Chapter 3
Chasing Blue
KINAUMAGAHAN, ay nagmamadali akong naghanda ng mga gamit ko sa school at inilagay ko na ang aking laptop sa aking bag.
"Una na ako ha?" Pagpapaalam ko kina Ysa at Janice na nag-aaral sa aming lamesa sa dormitory room.
Tumango ako at tinignan. "Take care, Casey." Sabay nilang sabi at itinuon uli ang tingin sa libro.
Bukas na ang exam kaya todo aral na kami ngayon. At aalis ako ngayon para pumunta sa isang computer shop para bilhan ng charger ang laptop ko. Nasira kasi iyon dahil naputol, nahila ko nung nakaraang araw. At dinala ko na rin ang mga gamit ko sa school dahil sa library na ako mag-aaral.
Habang naglalakad ako ay napansin ko ang busy ng mga estudyante. Makikita mo sa bawat sulok ng university ay naroon at nagbabasa.
Napanguso ako at napailing. These students are no joke. Matatalino ang mga tao dito dahil itong university na ito ay kilala sa pilipinas. Myunghei University is a well known school, dahil lagi itong nasa top list and a hundred percent passing rate on board exams.
Someone jogged besides me kaya napahinto ako. "Casey, I'm sorry for what happened back when. It's just—," I cutted him off at tinignan siya.
Kita ko ang butil ng pawis sa kaniyang noo, dahil yata tumatakbo ito para mahabol lang ako. Dylan's handing me some chocolates and flower.
Tumaas ang kilay ko at tinuro yung mga dala niya. "For what?"
He scratched his head at ngumuso na parang nahihiya. His face turned red like a tomato. "Para sa'yo. I'm here to make things up."
Umiling ako at tinignan siya ng seryoso. "I'm sorry but, I'm not interested."
If gusto niya makipagbalikan uli saakin, ayoko na. Pagod na din ako, he is still immature and pushing things up na pwede naman ayusin sa mabuting paraan.
Umalis na ako ng mapansin kong hindi na ito nagsasalita. Tumingin lang ito saakin at hindi na ako pinigilan.
Napabuntonghininga ako. Ang tagal na din noong break up naming dalawa. Well, Dylan is really handsome. Isa siyang sikat na article writer sa school namin because he is taking up English major. But he is really childish.
Nang palapit na ako sa isang computer shop ay pumasok na ako. Hindi ito kalakihan at malapit lang ito sa school namin.
"Kuya!" I greeted him.
Napatigil sa paglilinis si Kuya Esmael sa isang station na may mga casing sa phones. Tumingin ito saakin at ngumiti. "Hello, ano ang ipaglilingkod ko sayo, binibini?"
His deep voice echoed in the shop. Napailing ako, he is really a successful person pero nanatili parin itong nagbabantay sa kaniyang maliit na shop kahit may mga malalaking business na ito.
"Kuya, charger po sa laptop." Kinuha ko ang laptop sa aking bag at ibinigay iyon sakaniya. "Fast charger dapat, Kuya ha? Less mo na din." I chuckled nang lumingon ito saakin na nakanguso, dahil sa sinabi kong less na bayad.
Kinamot nito ang kaniyang ulo at kumuha ng charger at triny niya iyon sa aking laptop. Ilang minuto ay tumingin ito saakin at pinalapit ako.
"Ito, mabilis 'to."
Tumingin ako doon at nakita ko ang pagtaas ng charging. "Ito, Kuya."
Kumuha na ako na pera nang tumunog ang bell sa pintuan at ibig sabihin 'non ay may pumasok. Napatingin kami doon ni Kuya at hindi ko mapigilang mapangiti dahil kilala ko ang pumasok.
"Ate Queenie!" I jumped happily at yinakap siya. I heared her sweet laugh at yinakap din ako pabalik.
Tumingin ako kay Kuya Esmael na nakanguso at hindi makatingin. Bumitaw saakin si Ate at linapitan si Kuya at hinawakan ang braso nito.
"Babe? Kain tayo sa labas." Ate Queenie brushed her cheeks on Kuya's arm. They really look good together.
Ate Queenie is really in love with Kuya back when they were just juniors. Si Kuya kasi ay kasali sa isang banda and he is really famous for his looks and brain. Kilala ko si Ate Queenie dahil bestfriend sila ng Ate ko. Lagi siyang bumibisita sa bahay at magkukwento about kay Kuya Esmael.
