ko mang sumigaw kaso hindi pwede kasi baka marinig ng buong kapitbahay lalo na siya.

Mas high pa ito sa inaasahan ko. Jesklerd! Kung itong side ni Demon ang palagi niyang ginagamit, malamang dati pa ako isa sa mga babaeng patay na patay sa kanya.

Hindi pa ko nakakapag-compose ng ire-reply sa kanya, nagtext na naman siya.

From: My Demon

Ayan na! Matulog ka na!

Kailangan talaga palagi may exclamation point?

To: My Demon

Okay po :D Good night din. Sweet dreams :)

After kong i-send, napayakap ako sa phone ko at kinilig-kilig. I wouldn't expect na one day sasaya at kikiligin ako sa taong walang ginawa kundi ang asarin at awayin ako. Hinding-hindi ko inaasahan na magkakagusto ako sa isang Bad Boy na wala sa ideal guy list ko.

Nagtext na siya.

From: My Demon

MATULOG NA SABI!!!

Kaso wala eh. I couldn't prevent myself falling in this cranky-arrogant guy, and yet I don't want to.


AUTORENGEDANKEN
envieve envieve

Hi everyone! Please rate, leave a review and share this story if you have free time. Thanks so much and I hope kinikilig kayo sa Team #MonIque.

Proud Demon here! Hahahaha ❤

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C48
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen