App herunterladen
90.9% Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini / Chapter 20: epilogo: Emmanuel

Kapitel 20: epilogo: Emmanuel

EMMANUEL

KANINA pa tinitigan ni Manuel ang cellphone niya na nakalagay sa tokador ng sasakyan. Lagi na niya atang ginagawa iyon. Hah. Being a creature of habit, it was something that would take some time to get used to not doing. Tatlong taon din siyang nasanay na gawin iyon.

It was a habit borne from the fact that his girlfriend would always message him before he got home. Lagi itong magsasabing mag-iingat siya at ito pa ang magagalit kung mag-re-reply siya kasi dapat hindi raw siya nag-re-reply kung nag-da-drive siya.

He would laugh because she was the one who called in the first place. She would tell him that she's testing him. He told her that he'd always answer. Mabilis lang naman siyang ma-traffic minsan and besides, paano kung nagka-emergency? He would die of regret if he didn't answer her call and know later on that she's in the hospital, or worse, dead.

But now, he's been staring at a silent phone. It has been silent for a week now.

Napapailing na nag-drive na lang siya. Oo nga pala, nakipag-break pala sa kanya si Apoline. Alangan naman i-text siya nito. Besides, she blocked him as well. Hindi lang sa text kundi pati na sa lahat ng social media kung saan either friend o follower siya ng nobya. Mali, ex-girlfriend pala.

Hindi siya sanay.

Ang sabi sa kanya ng mga kaibigan niya ay subukan niyang maghanap ng iba. Kahit pampalipas oras lang daw. Mga ulol ang mga kaibigan niyang iyon. Muntikan na nga siyang makipagbasag-ulo nang nagpayo ang mga ito nang ganoon sa kanya. Hindi siya bayolente, pero kung ang ibang tao ang mapupunta sa mga paa niya ng mga oras na iyon ay baka pati sila inupakan na ang mga kaibigan niya.

Si Ysadore at si Emmett lang ata ang pinakamatino sa kanila. Well, the first is his childhood friend and the other one is his cousin. But still...

Kung ang mga kulugo niyang lalaking kaibigan ay rich playboys, iba siya.

He wouldn't have gone through lengths of lying to his parents that he'd be somewhere for six months to learn how to "paint" just to be with Apoline if he was the same. He wouldn't make an excuse that he was attending seminars when actually he was with Apoline, helping her with her charity works. He wouldn't always stay up late at night having intelligent debates with Apoline when he could have been with them, hanging out in a bar and eyeing out women.

Minsan na nga siyang pinagsabihan ng mga ulol niyang kaibigan na para raw siyang alipin ni Apoline.

But then, if he was going to compare Apoline's companionship between them, he'd pick hers. Those guys weren't his real friends either way. Kinaibigan niya lang ang mga ito dahil sabi ng Dad niya. Kung siya ang papipiliiin, wala siguro siyang magiging kaibigan bukod sa pinsan at childhood friend niya.

Hindi siya paladaldal katulad ng mga kulugong iyon. Hindi rin siya mahilig sa vices ng mga ito na paninigarilyo at pag-i-inom. At mas lalong hindi siya mahilig mambabae. It was a waste of time and energy. Hindi niya nga alam kung bakit sanay ang mga iyon doon. Pati nga si Ysadore ay sinubukang isama ng mga ito sa listahan ng mga gusto nilang i-goodtime. It was Apoline who saved Ysadore from those guys.

And Apoline, despite all that, never told him to dump his bullshit crazy friends but he could tell that she disliked them. She just respects his wishes to keep them.

Apoline...

He sighed.

Baliw na nga ata siya. Pa-admit na kaya siya? Saan ba ang pinakamalapit na mental hospital?

Kaya siguro sabi nila kung mag-mo-move on ka, huwag mo siyang iisipin. Iwaglit mo siya sa iyong isipan at magpaka-busy sa kung ano. Na-try niya nang maging busy. Inilagay niya ang atensyon niya sa trabaho. Ngunit, sa tuwing uuwi siya, wala nang umookupa ng utak niya kaya babalik na naman kay Apoline.

Even Ysadore was worried about him. At ang ginawa niya lang ay pakagalitan ito nang malaman niyang sinusundan siya nito para masigurong walang mangyayaring masama sa kanya. Ysadore told him that she was just worried. Sabi pa nga nito na iba ang nagagawa ng taong brokenhearted at mas gusto nitong siguraduhing wala siyang gagawing masama in case he succumbed to the pain. Hanggang ngayon, hindi pa siya nakikipagbati sa kaibigan at randam niya na nagiging mas mahirap iyon.

Now, he wonders, maybe it was because he was rushing to forget Apoline. Maybe, it was impossible to forget her, after all. Or maybe he should let the pain breathe. Hayaan niya ang sarili niyang magmukmok, makarandam. Kahit masakit, kahit mapait, at kahit hindi katanggap-tanggap. Maybe, it's hightime to admit that he's human and its painful.