Kuya Esmael doesn't like Ate Queenie at first pero ngayon? The cold prince just fell in love. Kitang kita ko ang pag-alala ni Kuya Esmael lagi kapag may nangyari kay Ate Queenie. Isa akong fan sa relasyon nilang dalawa. At sana ganiyan din ang love life ko tulad sakanila
Napailing ako at kumuha ng pera sa bag at ibinigay agad kay Kuya. Four hundred ang ibinigay ko kahit alam kong nasa mahigit na Five hundred iyon. Kinuha ko aking laptop at charger at agad ipinasok sa bag.
"Bye!" I laughed at agad na umalis sa harap nilang dalawa.
Bago ako makaalis ay may nagbukas ng pintuan at agad akong nabangga sa taong pumasok.
"Sorry po." Napaangat ang tingin ko at tuluyang nanlaki ang mata. I froze, hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
"Retard." Kita ko ang seryoso nitong mukha at unti unting ngumuso na parang natutuwa sa reaksyon ko.
Umiwas ako ng tingin at agad lumabas sa shop. Napahawak ako sa aking dibdib nang nasa labas na ako. Bakit ba ganito ang reaksyon ko tuwing makikita ko siya?
Bakit palaging retard ang sasabihin niya sakin everytime magkikita kami? Ugh!
NAKARATING agad ako sa school at pumasok sa library. Medyo madami-dami ang mga estudyante na naroon. Pero malaki ang library kaya madami pa pwedeng mauupuan.
Umupo na ako at doon at itinuon sa pag-aaral. Higit sa dalawang oras ako sa loob ng library at napagdesisyunan kong iopen ang aking laptop at sinaksak doon sa charging outlet sa lamesa.
Inopen ko ang larong Kingdom Quest at madami na ang nag chat saakin doon. I blew my hair off na nasa aking mukha, ang dami naman yatang namiss ako.
Isang mensahe ang inopen ko, galing kay blackzmxx.
[blackzmxx: Hey, wife? Are you there?]
[blackzmxx: Why are you still offline? What happened?]
[blackzmxx: I miss you.]
[blackzmxx: I mean, they miss you.]
Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang echosera talaga niya, hindi ko mapigilang kiligin sa mga sinasabi niya. Nababaliw na yata ako.
Umiling ako at bumuga ng hangin. Chill, Casey. Hindi mo kilala ang taong ito kaya huwag mo nang tangkain pa. Hindi ko nalang ito nireplyan at bukas na ako uli maglalaro.
Ilang minuto ako nag surf sa internet to unwind myself at umalis na roon sa library dahil time ko na sa physical activity.
Pumunta ako sa aming dorm room at nagbihis ng PE shorts at tshirt. Nakita kong bumangon si Ysa sa higaan at pulang pula pa ang mata dahil kakatulog lang nito
"Out for jogging?" Tanong nito.
Tumango ako at tumingin sa paligid. "Saan si Janice?"
Humikab ito at may kinuha siya sa kaniyang bag. Isang white slip ID. "Hehe, pwede isali mo saakin? Nag jogging na si Janice at hindi ito kinuha." Ngumuso ito at nagpapacute.
Tinignan ko siya ng masama. "Ang tamad mo."
Kinuha ko sakaniya iyon at nakita ko ang ngising tagumpay niya. Napailing ako sa akto niya at tumalikod.
"Mabuti at mabait ako." Iniwagayway ko ang hawak kong slip na galing sakaniya.
Lumabas ako sa dorm at agad pumunta sa track and field. Nakita ko may iilang estudyante pa ang naroon at ang iba ay umalis na.
In a week, two to three dapat nakapajogging kami kahit walang pasok. Wala kasing pasok ngayon para makapaghanda ang mga estudyante bukas sa exam. Its just our prelims.
Nag inat muna ako bago ko cheneck ang slip sa isang poste. Dalawang rounds kada slip kaya ikaapat akong iikot sa field dahil mat slip din ako galing kay Yna.
May isang poste dito na ichecheck ang attendance namin through a barcode.
NAKAAPAT na ako ng ikot sa field nang may napansin akong isang kulay asul na tali at may isang gulong. Sinundan ko ito dahil namangha ako at tinignan ang lalaki, medyo maliit naman ang katawan nito pero ang firm ng muscles niya. Kaya niya kaya iyan? Ag bigat kaya ng gulong.
Nakita kong huminto ang hinahabol kong tali kaya huminto din ako at pilit kumukuha ng hangin dahil sa kakatakbo ko.
Napaangat ang tingin ko at nakita kong nakatingin saakin si Zach na nakataas ang kilay at kinuha ang asul na tali sa bewang nito at kita kita ko ang paghingal nito.
Nanlaki ang mata ko sa bigla at umikot para tumakbo sa ibang daan. Cheneck ko na ang last round slip ko. Kahit hindi ko pa tapos ang isang round ng ikot pero agad akong umalis sa field.
Shit, nakakahiya 'yon.