Huminga siya nang malalim at naghanap na lang siya nang maari niyang pag-park-an. Yep, he's admitting it tonight and if he's going to be in pain, he needs to stop somewhere and let it all out. Papahanginan niya na parang mga basang labada sa makulimlim na panahon.

Hindi nagtagal ay nakakita siya ng parking slot sa isang hindi kilalang restaurant, doon siya nag-park. He leaned down on the driver's seat and waited as the car's roaring tones down a little to just the car breathing.

Kung sa mga nakaraang araw ay nagpipigil siyang umalala, pumikit siya ngayon at ibinalik ang sarili sa alaala kung saan kasama niya ang nobya. Apoline was his first girlfriend. They had been together for almost three years.

Si Apoline ang tanging babaeng kumuha ng atensyon niya nung mga araw na laging parang nasa ulap lang ang ulo niya. Ito ang nagpakilala sa kanya sa mundong hindi siya pinapayagang alamin. Ito ang nagdala sa kanya sa mga lugar na siguradong ma-he-heart attack ang Mom niya kung malamang pumunta roon ang nag-iisa nitong unico hijo. Allergic pa naman ang Mama niya sa mga maruruming bagay.

Because of Apoline, kumain siya ng balot, kikiam, betamax, at ng goto na tinda ng mga street vendors. Because of Apoline, nakapunta siya sa palengke at nagbuhat ng mga ilang kilong gulay at karne. Because of Apoline, nakapaglimos siya sa isang batang kailangan na kailangan talaga ng makakain. Hindi lang siya nanglimos, dinala niya ba ang bata sa loob ng Jollibee. Because of Apoline, he was awake at four AM, driving her to a shelter kung saan ito nag-vo-volunteer. Because of Apoline, nakaupo siya minsan sa tabi ng mga elderly, nakikinig sa kanilang mga kwento habang ipinagbabalat ang mga ito ng pagkain.

Because of Apoline, he opened his eyes to the world. The world that his parents forbade him to enter. The world that was so human, genuine, and sincere compared to the world of business parties and forced expressions.

Huminga siya nang malalim. Iiyak na naman siguro siya. Na-a-adik na siya sa pag-iyak matapos siyang hiwalayan ng nobya. Mas ayos pa ata sa kanya kung pisikal na sakit na lang ang iniwan nito sa kanya. Hindi yung ganito. Hindi yung parang may sugat siya sa dibdib na kahit nilagyan na niya ng band-aid ay bubuksan niya pa rin para paduguin.

Naiintindihan niya naman kung bakit siya hiniwalayaan nito. His parents made sure of that. His parents were the reason. Ang saya nga nila, e. They were the one who drove her away and when they noticed how he's living after that and noticed the good effects she had on him, sila pa ang nagmamakaawa sa kanyang hanapin ang ex-girlfriend niya. His father even offered to take him wherever she is.

Para tuloy siyang pinasuka ng mga magulang at ngayon pinipilit nilang ibalik sa bibig niya.

Napahilamos siya ng mukha at marahang natawa. Si Apoline naman ang nakipaghiwalay. She always gets the last word. Hindi na siya makakalaban kung ito na ang susuko. She's his strength, after all. Siya ang lalaki, sabi nga ng iba. He should be the one making a move to get her back. Force her, if he has to. Pero, hindi siya ganoon e. He respects her decisions. Kahit ayaw niya, kahit labag sa kanya, it didn't matter.

His feelings didn't matter.

Kaya ngayon, eto siya, nag-iisa sa isang parking lot. Nakapikit at hinahayaan ang mga luhang umaalpas sa kanyang mga pisngi. Ilang araw niya lang papayagan ang sarili niyang magmukmok. Apoline told him that. Isang linggo lang raw. Kapag tapos na iyon, huwag na huwag na niya itong ma-mi-miss. Huwag na huwag na niya itong iisipin.

Masunurin siya hanggang sa huli.

People would judge him for that but he didn't care. He loves Apoline as much as he would love his very existence, as much as he would love every cell in his body. Apoline is his home. Ito lang ang mas nakakaintindi sa kanya. Ito lang ang hindi nag-ja-judge sa kanya.

Kaya nang umalis ito, para siyang nawalan ng tahanan. Ang hirap pa namang mamulubi. Ayaw niya namang mamalimos sa iba at magmumukha lang siyang desperado. He would even feel like he betrayed her if he did.

Huminga ulit siya nang malalim. He remembered meeting Apoline for the first time.

Manuel has no idea why he's even here. Natyempuhan kasi siyang nagbabasa nang nag-aya si Emmett. He was so absorbed with what he's reading na napatango na lang siya kahit hindi niya alam kung ano nga ba ang tinanguhan niya.

Iyan tuloy, next thing he knew, andito siya sa poste katabi ang isang vineplant. May hawak siyang plastic cup ng coke na hindi niya pa binabawasan. Hinawakan niya lang pang-props. Inilabas niya naman ang phone niya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng e-book ng This Book Will Save Your Life by A.M. Homes. Emmett, after all, in all his good graces, asked him pretty please to not bring a book in his girlfriend's birthday party.

Pero ayun na nga, hindi naman siya pwedeng samahan ni Emmett na tumambay sa gilid kasi ito ang boyfriend. Kaya pagkapasok na pagkapasok nila at pagkabati na pagkabati kay Samantha, girlfriend ni Emmett, ay iniwan na siya ng huli. Hindi niya naman alam kung asaan si Ysadore. Nakita niya lang kanina pero mabilis ding nagpaalam sa kanya.

So, here he is, beside a vineplant, reading a book in his phone while holding on a paper cap for props.

Medyo ewan na yung props dahil mukhang wala naman talagang gustong kumausap sa kanya. He was like air. Walang nakakapansin ng existence niya kahit pa sabihin na siya lang naman ang nag-iisang heir ng isang multi-billionaire company.

Funny. Hindi niya naman iniisip iyon. In fact, only a few people knew who he was. And he's good enough to stay on a very small circle that includes only two people: Emmett and Ysadore.

Sabi nga ng dalawa ay hindi siya masyadong friendly. At singit pa ni Emmett na kung ngingiti lang daw siya ay baka marami nang pumili o baka magrambulan para lang pag-agawan siya. Ysadore shook her head in disbelief. Emmett, on the other hand, laughed.

Hindi siya nag-react. Women won't like him, probably. Baka ang habol lang sa kanya ay pera kung sakaling may makatiis man sa kanya. Ang naisip niya nga ay kung single man si Ysadore once he's 30, he might propose to her. He did treasure his friend, but he's not in love.

Kaya kahit napapansin niyang may nararandaman ito para sa kanya ay nag-stay siya sa friendly distance. He wouldn't want to give her false hope. And somehow, he thinks she understood.

Kung tutuusin, ngayon nga ay may nanliligaw kay Ysa.

"Wow, that book is quite old," komento ng isang babae. Napapiksi siya at muntikan na niyang mabitawan ang hawak na prop. Liningon niya ang dalaga na tumabi sa kanya at ngayon ay nakatingin sa phone niya. Kumunot ang noo niya.

Where did this person come from? naisaisip niya pero mas nag-focus ang mga mata niya sa hitsura nito. She had waist-length hair kept in a loose braid. Natural ang pagkakayumanggi ng balat niya. Tall nose. Gentle eyebrows. Long eyelashes. A soft smile in small pink lips.

Tumingin ito sa kanya. Dark-brown irises. They were expressive as if she's really happy to see someone who read the same thing.

"Nabasa mo na?" hindi niya napansing biglang bulalas niya. He's not the type who talks to anyone aside from the ones close to him. Most people either ignore him or he ignores them deliberately. And yet... she got him to speak.

She smiles widely. "Yep. Are you still reading or re-reading?"

"Reading. No spoilers, please."

Marahan itong natawa. Doon lang niya napansin na pwede palang maging musical ang pagtawa ng isang tao. At pwede ring magtunog na may buhay. It was so genuine. He was so used to people just laughing at his sentiments in an attempt to please him or act close or be polite. But she laughed and she meant it.

"I get it. Hindi ka party-person," itinaas nito ang hawak nitong paper cup. "To non-party people like us."

Ngumiti siya at nakipag-toast dito. "To non-party people," at hindi pa siya nakuntento kasi nagsalita pa siya. "Napa-oo ka lang din ba kasi natyempuhan kang nagbabasa? Sa sobrang immersed ko 'di ko alam na may tinanguhan na pala akong ganito." Marahan siyang natawa.

She smiled, a little mysteriously, "Kaibigan ako ni Ysadore. Ayoko rin talagang pumunta," she took a sip from her cup and he watched her rather consciously. "But now, it's all worth it."

"How?"

"Basta."

Tinignan siya nito na parang sinasabi ng mga mata nito na kung alam lang niya kung ano nga ba ang rason. He smiled, confused. Ibinulsa niya ang phone niya.

"Hindi ka na magbabasa?"

"Well, you're talking to me. It would be impolite."

Nagtaas ito ng kilay. "Akala ko snob ka. Mukha ka kasing snob."

"I am a snob. But apparently, you got my interest," he took a sip from the carbonated drink on his cup. "So, can I get a name?"

"Wag kang tatawa, ah."

Kumunot ang noo niya pero tumango na lang siya. It couldn't be bad. Although, may narinig na siyang may pangalan raw na Sincerely Yours.

"It's Apoline. Apoline Cabrera. My Mother's maiden name is Mabini."

"Mabini?" Hindi siya natawa pero kumunot ang noo niya. "Are you serious?"

She smiled in amusement and extended a hand. "Yep. Lolo ko sa tuhod si Apolinario Mabini, the national hero. You are aware of him, right?"

He accepted her hand. "Emmanuel Salazar. You can call me Manuel though and yes, I am aware of him." Ngumiti siya. Kanina pa siya ngumingiti.

Funny how someone he just met for a few minutes got him to talk more than five words and even got him to smile. She might have had some kind of power to do that.

That was a good eve. Dahil kay Apoline ay hindi na naging boring ang birthday party ni Samantha. In fact, they talked for hours. Nagawa talaga ni Apoline na pagkwentuhin siya ng mga bagay-bagay na normally hindi niya i-she-share sa iba. It's like with her, he could just be.

He breathed out. Kung hindi kaya niya pinansin ito... would things change? Would he have been somewhere, miserable but not this miserable? Would he have asked Ysadore to marry him after six years?

Magbubuga na sana siya ng hangin pero bigla niya namang narinig na nag-ring ang phone niya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang pangalan ni Apoline mula sa phone niya na ilang araw na ring tahimik.

Ilang beses siyang kumurap-kurap at pakirandam niya ay nanaginip lang siya. Pangalan pa rin nito ang naroroon sa screen. Kinurot niya ang sarili at dahil naramdaman niya ang sakit noon ay dali-daling kinuha niya ang phone. Muntik pa nga niyang mahulog iyon nang sinubukan niyang hablutin.

Halos hindi na siya makahinga nang sinagot niya ang tawag. Malakas rin ang tibok ng kanyang dibdib na akala mo bigla siyang pinatakbo sa highway ng isang holdaper na may hawak na baril.

"Manuel? Andyan ka ba? A-Are you driving?"

Binuka niya ang bibig at sinubukang magsalita. Pero, walang kahit isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. He was literally speechless and he's brain is stilll processing. Hindi pa rin siya makapaniwalang naririnig niya ang boses ni Apoline sa kabilang linya. Kulang na lang ata ay lumabas siya at magdiwang. God.

"Manuel? Hello? You don't sound like you're driving."

Her voice sounded a little hoarse, mukhang galing rin ito sa iyakan. Napahawak siya sa dibdib na ngayon naman ay nagsisimula nang kabahan. May nakalimutan ba itong sabihin sa kanya nung nag-break sila?

"A-Apoline..." nagawa niyang sabihin. Parang may pumasok ng magandang hangin sa mga baga niya nang masabi na niya ang pangalan ng dalaga. "I-I'm not d-driving..." Marahan siyang natawa para itago ang hiyang nararamdaman niya.

Hindi lang kasi ang boses niya ang nanginginig pati na ang katawan niya. Bukod sa kinakabahan na siyang baka may sasabihin pa itong nakalimutan nitong sabihin ay natatakot rin siyang isipin na baka nanaginip lang naman talaga siya.

"Good. Kapag sinagot mo ang tawag ko at nag-da-drive ka, so help me God..."

Alanganing napangiti siya. Is he allowed to miss her now? Is he allowed to say something like they're friends? Is he even allowed to assume anything? Umiling siya at naisipan na lang na sagutin ang litanya nito. "Hindi ako nag-da-drive... Nag-park lang ako sa tapat ng isang restaurant."

Saglit na hindi sumagot ang dalaga at nakinig lang siya sa paghinga nito at sa minsan nitong pagsinghot. He closed his eyes. He loved listening to her breathing. It's a sign that someone's alive. "Can we... Can we talk?"

Mas lalo na aman siyang kinabahan. "Apol..." maagap niyang sabi bago pa ito may sasabihin pang iba. "Kung may nakalimutan kang sabihin nang nakipag-break ka sa akin, pwedeng sa ibang araw na lang?" Baka mabangga kasi siya mamaya kung sasaktan na naman siya nito. Or better yet, humiga pa sa gitna ng daan at walang pakeng magpapasagasa. It already hurt when she just up and left him. It already hurt watching her leave and not being able to follow even if he wanted to.

"Manuel... Just... I want to tell you everything," nahihirapang wika ng dalaga. Suminghot muli ito. "Naiintindihan ko kung ayaw mo man, ako na lang ang pupunta diyan. Asaan ka ba?"

"Hindi sa ayaw ko..." Napahilamos siya sa mukha at hindi makapaniwalang tinitigan ang dashboard ng kanyang sasakyan. Tama ba ang naririnig niya? He shook his head. Hindi na lang siya magtatanong. Mamaya bawiin pa nito ang sinasabi. "Ako na lang ang pupunta sa'yo. Where are you, Apoline?"


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C20
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen